Share

Chapter 22

Akala ko ay tanggap ko na pero noong makita ko na mismo si Tatay Isko na naroon sa loob ng kabaong ay halos mawalan ako ng ulirat. Ilang araw akong hindi nakaiyak ng dahil sa sobrang sakit pero ngayon ay may luha na ulit na tumutulo mula sa aking mga mata, pero sobra-sobra pa rin ang sakit na nararamdaman ko.

“Nandito na po ako, ‘Tay…” bulong ko habang nakayakap sa kabaong niya.

Ang sakit-sakit. Higit isang taon ko siyang hindi nakita tapos ganito ang madadatnan ko. Ni hindi ko pa nabibigyan nang maayos na buhay si Tatay, ni hindi ko pa nababayaran ang lahat-lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin kahit na hindi niya naman talaga ako totoong anak.

Habang humahagulgol ay naramdaman ko ang paghagod ni Nanay Isang sa likod ko kaya naman agad ko siyang hinarap. Kitang-kita ko ang pagod sa namumugto niyang mga mata. Agad kong niyakap si Nanay Isang.

“Tahan na, Anak. Hindi ba ay ayaw ng Tatay Isko mong nakikitang umiiyak ang prinsesa niya. Sige ka, malulungkot ‘yon.” Pag-aalo sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status