MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO... "FINALLY tapos ka na," saad ni Charity sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo. Masaya niyang pinagmasdan ang munting hardin niya na ginawa sa likod ng bahay nang hapon na iyon. Sa sobrang boring niya sa mga nakalipas na araw ay iyon ang napagdiskitahan niyang gawin, tho mahilig naman siya talaga sa mga halaman. Isang linggo na sila sa Isla Silvestre pero wala naman nangyayari sa kanila ni Cameron. Actually, lagi itong wala dahil tila may mahalaga itong inaayos. Halos hindi na nga sila magkita dahil sa tuwing gigising siya ay wala na ito. Katulad ngayon, nasa isla nga si Cameron pero maghapon itong nasa silid. May balak ba talagang magkaanak ang mokong na iyon? Bulong ni Charity sa isipan. Inayos niyang muli ang mga tipak ng bato na ginawa niyang patungan sa ibang mga halamang nasa paso. Nang matapos sa ginagawa at nakapaglinis na ay umakyat siya sa taas upang makapagpalit ng damit, balak niyang lumusong
GABI na nang magising si Charity dahil siguro sa pagod sa pag-angkin sa kaniya ng binata, not just once, twice but many times. Tila sabik na sabik ito. Wala na si Cameron sa tabi at pinakinggan ang banyo kung may tao roon, pero wala. Nanakit ang buong katawan niya na tila binugbog siya, pero mas ramdam niya kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Marahan siyang bumangon habang nakatapis sa kaniya ang blanket dahil wala pa siyang saplot sa katawan nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa eleganteng wall clock at nagulat siya nang makitang alas otso y medya na. Kita niya ang bahid ng dugo sa puting bed sheet tanda na naipagkaloob na nga talaga niya ang pagkababae kay Cameron. Wala siyang makapang pagsisisi, sa totoo niyan ay tila ang saya ng puso niya dahil kay Cameron niya iyon naipagkaloob. Wala ang mga saplot niya at alam niyang naiwan iyon sa tabing dagat, kaya dala-dala niya ang mabigat na blanket habang palabas ng silid ni Cameron at patungo sa sarili niyang
KANINA pa tinatawagan ni Charity ang kaibigang si Milet, pero ring lang nang ring ang cellphone nito, malamang ay busy na ito sa trabaho dahil pang gabi ang trabaho ng kaibigan. Binigyan siya ng cellphone ni Cameron bago ito umalis at mahigpit na ipinagbilin na tanging ang kaibigan lamang niya ang maari niyang tawagan. Malamang ay si Milet lang ang tatawagan niya dahil wala naman na siyang ibang pamilya at hindi siya interesadong tawagan ang tiyahin niya. Buti na lang talaga ay kabisado niya ang number ng kaibigan. Nang wala pa rin sumasagot ay nagpasya na siyang bumaba sa kusina upang tignan kung ano ang iniluto ni Ms. Salve para sa kanila nang gabing iyon. Nadatnan niya itong naglilinis sa kusina kahit gabi na. Pero malinis naman na ang lahat, sadyang ganoon lang siguro ang mga matatanda. "M-magandang gabi po," nag-aalangang bati niya sa matanda na laging seryoso ang mukha at hindi talaga marunong ngumiti. Parang si Cameron lang. Tinapunan siya ng tingi
KABADONG kabado si Charity habang nakasunod kay Servant Kim. Papasok sila sa isang magara at kilalang hotel sa manila, medyo nahihiya siya sa kaniyang suot, sa tuwing makakasalubong ang mga mayayamang taong naroon. Naka baby pink t-shirt lamang siya at jeans atsaka isang simpleng white sandals sa paa. Biglaan lamang ang pagsundo sa kaniya ni Servant Kim sa Isla Silvestre, kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong maghanap ng maisusuot na maganda. Si Cameron daw ang nagpasundo sa kaniya sa isla. Mahigit dalawang linggo na rin buhat nang hindi niya makita ang binata at hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng saya sa isipang masisilayang muli ito. Sa elevator ay may pinindot na floor si Servant Kim na may nakalagay na VIP. "Miss Charity," untag ni Servant Kim sa kaniya, silang dalawa lamang ang lulan non. Napatingin siya rito, laging tila nakangiti ang mga mata nito, hindi katulad ni Ms. Salve, laging nang-iirap. "B-bakit ho?" "Okay ka
HINDI pamilyar ang lugar na pinuntahan nila, palinga-linga sa paligid ang dalaga at sa isang building na tinutumbok ng mga paa nila. Papasok pa lamang ay sinalubong na sila ng mga lalaking nakauniporme at yumukod pa ang mga ito kay Cameron. Dumiretso sila sa isang magarang silid na kung hindi siya nagkakamali ay may mga gamit sa pang-tattoo. Kinabahan bigla ang dalaga. "Anong gagawin natin dito?" Usisa niya kay Cameron. Hindi siya sinagot ng binata, hangang sa may isang lalaking pumasok. Matangkad, maputi, gwapo at nakangiti. "Hindi ko akalain na ikaw pala, Boss Cameron," nangingiting turan ng lalaki kay Cameron. "Shut up, Isaiah. Mark her for me," saad ni Cameron sa lalaki at itinuro siya. "Whoah, seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki at tinignan siya habang hinihimas himas pa ang baba nito na tila may naiisip. Bumaling ito muli kay Cameron. "Is she your wife or what?" Usisa pa nito sa binata. Matalim ang ting
"YOU JERK!" sigaw ni Senior Silvestre ang pumuno sa loob ng library na iyon. Nakaupo ito sa swivel chair nito at nagpupuyos sa galit. Halos maglabas ng apoy ang mga mata nito na nakatitig kay Cameron. Nalaman kasi ng matanda ang ginawang pagmamarka kay Charity. Halos napaigtad pa at nagpapawis ng malamig si Servant Kim nang mga sandaling iyon na naroon sa gilid ng silid. Habang si Cameron na nasa harapan ng table ng ama ay walang katinag-tinag na animo sanay at inaasahan na ang ganoong tagpo. Nakapamulsa ito at nilalabanan ang titig ng ama. "Are you out of your mind, Cameron?! Why did you do that?!" Muling galit na sigaw ng matanda. "What's the big deal about it?" Malamig na turan ni Cameron sa ama. "Idiot!" "Call what you want, pero hindi na mababago ng galit mo ang nangyari na." "Asshole!"atungal pa rin ng matanda, pagkatapos ay kumalma ng bahagya ang matanda, pagkaraan ay marahang nagpakawala ng nakakainsultong tawa. "I get it, you're
PARANG sirang plaka na nag-eco kay Charity ang sinabi ng binata. A dance lap would do... Sira ba 'to? Hindi siya marunong mag-lap dance. Pero sa kabila nun ay patuloy ang paglapit niya sa binata kahit hiyang-hiya siya. Pakiramdam kasi niya ay napakapangit niya, habang hubo't hubad na naglalakad sa harapan ng isang greek god. Pero hindi alam ng dalaga na sa paningin ng binata ay tila isa siyang dyosa habang papalapit siya rito. "H-hindi ako marunong mag-lap dance," anang dalaga na may pagkautal habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nasa harapan na siya ng binata nang mga sandaling iyon. Ngumisi si Cameron. "I'll let it pass now, but next time you'll do it in my lap." Tsaka siya kinabig nito sa balakang upang mapalapit siya rito. "Ride on me, Charity." Makikita sa mga ni Cameron ang matinding pagnanasa. "R-Ride? H-hindi ko maintindihan..." Hindi alam ni Charity kung tama ba ang nakita niya na tila nagpipigil ng ngiti si Cam
NANGINGINIG si Charity at pigil hininga habang pinagmamasdan ang hawak na pregnancy test. Pinagpawisan siya ng malapot at biglaanv nanlamig ang kaniyang mga kamay. Dalawang pulang line ang visible roon at alam naman na niya ang ibig sabihin nun. She's pregnant. Sinubukan lamang niyang mag-PT dahil halos dalawang linggo ng hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. May mga PT na naroon sa kaniyang silid na sinadyang ilagay doon upang anumang oras ay makapag PT siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Wala sa loob na nahawakan niya ang impis na tiyan at marahang hinaplos iyon habang pinagmamasdan pa rin ang pregnancy test na hawak. Nagbunga na ang mga naganap sa kanila ni Cameron at isa lang ang kahulugan nun, mapapasa kamay na niya ang dalawang milyon ayon sa kasunduan. Pero bakit wala siyang maramdamang saya? Hindi ba iyon lamang ang hangad niya, ang makuha ang pera at mabuhay ng maayos, malayo sa kinagisnan. Hindi ba siya m