Share

Chapter 5

Maaga pa lang ay nagising na ako, bumaba agad ako ng unang palapag upang uminom ng kape. Inabutan kong nagluluto si Aling Anita ng agahan kaya naman nagtataka ko itong tinanong kung nasaan si Nanay Lita.

"Nasa hardin po at kausap ang aking anak na si Calix." ani nito sa akin kaya naman nagtungo ako ng hardin upang puntahan ito. Nakita ko si nanay at si Calix na nag-uusap habang si Calix naman ay nagtatabas ng malagong halaman.

"Hijo napaka-aga mo namang gumising, nagugutom ka na ba?" tanong nito sa akin.

"Good morning ho sir!" bati naman sa akin ni Calix na tinanguan ko lang.

"Ano ho ba ginagawa ninyo dito?" tanong ko kay Nanay Lita.

"Nakikipag kwentuhan lang ako kay Calix habang tinuturo ko dito kung alin ang dapat na tabasan, malalago na kasi at gusto niyang siya na ang gumawa at wala pa naman daw siyang ginagawa sa ngayon." wika ni nanay Lita kaya naman napatingin ako kay Calix. Okay naman pala ang isang ito at masipag, hindi mo na kailangan pang utusan dahil nagkukusa na siya.

"Ipagmaneho mo ako papuntang opisina pagkatapos kong kumain ng agahan." ani ko dito.

"Yes sir!" tugon naman nito at inalalayan ko na si Nanay Lita papasok sa loob ng kabahayan.

Paalis na kami ni Calix ng tumunog ang telepono nito, tinignan niya kung sino ang tumatawag at narinig ko ang mahina n'yang pagmumura. Nag-end call ito at ibinalik sa kaniyang bulsa ang telepono ng biglang tumunog itong muli.

"Shit Bria!" bulong niya na narinig ko naman.

"Answer it!" malamig kong tugon dito.

"Pasensya na ho sir, ngayon lang ho nangulit ng ganito ang kapatid ko!" wika nito at hindi naman ako sumagot.

"Magmamaneho na ako Bria, ihahatid ko ang amo ko sa opisina!" naiinis na ani nito sa kabilang linya at napapatingin pa ito sa rear-view mirror upang tignan ako.

"Hindi kita maihahatid, sumakay ka na lang ng jeep! Sige na at baka mahuli pa ang amo ko!" naiinis pa ring ani nito at pinatayan na nito ang kausap niya. Ipapasok na lamang niya ang susi sa susian ng sasakyan ng tumunog muli ang kaniyang telepono.

"Sir, last na po!" ani nito at hindi naman ako kumibo. Mukhang may kakulitan din ang kapatid ni Calix at hindi basta-basta nakukuha sa isang pakiusapan.

"Shit Bria, masesesante ako sa ginagawa mo! Hindi nga kita masusundo!" galit na ani nito sa kaniyang kapatid.

"Just pick her up kaysa magtalo kayong dalawa! Mas ma-le-late ako niyan sa ginagawa ninyo!" ani ko dito at panay hingi naman niya ng pasensya.

"Papunta na ako at mag-uusap tayo mamaya pag-uwi ko!" ani nito at pagkatapos ay pinaandar na niya ng tuluyan ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan niya susunduin ang kaniyang kapatid dahil pumasok kami sa isang maliit na eskinita na ngayon ko lamang narating, nakikita ko ang mga mata ng tao sa paligid na manghang-mangha na napapatingin sa aking sasakyan habang mabagal kaming umaandar.

"Is it safe here Calix?" tanong ko dito.

"Naku opo sir! Pasensya na po kayo, ganyan lang po talaga mga tao dito kapag may mga pumapasok na magagarang sasakyan dito sa lugar namin pero mababait naman po ang mga tao dito kaya wala kayong dapat na alalahanin!" ani niya sa akin kaya naman napatango-tango na lamang ako. Huminto kami sa isang maliit na bahay na may maliit na gate at nakita ko ang paglabas ng isang babae mula sa maliit na bahay at nagmamadali kaming nilapitan.

"Kuya pasensya ka na, wala naman kasi akong masakyan kanina pa ako naghihintay ng tricycle." ani nito habang kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi niya. Napatingin ako sa kabilang side ng bintana dahil hindi ko nagustuhan ang init na naramdaman ng aking katawan ng makita ko siyang kagat ang kaniyang labi na tila ba napakasarap halikan.

"SHIT!!!" malakas kong mura ng mapagtanto ko kung ano ang pumapasok sa aking utak. Pareho silang gulat na gulat na napatingin sa akin na may pagtataka sa kanilang anyo.

"Sir okay lang po ba kayo?" ani sa akin ni Calix kaya naman mabilis ko itong sinagot.

"I'm okay, naalala ko lang na may mahalaga pala akong meeting ngayon." ani ko upang mapagtakpan ko ang aking sarili.

"Sakay na bilisan mo!" galit na wika nito sa kaniyang kapatid. Diretso lamang ako ng tingin at naiilang ako dahil panay ang sulyap sa akin ng kapatid ni Calix.

"Is there anything wrong with my face Miss. Bria?" seryoso kong ani dito na ikinagulat niya at si Calix naman ay biglang napatingin sa kaniyang kapatid.

"Brianna!" malakas niyang tawag sa pangalan ng kaniyang kapatid.

"Wa-Wala po, pasensya na po!" ani nito at umupo ng tuwid at napayuko na lamang ng kaniyang ulo. Ibinaba siya ni Calix sa isang public school at pagkatapos ay tuluyan na kaming tumungo sa aking opisina.

"Pasensya na po kayo sir sa aking kapatid, ngayon lang po kasi 'yon nakakita ng tao." ani nito na ikinanuot ng aking noo.

"Ah, ibig ko pong sabihin ay ngayon lamang po iyon nakakita ng totoong gwapo!" wika n'ya sabay tawa at napakamot ng kaniyang ulo. Hindi ako kumibo at diretso lamang akong nakatitig sa dinaraanan namin.

"You can transfer her to my university if it's okay with you. Ang DMUniversity." wika ko dito at nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkagulat.

"Kayo po pala ang may ari ng DMU?" Ani nito na gulat na gulat.

Tumango lamang ako dito tanda ng pag-sang ayon ko sa sinabi niya.

"Naku sir, hindi na po! Hindi ko po kayang bayaran 'yan!" wni nito at natawa naman ako dahil hindi ko naman sinabing babayaran niya, ako ang nag-alok ibig sabihin ay libreng makakapag-aral ang kapatid niya sa eskwelahan ko.

"Don't worry about it, tuition will be free." ani ko dito na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"Hindi ho ba kayo nagbibiro sa sinasabi ninyo sir?" gulat na ani nito.

"I hate repeating myself, I already told you what the deal was, and it is up to you what to decide." ani ko at pagkatapos ay hindi na ako kumibo pa ganoon din si Calix ngunit nakikita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit inalok ko siya na papasukin ng libre ang kapatid niya sa aking unibersidad. Nakikinita ko na ang magiging reaksyon ng aking mga kaibigan sa oras na malaman nila ang aking ginawa, ang walang katapusang kantiyawan.

Pagkahatid niya sa akin sa The Decker Tower ay dumiretso na agad ako sa aking opisina.

"Sir, kanina pa po naghihintay sa loob si Miss. Sanchez." Ani nito na ikinasalubong ng aking kilay.

"What the hell is she doing in my office?" Naiinis kong tanong sa aking sekretarya kahit alam ko namang hindi n'ya rin alam ang isasagot sa akin. Galit akong pumasok sa loob ng aking opisina at inabutan ko nga na nakaupo si Alexa sa aking swivel chair kaya malakas ko itong binulyawan.

"Get the hell out of my office Alexa!" galit kong ani dito.

"Hi baby!" bati nito sa akin at mabilis na lumapit upang hagkan ako kaya naman mabilis ko itong naiwasan.

"Don't touch me! And stop calling me baby; you and I are not in a relationship! We had sex once, and that's it!" galit kong ani dito. Nagsalubong ang mga kilay nito at padabog na umupo sa sofa.

"Paano kung mabuntis ako?" ani nito na ikinatwa ko ng malakas.

Para akong baliw na hindi tumitigil sa pagtawa matapos kong marinig ang sinabi niya sa akin.

"Kapag nabuntis ka, iisa lang ang ibig sabihin niyan Alexa. You are a damn slut!" ani ko dito at tumawa ako ng pagak.

"Hayop ka!" malakas na sigaw niya sa akin sabay sampal ng malakas sa aking mukha. Napadila ako sa gilid ng aking labi at dinama ang sakit nito ngunit nginisihan ko lamang ito ng pagak.

"Truth's hurt?" mapang-insulto kong ani dito at tatalikod na lamang sana ako ng bigla niyang hinaklit ang aking braso.

"Hindi ako slut hayop ka!" galit na wika nito sa akin habang nagngingilid ang kaniyang mga luha.

"Baka akala mo hindi ko alam na naikama ka na din ni Brandon right after we had sex." ani ko dito na ikinagulat n'ya.

"Surprised?!" nakangisi kong ani dito. Akala yata ng babaeng ito ay maiisahan niya ako, akala yata nito ay magpapaloko ako sa isang katulad niya.

"I know everything! You can't fool me Alexa!" nakangisi kong turan dito habang siya naman ay tila ba nalunok na ang kaniyang dila at hindi na nakapagsalita.

"Kung mabuntis ka man, hindi sa akin 'yan, and I'm sure hindi rin yan sa kaibigan ko. Pare-pareho lang kayong mga babae, katulad ka rin ng aking ina!" sigaw ko dito at lumakad na ako papunta sa aking table at umupo sa aking upuan.

"Now, get out!" malakas kong sigaw dito ngunit hindi naman ito tumitinag sa kinatatayuan niya kaya napatayo ako at mas malakas ko itong binulyawan.

"GET OUT!!!" sigaw ko dito na ikinapitlag niya at nagmamadali itong lumabas ng aking opisina. Ang lakas ng loob niya na pumunta dito sa aking opisina para lamang sabihin sa akin ang mga katangahan niya. Akala yata niya ay hindi ko alam na pagkatapos naming mag sex ng gabing 'yon ay nagpunta naman siya ng bar at nagkabanggaan naman sila ni Brandon sa gitna ng stage habang sumasayaw ito, at siya rin mismo ang lumandi sa kaibigan ko para maikama siya. Napapailing na lamang ako at hindi ko aaksayahin ang oras ko sa isang walang ka kwenta-kwentang tao. Nagkakamali siya ng taong balak lokohin dahil hindi niya ako maloloko. Napasandal ako sa aking swivel chair ng biglang tumunog ang aking telepono kaya mabilis akong napatingin dito.

"Bro, napatawag ka?" ani ko sa taong kausap ko sa nasa kabilang linya.

"Pupunta ako diyan, may mahalaga tayong pag-uusapan." wika naman nito, heto na naman si Brandon sa pa importante niyang pag-uusapan namin, I'm sure na tungkol na naman ito sa babaeng tinutukoy niya.

"Busy ako!" agad kong sagot dito at tumawa lamang ito ng malakas.

"Seryoso akong importante ang isasadya ko sa 'yo bro." ani niya sa akin, knowing Brandon kahit sabihin kong busy ako ay darating pa rin ito.

"Whatever!" I uttered and ended our conversation.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status