NAKATULOG si Stefan pagkatapos umiyak kaya nakalabas ng kuwarto si Cassandra. Madilim na sa labas at naghahanda na ng hapunan si Lola Isabela. Wala silang kasamang kawaksi kaya sila na ang nagluto. Naghatid naman ng ulam ang caretaker pero gusto ng ginang ng ibang putahe.Tinulungan niya ito sa pagluluto ng native na gulay. Mayamaya naman ang sipat nito sa kaniyang mukha, marahil ay napansin ang mugto niyang mga mata.“Bakit ganyan ang mga mata mo, hija? Umiyak ka, ano?” anito. Naghihimay ito ng dahon ng malunggay.“Opo,” tipid niyang tugon. Naghiwa naman siya ng patola.“Ay, bakit? Inaway ka na naman ba ni Stefan?” Tumaas ang timbre ng boses nito.“Hindi po. Nadala kasi ako sa emosyon niya nang magkuwento tungkol sa nangyari sa pamilya niya noon.”Mulagat na tumitig sa kaniya ang ginang. “Seryoso ka ba riyan, hija?”“Opo, Lola. Ang lungkot pala ni Stefan.”“Himalang nagkuwento siya,” komento nito.“Bakit po? Ayaw ko pa niyang pinag-uusapan ang pamilya niya?”Umupo sa silya ang ginang
APAT na oras lang ang naitulog ni Cassandra kaya pagdating ng opisina ay wala siyang lakas magtrabaho. Inumaga na siya kakaisip ng kaniyang agam-agam at damdaming umuusig sa kaniya. Ginising na siya ni Stefan kaya napilitan siyang bumangon at babalik na sila ng Maynila. Nasa opisina siya ni Lola Isabela at ginawa ang paperwork nito. Hindi niya natiis ang antok at umidlip siya habang nakaupo sa swevil chair. Ngunit ang idlip ay nahulog sa malalim na tulog. Akala ni Cassandra ay panaginip lang na tila siya’y nakalutang. Kalaunan ay natanto niya na totoo ngang nakalutang siya pero ramdam niya ang mga kamay na may buhat sa kaniya. Mabigat ang kaniyang mga mata kaya hindi na siya nag-abalang magmulat. Hanggang sa lumapag ang kaniyang katawan sa malambot na bagay. Napahimbing ang tulog ni Cassandra at ginising lang siya ng amoy ng ulam. Mamaya ay may mainit na kamay na humaplos sa kaniyang pisngi. Tuluyan siyang nagmulat ng mga mata. Mukha ni Stefan ang nasilayan niya na nakadukwang sa k
LUMAYO si Cassandra kay Janica dahil masama rin ang tingin sa kaniya ni Lola Isabela. Mukhang nahalata na nito na nakikisimpatiya siya kay Janica. Hindi na maipinta ang mukha ng ginang at dagling nilapitan si Janica. “How dare you came here to ruin my grandson!” singhal ng ginang kay Janica. “Lola, hindi n’yo po naintindihan. Wala akong ginawang masama at nagkamali lang ng akusasyon si Stefan. Hindi ko siya pinagtaksilan,” paliwanag ni Janica. “Ano pa man ang dahilan mo, huli na, Janica. Kasal na ang apo ko! Mahiya ka naman sa pinaggagawa mo! At huwag mong malapit-lapitan si Cassandra para gamitin siya!” “You can’t fool me, Lola. I know it’s also your idea to convince Stefan to marry another woman to forget me. Tanggap ko naman na sa simula pa lang ay ayaw n’yo na sa akin. Pero huwag naman kayong selfish. Mahal ko ang apo n’yo, at alam n’yo ring mahal ako ni Stefan,” depensa ni Janica. “Hindi lahat aayon sa gusto mo, Janica. Sinaktan mo na ang apo ko at hindi hamak ang dinanas ni
PINANINDIGAN na ni Cassandra ang kaniyang kalokohan. Talagang hindi niya binalik sa daliri ang kaniyang wedding ring. Kinabukasan ay galit na galit na si Stefan at talagang ayaw siyang paalisin ng bahay. “Bakit ba? Ano naman kung wala akong suot na singsing?” maktol niya. Nag-aalmusal na sila at hindi kasama si Lola Isabela. Sopas lang kasi ang almusal nito at abala na sa paghahalaman sa hardin. “Ayaw kong maging isyu pa ‘yang singsing, Cass. Maraming tsismosa sa kumpanya, lahat napapansin. Mainit pa ang gulo kahapon, baka isipin nila maghihiwalay na tayo dahil hindi mo suot ang singsing,” palatak nito. “Asus! Ang babaw naman ng dahilan. Takot ka lang husgahan ng mga tao, eh.” Lalong nairita si Stefan, nanlisik na ang mga mata. “Magseryoso ka naman, Cass. Respect our marriage, and don’t act like you’re playing here.” “Ano pala ang gagawin ko? Hindi ko na makita ang singsing.” “Maghahanap ako ng katulad ng singsing. Dito ka lang muna at samahan si Lola.” “Sige. Mag-online consu
NAALIMPUNGATAN si Cassandra nang maramdamang tila nakalutang siya. Napatitig siya sa mukha ni Stefan. Buhat na siya nito at naroon sila sa kuwarto. Inihiga siya nito sa kama. “S-Stefan,” paos niyang sambit. “Sorry, I’m late,” anito. “S-Saan ka ba nagpunta?” “I talked to Janica.” Naghubad na ito ng coat. “A-Ano’ng nangyari? Okay na ba kayo?” “I just clarified some important things to her to stop chasing me.” Iba na ang naisip niya, na baka wala na ngang balak si Stefan na balikan si Janica. “Hindi mo pa siya pinatawad?” aniya. “I have forgiven her, but things are different now. Maraming dapat isaalang-alang. And I don’t want my life to be complicated since we’ve just married.” “Pero at least bigyan mo siya ng assurance kung balak mo pa siyang balikan. Para naman hindi umasa ‘yong tao.” Marahas na humarap sa kaniya si Stefan. “Stop dictating to me what to do, Cass! I know naawa ka kay Janica, but it’s not your responsibility. Leave this mess to me and do your duty as part of
SINUBUKAN pa rin ni Cassandra na buksan ang link na pinadala ni Dr. Tobi, at napunta siya sa official website ng online consultation ng ospital. Inayos niya ang kaniyang upo habang hinihintay na magbukas ang video. Inilugay rin niya ang kaniyang buhok. Mamaya ay nagpakita na sa video si Dr. Guellera. “Good morning, Doc.!” nakangiting bati niya rito. “Good morning! You’re late,” anito. Matamis ang ngiti nito, nagpakita pa ng cute na dimples. “Ano kasi….” Lumingon siya kay Stefan na tumigil sa pagtugtog ng gitara. Nakatingin ito sa kaniya. “Are you at work?” tanong ni Tobi. “Ah, hindi po. Narito lang ako sa bahay,” mabilis niyang tugon. Ibinalik niya ang focus sa kausap. “Okay. Pero maiksi na lang ang oras natin kasi may isa pa akong pasyente na kakausapin, ha?” “Sige po.” “Sabi mo last time, biglang taas ang glucose level mo, then bumagsak kinabukasan kahit hindi ka nagturok ng insulin. Ano ba ang mga kinain mo?” sabi nito. “May kinain kasi akong candy na merong chocolate, sig
SA US pala nailibing ang labi ng daddy ni Stefan. Ang puntod lang ng mommy nito at lolo ang pinuntahan nila. At kuwento ni Lola Isabela, never pa umanong binisita ni Stefan ang puntod ng tatay nito. Pagkatapos mag-alay ng dasal ay umalis din sila kaagad. Dumidilim na rin kasi at lalong tumindi ang traffic. Dalawa na lang sila ni Stefan sa backseat dahil katabi ng driver si Lola Isabela. Wala pa rin silang imikan na mag-asawa. Aywan niya bakit pati siya ay pinagbubuntunan nito ng inis. “Kainis! Anong oras pa tayo makakauwi nito? Nagugutom na ako!” maktol ni Stefan. Hindi na maipinta ang mukha nito. “Ano’ng magagawa natin, nasa Pilipinas tayo, apo,” ani Lola Isabela. “Dapat kasi mas inagahan natin. Naligo pa kasi kayo sa swimming pool. Dapat pagdating ko ready na kayo.” “Nako! Kahit naman maaga tayong umalis, aabutan pa rin tayo ng traffic. Huwag ka na ngang magreklamo. Pagdating sa bahay, makapagpahinga ka rin.” “Kung sana makapagpahinga kaagad. Malamang anong oras na naman matut
HALOS madikit na ang katawan ni Cassandra sa kama sa bigat ng kaniyang pakiramdam. Tila ba siyang nabugbog at nanakit ang buong katawan niya. Alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa siya makabangon. Wala na si Stefan sa kaniyang tabi, malamang ay nasa opisina na. Bahagya siyang nahilo kaya nagsumikap siyang bumangon at kinuha ang glucose monitor niya. Nang malamang bumagsak na ang glucose niya, kaagad siyang kumain ng chocolate. Mabilis naman ang epekto nito kaya nakakilos siya nang maayos. Naligo na siya pero dahil walang sinabi si Stefan na papasok siya sa opisina, hindi na muna siya aalis ng bahay. Pagdating sa kusina ay naghalungkat siya ng makakain. Merong garlic rice na naluto at da*ng na bangus. Hindi siya nag-alangang kumain nang maraming kanin dahil mababa ang glucose niya. Sira ulit ang kaniyang diet. Pagkatapos ng almusal ay pinuntahan niya sa hardin si Lola Isabela. Naglilipat na ito ng napunlang talong dahil malalaki na. “Ano ba ang sabi ni Stefan? Hindi ka pa rin magre