Share

Kabanata 18: The Real Enemy

Hioner's Point of View

NILAPITAN kong muli si Piora upang alalayan siyang tumayo. Kitang-kita ko ang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Masama ito. Bumibigay na ang katawan niya. Ilang minuto mula ngayon ay tuluyan na siyang susuko at mawawalan na ng suporta ang barrier ng academy.

Kung sana'y may mga scroll pa, ay magagawa ko sanang maibalik ang lakas ni Piora, ngunit ang scrolls ay matagal nang naglaho kasabay ng pagkaka-seal kay Colossus. Naging sakripisyo ang mga ito upang mapagtibay ang seal na aming ginawa. Kung mayroon pa mang natitira, iilan na lang ito at mahirap nang hagilapin. Ngunit base sa nakikita ko ngayon, mukhang tuluyan nang nawalan ng bisa ang scrolls at humina na ang seal, kaya madali na lang gumawa ng butas upang malaya nang nakakalabas ang mga halimaw mula sa kaharian ng God of Havoc.

Pero ang tanong, sinong makapangyarihang nilalang ang gumawa ng butas sa seal?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status