Mag-log in[MATURE CONTENT] "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Mga salitang ayaw marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil ngayon ay tuluyan na siyang naikasal kay Lucas. Dahil sa pagiging pasaway ni Athena ay napagdesisyunan ng kanyang ama na ipakasal siya sa bestfriend nito na si Lucas Infante. Bagamat malaki ang agwat ng kanilang edad ay wala na ring nagawa pa si Athena dahil sa ayaw naman niyang tuluyang magalit ang kanyang ama sa kanya kaya naman napilitan na lamang siyang sundin ang nais nito. Nagkaroon ng kasunduan sila Athena at Lucas. Pero sa paglipas ng taon ay unti unti ng nahuhulog ang loob ni Athena kay Lucas pero nahihiya siyang umamin sa tunay na nararamdaman niya para rito dahil sinabi niya sa sarili niya na hinding hindi niya mamahalin si Lucas. Pero ano nga ba ang gagawin ni Athena ngayon na mawawalan na ng bisa ang kanilang kasal ni Lucas? Aamin ba siya sa tunay na nararamdaman niya rito para hindi na matuloy ang paghihiwalay nila? O tuluyan na lamang niyang kakalimutan ang nararamdaman niya para kay Lucas dahil nahihiya siyang umamin dito?
view moreCHAPTER 1
ATHENA MADRIGAL “I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.” Mga salitang ayaw pang marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa harapan na siya ngayon ng altar at opisyal ng sinabi ng pari na sila ay kasal na ni Lucas Infante ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Athena bago siya humarap kay Lucas na ngayon ay asawa na niya. At nang itaas na nito ang kanyang suot na belo ay nanatili lamang na seryoso ang kanyang mukha. “Ngumiti ka naman kahit ngayon lang. Maraming tao ang nakatingin sa atin at ayaw mo naman siguro na mapagalitan ka ng iyong ama pagkatapos ng kasal na ito,” mahinang sabi ni Lucas kay Athena dahil hindi na talaga niya napigilan pa ang kanyang sarili na pagsabihan ito ng ganon dahil kanina pa talaga niya napapansin na nakasimangot o di kaya naman ay walang emosyon ang mukha nito. “Okay na ba to?” mahinang sabi ni Athena kay Lucas habang may pilit na ngiti sa kanyang labi na para bang nang aasar pa ito at saka niya inirapan si Lucas. Napabuntong hininga na lamang talaga muli si Lucas at napapailing na lang din talaga siya sa inasal na iyon ni Athena dahil para talag itong bata. At para nga matapos na iyon ay isang magaan na halik sa labi ang iginawad ni Lucas kay Athena na ngayon ay asawa na niya. Kanina pa kasi naghihintay ang lahat ng naroon na nakatingin sa kanila na halikan niya si Athena. Masigabong palakpakan naman ang umalingawngaw sa loob ng simbahan matapos na halikan ni Lucas si Athena. At habang ang lahat ay masaya sa kanilang nasaksihan si Athena naman ay natulala na lamang at hindi kaagad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya inaasahan na sa labi talaga siya hahalikan ni Lucas. Mahina naman na siniko ni Lucas si Athena ng mapansin niya na natulala na pang ito matapos niyang halikan. Agad naman na bumalik sa wisyo si Athena dahil sa ginawa na iyon ni Lucas at napakurap kurap na lang talaga siya at napalunok ng sarili niyang laway dahil pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa hindi niya malamang dahilan. Ramdam na ramdam din niya ang pag iinit ng kanyang pisngi dahil iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Lucas. Matapos na pumirma ng kanilang mga ninong at ninang ay isa isa na rin na nagsilapit ang kanilang mga bisita sa kanila upang batiin silang dalawa. Karamihan din sa mga bisita nila na naroon ngayon ay mga kilalang tao sa mundo ng pagnenegosyo. Si Athena kasi ay nagmula sa kilalang angkan ng mga Madrigal habang si Lucas naman ay isa sa tagapagmana ng pamilya Infante. “Congratulations sa inyong dalawa.” “Binabati ko kayo.” “Congrats!” Matapos na batiin sila Athena at Lucas ng kanilang mga bisita ay kinuhaan na rin muna sila ng litrato roon kasama ng ilan sa mga bisita nila at habang ginagawa nga iyon ay nakabantay lamang ang ama ni Athena sa di kalayuan sa kanya dahil baka magmaldita na naman ang kanyang anak at baka hindi ito makaya ni Lucas. Pagkatapos sa simbahan ay agad na rin naman silang dumiretso sa reception ng kanilang kasal at habang nasa sasakyan pa nga lang ang bagong kasal ay hindi na maipinta ang mukha ni Athena at hindi na talaga naalis ang kunot sa noo nito. Napansin naman ni Lucas ang pagsimangot na iyon ni Athena kaya naman napabuntong hininga na lamang talaga siya at bigla tuloy siyang napaisip kung tama ba na sinunod niya ang gustong mangyari ng kanyang matalik na kaibigan na pakasalan niya ang anak nito. “Athena, hindi ka na bata para magmuryot ng ganyan. Umayos ka nga dahil nakakahiya sa mga bisita natin baka mamaya ay kung ano na lang ang isipin ng mga yan kapag nakita ka nila na nakasimangot,” hindi na napigilan na saway ni Lucas kay Athena na ngayon nga ay asawa na niya. Napatingin naman si Athena sa gawi ni Lucas at saka niya ito inirapan. “Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin ko? Ngumiti? Sa tingin mo ba ay madaling ngumiti sa harap ng maraming tao? Hindi naman ako artista para ngumiti ng ngumiti sa kanila. At isa pa ay kayo naman ni daddy ang may gusto nito kaya sa tingin nyo ba ay matutuwa ako?” pagmamaldita naman ni Athena sa kanyang asawa at lalo pa itong sumimangot na para bang isang bata na hindi nasunod ang gusto. Napabuga na lamang talaga ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at napapailing na lang din talaga siya dahil sa pinapakitang ugali na iyon ng kanyang asawa. “Tsk. Wag ka sa akin magreklamo ng ganyan dahil ang ama mo ang nakiusap sa akin tungkol sa bagay na ito. At isa pa bakit hindi mo na lamang sinuway ang iyong ama tutal ay matigas naman talaga ang iyang ulo. Hindi ba nga kaya ka niya pinakasal sa akin ay dahil dyan sa katigasan ng ulo mo,” sagot ni Lucas kay Athena habang nanatili na seryoso ang kanyang mukha. “At dahil nagpakasal ka naman sa akin at hindi ka naman umurong ay asawa mo na ako kaya wag mo akong masimangot simangutan dyan dahil ginusto mo na rin naman iyan. At dahil asawa mo na ako ngayon ay may karapatan naman siguro ako na punahin ka sa mga mali mong ginagawa lalo na at dala dala mo na rin ang pangalan ko kaya ayusin mo ang mga kinikilos mo dahil wala akong balak na sirain ang pinangangalagaan kong pangalan ng pamilya namin,” pagpapatuloy pa niya at hindi na talaga niya napigilan pa ang kanyang sarili na pagsalitaan ng ganon si Athena dahil hindi naman siya nagpakasal para sirain lang nito ang iniingatan niyang pangalan ng kanilang pamilya. Nagulat naman si Athena sa sinabi na iyon ni Lucas. Napakurap kurap na lang talaga siya habang nakaawang ang kanyang labi dahil hindi talaga niya inakala na sasabihin iyon sa kanya ni Lucas. Matagal na kasing kilala ni Athena si Lucas lalo na at matalik itong kaibigan ng kanyang ama at sa pagkakakilala niya rito ay napakatahimik nitong tao pero isa ito sa kinatatakutan sa mundo ng pagnenegosyo kagaya ng kanyang ama. “Talaga ba? E bakit kasi hindi na lang ikaw ang humindi sa kasalan na ito? At saka bakit hindi ka rin tumutol sa gustong mangyari ni dad dahil kung tutuusin ay pwede ka rin namang humindi sa gustong mangyari ni daddy,” mataray naman na sagot ni Athena kay Lucas. “Tama ka… pwede naman talaga sana akong humindi sa kasalan na ito pero gaya nga ng sinabi ko ay wala akong balak na sirain ang iningatan na pangalan ng aking pamilya at kung uurong ako bigla ngayon ay parang ipinahiya ko na rin ang aking pamilya. At isa pa ay ang ama mo na rin mismo ang nakiusap sa akin na kung pwedeng ako na lamang daw ang maging asawa ng kanyang unica hija na pasaway. Syempre sino ba naman ang aayaw sa grasya? Nasa tamang edad na ako ng pag aasawa at ganon din naman ikaw kaya hindi naman na siguro masama na tanggapin ang alok na iyon ng iyong ama,” sagot ni Lucas kay Athena at saka niya ito kinindatan. Hindi naman makapaniwala si Athena sa huling sinabi na iyon ni Lucas. Bigla tuloy siyang pinamulahan ng mukha dahil totoo naman na pwede na talaga siyang mag asawa pero hindi naman niya akalain na sa matalik pa talaga na kaibigan ng kanyang ama siya ikakasal. “Bastos!” gigil na sabi ni Athena at saka niya tinalikuran si Lucas at sa bintana na lang talaga siya humarap. Lihim naman na natawa si Lucas dahil sa inasta na iyon ni Athena. Gusto lang naman niya itong asarin dahil sa pagmamaldita nito sa kanya at hindi niya inaasahan na mapipikon ito sa kanyang sinabi.CHAPTER 5Nauna naman ng pumasok sa loob ng mansyon si LUcas at nakasunod lamang naman sa kanya si Athena habang ang mga gamit nito ay pinakuha na lamang niya sa kanyang mga kasambahay.Napansin naman ni Lucas na iginagala pa ni Athena ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang mansyon at pansin niya na tila manghang mangha ito roon.“Ako lang at ang mga kasambahay ko ang nakatira rito sa aking mansyon. At ngayon na asawa na kita ay dito ka na rin titira kasama ako. Alam ko na maninibago ka pa sa simula pero masasanay ka rin naman kalaunan dito. At isa pa mababait din ang mga kasambahay ko at maaari ka nilang tulungan kung may nais ka man na gawin,,” sabi ni Lucas kay Athena.Napatingin naman si Athena kay Lucas at nagtatanong nga ang tingin niya rito.“Ikaw lang ang narito at kasambahay mo? Sa laki ng mansyon mong ito ay hindi ka man lang ba nalulungkot dito?” hindi na napigilan na tanong ni Athena sa kanyang asawa.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas at saka
CHAPTER 4Matapos ang mahaba habang pakiusapan na iyon sa pagitan ni Athena at ng kanyang magulang ay hindi pa rin talaga nanalo si Athena at nasunod pa rin talaga ang kanyang ama kaya naman wala na siyang nagawa pa ng isakay na sa sasakyan ni Lucas ang kanyang mga gamit. Bagsak ang balikat na sumakay muli si Athena sa sasakayan ni Lucas at talagang hindi na niya napigilan ang maiyak pagkasakay niya roon. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya mahal ng kanyang mga magulang kaya ipinakasal na lamang siya ng mga ito kay Lucas kahit na hindi naman niya ito nobyo.Samantala naaawa naman na tinitigan ni Lucas ang kanyang asawa at napabuntong hininga na lamang talaga siya dahil naiintindihan naman niya kung bakit ito nagkakaganito ngayon kaya naman hinayaan na lamang niya ito na umiyak at agad na rin niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.Nakatanaw lamang naman sila Timothy at Antonette sa papaalis na sasakyan ni Lucas kung nasaan ang kanilang anak. At hindi nga maiwasan ni Antonette na maawa
CHAPTER 3Naging maayos naman ang naging reception ng kasal nila Lucas at Athena. Hanggang sa isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita roon kaya naman nagpasya na rin sila na umalis doon at naiwan na lamang doon ang ilang tauhan ni Lucas para magbantay sa ilan pa nilang mga bisita.“Inayos mo na ba ang iyong mga gamit sa inyo? Dadaan na kasi tayo roon para kunin ang mga gamit mo,” tanong ni Lucas kay Athena habang papalabas sila roon.Napatingin naman si Athena kay Lucas dahil sa sinabi nito at nagtataka pa siya kung bakit nila dadaanan ang kanyang mga gamit doon.“Ha? G-gamit ko? Bakit? Bakit kailangang kunin ang mga gamit ko?” takang taka pa na tanong ni Athena kay Lucas.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Lucas dahil sa sinabi na iyon ni Athena dahil para bang palagi na lang siyang nakikipagbiruan dito kung sumagot ito sa kanya.“Athena, hindi ka naman na bata. Malamang mag asawa na tayo kaya kailangan na nating magsama na dalawa kaya kailangan nating kun
CHAPTER 2Pagkarating ng bagong kasal sa reception nila ay ni hindi man lang tinitingnan ni Athena si Lucas dahil totoong naiinis siya rito dahil sa sinabi nito kanina sa kanya at bukod pa roon ay bigla rin siyang nakaramdam ng pagkailang dito.Sa totoo lang ay napakagwapo naman talaga ni Lucas at kung titingnan mo ito ay hindi mo aakalain na napakalayo ng agwat ng edad nila ni Athena dahil napakabata talaga nitong tingnan.Napansin naman ni Lucas ang ikinikilos na iyon ni Athena kaya naman napabuntong hininga na lamang talaga siya at saka niya hinawakan ang kamay nito at saka ikinawit sa kanyang braso.“Umayos ka nga ng pagkilos mo Athena kung ayaw mong ipahiya ka ng iyong ama ngayon kapag nakita ka niya na ganyan ang ikinikilos. At isa pa, ano ba kasi ang isinisimangot mo r’yan? Hindi na lang talaga natanggal yang pangungunot ng noo mo at nadaig mo pa ang pasan ang mundo sa simangot mong iyan. Para sabihin ko sa’yo hindi ka naman na lugi sa akin dahil maganda naman ang lahi ko at ka






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore