Share

Chapter 63

KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.

Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.

Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.

Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status