His Secretary, His Sin

His Secretary, His Sin

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-30
Oleh:  senyora_athenaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
11Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Matapos ang isang masakit na hiwalayan nila ng ex-boyfriend niya ay pinili ni Janella Villanueva na magsimula muli. Ang pagiging secretary sa isang malaking kompanya ang naging daan niya para muling buuin ang sarili—malayo sa nakaraan at tuluyang makalimot. Tahimik at kontento na siya hanggang sa dumating ang isang gabing hindi niya inaasahan. Isang gabing puno ng alak at emosyon ang nagtulak sa kanya sa mga bisig ng isang estranghero. Isang gabing mapusok na dapat sana’y manatiling lihim. Ngunit kinabukasan, sa loob mismo ng opisina, doon niya natuklasan ang katotohanan na ang lalaking iyon ay si Dominic Alcantara, ang bago niyang CEO. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at sabi pa ng iba ay isa daw itong playboy. At lalaking mahilig maglaro sa apoy. Ngayon, araw-araw silang magkasama. At habang pilit niyang pinoprotektahan ang puso niya, mas lalo namang lumalalim ang koneksyon sa pagitan nila. Pero may isang lihim na hindi niya kayang itago magpakailanman, ang bunga ng gabing iyon na maaaring magpabago sa lahat.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

Mabigat ang hangin sa loob ng bar kung nasaan si Janella ngayon. Puno ng usok ng sigarilyo ang paligid, idagdag pa amoy ng alak at halakhakan ng mga lasing na tila walang pakialam sa oras. Kahit tila umiikot na ang paligid ay pilit niyang binubukas ang mga mata niya. Mababang ilaw lamang ang nakasindi kaya tila inaakit ang mga mata niya pumikit. Kulay gold na kumikislap sa salamin ng mga bote na nakahilera sa likod ng counter. Hinaluan pa ng musika na malakas na tila iniindayog ang mga balakang ng bawat taong nandoon. Ngunit hindi pa rin sapat para takpan ang pintig ng pusong sugatan.

Nasa dulo siya ng bar nakaupo at nakasuot ng itim na dress na hapit sa katawan. Eleganteng tingnan ngunit halatang matagal nang nilalamon ng pagod at pait. Mapulang-mapula ang kaniyang labi at mga pisngi at sa bawat lagok niya ng alak ay para bang sinusubukan niyang lunurin ang mga alaala ng nakaraan.

Tila dinudurog na naman ang puso niya nang maisip ang boyfriend niya na may kasama sa condo unit nito. Excited pa siyang nagpaganda at nagpaayos para i-surprised ito sa anniversary nila pero siya pa ang na-surprised. Kitang-kita niya kung paano umiindayog ang katawan ng boyfriend niya na tila ba sumasayaw sa tugtog ng musika. Basang-basa pa ang dalawa sa pawis nang maabutan niya ang mga ito. Pero imbes na mag-eskandalo at sumigaw at saktan ang mga taksil ay pinili niyang manahimik at umalis.

At ngayon ay sising siya kung bakit niya piniling manahimik. Heto siya ngayon, umiiyak at gustong manakit para mabawasan ng kunti ang nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak, gusto niyang manakal ng mga taong mahilig manakit ng damdamin.

Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit pinili ng jowa niya na maghanap ng iba samantalang halos ibinigay niya ang lahat.

Halos..

Tama, hindi niya pala ibinigay ang lahat. Dahil hindi pa niya isinuko ang Bataan.

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit. Gusto palang kumain ng boyfriend niya ng monay pero hindi niya ibinigay.

“Isa pa,” bulong niya habang itinulak ang baso pabalik sa bartender.

Tiningnan siya ng bartender—lalaking nasa late 30s at sanay na sanay na sa mga eksenang ganito. Napailing ito at marahang itinulak pabalik sa kaniya ang baso. “Maam, tam ana siguro. Ang dami mo pong nang nainom.”

Napakunot ang noo niya. “Anong marami?” tanong niya dito at pilit na itinatama ang pagkakaupo kahit halata sa kilos niya na nawawalan na siya ng balanse. Tumikhim pa siya bago nagsalita ulit, “Sinasabi mo bang lasing ako? Hindi pa ako lasing kaya one shot pa.”

“Maam, kahit sabihin niyo pong hindi ka po lasing ay alam ko pong lasing ka na.”

“Hindi pa nga sabi! Alam mo paladesisyon ka, may pambayad naman ako ah!” mariin niyang sagot. “Isa pa.”

Umiling ang bartender pero matatag ang tono. “Hindi na po talaga puwede. Kahit anong pilit mo, delikado na po. Ayokong may masamang mangyari sayo dito.”

Napatawa na lang siya sa sinasabi ng bartender. Para naming malulugi ito kung may mangyari sa kaniya samantalang magbabayad naman siya sa iinumin niya. “Delikado? Delikado ang magmahal ng maling tao. Alam mo ba yon ha? Delikado ang ibigay lahat tapos iiwan ka lang. Ano pang delikado kung malasing ako? At least, dito makakalimot ako.” Diin niya at muling ibinigay ang shot glass niya.

Nagkibit-balikat ang bartender ngunit hindi pa rin siya inaabutan ng alak. Uminit ang dugo niya. Kumalabog ang palad niya sa mesa na ikinagulat ng dalawang customer sa gilid. “Sabi na ngang isa na lang eh! Isa na lang!” halos pasigaw na hingi niya.

Parang ito lang yata ang bar na ayaw magtinda ng alak. Napatingin ang bartender sa kaniya, halos maawa, ngunit nanatiling matatag. “Kung ipagpapatuloy mo pa ’to, mapipilitan akong tawagin ang guard. Pasensya na.”

Halos mabulunan siya ng sariling tawa. “Guard? Ako pa ang dapat bantayan? Ako pa talaga ang dapat pigilan? Eh kung siya kaya ang pigilan niyo? Yong ex ko na niloko ako pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko? Eh halos siya na nga ang umubos ng sahod ko tapos may gana pa siyang kum*n t*t ng iba!” Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo bago pa man mapansin ng iba. “Isang gabi lang. Huwag mo na akong ipagdamot sa alak.”

Tahimik ang bartender, ngunit halatang hindi pa rin bibigay.

At saka siya dumating.

Isang lalaking nakasuot ng dark suit, matangkad at may presensyang hindi basta-basta. Ang bawat hakbang niya papalapit sa bar ay parang bumabagal ang oras. Malinis ang hiwa ng buhok, matalim ang panga, at malamlam ang titig na para bang nababasa ang lahat ng iniisip mo.

Tumigil ito sa tabi niya at marahang inilagay ang kamay sa ibabaw ng counter. Ang boses nito ay malamig ngunit puno ng awtoridad.

“Kilala ko siya Harold,” anito. “Ako na ang bahala sa kaniya.”

Napatigil ang bartender. “Ay depunggol ka! Ikaw ba ang sinasabi nitong nanloko sa kaniya? Akala ko ba bawal sa grupo natin ang magpaiyak ng babae? Hindi ka pa rin nagbabago, Dominic.”

“I said, I’ll take care of her.” Mas tumalim ang tono ng lalaki na para bang magkakilala ang dalawa.

Napakurap na lang siya at kahit blurry na ang paningin niya ay pinipilit ituon ang paningin sa lalaki. “Pero hindi kita kilala” bulong niya, halos pabulong lang.

Bahagyang ngumiti ang lalaki, ngunit hindi umabot sa mga mata ang ngiting iyon. “Hindi mo kailangang makilala ako. Sapat na na ako ang bahala sa ’yo ngayong gabi.”

Nakita pa niyang umiling  ang bartender pero siguro magkaibigan ang dalawa kaya hindi na nito pinigilan ang tinawag nitong Dominic.

“Salamat,” malamig na sagot ng lalaki, saka lumingon sa kaniya.

“Hindi ako lasing,” muli niyang sab isa lalaki na ngayon ay karga-karga siya. Pero dahil dala ng kalasingan ay nahihilo na siya at gusto na niyang pumikit.

“Of course you’re not,” tugon niya, may bahagyang biro sa tinig. At bago pa siya makapagreklamo ay lumabas na sila ng bar.

Hindi siya makapiglas dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya at sa totoo lang, hindi rin niya alam kung gusto niya. Sa bawat hakbang palabas, lalo siyang lumulubog sa presensya ng lalaking iyon, presensyang nakakaakit at nakakatakot sabay.

Pagdating nila sa kotse ay marahan siyang isinakay ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya sumunod, kung bakit hindi siya tumutol. Siguro’y dahil sa pagod, siguro’y dahil wala na siyang lakas, o baka dahil sa kakaibang pakiramdam na ligtas siya dito.

Tahimik ang biyahe. Tanging musika mula sa radyo ang bumabasag sa katahimikan. Paminsan-minsan ay sumusulyap ang lalaki sa kaniya, ngunit agad ding ibinabalik ang tingin sa kalsada. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. Seryoso, malamig, ngunit may halong pag-aalala.

Pagdating nila sa isang condominium unit, inalalayan siya nito palabas at dinala sa loob. Malinis, moderno, at halatang pag-aari ng isang taong sanay sa marangyang pamumuhay ang loob ng unit. Malayong-malayo sa unit ng ex-boyfriend niya. Unit na siya mismo ang nagbayad.

Muli na naman niyang naalala ang ginawa ng lalaking ‘yon. What if gawin din kaya niya ang ginawa nito?

Umupo siya sa sofa, nakayuko at hawak-hawak ang bag na parang sandata. Ramdam niya ang bigat ng alak, ramdam niya rin ang bigat ng gabi. Nang iangat niya ang tingin, naroon ang lalaki, nakatayo sa harapan niya, nakatitig nang diretso.

“Bakit mo ’to ginagawa?” mahina niyang tanong.

Saglit itong natahimik bago sumagot. “Kasi kailangan mo ng may kasama. At sa ngayon… ako na ’yon.”

Hindi na siya nakapagsalita nang lumapit ang lalaki, yumuko, at dahan-dahang hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang haplos, banayad, ngunit sapat para pasiklabin ang apoy na matagal na niyang tinatago.

At nang magtagpo ang kanilang mga labi ay hindi siya tumutol. Alam niya na tapos na ang lahat ng pagpipigil niya. Ang gabing iyon, ang lahat ng pait at lungkot, ay natabunan ng init at halik ng isang lalaking hindi man lang niya kilala. Hindi na rin niya natatandaan kung anong pangalan ang tinawag ng bartender dito kanina sa bar.

At doon nagsimula ang lihim na magbabago sa lahat.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status