Thank you for reading my story ❤️
Akala ko ay tanggap ko na pero noong makita ko na mismo si Tatay Isko na naroon sa loob ng kabaong ay halos mawalan ako ng ulirat. Ilang araw akong hindi nakaiyak ng dahil sa sobrang sakit pero ngayon ay may luha na ulit na tumutulo mula sa aking mga mata, pero sobra-sobra pa rin ang sakit na nararamdaman ko. “Nandito na po ako, ‘Tay…” bulong ko habang nakayakap sa kabaong niya. Ang sakit-sakit. Higit isang taon ko siyang hindi nakita tapos ganito ang madadatnan ko. Ni hindi ko pa nabibigyan nang maayos na buhay si Tatay, ni hindi ko pa nababayaran ang lahat-lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin kahit na hindi niya naman talaga ako totoong anak. Habang humahagulgol ay naramdaman ko ang paghagod ni Nanay Isang sa likod ko kaya naman agad ko siyang hinarap. Kitang-kita ko ang pagod sa namumugto niyang mga mata. Agad kong niyakap si Nanay Isang. “Tahan na, Anak. Hindi ba ay ayaw ng Tatay Isko mong nakikitang umiiyak ang prinsesa niya. Sige ka, malulungkot ‘yon.” Pag-aalo sa
5 Years Later… “Mama, gising na po! Baka ma-late na po tayo sa iskul.” Naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng balikat ko at maya-maya pa’y ang pagdampi ng halik sa magkabila kong pisngi. Agad akong napangiti at idinilat ang aking mga mata. Nang makita ko ang magkasalubong na kilay ng aking anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahalakhak. Ang cute-cute niya talaga! Ang sarap kurutin ng pisngi! “Good morning! Ang aga namang magising ng baby ko na ‘yan. Mas nauna pang manggising kaysa sa alarm clock ni Mama,” Bumangon na ako at niyakap siya nang mahigpit. “Kanina pa po nag-ring ‘yong alarm clock niyo, hindi naman po kayo nagising. Ako po ang nagising kaya ako na lang ang gumising sa ‘yo, Mama,” sagot niya sa akin at muli akong hinalikan sa pisngi. Matapos ang ilang minutong harutan ay tumayo na ako at sinimulang tupiin ang kumot. Tumulong naman sa akin ang aking anak sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga unan. Ganito ang karaniwang simula ng araw ko. My son is a light sle
Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin. Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko. Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito. Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak. Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak. “Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako. “Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin. Namimili rin siy
”Nakarating na po kami rito sa Maynila, Nanay.”Agad kong tinawagan si Nanay noong makarating na kami sa pansamantala naming tutuluyan habang narito kami sa Maynila.Noong tumawag ako kay Luisana ay nalaman kong hindi na namamalagi si Damon sa Sorsogon at kasalukuyan itong naninirahan sa Maynila. Hindi alam ni Luisana ang address nito pero nangako siya sa akin na pai-imbestigahan iyon at sasabihin kaagad sa akin kapag nalaman niya.”Kumusta naman ang tutuluyan niyo. Komportable ba kayo riyan? Kumusta ang aking Apo?””Maayos naman po ang tutuluyan namin at malapit din po rito ang apartment na tinutuluyan ni Daniel. Tulog na po si Damien, masyado pong napagod sa byahe.”Sumabay na kami sa pag-alis ni Daniel. Kasama ko ang aking anak at si Guada. Pinaalam ko rin kay Daniel kung ano ang pakay ko rito. Tinulungan niya ako, sa katunayan ay siya ang nag-suggest sa akin nitong tinutuluyan naming apartment nina Guada ngayon.Sinabi rin sa akin ni Daniel na handa siyang tumulong sa akin sa anuma
Halos isang oras yata akong nanatili roon sa parking lot bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na umalis. Sobrang bigat ng dibdib ko habang inaalala ang muling pagkikita namin ni Damon. Inaasahan ko naman na galit siya sa akin ngunit hindi sa ganoong paraan. Mas kakayanin ko pa yata kung sisigawan niya ako o hindi naman kaya ay pagsasalitaan ng masama kaysa naman sa tratuhin niya ako ng ganoon na parang hindi niya ako kilala. "Kumain ka na ba? Gusto mo ay ipaghain kita?” Ramdam ko ang pag-iingat sa boses ni Guadalupe nang makarating ako sa apartment. Nahahalata niya siguro ang nararamdaman ko ngayon pero mas pinili na lang na ’wag ng magtanong tungkol doon. Iling lang ang naisagot ko kay Guada at nagpaalam na papasok na sa kwarto upang magpahinga. Ayaw kong umiyak ngayon gabi ngunit nang makita ko ang payapang mukha ng natutulog kong anak ay hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang tahimik na umiyak.
“Nag-aalala ako para sa ‘yo pero ngayong sasamahan ka ni Sir Daniel ay mapapanatag na ako.” Lumayo na nang kaonti sa akin si Guada at tiningnan niya ako nang maigi. Tapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tinawagan ako ni Sir Arnaldo kanina, he invited me for a dinner this evening. Sinabi niya sa akin na makakasama namin si Ma'am Rowena at si Angelina kaya naman medyo kinakabahan ako. Hindi maganda ang naging pagkikita namin ni Angelina noong nakaraan. Malamang ay galit pa siya sa akin lalo na at nalaman nilang anak ako ni Sir Arnaldo. “Kung ang iba ay nalo-losyang kapag may anak na, ikaw naman ay mas lalo pang gumanda! Sabihin mo nga sa akin kung ano ang sikreto mo, bet ko rin ang ganiyang kagandahan!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Guada at pinagmamasdan din ang aking sarili. Nakasuot ako ng white, below the knee fitted dress at black na stilleto. Pormal na dinner kasi iyon kaya ganito ang sinuot ko. “Nasa labas na raw si Sir Daniel,” imporma sa akin ni Guada. Bago ako tulu
Agad na akong hinila ni Damon papasok sa kaniyang sasakyan. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Daniel dahil nang makasakay na rin siya ay pinaharurot niya kaagad ang sasakyan. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi rin magandang nagkabuhol-buhol na ang isipan ko dahil sa kabang nararamdaman. Dati ay iniisip ko na madali lang na sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Ngunit ngayong narito na ako ay hindi ko magawang makapagsalita. Pinapangunahan ako ng kaba! “Sandali...hindi ito ang sa amin,” saad ko nang huminto na ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gusali. Sa dami-rami kong iniisip kanina ay hindi ko man lang namalayan na ibang ruta ang tinatahak niya. Ang tanga-tanga naman talaga, Francesca! Nang tumingala ako at tuluyan ng nabasa ang pangalan ng building ay napalunok ako. Kung tama ang pagkakatanda ko ay ito ang building kung nasaan ang penthouse niya! “Labas,” he commanded, nauna na rin
Sobrang naging abala ako nitong mga nakaraang araw ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at hindi ko masyadong napaglalaanan ng oras si Damien. Kaya naman sa araw na ito ay itinuon ko lang sa aking anak ang buo kong atensyon. Namasyal kami sa labas, kumain, at naglaro. Nakukonsensiya ako dahil alam kong kahit gaano pa kaabala ay dapat na naglalaan ako ng oras para sa aking anak kaya naman bumabawi ako ngayon. Madaling-araw noong maalimpungatan ako ng dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot upang matigil sa pag-ring dahil bahagyang gumalaw si Damien, naiistorbo ng tunog. “Hello?” Lumabas ako ng kwarto upang hindi magising ang anak. “Pumayag ka na susundin mo ang lahat ng sasabihin ko pero bakit hindi kita ma-contact kahapon? Are you running away from me?” Kumunot ang noo ko. Kagigising ko lang at inaantok pa ng sobra kaya naman hindi pa ganoon kaayos ang pagtakbo ng isipan ko. “Huh? Sino po sila?” Humalakhak ang lalaking nasa kabilang linya. Awtomatikong