Mag-log inLumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
view moreROMANOV YACHT, MONACO
Nagising si Calista na parang may mabigat na kumakapit sa kanyang sentido. Kumirot ang ulo niya, parang may humahampas na alon sa loob ng isipan niya. Dahan-dahan siyang gumalaw—at doon niya napansin ang bigat na nakapatong sa kanyang tiyan, kasabay ng mainit na hiningang dumadampi sa kanyang balikat. Napasinghap siya. Muling gumalaw ang katawan niya, ngunit napangiwi siya sa biglaang sakit na naramdaman niya, lalo na sa gitnang bahagi ng katawan niya. Isang pamilyar pero nakakapanindig-balahibong kirot. Parang may sinasabi ang sakit—isang katotohanang ayaw pa niyang harapin. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Puting kisame. Marangyang kwarto. Mahinang ugong ng dagat sa labas. At nang ibaba niya ang tingin— Wala siyang suot sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang mga mata niya. Katabi niya ang isang lalaking hindi niya kilala. Matangkad, matikas ang hubog ng katawan, at halatang sanay sa karangyaan kahit sa pagtulog. Mahimbing itong natutulog, parang walang bahid ng pag-aalinlangan—samantalang ang mundo ni Calista ay biglang gumuho. “Oh my God…” mahina niyang bulong habang napahawak siya sa ulo. Ano’ng nangyari? Parang binuksan ang isang pinto sa alaala niya. Flashback. Ang ilaw ng yacht—golden at malabo. Ang musika na parang dumadaloy sa dugo niya. Isang baso. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod na shots ng alak na unti-unting nagpainit sa buong katawan niya. Ang pagkahilo. Ang init. Ang pakiramdam na parang nawawala ang kontrol niya. Ang pagpasok niya sa isang marangyang kwarto. Ang pintong nagsara sa likod niya. Isang lalaki. Isang titig na tila sinusunog ang pagkatao niya. Mainit na haplos. Mga halik na nagpaikli sa kanyang hininga. Mga ungol na hindi niya namalayang sa kanya pala nanggagaling. Isang gabing nalunod sa init, sa pagnanasa, sa kahinaang minsan lang niyang pinayagan ang sarili niya— “Stop…” napabulong siya, pilit ibinabalik ang sarili sa kasalukuyan. Biglang bumalik ang katotohanan. Nandito siya. Sa isang yacht. Sa Monaco. Katabi ang isang estranghero. At malinaw na may nangyari sa pagitan nila—isang bagay na hindi na niya maibabalik. Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang kaba na kumakain sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki na nakapulupot sa kanya, parang takot siyang magising ito. Maingat siyang bumangon, kinuha ang damit niyang nakakalat sa sahig, at mabilis na nagbihis. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, napalingon siya. Sandaling pinagmasdan ang lalaking naiwan sa kama—ang lalaking magiging simula ng pagbagsak ng maayos at planadong buhay niya. Hindi niya alam ang pangalan nito. Hindi niya alam kung sino siya. Pero isang bagay ang sigurado— Simula ngayong umaga, wala nang babalik sa dati. Tahimik niyang binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto, iniwan hindi lang ang lalaki, kundi ang isang gabing habambuhay na hahabulin siya. Habang unti-unting nagsasara ang pinto sa likod niya, isang katotohanan ang bumigat sa puso ni Calista: Minsan, isang gabi lang ang sapat para baguhin ang kapalaran ng isang babae. ----- MARCUS ROMANOV — POV ROMANOV YACHT, MONACO I woke up with a dull ache pounding against my temples. Not the usual kind. This one felt… heavier. Like it carried memories with it. I shifted and instinctively reached for the woman beside me. Empty. My eyes snapped open. She was gone. Only the faint trace of her scent lingered on the sheets—soft, warm, intoxicating. Not perfume. Her. And somehow, that made it worse. I sat up slowly, running a hand through my hair. “Shit…” I muttered. The silence in the room was too loud. Last night came rushing back in fragments. Champagne. Laughter. The low hum of the yacht slicing through Monaco’s waters. My cousins and friends—celebrating, teasing, insisting I needed a “proper gift.” A woman, they said. A distraction. I glanced down. The bedsheet was still creased, rumpled… and there it was. A small stain of red. My jaw tightened. “Virgin…” I breathed out, disbelief mixed with irritation. They had crossed a line. This wasn’t part of the game. She wasn’t supposed to be like that. She wasn’t supposed to matter. And yet—she left. Without a word. No goodbye. No name. No explanation. Just vanished. I leaned back against the headboard, staring at nothing. Why couldn’t I get her out of my head? Her face—beautiful in a way that wasn’t polished or artificial. Soft, but not weak. Her eyes—tantalizing, unreadable, like she was always holding something back. Her body—perfect, not because it tried to be, but because it simply was. And her kisses… I closed my eyes. They weren’t calculated. They weren’t skilled. They were real. Hesitant at first, then desperate, like she was afraid of wanting too much. Her moans still echoed in my ears—quiet, unguarded. “Putain…” I whispered under my breath. It made no sense. I’ve had women walk out of my life before. Countless times. Usually, I don’t even remember their faces the next morning. But this one— She crawled into my mind and refused to leave. Nakakabaliw. That was the Tagalog word Harrison used when something drove you insane. Yes. That was exactly it. I stood up, walked toward the wide glass window, and stared out at the endless blue of the Mediterranean. Who are you? And why does it feel like you took something with you when you left? This was supposed to be one night. No strings. No meaning. But as the yacht continued to drift quietly over the water, one truth settled deep inside me— I didn’t just want the memory of her. I wanted more. And I always get what I want. ----- CALISTA — POV PORT OF MONACO | EARLY DAWN Tahimik ang paligid habang marahan akong bumababa mula sa yacht. Masyadong tahimik—parang isang maling galaw lang, at may hahatak pabalik sa akin. Pero walang pumigil. Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang hampas ng alon at ang mabilis na tibok ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa suot kong damit, para bang iyon na lang ang nagtatali sa akin sa katotohanan. Nanginginig ang mga daliri ko, hindi ko alam kung dahil sa lamig ng umaga o sa bigat ng gabing iniwan ko. “Calista… umalis ka na,” mahina kong bulong sa sarili ko. Bawat hakbang palayo sa yacht ay parang laban sa alaala. The room. The bed. The warmth of his presence. Parang nararamdaman ko pa rin ang bigat ng tingin niya kahit nakatalikod na ako. Isang titig na hindi ko maintindihan—hindi mapanghusga, hindi mapilit… pero mapanganib. Parang kaya niyang basahin ang bawat lihim na pilit kong tinatago. Napapikit ako sandali. Hindi ito dapat nangyari. Isang gabi lang iyon. Isang gabing tinangay ng alak, ng kahinaan, ng sandaling paglimot sa lahat ng inaasahan sa akin. Sa pamilya ko. Sa sarili ko. Pero bakit parang may naiwan akong bahagi ng pagkatao ko roon? Huminga ako nang malalim, pilit pinatatatag ang sarili. Hindi ako pwedeng mag-alinlangan. Hindi ako pwedeng lumingon. Pero ginawa ko pa rin. Nakatayo ang yacht sa likod ko—malaki, marangya, at nakakatakot sa sarili nitong paraan. Parang isang mundo na hindi kailanman magiging akin. Isang mundo na minsan kong nasilayan… at agad ding tinakbuhan. May kumurot sa dibdib ko. Hindi ko man alam ang pangalan niya, pero alam kong hindi ko basta-basta makakalimutan ang lalaking naiwan ko roon. Hinaplos ko ang tiyan ko, ramdam ang banayad na kirot—isang tahimik na paalala ng gabing iyon. Ng init. Ng kahinaan. Ng isang desisyong hindi ko na mababawi. “Hindi ka pwedeng manatili,” mahina kong sabi. “Hindi ka pwedeng umasa.” Huminto ang isang taxi sa gilid ng kalsada. Mabilis akong sumakay, halos hindi marinig ang boses ko habang sinasabi ang address ng hotel. Habang umaandar ang sasakyan, tumingin ako sa bintana. Ang Monaco ay napakaganda sa liwanag ng umaga—golden, elegant, parang walang bahid ng kasalanan. Pero ako— May bitbit na akong isang lihim. Isang gabi. Isang lalaking hindi ko kilala. Isang alaala na ayaw umalis. Pinikit ko ang mga mata ko, pilit pinipigilan ang emosyon na gustong kumawala. “Isang gabi lang,” bulong ko. “Tapos na.” Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong nagsisinungaling ako. Dahil kahit tumakas ako— kahit iniwan ko siya nang walang paalam— may isang gabi sa Monaco na habambuhay na akong hahabulin. At may isang lalaking, kahit hindi ko kilala ang pangalan, ay tila isinulat na ng tadhana sa kwento ko.GREEN BEAN CAFÉMahina ang tugtog sa loob ng Green Bean Café, jazz na halos hindi marinig dahil sa mahinang bulungan ng mga tao. Umuusok pa ang latte ni Calista pero malamig na ang mga kamay niya habang nakaupo sa tapat nina Psyche at Claire.Napansin iyon ni Claire.“Cali, magkuwento ka nga,” ani Claire habang iniikot ang straw sa iced coffee niya.“Ang tahimik mo kanina pa. Hindi ‘yan normal.”“Saan?” maang na tanong ni Calista, pilit na ngumiti, sabay sulyap kay Psyche na para bang humihingi ng tulong.“Ayyy… maang-maangan,” napasimangot si Claire.“Spill it na. Alam mo namang hindi kami titigil.”Huminga nang malalim si Calista. Saglit siyang tumingin sa bintana, sa mga taong dumadaan—parang gusto niyang tumakas kahit sa tingin lang. Nang magsalita siya, mas mababa na ang boses niya.“Yun na nga…” panimula niya.“Before namatay si Daddy, malaki na talaga ang utang namin sa mga Wang.”Napahinto si Psyche sa pag-inom.“Utang?” ulit niya.Tumango si Calista, nanginginig ang daliri ha
WANG RESIDENCE — MANILABumukas pa lang ang pinto ng mansyon ay sumabog na ang galit ni Lixin Wang.“Putang—!”Sinipa niya ang isang marble side table, tumilapon ang dekorasyon at nabasag sa sahig. Walang pakialam ang mga kasambahay—sanay na sila. Kapag ganito ang amo nila, walang dapat lumapit.Kinuha niya ang bote ng mamahaling alak, walang yelo, walang halo. Isang salin sa crystal glass. Isang lagok. Dalawa. Tatlo.Humigpit ang hawak niya sa baso.“Calista…” bulong niya, may halong pagnanasa at galit.“Akala mo ba makakatakas ka?”Dinampot niya ang phone at tinawag ang assistant niya.Pagkasagot pa lang—“Qu ba Calista pengyou de beijing, quanbu cha qingchu.”(Investigate the background of Calista’s friends. Dig up everything.)Ramdam sa boses niya ang kontroladong poot.“Shi, Lixin xiansheng.”(Yes, Mr. Lixin.) magalang na sagot ng assistant.Uminom muli si Lixin, mas madiin.“Ta shenbian de ren tai fangsi le.”(The people around her are getting too bold.)Naglakad siya papunta sa
CHIU GROUP — LIAN’S OFFICEBumukas ang pinto ng opisina nang walang katok.Pumasok si Lixin Wang na parang siya ang may-ari ng buong gusali. Dire-diretso siyang umupo sa silya sa harap ng mesa ni Lian, walang paalam, walang hiya hiya. Ipinatong pa niya ang isang paa sa tuhod, kampanteng-kampante, parang panalo na ang laban.Nanlilisik ang mga mata ni Lian.“What do you want?” malamig niyang tanong, pilit kinokontrol ang galit.Ngumisi si Lixin—isang ngiting nakakaloko, puno ng panunuya. Kinuha niya ang sigarilyo, sinindihan ito, at dahan-dahang bumuga ng usok na tila sinasakal ang buong silid.“Wo hen xiangshou kan zhe ni yi dian yi dian bei nian sui.”(I really enjoyed watching you get crushed little by little.)Napalakas ang tibok ng puso ni Lian. Kumunot ang noo niya, pinipigilan ang sarili na hindi sumabog.“Ni wan de tai zang le, Lixin.”(You played dirty, Lixin.)pigil ang galit niyang sagot.Bahagyang tumawa si Lixin, mababa ngunit nakakainsulto. Tumayo siya at lumapit sa mesa,
BARBARA’S HERITAGE RESTAURANT — MANILAMaingay ang restaurant—tunog ng kubyertos, mahihinang tawanan, halong amoy ng lutong bahay.Pero sa gitna ng lahat ng ’yon, parang hiwalay si Calista sa mundo.Tulala siya, nakatingin sa baso ng tubig sa harap niya na hindi man lang niya ginagalaw.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong—Hanggang kailan ko kakayanin ’to?Hindi niya namalayan ang pag-upo ng isang pamilyar na babae sa tapat niya.Pinitik ni Psyche ang kamay sa harap ng mukha niya.“Hello? Earth to Calista.”Walang reaksyon.Pinitik niya ulit—mas malakas.“Cali.”Ilang segundo pa ang lumipas bago kumurap si Calista.“O… andito ka na pala?” matamlay niyang saad, pilit na ngiti ang isinunod.Sumandal si Psyche, pinagkrus ang mga braso.“Okay. That smile? Fake. What’s your problem?”“Wala,” sagot ni Calista sabay iwas ng tingin.Umirap si Psyche.“C’mon, Cali. I know you. Ganyan ka lang kapag may gustong sumabog pero ayaw mong umiyak sa publiko.”Nanahimik si Calista.Huminga siya


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.