Deceiving the Heir

Deceiving the Heir

By:  naiad  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
34Mga Kabanata
1.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Growing up poor, Francesca Ynes Gomez really knows the importance of hard work and perseverance. Lumaki siya sa paniniwala na lahat ng minimithi niya sa buhay ay makukuha niya basta’y magsipag lamang siya at magtiyaga. Ngunit binalewala niya ang prinsipyong ito ng tanggapin niya ang alok na magpanggap bilang ibang tao, bilang fiancee ng isang playboy. Upang magawa ang misyong iyon ay kailangan niyang pakisamahan sa iisang bubong si Damon Dela Rue, ang eredero ng isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Ang magarbong mansiyon nito ang magiging entablado niya sa mga pagpapanggap at mga kasinungalingang pikit mata niyang isasagawa. Magtagumpay kaya siya? Sapat na kayang dahilan ang kayabangan at pagiging babaero ni Damon upang maprotektahan niya ang kaniyang puso mula rito? Subalit ano ang gagawin niya kung mahulog siya sa lalaking mapapangasawa ng babaeng pinagpapanggapan mo bilang ikaw? Kaya mo bang isuko ang lahat kahit kapalit naman nito ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay? Ng dahil sa bunga ng kanilang pagmamahalan ay mapipilitan si Francesca na balikan ang mga taong matagal niya ng binaon sa nakaraan. Sa muli niyang pakikipagsapalaran ay may matutuklasan siyang magdudugtong sa kaniya sa mga taong kaniyang kinamumuhian. Handa na ba ang puso niyang magpatawad at...muling balikan ang lalaking minamahal?

view more
Deceiving the Heir Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
34 Kabanata
Chapter 1
Nanginginig ang labi ko. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Nanghihina at hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig.“M-Malala na raw ang k-kondisyon ng T-Tatay Isko mo, ‘Nak,” namamaos ang boses na saad ni Nanay Isang, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. “Nakapagtanong ako kanina sa doktor, higit isang milyon daw ang magiging halaga ng operasyon…w-wala tayong ganoong kalaking p-pera.”Huminga ako nang malalim at sapilitang ikinalma ang aking sarili. Hindi dapat ako panghinaan sa panahong ito. Dapat ay maging matatag ako sapagkat kailangan ako ni Nanay Isang, kailangan ako ni Tatay Isko.“’Wag ka hong mag-alala, ‘Nay. Gagawan natin ‘to ng paraan, gagawa po ako ng paraan,” puno ng determinasyon ang boses ko.“Paano naman, ‘Nak?”“Hindi ko pa po alam, ‘Nay. Pero pangako po, gagawa ako ng paraan, mapap
Magbasa pa
CHAPTER 2
“From now on you must practice adressing us as ‘Mama’ and ‘Papa’,” muling gumuhit ang ngiti sa labi ni Mrs.Dela Rue habang marahang hinahaplos ang aking kamay. Nasa hapag na kami ngayon at katatapos niya lang na maipakilala ako sa kaniyang asawa na si Don Sergio at bunsong anak na si Gustave. Tahimik ang Don pero hindi naman siya nagpapakita ng pagkadisgusto sa akin, mukhang ganoon talaga ang personality niya base na rin sa research na ginawa ko.  Sa kabilang banda naman ay kanina pa ako nginingitian ni Gustave sa tuwing nagkakasalubong ang paningin namin. Wala akong nakuhang masyadong impormasyon sa kaniya sapagkat siya ang pinakapribado sa mga Dela Rue dahil na rin siguro sa nag-aaral siya ng Abogasya pero sa palagay ko ay siya ang pinakamabait. Ang gaan kasi kaagad ng pakiramdam ko sa kaniya. “Sige po, Mama,” Binalingan ko si Mrs.Dela Rue at nginitian. 
Magbasa pa
Chapter 3
”What happened to the engagement last night?” agad na bungad ni Angelina noong sagutin ko ang tawag. Nagtagal ang party kagabi kaya naman sobrang late ko ng nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising ngayong umaga. Nahiya pa nga ako kasi sabi sa akin ni Guada ay hihintayin daw dapat ako nina Mrs.Fridgette at Don Sergio sa breakfast ngunit nang malamang tulog na tulog pa ako ay hinayaan na lang muna. “Ayos lang naman,” sagot ko sa kaniya habang nagbibihis ako. “Talaga bang okay lang na itinuloy ang engagement? Baka kasi mas mahirapan ka nito sa planong pagtanggi sa kasal dahil nangyari na ang engagement.” “Okay lang ‘yon. At isa pa ay wala kang karapatang pakialaman ang desisyon ko. Just do what I says, I don’t need your opinion! Hindi kita binayaran para riyan.” Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi na sumagot pa. Mas lalo lang ka
Magbasa pa
Chapter 4
Nanuyo ang lalamunan ko habang nag-iisip sa kung ano ba ang maaari kong sabihin o kung dapat bang may sabihin ako dahil nakasisiguro akong isang salita ko lang ay mabubuking niya ako. “Sweetie…still there?” muling nagsalita si Ma’am Rowena dahil sa matagal kong pananahimik. “Are you alright? Why aren’t you answering me?” Wala talaga akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi ako maaaring magsalita ngunit kung mananahimik naman ako ay magtataka siya. Rinig na rinig ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib. Napatingin ako kay Mrs.Dela Rue, nakangiti siya sa akin ngayon at parang ini-encourage ako na makipagusap sa aking ‘ina’. Ibinuka ko ang labi ko, magsasalita na sana kasabay ng pagbabakasakaling hindi niya mapansin ang aking boses ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng pag-uusap sa kabilang linya, mukhang sekretarya niya iyon. “I'll just call you some other time, sweetie. I need to take care of something. Enjoy your stay there, I love
Magbasa pa
Chapter 5.1
Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkaayos na ang magkapatid kasi bumalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nagkausap na rin kami ni Damon pero siniguro kong hindi niya na ulit ako mahihila pa sa kwarto niya dahil sigurado akong may balak na naman siya kapag doon kami nag-usap. “No more flirting with other men. Akin ka na, sa akin lang,” sinabi niya iyon sa akin. Magpoprotesta sana ako kasi hindi ko gusto ang sinabi niya. Tao ako at hindi bagay na maaaring angkinin, may sarili akong pag-iisip at desisyon, walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lang. Gusto kong ipaglaban sa kaniya iyon pero sa huli ay tumango na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang usapan. Napagtanto ko rin na kahit pa iprotesta ko ‘yong pinaniniwalaan ko ay wala rin namang silbi kasi hindi naman ako ang magpapakasal sa kaniya. Mabuti na rin iyon kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Angelina ay hindi ko ‘ata makakayanan ang level ng possessiveness ni Damon
Magbasa pa
Chapter 5.2
Bumabyahe na kami pabalik sa Sorsogon ni Gustave pero patuloy pa ring lumilipad ang isipan ko tungkol sa nadatnan namin kanina. Hindi ko maitago ang iritasyon magpahanggang ngayon.Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ay wala naman akong pakialam kasi nagpapanggap lang naman ako, hindi naman ako ang totoong magpapakasal kay Damon. Pero bakit ako nakararamdam ng ganito? Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto kaya bakit?Hindi ko tipo ang mga lalaking kagaya niya. Maraming bagay sa kaniya ang ayaw ko at isa pa ay masyadong malayo ang estado namin sa buhay. Marami pa akong bagay na kailangang pagtuonan ng pansin kaya wala pa akong oras sa pag-ibig, at kung magmamahal man ako pagdating ng araw ay nasisiguro kong hindi iyon katulad ni Damon.Naguguluhan ako at iritado. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na nakararamdam ako ng ganito ngayon kasi napaka-unfair niya talaga. Nag-away kami nitong nakaraan dahil sinabi niya ay nakikipaglandian ako sa kapatid n
Magbasa pa
Chapter 6
Ilang minuto na mula nang lumabas si Luisana ngunit narito pa rin ako sa banyo at tulala. Kinakabahan ako nang husto ng dahil sa nalaman. Pinaimbestigahan niya ako at natatakot ako na baka sa mga oras na ‘to ay alam niya ng hindi talaga ako si Angelina Smith at nagpapanggap lang dahil sa pera. Hindi ako mapakali at imbes na mag-overthink ng iba’t ibang senaryo ay mas pinili ko na lang na tawagan si Angelina upang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. “Don’t mind her. I am sure that she’s making fun of you. Pinatanggal ko na ang mga articles online kung saan featured ako at pareho na rin tayong walang social media accounts kaya naman malabo ang sinasabi niya,” paliwanag ni Angelina nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni Luisana. “Mayaman din si Luisana. Paano kung nagbayad siya ng propesiyunal na imbestigador. Mabubuking tayo!” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angelina mula sa kabilang linya, “That woman is just probably obsessed with
Magbasa pa
Chapter 7
Nang unti-unti ng bumabalik ang diwa sa akin ay ang tunog ng paghampas ng alon ang una kong narinig. Noong tuluyan na akong nagising ay bigla ko na lang naramdaman ang pananakit ng ulo. Napadaing ako at unti-unti ng iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko’y binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit! Unang titig ko pa lang sa kisame ay nasisiguro ko ng wala ako sa kwartong kinuha ni Stave para sa akin. Mabilis akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan ako?! Nagsimula na akong makaramdam ng kaba, nalasing ako kagabi tapos bigla na lang akong magigising sa ibang kwarto! Agad kong ibinaba ang paningin sa aking katawan, nakahinga ako nang maluwag noong makitang may suot pa rin akong damit. Ngunit nang mapansin ko ang long sleeves na nakasuot sa akin ay unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Dumating si Damon. Iniligtas niya ako. Nag-away kami at sa huli ay…hinalikan niya ako! Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.
Magbasa pa
Chapter 8.1
“Sa tingin mo ay alam na kaya ni Luisana ang totoo?” Sandaling nag-isip si Guada. Narito kami ngayon sa kwarto ko at sinabi ko sa kaniya iyong nangyari noong gabing nakausap ko si Luisana. Kahit na in-assure na ako ni Angelina ay hindi ko pa rin maiwasang mangamba tungkol doon. Nararamdaman ko kasi na may alam na talaga si Luisana kasi hindi naman niya bibitawan ang mga salitang ‘yon kung wala, ‘di ba? At malaking problema iyon kung sakaling may alam nga siya. Kung totoo ang hinala ko na alam niyang nagpapanggap lang ako bilang si Angelina Smith ay paniguradong gagamitin niya ang kaalamang iyon upang sirain ako. Desperada siya at handang gawin ang lahat makuha lang si Damon. “Baka naman nagsisinungaling lang siya para pag-isipin ka?” hindi rin sigurado si Guada sa sagot niya. “Paano kung hindi? Paano kung alam niya na talagang nagpapanggap lang ako?” Itinikom ko ang nanginginig sa kabang kamay. Lumapit sa akin si Guada at marahang hinaplos ang aking buhok, “Hindi ko rin alam, Fr
Magbasa pa
Chapter 8.2
“Tapos na!” Iminulat ko ang aking mga mata nang sabihin iyon ni Guada. Agad na bumungad sa paningin ko ang repleksiyon ng aking mukha mula sa salamin. “Kahit anong ayos ang gawin sa ‘yo ay ang ganda-ganda mo pa rin!” papuri ni Guadalupe. Hindi ko nga lang alam kong nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil siya ang nag-ayos sa akin ngayon. Pero hindi ko maipagkakaila. Magaling siyang mag-make up at mag-ayos ng buhok, maganda rin ang taste ni Guada sa mga damit kaya siya ang madalas na namimili ng mga isinusuot ko rito. Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuohan. Kinulot ng kaonti ni Guada ang buhok ko kaya naman mistula iyong umaalon, may kung ano rin siyang inilagay rito kanina kaya pansin ko ang pagkintab nito. Hindi naman makapal ang make-up ko ngayon, ayaw ko rin kasi ng ganoon at ayon naman kay Guada ay mas bagay talaga sa akin ang natural look dahil may natural contour na raw ang mukha ko at natural ding mapupula ang labi. Nang pasadahan ko ng
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status