May mga lumulutang na kandila. Bilog ang hugis ng mga iyon at iba-iba ang kulay. May sindi ang mga iyon na siyang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nilibot niya ng tingin ang paligid. May mahahabang mesang gawa sa makinis na batong kapareho ng higaan niya kanina. Yari rin sa bato ang mga upuan. Nakadikit ang mga iyon sa sahig at tila hindi puwedeng alisin. May kandila rin ang bawat mesa. Mayroong libu-libong plato, kutsara, baso at tinidor na gawa sa ginto, pero wala namang laman. May tatlong tao sa silid. Lahat sila pawang naka-itim, pero iba-iba ang pagkakayari ng damit.
May isang babaeng maiksing-maiksi ang suot, naka-tube at shorts. Litaw ang dibdib nitong may kalakihan. Maganda ang babae, kasing ganda ng hubog ng katawan niya, at makinis ang mukha. Maiksi ang buhok nitong kulay itim. Kulay itim din ang labi nitong pinahiran ng kolorete at may nakakabit na hikaw sa gawing kanan. Hindi masyadong matangos ang ilong nito. Nakasabit ang malalaking bilog na hikaw na kulay itim din sa magkabilang tainga nito. Mahaba ang pilik-mata nito at may mga matang gaya ng sa lalaking kasama niya, kulay abo. Matangkad ito; gawa siguro ng suot nitong botang may mataas na takong.
Nakasuot naman ng mahabang gown ang isa pang babae. Manipis ang tela nito at butas-butas na nagsisilbing disenyo, dahilan upang makita ang katawan nito, pero parang wala ni isa sa mga kasama nito ang may pakialam kahit makita pa ang katawan nito. Mahaba, unat na unat at makintab ang buhok nitong kulay itim na napalalamutian ng hair band na may disenyong maliliit na parisukat, at hair clip na kulay itim din. Hindi naman ito ganoon kaganda. Manipis ang kilay nito; halos hindi na nga makita, animo'y nasobrahan sa ahit. Matangos ang ilong nito. Walang kulay ang mga labi nito. Balingkinitan ang pangangatawan nito at may katangkaran. Kulay itim ang mga mata nito at napakarami nitong suot na alahas.
Nasa silid din ang isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt na iniibabawan ng itim na jacket na yari sa balat, at itim na pantalon. Sa katunayan, may kalakihan ang pangangatawan nito, pero hindi halata dahil sa suot nito. Gwapo ang lalaki, pero naitatago ito ng bagsak nitong buhok na kulay itim, na halos tumakip na sa mga mata nito. Kulay abo rin ang mga mata nito. Sa ilalim ng mata nito, mayroong eye bags na nangingitim, na parang puyat o walang tulog ng ilang gabi.
Lahat sila may pagkakapareho. Mayroon sila noong itim na bato. Yung lalaki, nasa kwintas. Yung babaeng naka-gown, nasa singsing. Yung babaeng nakasuot ng maiksing damit, nasa isang pulseras.
"Look who's here," sabi ng babaeng maiksi ang damit. Tumayo iyon at nilapitan ang dalawang bagong dating.
Sumunod ang isa pang babae. "Finally, nagising na siya," sabi noon, ngiting-ngiti.
"Hehe... Oo nga," tugon naman ng lalaking kasama nila.
Nakatingin siya sa mga nilalang na lumapit sa kanila. Hindi niya alam kung bakit parang malaking bagay ang pagkakagising niya.
"Nasaan na sila?" tanong ng lalaki sa kanila.
Kung sino ang "sila" na tinutukoy ng lalaki, hindi niya alam. Ipinagpalagay na lang niyang mga taga-bantay din ang mga kasama nila ngayon at yung tinutukoy na "sila" ay yung mga binabantayan nila.
"Hinayaan muna naming gumala-gala," tugon ng babaeng maiksi ang damit.
"Bakit hindi ninyo sinamahan?" balik na tanong ng lalaki. "Hindi naman daw sila lalayo. Saka nabigyan na sila nito," ipinakita ng babae ang batong nasa pulseras niya, "Kahit naman lumayo sila, dito rin ang balik nila." "Baka gusto mo kaming ipakilala sa kasama mo," singit naman ng babaeng naka-gown. "A siyanga pala," baling ng lalaki sa kasama. "Siya si Fame," pagpapakilala nito sa babaeng maiksi ang damit. "At si Harmony," ang babaeng mahaba ang gown. "Iyon naman si Hogan," ang lalaking naka-jacket.Masigla siyang binati ng dalawang babae, pero kumaway lang ang lalaking kasama ng mga ito sa kanila, ni hindi man lang ngumiti.
"Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong ni Fame sa kanya na lubus-lubos ang ngiti.
Hindi siya nakapagsalita agad. Ano nga kaya? Iniisip niya kung ano ang pangalan niya, pero kahit anong proseso ng utak niya, wala siyang maalala. Napailing siya.
"Hindi ko alam." Halos mapaiyak siya. Bakit ganoon?
"Awww... Ok lang iyan," pagpapagaang-loob ni Fame. "Karamihan naman sa mga nandito, hindi na alam ang pangalan nila. Yung mga nakakaalala naman, pinipili na lang na magpalit dahil iyon ang nakasaad sa batas." Umikot ang mga mata ni Fame nang banggitin ang salitang "batas". "Jarred, bakit kaya hindi mo siya bigyan ng pangalan?" mungkahi ni Fame sa lalaki.Napatingin siya sa lalaking kasama niya. May pangalan pala ito. Ito... ito pala si Jarred. Hindi naman kasi ito nagpakilala sa kanya. Hindi rin naman din kasi siya nag-atubiling magtanong.
Napakamot ng ulo si Jarred, "Pasensya na. Alam ninyo namang hindi ako magaling sa ganito."
Napailing si Hogan, "Sa tingin ko, Tony, kailangan mo na siyang bigyan ng pangalan."
Napatingin siya kay Hogan, pero umiwas iyon ng tingin. Naguluhan siya. Si Jarred ba si Tony? O baka Tony ang second name niya?
"Sang-ayon ako. Dapat mo na siyang bigyan ng pangalan, Rodney, bago mo siya iharap kay Cadis," sabi naman ni Harmony.
"Ok. Ok! Siya si Jehanne," nagmamadaling sinabi ng lalaki at tila 'di na pinag-isipan ang ibinigay na pangalan. Napabuntong-hininga ito pagkatapos.Napaisip siya, "Jehanne..." At parang nagustuhan na rin ang pangalan. Mas maganda na iyon kaysa wala.
"Maganda," tugon ni Fame kakabit ang isang ngiti. "Nice meeting you, Jehanne."
Nakipagkamay si Fame kay Jehanne. Umaasa si Jehanne na may kakaiba siyang mararamdaman, pero mas malamig pa pala sa kamay niya ang kamay ni Fame. Yumakap naman si Harmony sa kanya na ikinagulat niya. Hindi niya akalaing magiging mainit ang kanilang pagtanggap sa kanya sa kabila ng malamig nilang katawan.
Tinandaan ni Jehanne isa-isa ang mga pangalan, "Fame. Harmony. Hogan." Ngumiti ang mga iyon sa kanya bukod kay Hogan na nakatingin sa malayo. Tiningnan niya ang kasama niya, "At ikaw si..." Hindi niya malaman kung paano niya ito tatawagin. Kanina tinawag itong Jarred ni Fame, Tony ni Hogan at Rodney ni Harmony. Mahaba siguro ang pangalan nito kaya ganoon. Naalala niya ring tinatawag ito kanina sa iba't ibang pangalan, at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon.
"Halika na," pagyaya ni Jarred, Tony, o Rodney sa kanya. Nauna na itong maglakad, pero hindi siya sumunod.
"Teka, hindi ko pa alam kung ano ang pangalan mo." "Kahit ano!" sabi nito sa kanya at nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad.Tumingin si Jehanne kina Fame at Harmony.
"Mag-isip ka na lang ng pangalan para sa kanya. Wala kasi talaga siyang partikular na pangalan," sabi ni Harmony at sumenyas na dapat na siyang umalis at sundan ang taga-bantay niya.
Nakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
Nagtipon-tipon sa bulwagan ang mga taga-bulong. Kabuuang bilang: limampu. Nagtaka si Jehanne at nagtanong kay Mara. "Nasaan ang iba?" Ngumisi si Mara. "Huwag kang maghanap ng wala. Walang iba. Tayo lang." "Pang-limampu ka," singit naman ni Zedd. "Bakit ang kaunti natin?" tanong ni Jehanne. Naalala niya noong nagsasanay pa lang siya, daan-daang kaluluwa ang nakakasabay niyang kumain sa Bulwagan ng mga Namayapa. Hindi siya sanay sa ganitong kakaunting bilang. Sumagot si Mara, "Sa trabaho natin, mayroon tayong mahigpit na kalaban. At sabihin na nating iyon ang dahilan kung bakit kaunti lang tayo. Kapag hindi tayo nagtagumpay, hindi natutuwa si Cadis. 'Pag hindi nat
Nagising si Jehanne sa isang panibagong silid. Nakahiga siya sa malambot na kamang kulay pula. Bumangon siya. Paglibot niya ng tingin, nakakita siya ng kulay pulang lamesa at upuan. Kahit saan tumama ang paningin niya, kulay pula. Nagpapaliwanag sa silid ang isang sulo na may kulay pulang apoy. Hindi nagustuhan ni Jehanne ang kulay pulang ilaw na nagmumula rito kaya sinubukan niya kung gagana ba ang kapangyarihan niya. May lumabas na itim na usok sa kamay niya at dumaloy iyon papunta sa sulo. Naging normal ang kulay ng apoy. Namangha siya sa sariling kakayahan. Tumayo siya at napansing may saplot na siya. Nasa leeg na rin niya ang bato. Hinawakan niya iyon. Pareho pa rin ang temperatura na nararamdaman niya rito: iinit, lalamig, iinit, lalamig. 'Di nagtagal, lumabas siya ng sil
Umalingawngaw sa tainga ni Andrei ang mga salita ni Hogan, "Duwag ka!" "Duwag!" "Duwag!" "Duwag ka!" "Duwag!" Matinding galit ang bumalot sa kanya na naging dahilan para magpakawala siya ng kapangyarihan at tinira niya ang pader ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malaking bitak. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Hindi ang mga salita ni Hogan ang lumalason sa kanya kundi ang pagtanggap niya sa katotohanang isa nga talaga siyang duwag. &
Natuon ang pansin ni Cadis sa batong nasa leeg ni Jehanne na nag-iiba-iba ng kulay. Nilapitan niya si Jehanne at napayuko ang dalaga dahil sa presensya niya, pero itinaas niya ang baba nito. Sunod, hinawakan niya ang bato. "Paano mo nagawa?" namamanghang tanong ni Cadis. "Bigla na lang pong nagbago ang kulay ng kanyang bato," pag-uulat ni Andrei. "Nakita ko nga," tugon ni Cadis. "Napanood ko rin naman kanina. Salamat kay Ashen," sabi niya. Si Ashen ang itinuturing ni Cadis na mata niya sa mundo nila. Nakikita niya ang dapat makita dahil sa kapangyarihan at mahikang taglay ni Ashen. Kaya naman kung kailangan mo ng impormasyon, ito ang dapat mong lapitan. Pero bago mo marating ang Santuario ng mga Pat
Paakyat na si Celestine sa ikalawang palapag ng bahay nila nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa silid ng kuya niya. Bukas ang TV. May nanonood. Tumatawa iyon. Naglakas-loob siyang puntahan ang silid ng kuya niya, at nakita niyang nakabukas ang pinto at mukhang may tao. Sumilip siya. Laking gulat niya nang makita niyang nasa loob si Adrian. Napatakip siya ng bibig para hindi siya lumikha ng ingay. Paano ito nakapasok? Nakasara naman ang pinto ng bahay nila. Bigla niyang naalala ang susi ng kuya niya. Hindi niya ito nakita nang halughugin niya ang gamit nito noong araw na nalagay ito sa panganib. Umatras siya. Gusto niyang tumakas. Gusto niyang lumabas ng bahay nila at tumakbo palay