Share

Chapter 14

Auteur: Celeste Voss
last update Dernière mise à jour: 2025-11-12 10:57:33

Freya's POV

Palapit na ang birthday ni Ezekiel at ang huli niyang paramdam sa akin ay yung kanyang text at hinihingi ang video clip nila Sebastian at Marice. Hindi man lang niya ako kinulit matapos kong tanggihan ang kanyang hinihingi.

"Mom? What's wrong?" Tanong ko sa kanya nang makauwi ako at ramdam ko ang kanyang pagkabalisa. Para kasing hindi siya mapakali.

"Nothing anak." Tanggi niya saka muling nagfocus sa kanyang kausap. Nagkibit-balikat na lang ako saka umakyat papunta saking kwarto.

Naligo at nagbihis muna ako bago muling bumaba. Nangunot ang noo ko dahil hindi na talaga maipinta ang mukha ni mommy. Hinintay ko muna siyang matapos sa kanyang kinakausap bago ito lapitan.

Yumakap ako sa kanya patalikod. Pansin ko namang natigilan siya saking ginawa.

"Tell me, mommy. What's wrong?" Malambing kong tanong sa kanya. Kumalas siya sa yakap ko saka humawak sa aking pisngi.

"Anak, ang company natin nalulugi na. Bigla na lang nagsipull out ang mga investor natin." Natigilan ako s
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 21

    Freya's POV Pagkatapos ng nangyari ay detention room lang ang ipinataw na parusa kila Freya. Si Sebastian naman at hinayaan lang ng school ayun sa sinabi ni Ezekiel na silang dalawa na lang ang mag-usap. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko agad si mommy na tila bihis na bihis. "Oh andyan ka na pala. Maghanda ka anak, may dinner tayo ngayon kasama ang mga Rutherford. Pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal niyo." "What?" Hindi pa nga ako nakakabawi na kay Ezekiel yung school na pinapasukan ko, ngayon naman tungkol na sa kasal namin. "Magbihis ka na lang anak, wag nang maraming tanong." Excited niyang wika sa akin. Hindi na lang ako umimik pa. Ginawa ko na lang ang kanyang ipinag-uutos. Simpleng skirt at oversized hoodie ni Ezekiel lang ang isinuot ko. Wala eh. Makapal talaga ang mukha ko kaya kahit hiram lang, magiging akin na kinabuksan. ----- Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant kasama ang family ni Ezekiel. Magkatabi kami ni Ezekiel at pansin kong panay ang ti

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 20

    Freya's POV Nakaupo kami ngayon sa pabilog na mesa dito sa Office of Student Affairs. Katabi ko si Ezekiel habang nasa pinakadulo ang mga deans. Ang President ay nandito din. "Talk. Anong nangyari." Kasasabi pa lang ng President ay nagsabay-sabay nang magsalita sina Sebastian at Marice pati na din ang mga kasamahan niya. What the hell. "Pinagsalitahan niya ako kanina ng mga malalaswang salita porket ako ang pinili ni Sebastian. Kahit tanungin niyo pa ang mga kadepartment ko." Mahabang wika ni Marice. Napa-ikot naman ako ng mga mata ko dahil ako talaga ang binabaliktad nila ngayon. "Tama po President. Kitang-kita namin kung paano siya nito pagtangkahan, sayang nga lang at walang CCTV sa part na iyon edi sana may evidence kami." "See? She can't talk because everything that Marice and others were saying was true." Wika ni Sebastian. "I didn't do everything. Alam niyo ba na pwede ko kayong sampahan ng kaso sa mga pinagsasabi niyo?" Pananakot ko sa kanila. "Sampa? Ni wala ka n

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 19

    Freya's POV Pagkatapos kong maligo ay lumabas na din ako. Naabutan ko si Ezekiel na natutulog na sa kanyang malambot na kama. Tumingin ako sa kanyang sofa at napangiwi ako. Hindi ako sanay na matulog sa makipot. Nginisian ko ang kanyang likuran. Dahan-dahan akong gumapang sa kanyang tabi. "What the hell, Freya." Pikit mata niyang wika sa akin. "Ayaw mo naman sigurong magsumbong ako kila Mommy mo at Daddy mo na pinatulog mo ako sa sofa mo." Pananakot ko sa kanya. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Kahit na natutulog, ang intimidating pa din niyang tignan. "San ka nagshower?" Taka kong tanong nang makita kong basa ang kanyang buhok. "Sa kabilang kwarto." Hindi na lang ako nagsalita saka walang alinlangang nagsumiksik sa kanya. Nanigas ang kanyang katawan sa aking ginawa. "Freya!" Nagmulat siya ng kanyang mga mata at matalim ang mga tingin na ipinukol sa akin. "What? Sa nilalamig ako. Come on, let us share some

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 18

    Freya's POV "It's true. Hindi niyo alam kung ano ang sakit na nararamdaman ko mula nang patigilin niya ako sa panililigaw kahapon. Imagine, pinatigil niya ako sa panliligaw tapos ngayon, mag-aanounce sila ng PINSAN ko na ikakasal sila?" Ang kapal naman ng kanyang mukha. "Hindi ba dapat noon pa niya ako pinatigil kung wala naman akong pag-asa hindi ba? You all know that I have a chance right?" Pavictim pa niyang wika. Napapikit ako sa inis na nararamdaman ko ngayon. "Oo nga naman, Freya. Masakit yan para sa kaibigan namin. Dapat hindi mo na pinaasa pa." Mas nag-init ang ulo ko nang sumapaw pa ang kanyang kaibigan. "Why don't we ask her friend, Marice. Ikaw ang saksi sa lahat hindi ba?" Baling ng kanyang ina kay Marice. Ibig kong matawa. Tama siya nga ang saksi sa lahat. Kinakabahan namang tumango si Marice at hindi makatingin sa akin. "Enough, Darwin. Tama na nakakahiya sa mga bisita." Galit na wika ng ama ni Ezekiel. "Wala kang dapat ikahiya, pinsan. Alam mo naman na nililigaw

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 17

    Freya's POV Tulala ako ngayon sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa sobrang kilig ma nararamdaman. Pagod na din akong magpagulong-gulong sa aking kama. "Mabuti naman at tumigil ka na dyan kakagulong. Anong nangyari ba?" Gulat akong napatingin sa may pinto kung saan nandun si Mommy na nakasilip. "Mommy." Natatawa kong wika sa kanya dahil para siyang tyanak na nakasilip. Kung bakit ba naman kasi sa pinakababa pa siya sumilip. "Come on, tell me anak. Baka sakaling maibsan ang stress na nararamdaman ko." Kusa na siyang pumasok sa kwarto ko saka naupo sa gilid ng kama ko. Mabilis naman akong umayos ng upo. "Nothing, mommy. Success kasi ang thesis defense namin kaya masaya lang ako." At bukod pa dun natikman ko na naman ang labi ni Ezekiel. "Talaga? Wow, congratulations anak. I'm always proud of you." Nakangiti niyang wika sa akin. Ramdam kong may mabigat siyang problema at pinipilit lang lang itago ang kanyang nararamdaman. "How about the business mom? Kumust

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 16

    Freya's POV Nanigas ang katawan ko nang humawak ang kanyang kamay sa aking bewang. "Hoi, babaeng malandi. Lumayo ka nga kay sir Ezekiel. Nakakahiya ka! Studyante ka pa naman!" Galit na sigaw ng babae sa akin pero mas nagsumiksik lang ako kay Ezekiel. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na namang may mga yabag na papalapit sa amin. Napasimangot naman ako nang inilayo ako ni Ezekiel sa kanya pero nagulat lang din ako nang buhatin niya ako ng pabridal style. Hiyang-hiya akong napatingin sa mga tao sa loob. Ang babaeng tumulong sa akin kanina ay hindi makapagsalita habang ang babaeng nanabunot sa akin ay gulat ding napatingin sa akin. "Monica, you are fired." Malamig na wika ni Ezekiel sa kanya. "Ano? Bakit? Bakit mo ako aalisin? Sino ba yang babaeng iyan Kiel?" Wika niya na hindi matanggap ang desisyon ng kanyang amo. "She's my woman. Take her out for me." Malamig niyang wika sa mga tauhan niyang dumating kani-kanina lang. Pumasok na kami sa loob saka niya nilock ang pinto. Ako

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status