Share

XIII

Josh's point of view.

Today is September 07. Isang linggo na ang nagdaan matapos nung aminan namin ni Mara, at tatlong araw na rin siyang nilalagnat. Kaya halos oras oras ko itong dinadalaw nang palihim. 

Ganoon ako mag alala sa kanya, ewan ko ba. Di ako sanay na makitang mahinhin ang babaeng 'yon. Mas gusto ko yung lagi niya kong sinusungitan. Pero parang wala din namang nagbago, mukhang lumala pa nga. 

Sinisisi niya ko kung ba't siya nagkasakit. Kesyo pinupuyat ko daw siya lagi, e lagi na rin naman siyang huli matulog simula nung mapunta siya dito. Sabi ko sa kanya, di na ko dadalaw tuwing gabi para mahaba na lagi tulog niya. Tapos di pumayag? Abnormal. Mga babae talaga kahit kailan. 

Isa na nga lang ulo ayaw pang mag isip ng maayos.

Lumabas na ako ng banyo, katatapos ko lang maligo. Nang matapos, agad akong nagtungo kay Zion, ang pinakamabait na utusan.

Oh, let me clarify that. Kay dad lang mabait. 

"Nasaan siya?" Matalim itong tumitig sakin at sinuri ang buong katayuan ko. Iminuwestro niya ang isang daan patungo sa isang kwarto. Dali dali akong pumasok doon at alingawngaw agad ng boses ni Iyah ang sumalubong sakin. 

"Kuya!" Sigaw nito at inilang hakbang ang distansya naming dalawa at agad ko itong sinalubong ng yakap. 

Humagulgol ito ng malakas at humigpit pa ang pagkakayakap. 

"Janiyah..."

Nang humiwalay siya ay tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Nakuyom ko ang kamao ko nang makaramdam na naman ako ng galit. 

Hindi makatao ang ginawa nila sa kapatid ko, ang dami nitong galos at pasang natamo. 

"Did they?" Tanong ko. 

"Yes, kuya" Sagot niya habang umiiyak.

I quickly punched the wall beside me. 

"Kuya!" Awat nito nang makita ang ginawa ko. Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin pero di humupa ang galit ko. 

"Come with me" Mabilis ko siyang hinila palabas ng kwartong yon. Nakita kong naghihintay si Zion habang humihithit, narinig ko pang tinawag kami nito pero di ko na iyon pinansin. 

Dinala ko siya sa sarili kong kwarto. 

I locked the door, making sure that no one's gonna hear our conversation.

"It's time Iyah" Pinunasan niya ang luha niya. 

"What do you mean?" She asked. Confused.

"Let's try it again, escap--"

"No! We don't have to. Dad will let us get out of here after a month, we just have to wai--"

"But how about the girls? Iiwan na lang ba natin sila dito?"

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. 

"Kuya, pano tayo? Palalabasin na tayo, sandali na lang ang hihintayin natin. Pwede naman natin silang ireport pag nakalabas na tayo dito. Hindi yung pangungunahan natin sila. Masyadong delikado kuya. Di natin alam kung anong gagawin nila satin sa oras na tumakas ulit tayo, tapos magsasama pa tayo ng iba?"

Bumuntong hininga ako. 

"Last week, I was about to go here, when i accidentally heard dad, arguing with someone on a phone call, it was uncle don." Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni tito. Si tito ang kasama ni mommy dati sa gang at against siya sa plano ni dad na sumali din sa gang at ipaghiganti si mommy. 

Sinabi ko lahat kay Iyah ang narinig kong usapan nila. Hanggang sa malinawan ito. 

"So, what are we gonna do now?"

"Kailangan natin silang maitakas bago pa sila ilipat ng ibang lugar" 

Nagbaba siya ng tingin, halatang mahihirapan ito sa pinaplano ko.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito. 

"Please help me. Help me save her, ayokong maging parte siya ng panibago nilang formula. Ayokong mapahamak si Mara, I, I can't lose her."

Nag aalala siyang nag angat ng tingin sakin. 

"You're inlove" 

Pilit akong ngumiti sa sinabi nito. 

"For the first time." Banat ko naman.

She chuckled and sighed. 

"Fine. As long as you'll plan it smoothly, ayokong mabigo ulit tayo kuya." Tinanguan ko ito. 

Yumakap siya sakin at marahan kong hinagod ang likod nito. "I promise"

"Kamusta na siya?" Tanong niya habang kumakain. Pinagluto ko ito ng noodles kasi kanina pa daw siya gutom.

"Sick"

Tumingin ito sakin. Nanlalaki ang mga mata niya. 

"Bakit? In-overused mo na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong tingin mo sakin, barumbado?"

"Oo"

"La? Dati oo sige, pero hindi na ngayon. Masyado akong pinaanghel ng lugar na'to. Baka nga siya pa mang overuse sakin e. Gusto na nga daw niya magka baby" Halos mabulunan siya sa narinig.

Natatawa kong inabot sa kanya yung tubig nang bigla siyang umubo ubo. 

"Yan na yung tamang tao kuya, wag mo nang pakakawalan" Aniya saka nagtuloy sa pagkain. 

Napailing na lang ako sa kalokohan nito. 

I won't.

I really won't.

Para akong magsasayang ng biyaya kung papakawalan ko pa siya diba? 

Nang matapos siyang kumain, agad kong niligpit ang mga ginamit nito. 

"Dito ka lang a? Wag ka munang lalabas, take a nap if you're tired." Habilin ko sa kanya na tinanguan niya lang. Inutusan ko siyang i-lock ang pinto pag nakalabas na ako, wala siyang dapat papasukin na kahit sino. 

Agad akong nagtungo sa isa pang kwarto na kainan ng mga tauhan. Isa itong laboratoryo noon na ginawa nilang kusina. 

Kumuha ulit ako ng mainit na noodles at isang baso ng tubig at pasimple kong dinukot ang gamot na nakalagay sa maliit na kit. 

Pinuntahan ko si Mara, pagdating ko ay nakahilata lang ito at inis akong tinapunan ng tingin. 

"Nakakagulat ka" Pagrereklamo niya. Tinawanan ko lang siya at nilapag ang tray sa kama niya. 

"How are you feeling?" Umayos siya ng upo at uminom ng tubig. 

"Medyo okay na ako, nahihilo lang ng kaunti" She said, weakly.

Her voice.

"Namamaos ka"

She just shrugged and start eating. 

I sat beside her, waiting her to finish.

"Oh" Abot ko sa kanya ng tubig nang matapos. 

"Here's your meds, take it after 30 minutes and... Stop budging of times. Just rest" I said. Reminding her. 

She glared at me. 

"Okay. Thankyou" 

Sinapo ko ang noo nito at mainit pa rin iyon. 

"Mamaya pupunta ako rito, kakamustahin ko ang lagay mo. Okay?" Tumango lang siya. 

"Yes, doc" anito na inismiran ko.

Dali dali ko nang niligpit ang pinagkainan niya at kinuha ang tray. 

"See you later" Paalam ko sa kanya. 

She smiled "see yah" 

Kumaway pa ito bago ko talikuran.

Sinauli ko na ang mga pinagkainan nito at binalikan si Iyah. Natutulog na siya pagdating ko. Kumuha ako ng kumot at kinumutan ito. Sa kama ko siya natulog. 

Katulad ng mga kwarto nila Mara, madilim din dito. Mahina ang liwanag ng ilaw, wala silang plano palitan ng bago e. Mga dugyot.

Maya maya lang ay nakaramdam na rin ako ng antok. No choice, sa sofa na lang ako humiga. Sakop kasi ni Iyah buong kama ko. Parang di babae matulog, halos walang espasyo. 

Tumulala lang ako sa kisame at nag isip ng kung ano ano, hanggang sa tuluyan nakong talunin ng antok. 

Nang magising ako, mag aala sais na. Pumasok ulit ako sa banyo para maligo. I wore a blue hoodie paired with black shorts and a white nike shoes. 

Syempre kailangan maporma parin kahit nakakulong. 

Paglabas ko, tulog pa rin si Iyah, nakanganga pa. Napangiti na lang ako, she's always been like that kahit nung mga bata pa kami. 

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko, at nagpabango na rin. 

Lumabas na ako tulad ng nakagawian tuwing gabi, hinatiran ko ulit ng pagkain ang mga babae. Tulak tulak ang malaking cart, isa-isa kong pinasok ang mga kwarto nila at iniwanan ng tray ng pagkain.

Nang pumasok ako sa kwarto ni Lia, mapang asar na ngiti agad ang bumungad sakin. Nakahiga siya habang may hawak na libro. Yun ata yung history book na nakita ko sa kwarto ni Mara noon.

"May naiintindihan ka ba diyan?" Kunot noong tanong ko sa kanya at nilapag ang tray. 

Ngumuso siya, "wala, binasa basa ko lang boring e. At saka sa pictures lang naman ako interesado." 

"Ano bang klaseng lenggwahe mayron diyan?" 

"Ewan ko. Di ko rin gets e, puro salitang alien ata 'to, halo halo ang lengguwahe nito." 

Napatango ako.

Kaya pala bwiset na bwiset si Mara sa librong yon. 

Lumabas nako at dumiretso sa pinakahuling silid. Ang kwarto ni Mara, kwarto ko din to dati. Inshort, kwarto naming dalawa.

"Wazzup Attorney!" Masayang bungad ko dahilan para magising siya. Oh.

Di ako aware na natutulog pala siya. Now I'm dead.

"Ang ingay mo!" Singhal niya sakin. Pero imbes na matahimik ay natawa pa ako lalo. 

Yung boses niya, boses biik. 

Sobrang paos niya. Natatawa na rin siya pero matalim paring nakatitig sakin. 

Buong dalawang oras at hindi niya ko kinausap. Pero inasar ko pa rin siya nang inasar. Natatawa ako pag naaalala ko, kinakusap ko siya pero puro tango lang tugon niya. Pag binabanggit ko naman yung tungkol sa boses niya, tinatarayan niya lang ako. 

"Ininom mo ba yung gamot na binigay ko sayo kanina?" Tango lang ulit siya. 

"Magsalita kana kasi hahahahaha masamang magpigil ng galit--"

"Manahimik ka" Sambit niya. Natigan ako saglit. Pero sa huli ay humagalpak parin tawa ko hahahaha! Parang lumala pa ata hahahahahaha.

Hinampas niya ko ng unan nang hindi ako tumigil sa kataawa, halatang pikon na pikon na siya. 

Nanatili pa ko ng ilang minuto sa kwarto namin este niya. Sinamahan ko lang siya dun kahit inis na inis na siya sakin. Mamaya lang ay humihikab na siya.

"Inaantok kana ba?" Tango lang ang tugon. 

Umalis na ako sa kama niya, tinignan ko ang orasan. 11 pm na. Okay na rin na matulog siya nang maaga. Well, para samin ni Mara maaga na yon. At saka may sinat pa siya, kaya dapat lumakas kahit papano yung katawan niya. 

She needs to have a good sleep. 

"Goodnight na, sleeptight" Saad ko saka ginulo ang buhok nito. Kinuha ko na ang tray at nilock ang kwarto niya. 

Habang naglalakad ako sa hallway ay may napansin akong anino na nasa unahan non. Dahan dahan akong naglalakad papalapit dito, nang marating ko iyon ay bumungad sakin si kit. Isa sa mga pinakamahigpit na tauhan ni dad. Siya rin ay isa sa mga dumudukot ng babae. Isa na don si Mara. 

"So..kaya pala, parang biglang nag iba ang ihip ng hangin Josh" Panimula niya. 

"What do you want, dumbass?" Sarkastikong tanong ko dito. 

"Wala naman akong gusto, kasi wala naman akong pakealam sa kung anong namamagitan sa inyo ni Mara hahahaha" Nag init bigla ang ulo ko sa paraan ng pananalita nito. 

Hinarap ko siya. 

"Wala kang dapat pakealamanan sa ginagawa ko Kit, hindi mo magugustuhan ang mangyayare sayo." Nahuli ko ang dumaang takot sa mga mata nito, pero agad rin iyong nawala. 

"Well, hindi naman kita pakekealaman, hindi ba't mas masaya pag si Carlos mismo ang makaalam? For sure pag nalaman niya yon. Ilalayo niya si Mara sayo, di malayong matulad siya sa nangyare sa kapatid m--"

His words stop after giving him a hard punched. I pinned him in the wall. 

"Say those words again and I will kill you. I won't hesitate in doing it so" I warned him.

Tinulak niya ako at nahihilong umatras papalayo sa akin. Dumudugo ang ilong niya. 

"Pagbabayaran mo 'to, Josh" Pananakot niya pa bago tumalikod at maglakad palayo.

Mabilis kong binalik ang cart sa lagayan non at dumiretso sa kwarto ko. Wala na si iyah nang dumating ako. Nailigpit na ang mga gamit at nakaarrange na ang mga beddings. 

Pasalampak akong naupo sa sofa.

"That bastard" Hinintay kong humupa ang galit na nararamdaman ko bago nahiga sa kama.

No. Hangga't nandidito ako, hindi nila magagalaw si Mara, si Iyah o kahit si Lia pa. Hindi nila magugustuhan ang kahahatungan nila. 

Iba ang kaya kong gawin sa oras na galawin nila si Mara.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status