Sybil Park
Ilang taon na ang lumipas at namuhay naman kami nang mapayapa ng anak kong si Maximaze. Walong taong gulang na siya ngayon. Isang napakamasiyahing bata at may inosenteng pagkatao. Ako'y nagagalak sa kanya kaya bibigyan ko siya ng regalong alam kong magugustuhan niya.
“Ina! Ina! Ina!” Aking narinig ang aking anak na nagmumula sa labas ng aming bahay. Awtomatiko akong lumabas upang salubungin siya. Ito'y hingal na hingal at halatang todo ito sa paglaro. “I-ina . . . “ nauutal niyang sambit dahil sa paghahabol ng hininga.
“Oh, anak? Halatang ikaw ay nagbuhos ng lakas sa iyong paglaro. Hingal na hingal ka,” natatawa kong wika sa anak. Pinunasan ko ang kaniyang likod dahil talagang pawisan ito.
“I-ina, hindi po ako naglaro.” Ano ang ibig sabihin ng aking anak? Ang ibig sabihin ba nito ay nagpahabol siya sa mga aso? Itong bata talagang ito.
“Nagpahabol ka sa mga aso ano? Ikaw talaga,” mapang-asar kong sambit sa anak
“Ina . . . Hindi po ako nagpahabol. Ako ay galing sa palasyo ng Xida. Ina, sobrang bait ng noble consort na namamahala roon! Tinuturuan niya ang mga kabataan na magbasa't magsulat!” Totoo nga ang usap-usapan. Mabait ang consort na namamahala sa Palasyo ng Xida. Dati, hindi ako naniniwala dahil sa paniniwalang, kayamanan at kapangyarihan lamang ang habol ng mga consort sa pagpapakasal sa mahal na Emperor, pero ngayon, nanggaling na mismo sa bibig ng aking anak kaya agad na akong naniwala.
“Ina?” pagtawag sa akin ni Maze.
Akin siyang iniharap sa akin pagkatapos kong punasan siya. “Ano iyon, anak?” malambing kong tugon dito.
“Gusto ko pong matutong magbasa't magsulat, ina. Maaari n`yo po ba akong turuan?” hiling nito. Agad akong natigilan dahil alam kong hindi ko makakayang turuan si Maze. Ni pagbasa ay hindi ko magawa, pagsulat pa kaya? Lumaki akong nasa pinakamababang antas sa Emperyo, at ang mga kabilang sa pinakamababang antas ay walang karapatang mag-aral dahil may nagmamay-ari sa amin. Tawagin na nating Baron o Baroness. Maliban nalang kung may nakatataas na pinahintulutan kaming mag-aral. Isa na iyong pinakamalaking biyaya ngunit ako'y nagtataka kung bakit sinasayang ng iba ang pagkakataong iyon.
“Ina, may problema po ba?” Natauhan ako nang marinig ang mala anghel na boses ng aking anak. Hindi ko dapat sabihin sa kanya na hindi ako marunong magbasa't magsulat dahil kagaya niya, gusto ko rin siyang matutong magbasa't magsulat.
“W-wala, anak.” Pinilit kong ngumiti nang napakaganda sa harapan ng aking anak. Ayokong mag-alala siya sa akin.
“Ina,” pagtawag uli nito sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang madungis na mukha at ngumiti.
“Ano ulit iyon, anak?” Kagaya ng kanina, tumugon ako na may malambing na tono.
“Maaari n`yo po ba akong turuan sa wikang—mgh, wikang . . . “ Tumingin ito sa kalangitan at nag-isip-isip.
“Wikang Normesian, anak?” paniniguro ko.
“Opo, ina! Gusto ko pong matuto ng wikang iyon nang sa gayon ay maaari kong makausap ang consort sa Palasyo ng Xida. Kakaiba po kasi ang kaniyang pananalita. Ni isa sa mga sinasabi niya ay hindi ko maintindihan!” masiglang pagkukwento ng aking anak. Ako'y nasisiyahan sapagkat nakikita ko siyang masigla.
“Gusto man kitang turuan ng ganoong wika anak ngunit hindi sapat ang aking nalalaman. Hindi ako isang dalubahasa sa pagsasalita ng Normesian, anak,” wika ko rito.
“Oh, ayos lang po iyan, ina. Naniniwala ako na isang araw ay makakamit ko na ang lahat ng gusto ko. At alam kong hindi ngayon iyon.” Nagbaba siya ng tingin tsaka ngumiti. “Ako'y isang musmos pa lamang, pero sisiguraduhin kong bago ako mamatay ay nakamit ko na ang gusto kong makamit.” Nakakatuwa namang pakinggan ang kanyang sinasabi. Punong puno siya ng pag-asa. Ayokong umabot siya sa punto na sumusuko, nanghihina, at nasasaktan na siya.
“Pero aking sisikapin na maturuan ka ng Wikang Normesian. Basta para sa iyo, anak, lahat ay aking gagawin.” Bilang isang ina, gagawin ko ang lahat-lahat para sa aking anak.
“T-talaga po? Maraming salamat, ina! Maraming salamat!” Para siyang binuhusan ng limpak-limpak na biyaya sa sandaling ito. Tumatalon-talon siya at pumapalakpak—punong-puno ng enerhiya't pag-asa.
“Anak, alam mo ba na ang salitang 'salamat' ay vashda sa Normesian?” ibinahagi ko ang aking unting nalalaman sa wikang hinihiling niyang matutunan.
“Vashda? Vashda? Ahh, vashda—vashda . . . Vashda, ina!” Nakakatuwa siyang panoorin ngayon. Sana ganito na lamang kami palagi at aking hinihiling na sana ay hindi kami magkahiwalay.
“Anak, sa tingin ko ay kailangan mo nang maligo. Ang dumi-dumi mo na. Hindi pinapayagang makapasok ang sinuman sa Palasyo ng Xida ang mga marurumi. Gusto mo ba iyon?” kunwaring pagbabanta ko sa aking anak. Kinurot ko ang kaniyang pisngi at tumawa nang marahan.
“Haha, sige na nga po, ina. Ako'y maliligo na sa ilog.” Kumaripas ito ng takbo. Muntikan na itong madapa ngunit tumawa lamang siya.
“Anak! Ika'y mag-iingat lalo na't mabato ang lupain!” pagpapaalala ko rito.
“Masusunod, ina!” Iniwagayway niya ang kaniyang kaliwang kamay at nagpatuloy sa pagtakbo.
Pumasok na ako sa loob ng aming siheyuan. Ako'y nagluto na ng aming pananghalian. Tiningnan ko ang aking mumunting regalo para sa aking anak. Umaasang magugustuhan niya iyon.
“Ina! Kakatapos ko lamang maligo sa ilog! Nakauwi na ako, ina!” Isa na namang napakandang boses ang aking narinig ngayon. Ang tanging hinihiling ko lamang ay paulit-ulit na marinig ang boses ng aking anak habang sinisiguro kong ligtas siya.”Ina! Naan—ano po iyan ina?”
Awtomatiko ko siyang nilingon nang magtanong siya sa mumunting regalong nasa aking harapan. “Isa itong regalo para sa iyo, anak.” Binigyan ko siya ng napakatamis at napakagandang ngiti na para bang ito na ang pinakamasayang sandali sa lahat.
“I-isang regalo? Ngunit hindi ko naman kaarawan ngayon, aking ina.” Napaka-inosente kung pakinggan. Halatang musmos pa lamang.
“Kahit hindi mo kaarawan ay palagi kitang bibigyan ng regalo masigurado ko lamang na ika'y ligtas.” Nakita ko siyang ngumiti ng napakalaki. Nasasabik na malaman kung ano ang aking iniregalo.
Agad kong binigay sa kanya ang regalo at agad naman niya itong binuksan. “I-isang hanbok, ina? I-ito'y masasabi kong napakaganda!” Pasalamat na lamang ako at ako'y biniyayaan ng isang anak na marunong makuntento. Mas lalo tuloy umalab ang aking paniniwala na siya ay magtatagumpay na makamit ang kanyang mga pangarap.
“Iyang hanbok na hawak mo ngayon, Maximaze ay aking ibinurda. Ako ay nagagalak na iyong nagustuhan ang aking gawa.” Pinanood ko ang aking anak na pagmasdan ang hanbok na aking iniregalo.
“Talaga po? Ina! Gusto ko pong matutong magburda kagaya ninyo! Ang hanbok na ito ay sadyang napakaganda! Gusto ko pong subukang gumawa kagaya nito aking ina!” napakamasiglahing bata. Halos lahat na ata ay gusto niya makamit. Hindi ako nagsisising iniluwal ko siya sa mundong ito.
Gusto ko pong matutong magbasa't magsulat kagaya nila, ina!
Akin na namang naalala ang hiling ng aking anak. Kahit imposible, sisikapin ko paring makahanap ng paraan upang makapag-aral ang aking anak.
“Ina, may itatanong po sana ako. Nasaan po si ama?” natigilan ako nang maitanong niya iyan. Hindi ko parin nasasabi sa kanya kung nasaan ang kanyang ama na si Vishton. Siya ay nanatili sa kulungan at wala kaming pahintulot na dalawin siya.
“Nasa malayong lugar anak.”
“Ang ibig n`yo bang sabihin ay nasa paglalakbay si ama?”
“O-oo . . . “Mahirap para sa akin na sabihin sa kanya ang totoo. Masakit isipin pero sa oras na mabunyag o malaman ang totoong kalagayan ng kanyang ama. Natatakot ako na baka husgahan siya ng mga tao rito.
Habang nakikita ko siyang tumatalon sa saya, ako naman ay nakatitig lamang sa kanya. Natatakot na baka siya'y nagbago sa oras na malaman niya ang totoo. Baka isang araw, hindi ko na muling masilayan ang kaniyang mga ngiti, hindi ko na maramdaman ang kaniyang presensiya.
Oras ang lumipas at sa wakas ay nakatulog na ng mahimbing ang aking anak. Nabalitaan kong dadalo ang Baron dito sa bario. Ito ang pinakatamang oras para matupad ko ang kahilingan ng aking anak.
Dumating ang Baron habang suot-suot ang mamahaling hanbok. Simbolo ng royal ang nakaukit sa damit.
Nagsipag-ayusan ang mga tao rito sa bario nang makita ang Baron. Ang iba sa kanila'y pormal at ang iba nama'y nanginginig at natatakot na baka sila'y magkamali at maparusahan ng treyhovia na ang dapat magparusa ay ang eunuch ng kalapit na palasyo. Sabihin na nating eunuch ng Xida Palacios.
Nagbigay galang ang mga tao sa Baron at pati narin ako sa pamamagitan ng pagyuko sa kaniyang harapan. Bilang alipin ay kailangan ko parin siyang galangin dahil siya'y mas nakakataas at ang aming amo.
Ako'y masuwerte at ang aming siheyuan ang pinili niyang matuluyan. Akin siyang ipinaghanda ng makakain at pinaupo sa pinakapresko at pinakakomportableng lugar.
“Aking nadinig ang iyong pakiusap. Sana nagpadala ka na lamang ng sulat ginang.” Ganoon nalang katigas at kapormal magsalita ang Baron.
“Mawalang galang lamang po, baron, ngunit hindi ako marunong magsulat at mas lalo na pong hindi ako marunong magbasa kung kaya't hindi ako nakapagpadala ng sulat. Ang mga kabilang sa pinakamababang antas dito sa Emperyo ay walang karapatang makapag-aral,” pormal at may galang kong sambit sa Baron.
Itutuloy . . .
Maximaze Lativitus ParkIlang taon na ang nakakalipas. Nanatiling tahimik at mapayapang muli ang Normous pagkatapos ng digmaan ngunit hindi pa rin maiwasan ang karahasan sa Gaia. Ako naman ay mukhang habang buhay nang magiging magulo. Hindi ko na nahanap ang kapayapaan sa sarili, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga alaalang iyon.Pagkatapos ng digmaan, ninais kong bumaba sa pwesto bilang Death Judge. Nawawalan na ako ng pag-asa noong mga oras na iyon. Nais kong sumuko ngunit nang tingnan kong muli ang paligid, kailangan ako ng Normous. Kung mawawala ako, paano na sila?Ang mga panahong akma ko na sanang isusuko ang posisyon, unti-unting nagsilabasan ang mga mamamayan hindi lamang ng Normous kundi mamamayan na rin ng ibang rehiyon at ng Atolon. Sila'y isa-isang nagpasalamat sa akin at sinikap na mahawakan ang aking kamay.Sa paghawak ko sa kanilang mga kamay, bumalik sa akin ang mga alaala ko—alaalang kung saan kasama ko pa ang aking mga mahal s
Maximaze ParkIsa sa mga bagay na aking pinagsasalamatan ay ang ligtas ang emperor sa kaniyang palasyo. Hindi ko na nga lang alam kay Isa. Ang balita ko ay nag-aagaw buhay siya dahil sa nangyaring pagsabog. Ang heneral . . . ay wala na. Tanging ang kaniyang kamay at ulo lamang ang nakuha sa pagsaog. Hindi ko na hihilinging buhay pa siya sapagkat nakita ko na ang ebidensiya.Kahit na aming napuksa na ang Madreign dito sa aming lupain, hindi kami maaaring lumabas sa kadahilanang masyadong mausok at baka magkasakit ang isa sa amin. Nanatili kaming nakakulong dito sa aking manor. Hinayaan ko silang kumuha ng makakain, matulog sa mga kuwarto, at maglaro rito sa aking manor upang hindi sila mabagot.Sa totoo lang ay nakukulangan na kami sa mga pagkain. Limitado na lamang ito para sa isang linggong pananatili. Kung sila ay kukuha nang kukuha ng makakain, mauubusan kaagad kami ng pagkain kahit wala pang isang lingo. Aking sinikap, sa tulong ni Riana at Redo Fierro, na p
Maximaze ParkAkin namang hiniwa ang neek ng taong nasa aking harapan. Nagsimula kaming makipagbakbakan at mukhang tatagal pa dahil medyo marami sila.Aking iwinagayway nang malakas ang aking katana sa hangin. Atake, atake—iyan lamang ang aking nasa isip habang sa bawat hampas ng kanilang mga espada ay sumisipol ito.Ako'y nagulat nang may tinirang palaso si Riana sa aking direksiyon. Nang ito ay lumagpas sa akin ay lumingon ako sa aking likuran. Iniligtas niya ang buhay ko, mayroong aatake sa akin mula sa aking likuran.Aking dinepensahan ang sarili gamit ang katana nang may magtangkang saktan ako gamit ang kaniyang espada. Lumingon ako kay Redo fIerro at tumango.; Ang toto niyan ay gumawa muna kami ng saglit na pagpaplano. Sina Gertude at Riana ang magpoprotekta sa mga sugatan at mga sibilyan habang si Redo Fierro naman ang gagabay sa kanila papunta sa aking manor habang kami ay nakikipaglaban.Malakas na puwersa ang aking ibinigay sa pag-a
Maximaze ParkAking tiningnan si Fritz. “Sorry for the sudden visit.” Ako ay tumango. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magduda. Wala akong pinatawag sa kanila, basta-basta na lamang sila tumutungo rito. “Intruders ambushed Atolon and shot Commander Manuel dead. He entrusted Revi to take charge of Ahouzran. It's his order before he died.”Ibinaba ko ang aking tingin. Ito ay isang malaking problema. “New Order, our ministry, gave Revi the authority to use the military to help us in the war,” nanginginig na aniya. Namatayan sila ng kumander, balita ko ay isa siyang magaling na kumander. Kung totoo ngang siya'y patay na, ipinapahayag ko ang aking makikiramay sa Atolon.Ako'y bumuntonghininga at tumingin kay Redo Fierro. Seryosong-seryoso siya, namomroblema, ngunit kahit namatay ang kumander, kailangan naming magpatuloy. Hindi ko hahayaang mapunta lamang sa wala ang isang taong paghahanda para sa digmaan ito.
Maximaze Park Kaniyang nabanggit ang tungkol sa kapangyarihang mayroon siya. Tunay siyang malakas at sa isang pitik lamang ay kayang-kaya na niyang talunin ang Madreign. Ako'y nagtaka noong una, bakit pa nila kailangang humingi ng tulong kung mayroon silang lakas na higit pa sa lakas ng isang libong mandirigma? Nang akin siyang pinakinggan, nalaman ko ang dahilan. Malakas nga siya ngunit kapag ito'y kaniyang ginamit ay agad na mababawasan ang kaniyang lakas sa katawan o sa ibang salita, paikli nang paikli ang kaniyang buhay. Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya pa mabuhay nang matagal. Mayroon siyang mga mahal sa buhay na maiiwan. Nang una ko iyong marinig, makasarili, siya'y makasarili ang una kong naisip. Makasarili nga kung pakikinggan na gusto niyang mabuhay pa nang mahaba kaya hindi niya ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya ngunit kung iintindihin ay para na rin ito sa kaniyang bayan. Isa siya sa mga pinakamagaling na kapitan sa Atolon, isa rin sa p
Maximaze ParkKinausap ko ang emperor tungkol sa tulong na hinihingi ng Atolon. Aking inisa-isa ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na pakikinabangan namin. Upang makumbinsi ito, ginamit ko ang seguridad ng Normous. Kung hindi namin tutulungan ang Atolon, maaaring ang Normous naman ang sugurin ng Madreign. Maaaring sumugod muli sila rito sa hindi inaasahang pagkakataon.Hindi naging madali ang pakikipag-usap sa emperor sapagkat kakapanaw lamang ng mahal na empress. Aking napag-alaman na ang empress ay ang nakakatandang kapatid ng isang taong binigyan ako ng makakain. Sa aking pagkakatanda, chopao ang pagkaing iyon. Kay tagal ko nang hindi nakakakain ng chopao, gusto ko mang kumain ngunit hindi ko alam kung paano iyon lutuin.“Kamahalan, ano sa tingin niyo ang dapat na gawing hakbang ng Normous?” Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Ang tibok ng aking puso ay palakas nang palakas, pabilis nang pabilis.“Tanungin mo ang iyong sa
Maximaze Park“Matagal na panahon na rin . . . “ Siya'y bumuntonghininga muli. Isinarado nito ang kaniyang mga mata na para bang may inaalala. Ibinaba niya ang kaniyang ulo. “ . . , ngunit sariwa pa rin ito sa aking isipan.”Parehas lamang kaming dalawa. Ang aking mga alaala sa paglalakbay ay parang kahapon lamang nangyari. Sariwang-sariwa, walang balak na umalis sa aking isipan. Iyon ang unang pagkakataon na dinumihan ko ang aking mga kamay para mailigtas ang aking sarili pati na rin si Liene.“Isang gabi sa aming kampo, sinugod kami ng mga dayuhan. Karamihan sa ami'y napatay at iilan na lamang kaming natira,” panimula nito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at sinikap na marinig ang lahat ng kaniyang sasabihin sa kabila ng mahina nitong boses. “Gumawa sila ng kasunduan, kailangan naming patayin ang isa't isa at ang natira ay mayroong gantimpala. Nagpatayan sila sa harapan ko at wala man lang akong magawa kundi manoo
Maximaze ParkBumuntonghininga siya at tumingin sa kaliwa, kung saan makikita ang imaheng aking ipinaguhit. Ang imahe ni Ina kasama ako. Akin iyon ipinagawa nang sa gayon ay palagi ko siyang maalala. “Children lost their parents, parents lost their children . . . “ Malungkot niyang tiningnan ang imahe at para bang may inaalala ito. “ . . . Madreign destroyed everything—friendship, family, dreams, trust, and peace. They even took our freedom.” Ako'y kaniyang nilingon at malamig na tiningnan. Tumingin naman siya sa taas kung saan makikita ang makulay na larawan. “What they did in the past two decades is worse than what they did more than 400 years ago, wherein they discriminated, tortured, and slaughtered our ancestors before trapping them under Mount Colossus.” Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Huminga ito nang malalim at kalmado akong tiningnan.“What will you feel if you lost your parents? What
Maximaze Park Nanatili kaming tahimik sa silid na ito. Ang Revi na tumungo dito ay pamilyar ngunit ang kaniyang kasamang babae ay hindi. Wala ni isa sa amin ang umimik nang siya ay dumating. Tumingin ako kay Fierro at sinenyasan itong umalis sa silid kasama ni Gertude. Gayundin si Revi, sinenyasan ang kaniyang kasama na umalis sa silid. Si Revi ay parang kasing-edad ko lamang, pamilyar din ang wangis nito. Maaaring nakita ko lamang siya sa mga karatig bayan kaya ito'y pamilyar. Maaari ring isa siya sa mga naglakbay sapagkat isa siyang kapitan—pinakamalakas na kapitan ayon sa kaniya. Hindi ko siya inaasahang pumunta rito, ni hindi ko nga siya kilala. Pamilyar lamang siya ngunit wala akong balak na pagkatiwalaan ang taong ito. Hindi siya mukhang taga-rito. Wala akong naaalalang kahit ano mang rehiyon sa kaniyang kasuotan. Gaya nga ng kaniyang winika, siya ay nanggaling sa isang isla. Maaaring mayroon silang sariling kultura at hindi ginaya ang kultura n