Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong
“I need the report for last year,” sabi ni Damon ng hindi man lang ako tinitingnan. Agad na nalukot ang mukha ko at padarag na ibinagsak sa lamesa niya ang napakabigat at patong-patong na files na pinakuha niya sa akin kanina. “Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para nasabay ko na. Bababa na naman tuloy ako!” Binalingan niya na ako ngayon. “I forgot. Kunin mo na dahil iyon pala ang kailangan ko, hindi ang mga ito.” Inalis niya na ulit sa akin ang atensyon at nagsimula na namang magtipa. Sana talaga ay mamanhid iyang kamay niya. Nakakainis! Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa siya bumulagta ngayon. Nang mapansin sigurong hindi pa ako tumatalima sa utos niya ay binalingan niya muli ako. “Kilos na, bilis!” Pumalakpak pa siya. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Nakasalubong ko si Roi dahil naroon lang siya sa labas ng pinto at nag-aabang yata ng maaaring iutos sa kaniya ni Damon. “May k
“G-Good morning,” gulat na bati ko kay Daniel. Kalalabas ko lang ng kwarto, nakabihis na ako at paalis na ngunit natigilan lang noong makita si Daniel na nakaupo sa sofa habang kandong ang anak kong nanonood ng cartoons. “Nag-breakfast ka na ba?” tanong ko. Umiling lang siya at pinaupo muna sa sofa si Damien bago siya tumayo. “Ihahatid na kita.” Gusto ko sanang tumanggi ngunit napagtanto ko na bukod sa convenient na ito para sa akin ay maaari ko rin siyang makausap ngayon upang makahingi ng tawad. Matapos magpaalam kay Damien at Guada ay lumabas na kami ni Daniel. Nanatili siyang walang imik kahit na nasa byahe na kami. Nang tuluyan ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building ay hindi muna ako lumabas upang makausap siya. “Salamat pala sa paghatid sa akin. Sana hindi ako nakakaabala sa mga gagawin mo sa araw na ito,” panimula ko. “Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa paglilihim ko? Sorry, pero sana ay maintindihan mo ako.” “I forgive you. Pero ganoon pa rin ang opinyon k
“Where is my son?” “N-Na sa tinutuluyan kong apartment,” kinakabahang sagot ko. “Tell me the way. I want to see him.” Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako. Akala ko ba ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko kanina? Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko habang nasa byahe kami patungo sa aking apartment. Kaming dalawa lamang ni Damon ang narito sa sasakyan niya. May isang sasakyan sa unahan at sa likuran namin, ang mga bodyguards niya iyon. Kanina pa siya tahimik at malamig rin ang tungo niya sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa mga maaaring mangyari ngunit kinalma ko ang sarili ko. I should focus on this first, I will deal with the consequences later. Pero naisip ko rin na baka kaya siya ganito ngayon ay dahil inaalala niya ang magiging epekto nito sa relasyon nila ni Angelina. Nakakaramdam ako ng guilt dahil baka masira iyon pero tutulungan ko na lang siyang mag-explain. At sasabihin ko ring wala akong balak na panagutin si Damon, lalayo na rin kami ng anak
Nanginginig ang labi ko. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Nanghihina at hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig.“M-Malala na raw ang k-kondisyon ng T-Tatay Isko mo, ‘Nak,” namamaos ang boses na saad ni Nanay Isang, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. “Nakapagtanong ako kanina sa doktor, higit isang milyon daw ang magiging halaga ng operasyon…w-wala tayong ganoong kalaking p-pera.”Huminga ako nang malalim at sapilitang ikinalma ang aking sarili. Hindi dapat ako panghinaan sa panahong ito. Dapat ay maging matatag ako sapagkat kailangan ako ni Nanay Isang, kailangan ako ni Tatay Isko.“’Wag ka hong mag-alala, ‘Nay. Gagawan natin ‘to ng paraan, gagawa po ako ng paraan,” puno ng determinasyon ang boses ko.“Paano naman, ‘Nak?”“Hindi ko pa po alam, ‘Nay. Pero pangako po, gagawa ako ng paraan, mapap
“From now on you must practice adressing us as ‘Mama’ and ‘Papa’,” muling gumuhit ang ngiti sa labi ni Mrs.Dela Rue habang marahang hinahaplos ang aking kamay.Nasa hapag na kami ngayon at katatapos niya lang na maipakilala ako sa kaniyang asawa na si Don Sergio at bunsong anak na si Gustave. Tahimik ang Don pero hindi naman siya nagpapakita ng pagkadisgusto sa akin, mukhang ganoon talaga ang personality niya base na rin sa research na ginawa ko.Sa kabilang banda naman ay kanina pa ako nginingitian ni Gustave sa tuwing nagkakasalubong ang paningin namin. Wala akong nakuhang masyadong impormasyon sa kaniya sapagkat siya ang pinakapribado sa mga Dela Rue dahil na rin siguro sa nag-aaral siya ng Abogasya pero sa palagay ko ay siya ang pinakamabait. Ang gaan kasi kaagad ng pakiramdam ko sa kaniya.“Sige po, Mama,” Binalingan ko si Mrs.Dela Rue at nginitian.
”What happened to the engagement last night?” agad na bungad ni Angelina noong sagutin ko ang tawag.Nagtagal ang party kagabi kaya naman sobrang late ko ng nakatulog, tinanghali tuloy ako ng gising ngayong umaga. Nahiya pa nga ako kasi sabi sa akin ni Guada ay hihintayin daw dapat ako nina Mrs.Fridgette at Don Sergio sa breakfast ngunit nang malamang tulog na tulog pa ako ay hinayaan na lang muna.“Ayos lang naman,” sagot ko sa kaniya habang nagbibihis ako. “Talaga bang okay lang na itinuloy ang engagement? Baka kasi mas mahirapan ka nito sa planong pagtanggi sa kasal dahil nangyari na ang engagement.”“Okay lang ‘yon. At isa pa ay wala kang karapatang pakialaman ang desisyon ko. Just do what I says, I don’t need your opinion! Hindi kita binayaran para riyan.”Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya at hindi na sumagot pa. Mas lalo lang ka
Nanuyo ang lalamunan ko habang nag-iisip sa kung ano ba ang maaari kong sabihin o kung dapat bang may sabihin ako dahil nakasisiguro akong isang salita ko lang ay mabubuking niya ako. “Sweetie…still there?” muling nagsalita si Ma’am Rowena dahil sa matagal kong pananahimik. “Are you alright? Why aren’t you answering me?” Wala talaga akong ideya sa kung ano ang gagawin ko. Hindi ako maaaring magsalita ngunit kung mananahimik naman ako ay magtataka siya. Rinig na rinig ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib. Napatingin ako kay Mrs.Dela Rue, nakangiti siya sa akin ngayon at parang ini-encourage ako na makipagusap sa aking ‘ina’. Ibinuka ko ang labi ko, magsasalita na sana kasabay ng pagbabakasakaling hindi niya mapansin ang aking boses ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng pag-uusap sa kabilang linya, mukhang sekretarya niya iyon. “I'll just call you some other time, sweetie. I need to take care of something. Enjoy your stay there, I love