Share

KABANATA 21

BAD LIAR 

The investigation went and for a day and the case was closed eventually because the evidences tells that it's an accident. Even the parents of Sabrina believes that their daughter is accidentally slipped off the stairs. Her funeral was held in Manila and there was no presence of Sage since the day of the incident. 

It's my birthday now but I'm not happy. We celebrated it na kami-kami lang sa Mansion. Lola is sick since that day kaya nakadagdag sa mood ko. 

Pagkauwi namin ay sinabi na isinugod daw sa ospital si Lola marahil dahil sa pag-aalala sa akin. 

Nang makaligo ay umakyat si ate Mae at kinuha ang aking mga duguang damit para sunugin daw. 

She embraced me at umiyak ako sa kanya habang tinatanong kung nasaan si Lola. 

"Nasaan po si Lola? alam po ba niya ang nangyari?" 

Tumango si ate Mae, "Nasa ospital ang Don at Donya dahil ng marinig ni nanay Ana ang nangyari ay nawalan siya ng malay," malungkot na saad ni ate Mae. 

Agad-agad akong bumaba ng hagdan at sinabihan si ate na siya na ang bahala sa aking kuwarto na mag-lock. 

"We'll go to the hospital..." saad ni kuya Queziah. 

May aasikasuhin kasi si kuya Driego na importante daw tungkol sa case ko. 

Kaya pumunta ako doon mabuti at naka-uwi kami kinabukasan.

Sa quarters muna ako nanatili habang hindi pa tuluyang gumaling si Lola. 

"Apo, ano ba kasi ang ginagawa mo doon, napagbintangan ka tuloy! Ayan na ang sinasabi ko eh!" 

"May mahalaga daw pong sasabihin iyong tao sa akin Lola. Nobya po siya ni sir Kaixus kaya..." yuko ko.  

"Kaya nga hija, mabuti at nandiyan sina Queziah at Driego. I can't help you, apo. Parang awa mo. Lumayo ka sa ganyang mga gulo." 

Iyon ang habilin sa akin ni Lola. 

"Blow the candle na hija," saad ng Donya sa akin. 

Naalala ko nanaman pala ang nangyari kahapon. I wish that everything will be okay and that Sage will not believe that I did it, also I wish that I can find my father soon. I'm already 18 and of legal age. I also wish for my business to continue growing. Isa iyon sa pinagkaabalahan naming magkakaibigan nitong nakaraan.

"Yehey!" sigaw ng lahat. 

Nagsikain ang lahat pero hindi ako masaya. Wala doon si Sage at alam kong galit siya sa akin dahil sa tingin palang niya noong araw na iyon. 

The days went blurry. My friends and I celebrated. May pasaporte na ako last year pa. Sabay sabay kaming kumuha na magkakaibigan sa tulong ni Alena at Collin. I was able to get my driver's license too and on the 6th day after my birthday Donya Diana gave me a ticket to France. 

"Para sa'yo iyan iha, go and enjoy!"

"Pero... Magpapaalam po sana ako kay Lola kung okay lang." 

"Sure hija. The final decision is yours," aniya. 

Nang tanungin ko si Lola ay natuwa siya. Hinaplos niya ang aking mukha. 

"Ikaw, apo. You should go. Maganda doon. I've been in France, once noong bagong kasal pa kami ni Lolo mo noon." 

"Sige po, Lola." 

On the 7th day ay hinatid ako nina Lola at ng Don at Donya sa Manila kasama sina Paula. 

Yumakap ako kay Lola at ganun din sa iba. 

"Mag-iingat ka. Yung pasalubong ko," ani Paula. 

"Sige ba, mag-ingat kayo palagi," Kako. 

"Take care hija," The Don said and embraced me.

Ganoon din ang Donya. 

"Thank you po," sagot ko sa mag-asawa. 

Muli kong yinakap si Lola, "Mag-ingat po kayo Lola." 

After I arrived in France the event went so fast. Nabalitaan ko rin na hindi na umabot sa ospital si Lola pero hindi ko mapuntahan ang kanyang libing.

Okay naman na ang lahat pero paanong nangyari iyon. Pinangako ko lang naman kay Sage na after ng isang taon ay iiwan ko ang San Gabriel tapos nangyayari talaga. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Sa sinabi ni Sage ay naduwag ako kaya napauwi ako ng maaga ng araw na libing ni Lola. Grabe ang aking iyak habang tinatawagan ko si tiya Lucy at pinapunta niya ako sa Ilo-ilo. 

"Ikaw na bata ka, ano bang nangyari?" 

Unang tanong niya sa akin pagka-kita namin sa isa't-isa. 

I narrated all the story pati ang pagkamatay ni Lola pero hindi ko sinabi ang nangyaring pirmahan namin ni Sage sa France. 

Doon ako tumigil ng tatlong araw. 

"Anong balak mo? Tinawagan ko ang isa pa naming kaibigan ng iyong Mama, si tiya Roxanne mo nasa Italy siya at nurse siya doon. Siya ang pwedeng tumulong sa iyo. Nakita mo na siya noon diba? Iyong pumasyal na nag bigay sa'yo noon ng sapatos galing sa Italy. She said na she can get you in Italy tapos pwede kang mag-apply." 

"Maraming salamat po tiya." 

Yumakap sa akin si tiya Lucy, "Kung nandito lang ang iyong Mama. My poor bestfriend..." she sigh.

Nag-iyakan kami ni tita. Nagpa-booked agad si tiya Lucy ng ticket ko papunta sa Italy at sa ika limang araw ang na biyahe ko paaalis. 

She asked me if I have extra money and I said, yes. May naipon pa ako at iyong pera na ibinigay sa akin ni Lola pati iyong ATM niya ay nasa akin. Nagpagawa din kami ng ATM ko ni tiya Lucy at saka inilipat ang lahat ng pera ni Lola sa loob ng apat na araw. Naka-ipon si Lola ng isang tatlong milyon sa kanyang ATM. Ang kalahati ng pera ay trinansfer namin sa account ko para sa proof of income. 

Sinabi ko rin na nagbebenta ako ng mga damit na mamahalin online. Iyong kasi ang naisip namin nina Maimah noong last year na nag ba-vlog sila ni Betty. Sinabi ko sa Donya iyon pati kay ate Avikah. Si ate ang nagbigay ng puhunan at saka bumibili ng mga gamit galing sa Europa. Si Paula ang nag la live selling at saka nagmamanage ng page at ibang sns account namin. Maraming mga artista at mga may kaya na sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Kaya naging bihasa kami nina Paula sa mga authentic items dahil mas lumago ang business namin. Ang sabi ni tiya Lucy ay pwedeng ipa copy ko BIR ko. Ginawa namin lahat ng iyon. Nakapasa nga ako sa immigration sa araw ng aking flight kaya tuwang-tuwa ako. I secure a VPN too so that I can use my phone overseas. 

The flight was smooth pero pagdating sa Italy ay medyo naninibago ako. Wala pa si tiya Roxanne sa airport she's got an emergency call from the hospital at sinabi niya na mauna na ako sa bahay niya sa malapit sa Rome pero my phone was stolen after ko bumaba sa taxi kaya nagtanong ako sa mga tao na nakakasalubong ko sa daan kung saan pwede makitawag. Most of them didn't accomodate me. Might be afraid I'm a scammer or so but some pointed a telephone booth at doon ko natawagan si tiya. Sinabi ko ang nangyari at kung nasaan ako kaya agad siyang pumunta after two hours. 

Yumakap ang kaibigan ni Mama sa akin.

"I'm sorry hija. I wasn't able to tell you about mga magnanakaw  dito. Mabuti at hindi ka nasaktan, kundi lagot ako. Let's go home." 

Tumango at ngumiti sa kanya. Taliwas sa pag-iyak ko kanina ng mawala ang aking phone. Andun lahat ng mga importanteng bagay sa cellphone ko. Sana lang ay hindi nabuksan ng magnanakaw. 

Simula noong araw na iyon ay nag-iba na ang takbo ng buhay ko. I had to work for myself. Hangang ngayon ay nasa Italy parin si tiya Roxanne and she is married na with an Italian doctor two years ago. 

Tunog ng kamay ang nagpabalik-diwa sa akin. 

"Seems like you're zoning out, finished your milk. I'll prepare our dinner," Sage uttered. 

Sumunod ako sa sinabi niya. Malakas pa lalo ang ulan sa labas at lalong lumalamig. After I drink my milk ay pumanhik ako sa itaas at nanood sa balcony. Pinapanood ko ang ulan at pagkulog at kidlat gaya ng dati kong ginagawa bago ang insidente na nangyari.

I am finally regaining myself again. Kakausapin ko sina Betty, Maimah, Violeta at Paula para ituloy namin ang pagbenta ng mga gamit muli. Nakalimutan kong sabihin sa kanila kagabi dahil sa kalasingan. Alam naman nila ang password ng shop. 

Yacinda, You are finally receiving your 18th birthday wishes. Isa nalang ang hindi at iyon ang hanapin ang iyong Itay. Siguro ay hindi niya alam na meron ka sa mundo kaya hindi ka niya hinanap o baka may pamilya siya. Pero kahit na, hanapin mo parin siya. Okay na na makilala mo manlang siya kahit hanggang doon lang  o malaman mo ang kanyang mga kamag-anak at malaman din nila na may apo, pinsan, pamangkin sila.

We had a sinigang na tilapia. Fried kangkong and asparagus at lasagna as dinner tapos iyong mga natirang wild berries ay ginawang smoothie ni Sage.

Siya ang naghugas, hindi niya ako hinayaang gumawa ng kahit na gawaing bahay. 

Umakyat ako at nag toothbrush. It's already 7:30 in the evening when I was done.

Saan matutulog si Sage eh bi-level studio lang ang kubo? Sa kabilang bahay? Paano kung may mga tauhan doon ano nalang ang sasabihin nila kapag dito siya matulog? 

"Bahala na..." bulong ko. 

Ilang oras ay hindi pa umakyat si Sage. I am surfing on the net at tinawagan ko si Paula.

"Hello!" aniya sa malat na boses. 

I think nagising ko siya dahil sa rinig ko ang hikab niya.

"Paula, alam mo pa ba ang mga password ng shop?" direktang tanong ko. 

"Wait lang babangon lang ako." 

Narinig kong humikab siya at umiinom ng tubig pagkatapos ay humikab ulit. 

"Bakit? Aanhin mo? Oo." 

"I planned to resume it sana ayusin natin iyong mga papers bukas kung hindi ka busy." 

"Sa Friday pa ako available eh pati iyong iba. Sabay kami ng mga day off." 

"Alright sa Friday then, ayusin natin. I'll order some stuffs na at by Monday ay pwede na tayong mag re-open ulit." 

"Naku! sige! sige! maganda iyan, lalo na dito sa atin ay dumadami na ang mga may pera taon taon dahil halos ay mga nasa abroad na." 

"Oo nga eh, sayang kasi iyon kaya ituloy natin. Kita rin tayo ng pwesto sa La Cita na pwede nating gawing physical store, kayo ang mamamahala dahil magiging busy ako." 

"Sure ba, Sinabihan mo na ang iba?" 

"Hindi pa. I will call them palang," saad ko. 

"Sige. Basta sabihan mo lang ako. Matutulog na ako at may klase ako bukas, sissy. Good night!"

After I call the rest, I chatted my personal assistant sa France at Italy para sa mga items na bibilhin. Medyo malaki laki ang puhunan na ilalabas ko pero may sapat naman akong budget para doon. 

Natapos ko na lahat pero wala paring Sage na dumating.

Alas diyes na, ano na kaya ang kanyang ginagawa? 

I got curious that's why bumaba ako para i-check siya but only to find out he's busy. He is in front of his laptop at tumingin siya sa akin ng nasa hagdan ako, after few seconds he is back to what he is doing on his laptop again. Maybe scanning important files and documents to read or so.

"Matutulog na sana ako. Where will you sleep?" I asked out of curiosity.

"I'm fine sleeping here in the sofa. You go and rest if you're already sleepy. I'm still working," tipid niya. 

"Yung kumot at unan mo ibababa ko nalang." 

He just nodded. 

Dito siya matutulog? Matigas ang sofa na kahoy. I inspected the sofa. Parang hindi siya ka kasya doon. Pumikit ako at sinaway ang aking sarili.

Stop being too nosy, Yacinda! 

Hindi ko mapigilang magsalita, "You can sleep upstairs," alok ko.

Tumingin siya sa akin. 

Tumikhim ako. "Sa lapag..." 

I smiled sweetly. 

"Alright! Be there after I finished all of this." 

I didn't answer him at pumanhik na sa itaas. 

Limang unan ang naroon. Apat sa akin at isa para kanya. 

Itinabi ko ang gagamitin niya pati ang kumot at ang gagamitin niyang sapin comforter na pang sapin sa lapag. 

Bahala kana diyan Sage. Matutulog na ako. I already dive into the bed and sleep but makalipas ang hindi ko alam kung ilang oras o minuto ano ay may naririnig akong parang nagsasalita.

Napabangon ako at hinanap kung saan iyon galing. 

It was from Sage! nananaginip siya. I check the time sa aking phone it's just 3 in the morning. 

Ginising ko siya dahil sa takot ko.

"Sage..." 

Tinatawag ang kanyang pangalan at tinatapik ang kanyang mukha. Nanginginig siya at parang may sinat. Medyo mataas ang kanyang temperatura. 

"Sage, wake up! You are dreaming and not feeling well..." Pagbangon ko sa aking asawa. 

I am so worried of him.

"Sage!.." ulit ko ng hindi pa siya nagmumulat ng mata. 

"Sage, please!... I am worried!" tinapik ko ang kanyang mukha at nagising siya sabay yakap sa akin. 

He heave a long sigh at humiwalay.

"I'm sorry..." aniya.

Kumuha ako ng tubig sa pitsel na nasa bedside table at nilagyan ang baso ko. Hindi pa naman ako umiinom at dalawa ang baso na kinuha ko. 

Uminom siya at saka sumandal sa side ng bed and he let his head rest on the bed.

"Where's the medicine kit?" 

Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. 

"Kitchen..." 

Nasa kitchen daw sa unang overhead cabinet kaya agad akong bumaba at kinuha iyon. Hinanap ko ang gamot at pinainom sa kanya. 

"You can sleep on the bed," alok dahil sa awa.

I will be lenient for tonight dahil may sakit ka at dahil sa akin ay nabasa ka, Sage. 

"No need, thanks," aniya at sinubukang mahiga muli pero kinuha ko ang unan niya at nilagay sa bed. 

I tap the bed and pointed it using my mouth. 

"Doon!" utos ko at sumunod siya. 

Kinuha niya ang kanyang kumot and he settled. 

I place the two pillow sa gitna namin para maging harang kahit papaano. King size bed naman ang bed kaya okay lang. Nakatulog na siya agad. Maging ako. 

Malakas pa rin ang ulan. I can hear it even the wind.

The heaven is making its way for me and Sage to be in one place.

Maaga akong nagising alas kuwatro pasado palang. Wala ng ulan at madilim pa sa paligid. Nagising na rin si Sage pagkatapos ng ilang minuto after ko at sinamahan ako sa balcony ng room. I am now having my milk made by him. While he is sipping his coffee. The two of us is enjoying the dawn together like normal couples do.

May our story will have a dawn like this. Na parang nagsasabing maganda ang sikat ng araw ngayong araw. Sana ay ganoon din ang mangyari sa amin despite of what happened in the past. May we have a bright dawn ahead of us. As a couple or as an individual. Whatever will happen within the two months, I should be grateful for all the learnings and memories. I will treasure it with an open heart at sana ay ganoon din si Sage. 

Sana nga talaga. Sana dumating ang araw na mawala ang lumot sa aming puso na dulot ng kahapon. I am afraid to start new life with him dahil hindi ko alam kung ano ang estado ko sa buhay niya. He is so hard to read, but easy to Love. He may look mighty but he got a soft heart. I didn't forget how he love someone because he is willing to go nuts because of it. 

The saddest part is it's not me. Kaya natatakot ako na mas tumagal pa kaming magkasama baka tuluyan kong makalimutan ang aking pangako sa araw na iniwan niya ako. 

A tear dropped from my eyes that's why I bow my head at tumingin ako sa itaas afterwards sabay singhap. 

He is intently looking at me while silent.  

Ngumiti ako sa kanya, "N-Napuwing ako, the wind is strong..." palusot ko para hindi niya mahalata na napaiyak ako. 

"Bad liar," He said, "Let's go inside before you'll caught a cold from the mist," patuloy niya. 

"Let's just finished our drinks here. I wanted to watch the dawn," saad ko at saka humigop sa milk. 

We spent the hours sitting and waiting for the sun to rise. Pagkatapos ay nagluto na siya ng agahan naming dalawa ng mag alas sais impunto na. 

Is he doing a kasambahay duty or just being generous enough and secretly telling me how a lazy cook am I? 

Ha! What the heck. I'll show him that my laziness has schedule. I am so tired recently kaya hindi ko gusto ng gumalaw ng gumalaw hangang maaari pero dahil nakaramdam ako na challenge ay papatulan ko siya.

Dahil ayaw niya akong makialam sa kusina ay hiniram ko ang kanyang laptop at saka inopen ang shop namin nina Paula. I posted an update that my mga comments na after 10 minutes. 

"You are finally back!!! It's been years!" 

"Message me directly what stocks do you have, please, thank you!"

Another comment.

"How much is the Hermes Kelly and Himalayan ninyo? Do you have stock on hand? Pm me please. Reserve a slot for me for Pre-order if there's no stock yet. I'll wait. xoxo welcome my favorite shopper!" - @valentinerosetti

"Hi, do you have the Rimova luggage in 32" silver and black. Reserve for me. I sent you a message." - @vanillaice

Dumadami pa ang mga komento kaya iyon ang aking mga sinagot isa isa buong maghapon. Nang papaalis na lang na kami ni Sage ako nakaligo dahil umabot na agad ng 500 ang pre-order items sa 12 hours palang iyon. 

Humanda kayo Paula. Hindi lang sa mga trabaho niyo sasakit ang ulo ninyo pati na rin sa pag ba-blog at vlog sa mga ibebenta natin sa shop. 

Halos wala akong perang nilabas dahil bayad na agad lahat ng nag Pre-order. I che-check nalang sa kanilang account kung may excess sa payment nila. Puro mga old clients lahat ng mga iyon. 

This is a good sign. Ito muna ang abalahin ko habang wala pa akong photoshoots. 

Sage is so curious kanina kaya naghilaan kami sa laptop niya. Mabuti at hindi nasira. 

"Give me that!" I chirped.

"Oh, you'll opening your shop again. I'll get you a physical store in La Cita and in Caleta," aniya. 

Hindi ako makasagot. Anong nangyari sa'yo Sage? Hindi naman tayo ganito ka lapit sa isa't isa noon, you are confusing me...

Sana talaga ay matapos namin ng maayos ang aming divorce papers. Sapat na ang maging civil kami sa isa't-isa. 

"No need..." saad ko.

Yumakap sa akin ang Donya ng makababa ako sa sasakyan pag-uwi namin. "Avikah called me, you open your store again daw iha. She wants to do a video call with you," salubong niya.

Yumakap ako pabalik, "Sige po.Sayang po kasi eh, and I have time to do it po ngayon. Kagabi ko lang po naisipan na mag re-open. We will process the legalities this coming Friday," masayang balita ko.  

"That's good! That's good!" aniya habang itinutulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa sala ng Mansion. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status