Sybil Park
“Kung gayon, ginang. Ano ang inyong pakiusap? Ang bigyan ka ng pagkakataong makapag-aral? Hindi ko maibibigay sa iyo iyan.” Hindi ko man ibinahagi ang aking pakiusap ngunit tinanggihan agad ako ng Baron.
“Baron, hindi n`yo po kailangang ibigay sa akin sapagkat ang aking hinihiling ay maibigay iyon sa aking musmos na anak.” Kagaya ng sinabi ko, lahat ay aking gagawin basta para sa aking anak. Ito ang nais ni Mazimaze, ang makapag-aral kaya't ibibigay ko sa kaniya ito.
“Sa ngayon pa lamang ay humihingi agad ako ng pasensya, ginang, ngunit hindi ko iyan bibigyan ng pahintulot.” Ang kaniyang isinaad ay nakapagdismaya sa akin nang lubos.
Ano pa nga ba ang aking aasahan? Maliit lamang ang tiyansang pumayag ang baron ngunit akin pa ring sinubukan para sa aking anak. Ito na ang aking inaasahan ngunit hindi ako makakapayag!
“Baron! Ako'y nagsusumao sa inyo. Para lamang sa aking anak. Baron, pagbigyan n`yo na ako!” Halos luhudan ko na siya at kulang nalang ay halikan ko ang mga paa niya.
“Ako'y nagdesisiyon na. Hindi mo na iyon mababago pa.” Hinawakan ko ang kaniyang hanbok ngunit agad niyang nabawi iyon. Ako'y namomoblema na hindi ko kayang matupad ang hiling ng aking anak.
“Ina?” Agad nawala ang aking pagkakataranta nang marinig ang mala anghel na boses ng aking anak. Pinunasan ko ang aking mga luha at nilingon ito.
“Bakit, anak? Hindi ba't gabi na? Bakit gising ka pa?” Pinilit kong ngumiti para hindi ito magtaka.
“Bakit, ina?” tanong nito. Hindi ko maintindahan ang kaniyang pinupunto.
“Anong ibig mong sabihin aking anak?” tinanong ko ito dahil hindi ko talaga siya maintindihan.
“Bakit, ina? Hindi ba't kuntento na ako sa mga bagay na mayroon ako? Bakit nagmakaawa ka pa sa Baron?” wika nito na tila'y naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Mamasa-masa ang kaniyang mga mata at salubong ang kilay niya nang ako'y tingnan. Halos ginaya niya ang aking pananalita kanina. At isa pa, nakita niya ang ginawa kong pagmamakaawa sa mahal na baron.
“N-nakita mo, anak?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Opo, ina. Ako'y nagising dahil sa liwanag nang hindi sinasadyang marinig ang ingay rito sa teresa. At nakita ko po kayo—agmamakaawa at lumuluhod sa Baron. Ngunit, ina—hindi mo kailangang gawin iyon. Sapat na sa akin ang lahat ng binibigay mo para sa iyong anak. Marunong akong makuntento at sana naman po ay maunawaan n`yo iyon. Handa akong maghintay ng tamang panahon upang ako'y makapag-aral nang hindi ko kayo nagkikitang nawawalan ng dangal sa harap ng mga tao. Nang hindi kayo nasasaktan ng sinuman, ina dahil hindi ko alam kung ano ang aking magagawa kapag nalaman kong kayo ay nasaktan, aking ina.” Natigilan ako sa sinabi nito. Ni hindi niya ako matingnan sa mata dala ng konsensiyang kaniyang nararamdaman.
“Anak, hindi mo kailangang sabihin iyan,” nag-aalala kong wika. Baka sa simpleng pangyayaring ito ay magbago na agad siya. Sensetibo pa naman ang mga kabataan ngayon.
“Kailangan ko po. Alam kong bilang aking ina, ay gagawin n`yo ang lahat para sa akin na inyong anak ngunit hindi po ba parang ika'y sumosobra na? Halos ipinawalangbahala mo na ang iyong karangalan at kaakuhan para sa akin.” Ngayon ko lamang siyang narinig na pagsabihan ako. Kung tutuusin ako dapat ang gumawa sa kaniya nito.
“Ina, kahit gusto mo akong mapalaki ng maayos at hindi nahihirapan—magpahinga ka rin naman kahit minsan. Hindi n`yo alam na nasasaktan ako sa tuwing magsasakripisyo kayo para sa akin. At bilang iyong anak, gusto ko rin namang asikasuhin ang sarili ko nang wala ka. Nang sa gayon ay ikaw naman ang alagaa't protektahan ko. Ina, magpahinga ka muna.” Ako'y natigilan sa mga sinabi nito. Tama nga siya. Naratamdaman niyang mas nakatutok akong alagaan siya ng maayos at nakalimutan na ang sarili ko. Naintindihan ko ang pinupunto niya. Kailangang balanse ako. Balanse sa pag-aalaga sa aking anak at balanse sa sarili ko.
PANIBAGONG araw ng paninitili sa impyernong lugar na ito. Impyerno dahil sobra ang kahirapan ang aming nadadanas. Pero kahit aning hirap pa iyan, nawawala lamang dahil pinapagaan ng aking anak na si Maze ang loob ko.
Hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon ang pamahalaan sa mga pang-aaping ginagawa ng baron hindi lamang sa amin dito sa iisang barrio kundi maging sa ibang barrio. Wala akong balita o kaalam-alam tungkol sa ibang barrio sapagkat wala naman akong pera pambili ng diyaryo. Mahal ang diyaryo rito sa Normous at pangarap kong magkaroon kahit iisa lamang.
Tinatanaw ko ang aking anak na masayang nagdidilig sa aming hardin. Ang laki ng ngiti nito at halata sa kanyang mga kinikilos na sobrang saya nito. Parang wala siyang pinoproblema o di kaya walang problema. Nakakatunaw ng puso ang sayang mayroon siya.
“Ahh! Tama na po pakiusap. Baron! Pakiusap tama na po! Baron! Pakiusaap! Magbabayad din po ako—pakiusap!” sumigaw ang isang lalaki sa 'di kalayuan. Siya ay nilalatigo ng mga guwardiya ng Baron. Punit-punit ang damit nito at dinudugo dahil sa paglalatigo. Nakakaawa ngunit wala akong magawa dahil tulad ng dati, ako'y nangangamba sa kaligtasan ng anak.
“Ina!” sigaw ni Maze. Agad itong tumakbo papalapit sa akin nang makita ang nangyayari. Ito'y natatakot kata niyakap ko ito ng napakahigpit upang hindi niya makita ang nasa aming harapan.
“Ilang beses ka nang nangako na magbabayad ng upa ngunit binigo mo na naman ang Baron! Nararapat lamang sa iyo iyan!” asik ng trethovia. Palit-ulit nagmakaawa ang lalaki ngunit hindi ito tumatalab sa Baron bagkus pinagpatuloy ang paglalatigo rito.
“Vepro ca! Hindi sapat ang paglalatigo sa kanya. Sunugin ang kanyang tahanan. Maiiwan ang naiwan sa loob. Bagay man o hayop o maging mga tao, buhay man o patay,” seryosong wika ng Baron na ikinagulat ng lahat. Hindi na talaga sila patas!
Kumalas sa pagkayakap si Maze sa akin at sinubukang tumakbo ngunit agad ko ring itong nahuli. “Anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Maze?!” suway ko rito. Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa kaniyang braso.
“Tutulungan ko sila, ina!” Nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Isang galit na hindi ko talaga magugustuhang maramdaman. Parehas sila ng kaniyang ama.
“Ngunit masyadong mapanganib, anak! Masasaktan ka't maaring mamatay!” Punong-puno ako ng pag-aalala para sa aking anak. Hindi ko na nagugustuhan ang kaniyang mga desisyon. Maaari naman siyang tumulong ngunit hindi sa delikadong sitwasyon. Mauunawaan niya rin ako, alam ko iyon.
“Mas gugustuhin kong mamatay na may pinaglalaban kaysa sa manahimik at ginagawa tayong sunod-sunuran, uto-uto, at madalas inaapi! Ina, huwag kayong padadala sa makulay na paraisong ito sapagkat ang lahat ng iyong nakikita, ina, ay hindi totoo.” Saka siya kumuha ng basang kumot at ibinalot sa kaniyang sarili. Tumakbo siya papalayo ngunit sa ibang dureksiyon. Ano ang pinaplano ng aking anak? Pero kahit ano pa iyon, nangangamba pa rin ako. Ayokong matulad siya sa kaniyang ama na ilang taon na naming hindi nakakasama. Hindi ko alam kung ano ang aking magagawa sa oras na may manakit sa aking anak.
Ilang minuto ang lumipas, hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Ako'y puno ng pag-aalala. Hindi ko na alam. Hinding-hindi ko na alam. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari noon. Mangyari sa kaniya ang nangyari kay Vishton.
Nakarinig ako ng mga komento mula sa mga dayo, ang aking mga kasamahan at hindi tumitingin kay Maze. Sila ay pumipikit at umiiwas nang tingin na para bang alam na nila kung ako ang mangyayari. Tumingin ako sa nagkomento, napakaelegante ng kaniyang suot. Wari ko'y isa siyang nakatataas dahil sa suot-suot niya, siga nga lang kumilos kahit na babae ito.
Pumunta ako sa lugar kung saan nagkakagulo sila. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Si Maze ay nasa sentro, nakataklob ang kumot dito at may buhat-buhat na sanggol. Nanginginig siya habang tumitingin sa mga taong nakatingin sa kaniya. Ito'y hingal na hingal at mukhang mayroong hinahanap. Nakaligtas siya at may nailigtas pa ito.
Hangang-hanga ako sa aking anak dahil nagawa niyang magpakabayani at maging matapang. Hindi tulad ko na tanging pangangamba lamang ang iniisip. Inaamin ko, isa akong duwag. Nadala na ako sa nangyari kay Vishton, hindi ko kakayaning mawalay pa sa piling ng aking anak.
“Pakielamera!” saad ng Baron akma na sana niyang lalatiguhin si Maze nang mayroong pumigil dito.
Nasulyapan ko ang isang lalaki na pumigil sa baron. Ito'y matipuno at medyo may katandaan. Maaaring kasing-edad ko lamang siya. “Vepro ca! Baron, sumosobra ka na!” Hindi ko mawari kung sino ang lalaking ito. Gayunpaman, ako'y nagpapasalamat sa kaniya dahil iniligtas niya ang aking anak.
“H-heneral?!” Nanlaki ang mga mata ng baron. Agad itong lumuhod at ang kaniyang mga lingkod sa tinatawag nilang heneral bilang pagbibigay galang. Ito'y nanginginig at umiiwas ng tingin.
“Masasaktan mo ang bata at bilang parusa, ikaw naman ang lalatiguhin ng aking mga guwardiya,” kalmado niyang wika. Malamig niyang tiningnan ang baron, base sa aking nakikita. Nanindig ang aking mga balahibo dahil doon. Ang boses ng heneral ay pamilyar ngunit hindi ko makilala dahil malayo ito.
Itutuloy . . .
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p
Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n