Luke’s POV Tahimik ang mansion, ngunit hindi tahimik ng kapayapaan. Ang tahimik na ito ay puno ng tensyon, parang bawat sulok ay nakikinig at nakabantay. Ilang linggo na kaming gising gabi-gabi, nag-aayos ng mga dokumento, nag-audit ng bank statements, at nag-trace ng bawat piraso ng ebidensya. Sa bawat printout, email, at forged approval na nakalatag sa dining table, ramdam mo ang bigat ng bawat salita—parang bato sa dibdib ng sinumang magtatangka na palusutin ang imperyo ng mga Crowe. Nakatayo si Sir Kiel sa tabi ng fireplace, nakatingin sa apoy na tila sinasalamin ang galit at lungkot sa kanyang mga mata. Tahimik siya, ngunit ramdam ko ang bawat pihit ng kanyang puso. “Luke,” mahinang wika niya, “handa na ba tayo?” “Handa na, sir,” sagot ko, ngunit alam kong ang ibig niyang sabihin ay hindi basta handa kami sa logistics—handa na kami sa digmaan. Ang digmaan na ito ay hindi lamang laban sa korporasyon nina Seb at Marice; ito ay laban sa lahat ng humalintulad sa kanila—lahat ng n
Last Updated : 2025-10-28 Read more