Share

Chapter 29.2

“I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan.

Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina.

“Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!”

Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.”

Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya.

Nakakainis!

Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon.

Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako.

“Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya.

Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina.

Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon.

“May k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status