CHAPTER 04: DRUNK AND MAD"Try mo itong bra na 'to, ma'am. Size mo 'to kumpara sa mga baby bra na 'yan! May foam na ito para hindi makati sa utong," bulgar na alok ng sales lady nang sabihin ko ang gusto kong bilhin na klase ng pantakip sa dibdib."Tapos ito naman ma'am, sando na may foam na rin sa loob para 'di mo na kailangan pang mag-bra! May puti, skin tone, black, pink... pili ka lang ma'am!" Isa isa niya iyong ipinakita sa akin.Sinukat ko pa ang bra na sinabi niyang ka-size ko at sakto nga iyon sa akin kahit payat ako. Mas kumakapit iyon sa lumalaking dibdib ko. "Salamat po, ate!" Nginitian ko siya nang mabili ko ang lahat ng kailangan ko. Hindi ako nahirapan sa panty dahil nakita ko agad ang So-en na brand na gamit ko. Bumili ako ng sampung piraso ng bra, limang sando at tatlong box ng panty na iba iba ang disenyo. Plain colors, bulaklakin at mix ng dalawa."Card po," sagot ko sa kahera nang oras na para magbayad.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-14 Baca selengkapnya