Share

Chapter 78

"SIGURADO KANG dito ka matutulog?" Tanong ni Avi kay Xavier nang magkatabi na silang nakahiga sa kaniyang kama.

Alas nuwebe pasado na at pinauwi na rin ni Xavier ang kuya nitong si Xander. Niyayaya siya nitong umuwi sa mansiyon ng mga Oxford matapos silang kumain, pero ayaw niya. Wala na siya sa mood para bumyahe ng ganoong oras, at wala rin talaga siyang balak na umuwi roon.

Sa totoo lang kasi ay nakakaramdam siya ng ilang sa mga magulang ni Xavier. Hindi siya makakilos ng maayos doon tulad ng kung paano siya kumilos sa sarili nilang bahay. Kaya naman minamubi niyang sa mansiyon na muna nila siya mamalagi kaysa sa mga Oxford.

"Why? Ayaw mo ba akong katabi?" Kunot ang noong tanong sa kaniya ni Xavier. "Don't tell me, si Xander pa rin ang gusto mong katabi ngayong gabi?" Madilim ang mukhang tanong pa nito sa kaniya.

Hindi naman sa ayaw niya itong makatabi o makasama. Pero kapag pumapasok sa isip niya ang nangyari sa kanilang dalawa sa restaurant, pakiramdam niya ay nangliliit siya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status