Home / Romance / Defending Mr billionaire / Chapter 5:His presence

Share

Chapter 5:His presence

last update Last Updated: 2025-02-20 00:51:43

Zahara POV

Lumipas ang tatlong araw, at ngayon ay opisyal nang nagsimula ang hearing ng kasong isinampa ng ex-girlfriend ni Arden Velasquez. .

Suot ko ang paborito kong black blazer at white inner blouse, kasabay ng high-waist slacks na bumagay sa aking postura. Pagpasok ko sa loob ng courtroom, ramdam ko ang tensyon sa paligid. Lahat ng mata ay nakatutok sa amin—lalo na sa akin, dahil alam nilang ako ang magiging abogado ni Arden

Nasa kabilang panig ang complainant, halatang handang ipaglaban ang kaso niya. Samantalang si Arden ay kalmado lang na nakaupo sa tabi ko, pero alam kong hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon.

Dahan-dahang lumapit ang isang matandang lalaki na tila beterano na sa larangan ng batas—ang abogado ng ex niya. Ngumiti ito nang matipid bago nagsalita.

"Attorney De Costello, mukhang mahirap ang kasong pinasok mo. Sigurado ka bang kaya mong ipanalo ito?" may bahid ng panunuya sa boses niya.

Napangiti ako. "Attorney, hindi ako pumapasok sa laban na hindi ko kayang ipanalo."

Narinig kong mahina akong tinawanan ni Arden sa tabi ko.

"Interesting answer," bulong niya.

Napatingin ako sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?" bulong ko rin pabalik.

Mas lalong lumalim ang ngiti niya. "You’re amusing, Zahara."

Bumaling ako sa harapan at hindi na lang siya pinansin. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi magiging madali ang laban na ito.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi lang hustisya ang nakataya—kundi pati ang reputasyon ko bilang isang abogado.

Nag-umpisa na ang hearing. Tahimik ang buong courtroom habang binabasa ng judge ang mga detalye ng kaso. Ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin, lalo na ng complainant at abogado niya. Pero hindi ko iyon ininda. Sanay na akong makipagsagupaan sa korte.

Sa gilid ng aking mata, nakita kong relaks lang si Arden. Naka-upo siya nang komportable, nakasandal at may bahagyang ngiti sa labi. Parang nanonood lang ng isang palabas—hindi mukhang isang taong inakusahan ng seryosong kaso.

Nagsimula nang magsalita ang abogado ng complainant.

"Your Honor, my client is here today to seek justice against the emotional and psychological distress caused by the defendant, Mr. Arden Velasquez . We have solid evidence proving that he manipulated, emotionally abused, and abandoned my client without any support despite their long-term relationship."

Napatingin ako kay Arden. Ni hindi man lang siya natinag sa sinabi ng kabilang kampo. Sa halip, nagbuntong-hininga lang siya at bahagyang umiling.

Nang ako na ang sumagot, tumayo ako nang diretso at nagbigay ng matalim na tingin sa kabilang abogado.

"Your Honor, the accusations against my client are baseless. We have gathered sufficient evidence that contradicts the claims of the complainant. We will present proof that my client was never involved in any form of abuse, and in fact, it was my client who was being taken advantage of."

May narinig akong mahihinang bulungan mula sa mga nanonood. Lihim akong napangiti.

Lumingon ako kay Arden, at nakita kong nakatingin siya sa akin, amused na naman ang ekspresyon niya.

"Huwag kang masyadong magtiwala sa akin," bulong ko habang muling naupo.

Bahagya siyang tumawa. "Paano kung gusto kong magtiwala sa'yo?"

Napapikit ako saglit at napailing. "Just focus on the case, Mr Velasquez "

Napangisi lang siya. "You're more interesting than I expected, Attorney De Costello."

Huminga ako nang malalim. Mukhang hindi lang kaso ang pagsubok ko ngayon. Dahil ang kliyente kong ito? Hindi lang mahirap ipagtanggol, mahirap ding basahin.

Humigpit ang hawak ko sa documents na dala ko. Isang maling akusa ang ipinupukol ng complainant sa kliyente ko, at hindi ako papayag na manaig ang kasinungalingan.

"Attorney De Costello," tawag ng judge, dahilan para agad akong tumayo.

"Yes, Your Honor?" sagot ko nang pormal.

"Tinatanggap mo ba ang ebidensyang iprinisinta ng kabilang kampo?"

Matalim ang tingin ko sa mga dokumentong ipinakita nila—isang screenshot ng chat messages na diumano'y pang-aabuso raw ni Kairos sa complainant. Pero agad kong napansin ang inconsistency.

"Your Honor," diretso kong sagot. "We object. The presented evidence appears to be tampered and lacks credibility. I request a thorough forensic examination of these messages to determine their authenticity."

Nagkatinginan ang kabilang kampo. Alam nilang may laban ako sa argumento ko. Samantalang si Arden, nakasandal lang sa upuan niya, tila ba nag-eenjoy sa laban na ito.

Napansin kong may bahagya siyang ngiti sa labi habang pinapanood ako.

"Ang husay mo, Attorney," bulong niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Just sit there and let me handle this."

Nakita kong napangisi siya. "Hindi ba mas exciting kapag sumasali ako?"

Napairap ako nang bahagya. "The only excitement I need is winning this case, Mr. Velasquez "

Lumingon ako sa judge. "Your Honor, we will present our own evidence to disprove these claims."

Tumango ang judge. "Noted. The hearing is adjourned for today. We will resume after further examination of the evidence."

Tumayo na ako, pero bago pa ako makalayo, lumapit si Arden at bumulong.

"Attorney De Costello, mukhang nasanay na akong ikaw ang nagtatanggol sa akin."

Napalingon ako sa kanya at sumagot nang walang emosyon, "Siguraduhin mong wala ka talaga ng kasalanan, hindi kita ipagtatanggol kung may kasalanan ka talaga. Mr. Velasquez "

Tumawa siya nang mahina. "Interesting woman, indeed."

Huminga ako nang malalim. Mukhang maliban sa kaso, isa pang pagsubok ang haharapin ko—ang hindi maapektuhan ng presensiya ng kliyente kong ito.

Muling umupo ang lahat nang tawagin ng judge ang witness ng complainant. Isang babae ang tumayo at lumapit sa witness stand—elegante ang suot, ngunit halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa.

"State your name and relation to the case," utos ng judge.

"Ako po si Stacey Herrera," sagot niya, medyo nanginginig ang boses. "Ako po ang ex-girlfriend ni Arden Velasquez. at ako po ang biktima ng kanyang pang-aabuso."

Ramdam ko ang tensyon sa courtroom. Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga taong nanonood sa hearing.

"Tama ba na ikaw ang nagsampa ng kasong ito laban kay Mr. Velasquez ?" tanong ng prosecutor.

Tumango si Stacey . "Opo. Masyado siyang marahas… Madalas niya akong sigawan, pagbantaan, at minsan… sinasaktan niya ako."

Hindi ko maiwasang mapailing. Napaka-theatrical ng performance niya, pero hindi ako magpapadala sa emosyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Miss sweetbubbles
Thank you for reading my story. Sure I will make it more exciting this June..
goodnovel comment avatar
wakarimasendeshita
I like the interaction between lawyers, it's always been fascinating seeing, watching and reading logical argument. Ang ganda lang kapag may ganitong story, yung may lesson not just pure live story kinemerut🥹 looking forward to more exciting chapters miss Author.
goodnovel comment avatar
Ril Wp
ang batuhan ng linya is ang astig, lalo na si zahara super perfect!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Defending Mr billionaire    Chapter 44: Son out of wedlock. (Congrego darkness)

    SPG MATURE CONTENT FOR adults only .not suitable for young readers 🖊️Zahara’s Point of ViewTahimik ang gabi, pero hindi tahimik ang isip ko. Sa paligid, puro high-class na pasahero—nakaupo nang tuwid, naka-cross legs, nagbubulungan na parang may tinatagong sikreto. Ang mga alahas nila kumikislap sa ilalim ng malamlam na ilaw ng eroplano, parang bituin na pilit na dinadala rito sa loob ng cabin. Ako? Para akong hindi kabilang dito. Pero sanay na akong mabalewala, sanay na rin akong hindi sila pansinin.Mabilis ang takbo ng eroplano, parang tumatakas sa lahat ng iniwan sa lupa. Pakiramdam ko, bawat segundo ng paglipad ay isa pang layer ng katahimikan na tinatabon sa puso kong gulong-gulo.I leaned back, isinandal ang ulo, ipinikit ang mga mata. Hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman sa likod ng eye mask. Baka sakali, kahit ilang minuto, makalimutan ko ang lahat.Ngunit biglang dumampi ang malamig na kamay na gumapang sa hita ko.Napasinghap ako, mabilis kong inalis ang mask.Si

  • Defending Mr billionaire    Chapter 43:New beginnings, Forbidden plan

    Spg R18-not suitable for young readers 🌹📌New BeginningsZahara Point of view Pagkatapos ng mahabang paghihintay…I gave birth to my twins.Dito sa isang private hospital sa New York.Malakas ang buhos ng ulan habang nakikipaglaban ako sa sakit.It's my first time to be in this situation.Mabuti na lang at nandito si Donya Victoria.“1, 2, 3! Congratulations! It’s a healthy baby boy and baby girl. Date of birth: July 29, 2025. Time: 12:41 PM,” masayang ani Doctora Kaye.I'm teary-eyed. Lalo na nang inilagay nila ang kambal sa aking dibdib.Ang saya ko. Kahit alam kong mag-isa kong palalakihin sila.Nakatulog ako sa sobrang pagod.Nagising ako nang marinig ko ang mga munting iyak.“It’s time to give them milk, Mommy. Pero kumain ka muna,” paalala ni Donya Victoria habang karga ang isang sanggol.Tipid akong tumango at inumpisahang kumain.Hmm… Carrot express soup.Tamang-tama ang timpla. Super sarap. May pastries din—pastrami on rye at bagels.May fresh milk pa.Pagkatapos kong kuma

  • Defending Mr billionaire    Chapter 42:Pain and Misery

    Zahara’s Point of ViewPagdilat ng mga mata ko, sinalubong ako ng amoy ng alcohol at malamig na hangin ng ospital. Kumirot agad ang dibdib ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa galit at panghihinayang.Bakit pa siya bumalik?Para guluhin na naman ako? Sirain ulit ang buhay ko?FlashbackThat night, akala ko masaya ako. Isang gabi lang—isang gabing naging mahina ako at nakipag-one-night stand sa isang estranghero.Pero kinabukasan, para akong sinampal ng konsensya.Pakiramdam ko nagtaksil ako kay Arden.Hanggang sa makita ko ang sobre. Nilamon ako ng kaba habang pinupunit ko ito.“I hide my identity just to be with you again, amore. I tell you one day. Hindi ako naghanap ng iba. Ayoko lang na malaman mo ang totoo kasi baka kamuhian mo ako.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.Mixed emotions—gusto kong magalit, gusto kong umiyak.Dumi-dumi ng pakiramdam ko. Nakipagpatol ako sa ex ko. Ex na kasal na sa iba!Bigla kong naramdaman ang kakaiba sa tiyan ko. Kumirot. May m

  • Defending Mr billionaire    Chapter 41: Steamy night, Failed connections

    HOT Bodyguard. (Scream Until You Can) SPG Mature Content. Not suitable for young readers. R-18 Someone's POV Habang naghahanda ako ng pagkain para sa amin, napansin kong bigla siyang nawala. Nasaan na naman kaya ‘yung babae na ‘yun? I take care of her not because I was forced by my mother— Kundi dahil gusto ko. I am a highly trained bodyguard of Familia Congrego. Sanay ako sa kahit anong laban. Pero sa tuwing siya ang nasasangkot, parang nawawala lahat ng training ko. Agad kong tinungo ang maliit na kwarto kung saan siya natutulog. Her brothers sleep upstairs with me. Nang marating ko ang pinto, bumungad sa akin ang katahimikan… There she was—tulala habang nakayuko, mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang sarili. The hell is happening? "Mi lady, what's wrong? Come here," mahinahon kong sambit. Pero hindi siya kumibo. Lumapit ako at marahang umupo sa tabi niya. Dahan-dahan ko siyang niyakap. I need to hide my feelings… and my true identity—just to keep her safe. And our

  • Defending Mr billionaire    Chapter 40: Deeper wound and New identity

    Deeper WoundsZahara’s Point of ViewNagising ako sa isang kwarto na ni minsan ay ‘di ko pa napuntahan. Hindi pamilyar ang paligid.Pero mas lalo akong napatigil nang makita ko ang lumang litrato ni Mama sa lamesita.Bago pa ako makagalaw, isang malamig pero magalang na boses ang bumasag sa katahimikan.“You are already awake, mi lady. Uminom ka muna ng tsaa. Your brothers are already awake. Early training for next month war.”Napakunot ang noo ko.War? Anong pinagsasabi nito?“Who the hell are you? And why are we here?” sarkastiko kong tanong. Wala ako sa mood makipag-plastikan.“I’m a servant of Donya Victoria. For now, no more questions about my identity. Ang mahalaga, you’re safe now... and the babies.”Bigla akong napalingon.Bakit niya alam?!Ramdam kong humigpit ang hawak ko sa kumot.Huminga ako nang malalim.Naagaw ng gutom ko ang atensyon ko nang makita ang tray ng pagkain sa lamesita. Bacon cheese egg sandwich with fresh milk. Mainit-init pa.Lumapit ako sa bintana. Mahangi

  • Defending Mr billionaire    Chapter 39: Suffering and Revenge

    Zahara Point of viewThis is not my dream life.Lumayo na nga ako para mabuhay ng payapa pero bakit si Lawrence pa!Dahan dahan akong lumapit.At parang mawa-walan ako ng hangin sa katawan"Kent! Kevin! Help me!" I shouted in pain.Yes pain. This is not the first time I lose someone.Una si mom! Now Yung best friend ko pa?The man who sacrificed for me?Agad lumapit ang dalawa kong kapatid.I can't bear the pain.Hanggang kailan ba ako paparusahan ng langit?Fast forward.We are here sa hospital.Naghihintay sa announcement ng doctor.Tulala ako. Pero ang isip ko ay nasa lalaking bumaril kay Lawrence kanina.Hindi ako pwedeng magkamali.Hinahayaan ko ang mga luha sa mata ko.Nang biglang bumukas ang operating room."I'm sorry miss De Costello, we did our best to save him pero hindi niya kinaya."The world stop. Fuck!No! Hindi pwede.I run inside the operating room.Niyakap ko siya ng mahigpit at niyugyog ang katawan niya."Popcake! Wake up! You promised me na hindi mo ako iiwan, Hul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status