LOGINCHAPTER 124: EFFORT "Just move the chair and eat beside Matthew!" pagsuko ni Vladimir at tumayo siya para ilipat ang upuan ko sa tabi ng anak niya. Sqaure kasi ang istilo ng lamesa. P'wede naman pala ako sa gilid! Pumwesto naman siya sa gitna habang katapat ang asawa at anak niya. "Yehey! Tabi po tayo, ate!" maingay na ani Matthew at nakipag-high five siya sa akin. Tinugunan ko na lang ang ngiti niya at yumuko nang mag-pray nga siya. "Papa God at Papa Jesus, thank You po sa pagkain namin! Pati po kay Ate Reina! Sana po, bless Niyo po kaming lahat! Amen po!" Napangiti ako at sumabay roon. Napaka-cute talaga niya! Nakakatuwa! Sobrang pure niya! Nagmana siguro siya kay Ate Millie na mabait? Kumuha na rin ako ang plato nang may lamang kaunting kanin. Iyon ang inihain ni Vladimir para sa akin. "Thank you po sa pagkain, Ate Millie!" sinserong sambit ko at hinintay ko siyang makakuha ng ulam. "Walang anuman, 'neng!" simpleng aniya at ikinumpas ang kamay niya. "Kuha ka kahit marami!"
CHAPTER 123: ADDRESS"You're really good at ruining my peace, Reina." Para iyong sirang plaka na nagpa-ulit-ulit sa isip ko. Patapos na ang long weekend. Babalik na naman ako sa dorm dahil may pasok na naman pero hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi ni Vladimir no'ng gabing 'yon! Na-back to you nga yata ako dahil ako naman ang nasisiraan ng katinuan dahil sa kanya! "Ches, na-feel mo na ba 'yong tipong ayaw mo sa isang tao pero 'di siya mawala sa isip mo?" naiirita pa ring kwento ko sa katabi habang break time namin. Grabe naman kasi 'tong schedule sa College! Ang lalayo ng agwat. Dalawa lang ang klase namin. 'Yong isa, maagang-maaga tapos 'yong susunod alas tres na ng hapon. "Ate Reina naman!" bigla siyang ngumuso at nagreklamo sabay yakap sa braso ko. "Napapansin mo ba na gano'n ako?" aniya dahilan para umangat ang kilay ko. Luh? Siya rin gano'n? "Si Dave ba?" hindi ko mapigilang itanong. Pansin ko naman kasi iyon. Obvious sila masyado! "Ate!" nahihiya siyang tumili kaya na
CHAPTER 122: PEACEFUL LIFEPanay ang sulyap ko kay Vladimir nang sumama siya sa amin sa Cottage na gawa sa Nipa Hut. Pa-letrang U ang upuan at sa harapan ay naroon ang videoke machine. May patungan din doon ng mga pagkain at inumin. Agaw atensyon kami dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Si Matthew ay nakikipaglaro kina Naomi at sa ibang lalake naming kaklase. Nakabantay lang si Vladimir sa anak niya. Si Millie kasi, umuwi sa kanila para raw maligo pero tutulong daw siyang ubusin ang mga pagkaing dala namin bago kami umuwi. "Cheska raw!" tukso nila sa katabi ko dahil kumakanta na naman si Dave. Buti nga siya ang humawak ng mic. Maganda ang boses niya. Nakisali ako sa tawanan nila. "Tabi kayo, gusto mo?" bulong ko kay Francheska kaya mas lalo siyang namula. Pinagbigyan ko na si Dave nang lumapit siya sa amin. Umupo ako sa pinaka-sulok at pinanood ko sila habang na-i-inggit. Sana all may ka-mutual understanding! Hays! Nakakalungkot ulit maging single! Kailan kaya ulit ako magkaka-boyfr
CHAPTER 121: MATTHEW Nagkakantahan ang mga kaklase ko habang may mga nag-iinuman. Mostly, mga boys. Pero hindi ako tumikim. Juice lang ang sa akin at softdrinks naman kay Francheska. Magkatabi kami sa duyan. May mga bumalik sa dagat nang maghapon. May mga walang sawa ring nagpi-picture at phone ko ang gamit nila! Pinapanood ko lang ang paglubog ng araw. Sobrang nakaka-relax! Mas humahangin na dahil pagabi na kaya komportableng long skirt na puti na ang suot ko at hindi na iyong mini skirt. Suot ko na rin ang sandals ko. "If I could, then I would. I'll go wherever you will gostay wherever you will go..." pagkanta nila. Si Dave ang naggigitara. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa kulay kahel na langit. Nagre-reflect iyon sa malinaw na tubig. At kitang kita ang bilog na araw na palubog na! Sobrang ganda! Kung p'wede ko lang picture-an iyon ngayon, ginawa ko na! Kaso nasa kanila ang phone ko! "Nakakainis! Ang gwapo niya..." rinig kong bulong ni Francheska sa gilid ko pero masy
CHAPTER 120: NO PROBLEM, MISS "Last, Vincenzo?" banggit ng lecturer namin sa pangalan ko at hinintay ang score kong i-anunsyo ng kung sino mang nag-check sa papel ko dahil may quiz kami. "Three po!" malakas na sagot ng babaeng kaklase ko dahilan para maikuyom ko ang kamao dahil sa inis para sa sarili ko. Sinilip ko pa ang reaksyon ng professor namin at makita kong umiiling-iling siya. 3 out of 25 ang score ko? Sino bang hindi madi-disappoint? "Ang bababa ninyo! Sana ay ma-motivate kayong mag-aral pa lalo para sa upcoming exam ninyo! Huwag ninyong binabalewala ang mga score ninyo sa lecture!" pangaral niya sa amin bago siya lumabas. Napahilot ako sa sensitido ko at isinandal ang ulo sa armchair. Hindi naman ako matalino pero masipag akong mag-aral kaya nakakasali ako sa Top kahit papaano noong High School. Tamad kasi ang karamihan sa mga kaklase ko roon. Pero ngayon, nakaka-iyak! Matatalino at masisipag ang mga kaklase ko rito pero imbes na ma-pressure na magsipag din ay tinata
CHAPTER 119: ASAWA Napatitig ako sa repleksyon ko mula sa nakapatay na screen ng phone ko. Black straight hair at may black eye contacts akong gamit dahil ayaw kong masyadong mapansin kapag kulay brown at umaalon ang buhok ko. Lalo na kapag light blue ang mga mata ko! Kaya ba hindi rin ako pinansin ni Vladimir kanina? Dahil ba iba na ang ayos ko? Hindi ba niya ako nakilala? Impossible! Siguradong sigurado ako na siya iyon! Kilalang kilala ko siya, iyong katawan niya, iyong boses niya, iyong ngiti niya. Pero... Kumirot ang dibdib ko. Sino 'yong kasama niyang babae at bata? Pamilya niya? Tatlong taon na rin naman no'ng huli kaming nagkita. Isang taon akong huminto sa pag-aaral at ngayon, second year na ako. Ang daming nangyari! Matagal ko na siyang gustong makita. Pero bakit dito pa? Masyado bang maliit ang mundo para sa aming dalawa? Pero bakit 'di kami mapagbigyan ng tadhana kahit anong pilit naming piliin ang isa't-isa? "Ano? Na-video mo ba lahat? Patingin nga!" demanding na
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






