LOGINTatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
View MoreMainit ang ilaw ng fluorescent light sa lobby ng St. Lucia Medical Center, na para bang sinadya nitong ipakita ang lahat ng kaputlaan sa mukha ni Elena.
Nakasiksik siya sa matigas na plastic chair at mahigpit ang pagkakayakap sa brown envelope na parang yun na lang ang natitirang kalasag niya laban sa mundo. Sa loob nun ay puro medical bills, resibo, at test results ng kapatid niyang si Luis. "Miss, pasensya na po..." Narinig niya ang boses ng nurse mula sa counter kanina pa. "Hindi po talaga natin ma-schedule yung surgery hangga't hindi cleared yung balance." Tumango lang siya. Automatic na. Kahit alam niyang wala naman siyang kasunod na hakbang. Nakasanayan na niya ang ngumiti ng konti para lang hindi mahalata na gusto na niyang maiyak. Mabigat ang mga hakbang niya nang lumayo siya sa counter. Sa gilid, tanaw pa rin niya ang corridor kung saan nakahiga si Luis. Natutulog ito, mahina ang katawan pero pilit lumalaban. Naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan niya dahil mula kanina pa sya hindi makakain ng maayos dahil sa sobrang stress. Ano pa bang pwedeng gawin? Naupo siya sa gilid ng lobby, pinilit na ayusin ang envelope kahit wala namang kwenta kung ilang beses niya itong ililipat-lipat ng posisyon. "Excuse me..." Napalingon siya dahil sa narinig na maliit na boses, halos mahiyain pero malinaw. Akala niya nurse ulit, pero hindi. Isang batang lalaki ang nakatayo sa harap niya. Mga apat o limang taong gulang. Maputi at makinis ang balat na parang hindi pa naaarawan ng todo. Naka-light blue polo shirt na halatang branded, at may maliit na backpack na mukhang imported. Maayos ang gupit ng buhok nito pero halatang gulo-gulo na sa kakakalikot. Napatitig ito sa kanya, parang may hinahanap sa mukha niya. "Hi, ate," bati ng bata, mahinahon pero curious. Nagulat si Elena. "Hi..." ngumiti siya kahit hindi niya alam paano haharapin ang ganitong sitwasyon. "Nasaan ang mommy o daddy mo?" Pero imbes na sumagot, mas lumapit pa ang bata. Tumagilid ang ulo nito, parang ini-scan siya. "You... you look like someone I know." Napakamot si Elena. "Ah... baka kamukha ko lang," sagot niya, pilit na tinatawanan. Pero hindi kumibo ang bata. Sa halip, dahan-dahan pa itong lumapit hanggang sa halos katabi na siya. At bago pa siya makailag ay kumapit na ito sa laylayan ng blouse niya. "Huy-" gulat na wika ni Elena. Pero marahan lang ang boses ng bata, may halong pag-aalinlangan na parang ayaw nitong umasa. "Mama?" Natigilan si Elena, nanigas ang buong katawan niya. "Mama..." ulit ng bata, mas mahina pero mas buo ang tinig, bago biglang napuno ang mga mata nito ng luha. "Mama, don't leave me again..." Nag-umpisa itong humikbi, at bago pa niya magawang itama ay nakayakap na ang bata sa kanya, mahigpit at parang ayaw na syang pakawalan. "Wait, nagkakamali ka. Hindi ako-" naputol ang salita niya kasi naramdaman niya ang panginginig ng maliit na katawan nito sa bisig niya. Parang ilang linggo nang naghahanap ng safe place ang batang ito. Lumingon si Elena sa paligid at doon niya napansin na halos lahat ng tao sa lobby nakatingin na. "Hindi siya ang mama ni Eli, diba?" bulong ng isang matandang nurse. "Pero kamukha... grabe. Para talagang carbon copy," sagot ng isa. "Paano kung iniwan talaga?" dagdag pa ng isa, halatang nag-uumpisa nang kumalat ang chismis. Pinanlamigan siya ng pawis. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag, at hindi rin niya kayang itulak ang bata na umiiyak sa kanya. Hindi nya alam kung bakit kilala ng mga nurse na ito ang batang nakayakap sakanya. Anak kaya ito ng isa sa mga nurse o doctor dito sa hospital? "Eli!" Isang malalim at authoritative na boses ang biglang pumunit sa ingay ng lobby. Lahat napalingon ng pumasok ang isang lalaki. Matangkad ito, malapad ang balikat, at suot ang dark suit na parang naka-ukit sa katawan nito. Bawat kilos nito ay may bigat, at kahit simpleng titig lang, ramdam mo na sanay itong makontrol ang lahat ng tao sa paligid nito. Sa likod nito ay may dalawang bodyguards na malalaki ang katawan, pero kahit wala sila, sapat na ang presensya ng lalaki para tumigil ang lahat ng bulungan. Naglakad ito papasok, maingat at kalkulado ang bawat hakbang, at hindi maalis ang tingin kay Elena. Parang hindi siya tinitingnan nito bilang estranghera kundi bilang isang taong kinamumuhian nito. "Papa..." nauna ang boses ng bata, mas malakas na ngayon habang nakayakap pa rin kay Elena. "Mama's here. She came back." Parang sinampal si Elena sa narinig. Papa? Huminto ang lalaki ilang hakbang mula sa kanila. "Eli." Ang boses nito ay malamig, matalim, at may halong pag-igting na hindi maintindihan ni Elena. "Sir, nagkakamali kayo. Hindi ako-" halos magmakaawa siya pero pinutol siya ng malamig na tingin ng lalaki. "How dare you hold my son," dahan-dahan pero puno ng banta ang bawat salita nito. "After everything... you dare to show up here?" Kinilabutan si Elena. Hindi niya kilala ang taong ito. Pero halatang galit na galit ito sakanya, hindi lang dahil sa batang nakayakap sa kanya, kundi dahil parang may kasalanan syang hindi niya alam. At habang humihigpit pa lalo ang kapit ng bata, pakiramdam ni Elena ay para siyang natrap sa isang eksenang hindi kanya—isang bangungot na hindi niya pinili. Nag-freeze ang buong lobby. Lahat ng mata nakatutok lang sa eksenang nasa gitna—isang bata na umiiyak habang mahigpit na nakayakap sa estrangherang babae, at ang lalaking mukhang mataas ang estado sa buhay na ngayon ay puno ng galit ang tingin sakanya. "Elijah." Ang boses ng lalaki ay mas malamig pa kaysa sa aircon ng ospital. "Come here. Now." Pero mas humigpit lang ang kapit ng bata kay Elena. "No! I don't want to! Mama's here, Papa. She came back for me!" Napalunok si Elena. Ramdam niya ang maliliit na kamay ng bata na kumakapit sa blouse niya, nanginginig sa takot at pag-asa. Hindi niya kayang basta na lang itulak ito, pero ramdam din niya ang titig ng lalaki na parang sinasaksak siya ng paulit-ulit. "Sir..." nanginginig ang boses niya, pero sinubukan niyang tumayo ng tuwid. "Nagkakamali kayo. Hindi ko po-" "I said let him go." Ang boses ng lalaki ay mababa at kontrolado, pero parang bawat syllable ay may dalang utos na hindi pwedeng hindi sundin. Ang aura nito ay halatang sanay mag utos at hindi pwedeng mabali ang gusto. Humakbang siya palapit, at bago pa makagalaw si Elena, mariin nitong hinawakan ang braso niya. Hindi niya alam kung dahil sa takot o dahil sa presensya nito, pero parang kuryente ang dumaloy mula sa pagkakadikit nila. Nag-angat siya ng tingin. Sa lapit nila ngayon, kitang-kita niya ang lalim ng mga mata nito. Puno din ng sakit na parang hindi pa nagagamot kahit gaano ito kayaman o kapowerful. "You really have the nerve to come back here looking like nothing happened." bulong nito pero sapat para marinig niya. Napakurap si Elena, hindi makapaniwala. Come back? "Sir, hindi ko kayo kilala," mariin niyang wika, pilit na nilakasan ang boses niya kahit nanginginig. "Hindi ako yung iniisip ninyo. Wala akong-" "Stop lying." Lumalim ang titig ng lalaki at lalo nitong hinigpitan ang hawak sa braso niya. "You think you can just show up and pretend like you didn't abandon your own son?" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Elena. Ang bawat salitang binitiwan nito ay punong-puno ng poot, pero hindi niya maintindihan. Abandon? Son? Ni hindi pa nga nya sinisilang ang nasa sinapupunan nya, kaya paanong nagkaroon sya ng anak na inabandona? "Papa, please..." singit ng bata, umiiyak pa rin. "Don't take Mama away again..." Halos mabasag ang puso ni Elena sa narinig. Hindi niya alam kung sino ang babaeng inaakala nilang siya, pero ramdam niyang sugatang-sugatan ang batang ito. Humigpit pa lalo ang hawak ng lalaki, at sa gilid ng lobby, nagsimula na namang magbulungan ang mga tao. "Siya nga ba yung nawawala niyang asawa?" "Baka bumalik na..." "Pero bakit dito? At bakit ganyan?" Nagsimulang umikot ang ulo ni Elena. Gusto niyang sumigaw na hindi siya yung sinasabi nila. Gusto niyang ipaliwanag na wala siyang koneksyon. Pero paano? Hindi siya pinakikinggan. At ang titig ng lalaki sakanya ay puro galit at puno ng poot, pero sa ilalim nun, may bakas ng pagdurusa. Hindi niya alam kung paano, pero ramdam niyang itong taong ito ay nasaktan nang sobra. At ngayon, siya ang nagbabayad ng galit na iyon. "Papa, please! Don't hurt Mama!" Nagkakandarapa si Elijah sa paghila sa braso ng ama niya. Pero parang wala itong naririnig. Matigas ang panga ng lalaki, malamig ang titig habang hawak-hawak pa rin si Elena na para bang wala siyang karapatang kumawala. "Sir... bitawan niyo ako, please," pakiusap ni Elena, nanginginig ang boses. Ramdam niya ang panlalamig ng palad ng lalaki na nakahawak sa braso niya. Parang bakal na hindi mabali. Lalong dumami ang mga bulungan sa paligid. "Anak yata talaga niya 'yung bata..." "Pero bakit parang buntis siya?" "Teka, hindi ba't missing daw ang asawa ng Montclair Group CEO?" Si Elena ay napakagat-labi. Gusto niyang sumigaw ng hindi ako 'yun! Pero bawat salita niya ay parang nababaon sa ingay ng usapan. "Sumama ka na," malamig na utos ng lalaki. "You've caused enough scene." Mariin ang hawak niya, sapat para maramdaman ni Elena ang pagkibot ng kalamnan sa bisig niya. Napasinghap siya. Hindi lang dahil sa sakit kundi dahil biglang nag-ikot ang paningin niya. Diyos ko... hindi puwede ngayon... Napahawak siya ulit sa tiyan niya, halos mapaluhod. Agad siyang sinalo ng lalaki, mabilis na para bang automatic ang kilos nito. Naramdaman niya ang tigas ng dibdib nito nang mapadikit siya rito. At kahit nanlalamig siya sa kaba, hindi niya maiwasang maamoy ang mamahaling halimuyak ng suit nito—magkahalong sandalwood at crisp linen. "Papa! Don't shout at Mama, she's sick!" si Elijah, umiiyak pa rin habang hawak ang kamay ni Elena. Sandaling tumigil ang lalaki. Nakasalo pa rin siya kay Elena, nakatitig sa maputla nitong mukha at sa kamay nya na nakahawak sa kanyang tiyan. May anino ng pag-aalinlangan sa mga mata nito bago niya muling pinatigas ang sarili. "You're coming with me," mariin ulit niyang sabi. "Hindi ko po kayo kilala!" halos mapasigaw na si Elena, nanginginig. "At wala akong kinalaman sa iniisip ninyo!" Pero parang bakal ang hawak nito. Mainit, matigas, at parang wala siyang kalaban-laban. Naramdaman niya ang hapdi sa balat niya, at kasabay niyon, ang lalong pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi puwede... hindi ako p'wedeng basta na lang niyang dalhin kung saan-saan. Ano'ng iisipin ng mga tao rito? Ano'ng mangyayari sa kapatid ko kung mawala ako? At... Diyos ko, paano kung masaktan ang bata sa loob ko? Lalong bumigat ang dibdib niya. Napahawak siya sa tiyan niya, parang instinct na protektahan ang sanggol. Nag-uunahan ang mga nurse at guard na lumapit. "Sir, baka kailangan po nating ayusin 'to sa private room—" Pero tinaasan lang sila ng tingin ng lalaki. Isang tingin lang, at parang lahat ng staff ay natahimik. Ganoon kabigat ang presensiya nito. "Fine. Elijah," malamig nitong tawag sa anak. "We're leaving." Pero lalo lang kumapit ang bata kay Elena. "No! If Mama's not coming, I'm not coming too!" Ramdam ni Elena ang pagpintig ng sentido niya. Nahihilo siya at nanginginig, pero andoon ang maliit na kamay ni Elijah na kumakapit sa kanya na parang siya lang ang mundo nito. At doon na siya tuluyang napaluha. Hindi dahil sa galit ng lalaki, kundi dahil sa batang hindi niya kilala pero desperado sa presensiya niya. Bakit ako? Bakit ako ang napagkamalan niya? Hindi na siya naghintay. Sinamantala niya ang sandali, hinila ang bata palapit para maramdaman nito na ligtas siya kahit saglit, at saka dahan-dahang binitawan. "Elijah... I'm sorry. But I can't be your Mama." At bago pa siya tuluyang masira sa harap ng lahat, tumalikod siya at naglakad palayo. Ramdam niya ang mga titig, ang bulungan, at ang bigat ng hangin sa likod niya. Ramdam din niya ang mga mata ng bilyonaryong iyon, malamig at nanunuya, sinusundan ang bawat hakbang niya. Pero hindi siya lumingon. Kahit nanginginig at kahit halos bumigay ang tuhod niya ay pinilit niyang umalis. Dahil kung mananatili siya roon, baka tuluyang lamunin siya ng bangungot na hindi naman kanya.Umaga pa lang, pagod na agad si Elena. Halos buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Para itong mabigat na kadena na hindi niya matanggal, pero wala siyang magagawa dahil huli na.Ngayon, nasa tabi siya ng hospital bed ng kapatid niya. Nakaayos na sa stretcher at dinala na sa diagnostic floor para sa mga pre-surgery tests. Blood work, ECG, at kung anu-ano pang procedures na hindi niya maintindihan pero kailangang gawin bago ang operasyon.Habang nakaupo sa waiting area, pinipiga niya ang mga daliri niya, parang doon niya binubuhos lahat ng kaba. Please, sana maging okay ka. Kailangan mong mabuhay. Hindi pwedeng mawala ka sa akin.Minsan, napapahawak siya sa tiyan niya. Tatlong buwan na siya, pero ngayon lang niya naramdaman na doble ang bigat—isang buhay na dinadala niya, at isang buhay na sinasagip niya.Nasa ganoon siyang kalalim na pag-iisip nang may biglang humarang na anino sa liwanag. Pag-angat niya ng ulo, bumungad ang pa
Kinabukasan, halos hindi na nakatulog si Elena. Ang buong magdamag ay nilamon ng kaba at dasal. Nakatunganga lang siya sa bangko sa tabi ng kama ng kapatid, hawak-hawak ang mga resibo at listahan ng gamot na hindi niya alam kung saan kukunin ang pambili.Pero paggising niya, mas masahol pa ang sumalubong sakanya. Pagkapasok niya sa ospital, sinalubong agad siya ng doktor. Seryoso ang itsura nito. Dito palang ay may kutob na sya na hindi magandang balita ang dala dala nito para sakanya. Matalim ang bawat salita nito na dumampi sa tenga niya. “Miss Cruz, kailangan nang maoperahan ang kapatid mo. At hindi tayo pwedeng maghintay pa ng matagal. Kung hindi sya agad maooperahan ay posibleng maging delikado ang lagay nito.”Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Tumango lang siya, pero pagtalikod, halos manlambot na ang tuhod niya. Wala siyang pera.Kahapon pa siya nangangarap ng milagro. At ngayong araw na ito, hinihingi ng kapalaran na maglabas siya ng halagang ni sa panaginip, hindi ni
Mainit ang ilaw ng fluorescent light sa lobby ng St. Lucia Medical Center, na para bang sinadya nitong ipakita ang lahat ng kaputlaan sa mukha ni Elena. Nakasiksik siya sa matigas na plastic chair at mahigpit ang pagkakayakap sa brown envelope na parang yun na lang ang natitirang kalasag niya laban sa mundo. Sa loob nun ay puro medical bills, resibo, at test results ng kapatid niyang si Luis. "Miss, pasensya na po..." Narinig niya ang boses ng nurse mula sa counter kanina pa. "Hindi po talaga natin ma-schedule yung surgery hangga't hindi cleared yung balance."Tumango lang siya. Automatic na. Kahit alam niyang wala naman siyang kasunod na hakbang. Nakasanayan na niya ang ngumiti ng konti para lang hindi mahalata na gusto na niyang maiyak.Mabigat ang mga hakbang niya nang lumayo siya sa counter. Sa gilid, tanaw pa rin niya ang corridor kung saan nakahiga si Luis. Natutulog ito, mahina ang katawan pero pilit lumalaban. Naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan niya dahil mula kanina pa sy












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.