Share

Kabanata 17: Battlefield

Hioner's Point of View

HINDI ko maiwasang maikuyom ang aking kamao habang pinagmamasdan ang mga halimaw at Colossals na sinusubukang sirain ang barrier ng academy. Kahit na dumating na ang knights ay hindi pa rin ito sapat para pigilan sila. Ang ilang knights kasi ay nasa Oakland para paslangin ang mga halimaw na sumalakay roon. Ang iba pang knights ay nadestino rin sa ibang lugar ng Phantasm dahil may mga pag-atakeng nangyayari din doon, at ang iba ay nanatili sa palasyo.

Nilingon ko si Piora na ngayon ay pawis na pawis na habang nakapikit at hawak ang kaniyang setro. Kanina pa niya pinapatibay ang barrier, at kahit na malakas siya ay hindi niya pa rin maiwasang mapagod, lalo na at may edad na siya. Ang kambal na sina Rasier at Rasiel naman ay nagpunta sa palasyo upang protektahan ang hari at reyna, dahil may banta rin ng pagsalakay doon.

Hindi ko lubos maisip kung paano nila napagplanuhan ang bagay na ito. Paano nila napakawalan ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status