Zahara POV
Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga taong nanonood sa hearing. "Tama ba na ikaw ang nagsampa ng kasong ito laban kay Mr. Velasquez ?" tanong ng prosecutor. Tumango si Stacey "Opo. Masyado siyang marahas… Madalas niya akong sigawan, pagbantaan, at minsan… sinasaktan niya ako." Hindi ko maiwasang mapailing. Napaka-theatrical ng performance niya, pero hindi ako magpapadala sa emosyon. "Attorney De Costello," tawag ng judge, "you may proceed with your cross-examination." Tumayo ako, diretso ang tindig, at lumapit sa witness stand. "Miss Herrera," panimula ko, malamig ang boses ko. "Sabi mo, madalas kang saktan ni Mr. Velasquez . May maipapakita ka bang konkretong ebidensya—tulad ng medical records, police report, o kahit anong dokumento—na magpapatunay sa mga paratang mo?" Napansin ko ang bahagyang pangangatal ng kanyang mga daliri habang hinahawakan ang microphone. "W-Wala akong medical records. pero may mga chat messages ako," sagot niya, pilit na kalmado. Tumango ako, tila interesado. "Chat messages? Galing saan?" "Mula kay Arden mismo. Nagpapakita ito kung paano niya ako tinatakot at minamaliit." Pinasa ng prosecutor sa akin ang kopya ng mga screenshots na sinasabi niya. Kinuha ko ito at tiningnan isa-isa. "Hmm," unti-unti akong ngumiti, saka lumingon kay Stacey "Miss Herrera, sigurado ka bang totoo ang mga mensaheng ito?" "Oo!" sagot niya agad. Dahan-dahan kong inilapag ang mga dokumento sa lamesa at naglakad palapit sa kanya. "Kung gayon, paano mo ipapaliwanag na ang font style at timestamp ng mga mensaheng ito ay hindi tugma sa regular na format ng messaging app na gamit ni Mr. Velasquez " Nanlaki ang mata niya. "At hindi lang ‘yan," dugtong ko, hawak ang isa pang dokumento. "Nakipag-ugnayan kami sa isang forensic expert, at ayon sa initial findings, may mga inconsistencies sa metadata ng mga screenshots na ito. In short, posible itong manipulated." Tahimik ang buong courtroom. Kitang-kita sa mukha ni Stacey ang gulat at takot. Lumingon ako sa judge. "Your Honor, we formally request a digital forensic investigation on these alleged messages. We believe this is a case of fabricated evidence." Tumango ang judge. "Request granted. The court will verify the authenticity of the presented evidence before proceeding further." Nilingon ko si Arden, at nakita ko ang isang tusong ngiti sa kanyang labi—parang gustong sabihin na "Nice move, Attorney." Pero hindi ito tungkol sa kanya. Para sa akin, hindi ito tungkol sa pagpapakitang-gilas. Ang mahalaga ay ang katotohanan. At ngayon, mukhang mas lalo pang titindi ang labanang ito. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ng prosecutor habang ang judge ay seryosong nakatitig sa akin. Samantalang si Bianca—ang witness na kanina ay puno ng kumpiyansa—ay mukhang nauupos na kandila. "Miss Herrera," bumaling ulit ako sa kanya, ang boses ko ay malamig at matalim. "Alam mo ba ang bigat ng isang fabricated evidence sa korte?" Hindi siya sumagot. "Kaya mong mabilanggo sa perjury," dagdag ko, isang hakbang palapit sa witness stand. "At kung mapapatunayang sinadya mong sirain ang reputasyon ng aking kliyente, maaari kang kasuhan ng libel at falsification of evidence." Lalo siyang namutla, at ang kanyang kamay ay tila nanlalamig sa mahigpit na pagkakahawak sa microphone. "T-Totoo ang mga sinabi ko!" pilit niyang paglilinaw, ngunit nanginginig ang kanyang boses. "Si Arden Velasquez ay isang mapanakit at walang puso! Maraming beses niya akong tinakot! Kung hindi niya ako sinasaktan, sinisira naman niya ang pagkatao ko!" Nilingon ko ang judge. "Your Honor, hanggang ngayon, wala pa rin siyang naipapakitang solidong ebidensya. Ang mga screenshot na ito ay may discrepancies. Kung talagang may physical abuse na naganap, nasaan ang medical reports? Nasaan ang witnesses na makakapagpatunay?" Lalo pang lumalim ang katahimikan sa courtroom. "Objection, Your Honor!" sigaw ng prosecutor. "Attorney De Costello is pressuring the witness!" Pero hindi natinag ang judge. "Overruled. The witness must provide concrete proof to support her claims." Naramdaman kong bumaling sa akin si Arden , ngunit hindi ko siya pinansin. Ang focus ko ay nasa kaso. Muli akong lumapit kay Stacey , ang tono ko ay mas madiin. "Kung tunay kang biktima, bakit mo kailangang dayain ang ebidensya? Hindi ba’t dapat ang katotohanan mismo ang magpapatunay sa'yo?" Muli siyang hindi sumagot. Hanggang sa bumuntong-hininga siya, ang kanyang balikat ay bumagsak—tila nawalan ng laban. "I-I just… I just wanted him to suffer the way I did," mahinang sabi niya, kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Halos lumiyad ang prosecutor sa pagkagulat. Samantalang ang judge ay bahagyang tumango—parang nagkaroon na siya ng kasagutan. Muli kong tinigasan ang boses ko. "So, you admit it? You faked evidence just to ruin his reputation?" Hindi siya sumagot, pero malinaw ang sagot sa kanyang katahimikan. Muli kong tiningnan ang judge. "Your Honor, given this confession, we move to dismiss this case on the grounds of false accusations and lack of credible evidence." Nilingon ng judge si Stacey, na ngayo’y hindi makatingin kahit kanino. "The court will take this into consideration. We will adjourn for now and review the necessary actions against the complainant for presenting falsified evidence." Bang! Tumunog ang malakas na hampas ng judge’s gavel, at tuluyan nang tinapos ang session. Arden Velasquez is officially off the hook. Napatingin ako kay Arden nang tumayo siya. May bahagyang ngisi sa kanyang labi habang tinutupi ang kanyang coat. "Interesting," bulong niya, bahagyang nakatingin sa akin. Inirapan ko lamang ait hindi ko na lang siya pinansin saka ko inayos ang aking mga gamit. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ito ang huling beses na magkakasalubong ang landas namin. At kung tama ang kutob ko… mas matindi pa ang susunod na laban. Sana lang talaga. Wag ako buwistin ng sobra nitong kliente ko. Paglabas ko ng korte, agad akong sinalubong ng matinding dagsa ng mga reporters. Mga mikropono at camera ang bumalandra sa harapan ko, at kaliwa’t kanang tanong ang bumungad. "Attorney De Costello, ano ang masasabi ninyo sa naging takbo ng kaso?" "Sa tingin mo ba ay talagang inosente si Mr. Velasquez ?" "May posibilidad bang kasuhan si Stacey Herrera ng perjury?" Malamig kong tinapunan sila ng tingin, pero pinanatili ko ang composure ko. Bilang isang abogado, alam kong hindi ako puwedeng basta-bastang magsalita. "No official statement for now," diretsong sagot ko. "The court's decision speaks for itself." Magsasalita pa sana sila nang biglang lumitaw si Arden sa tabi ko, nakangiti pero bakas sa mata ang pagod. Mas lalong nagkagulo ang media nang makita siya. "Mr. Velasquez , may gusto ka bang sabihin sa publiko?" Tumigil siya sa tabi ko at diretsong humarap sa mga camera. "This case should have never existed in the first place. My name was dragged into a lie, and thanks to my lawyer, the truth was revealed." Hindi ko alam kung may halong sarkasmo ang sinabi niya, pero tumingin siya sa akin ng may matinding titig—parang sinusuri ako. "Attorney De Costello, are you planning to work for Mr. Velasquez permanently?" may nagtanong ulit. Napailing ako at marahang ngumiti. "This was a professional engagement. Nothing more." "That's disappointing," bulong ni Arden sa tabi ko, sapat lang para ako lang ang makarinig. "Akala ko kasi mas magtatagal ka pa sa tabi ko." Napakurap ako. Ano raw?! Napailing ako at mas piniling huwag patulan ang mga biro niya. "Excuse us," malamig kong sabi bago ako tumalikod. Pero bago pa ako makalayo, nagsalita ulit siya, mas malakas ngayon. "I owe you a dinner, Attorney. Isang magandang paraan ng pasasalamat," aniya, na parang sinadya niyang iparinig sa media. Lalo tuloy silang nag-ingay. Huminto ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Lumapit ako sa kanya, ang mga mata ko ay dumiretso sa kanya—walang halong emosyon. "Hindi ako nababayaran ng dinner, Mr. Velasquez ," malamig kong tugon. Ngumiti lang siya, pero bakas sa mga mata niya ang amusement. "Oh, I'm sure I can find other ways to keep you interested." Tss. Ang lalaking 'to.Chapter 52: Arden Velasquez POVAbala kami sa celebration ng pagkawala ni Don Felipe.May musika, may halakhakan, pero sa loob-loob ko, may kakaibang bigat na bumabalot sa paligid. Parang may paparating na unos.At hindi nga ako nagkamali.Biglang bumukas ang pinto.Ang tawanan ay naputol. Lahat ng mata ay napunta sa lalaking pumasok.Si Kevin.Kapatid ni Zahara.Halata ang galit sa kanyang mga mata. Namumula ang mukha, nanginginig ang panga, at bago pa ako makapagsalita—“May kinalaman ang nanay mo sa nangyari sa kapatid ko!”Malakas ang sigaw niya, kasabay ng hampas ng hangin sa mukha ko.At bago pa ako makagalaw, sumabog ang kamao niya sa panga ko.Ramdam ko ang alat ng dugo sa bibig ko, ang kirot na parang sumabog ang buong sentido ko.Napasinghap ang lahat.“The fuck, Kevin!” sigaw ko habang hinawakan ang neckline niya. “Hindi namin alam! Show me a proof!”Ang titig niya, punô ng poot. At sa gitna ng kaguluhan, may kutob akong totoo ang sinasabi niya.Bakit parang may mga lihim
Ashlee Congrego POVHays, sa wakas. Tapos na rin ang training.Abala ako sa paglinis ng hand pistol, bawat galaw ay automatic na parang parte na ng katawan ko. Naamoy ko pa ang halong oil at bakal. Tahimik ang paligid—hanggang sa may malakas na katok na pumunit sa katahimikan.I frowned. Seriously? It’s too early for this.“Kuya! It’s just seven a.m. Bakit ka ba katok nang katok—”Naputol ang sasabihin ko. When I opened the door. bumungad sa akin ang isang lalaki.May hawak siyang baril. Itinutok niya ito sa ulo ko.“Don’t you dare shout, or else—”Hindi na niya natapos. Isang putok lang, sabay bagsak ng katawan niya sa sahig.Nalagutan ako ng hininga sa gulat, pero agad ding bumalik ang composure ko nang makita kong si Kuya Arden ang nasa likod niya, hawak ang still-smoking gun.“Thank God,” I whispered bago ko pa man mapigilan ang sarili kong ngisi.Kinuha ko ang patalim sa mesa, kinwelyuhan ang walang-malay na lalaki, at sinipa pa pababa.“If he thinks he can get me, he’s dead wr
ARDEN VELASQUEZ POVTumigil ang lahat sa isang sigaw. Parang tumunog ang lahat ng alarm sa utak ko — agad kaming tumakbo ni Zahara papunta sa kwarto ng mga bata. “Kurt! Our daughter is missing! Someone sneak in our room!” umaalingawngaw ang boses ni Kurt; ang hugis ng salita — panic, galit, takot — dumiretso sa puso ko. Kinuha ko ang pistol, malamig ang metal sa palad, at dahan-dahang lumingon sa sulok ng corridor. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ng isang sandali; bawat hakbang ko mabigat.“Bro, I know hindi pa nakakalayo ang suspek,” sabi ko, mababa pero matatag. May kasamang tensyon ang tinig ko—parang wire na nakatusok sa hangin. Biglang may malakas na BANG! na sumabog mula sa kabilang pinto. Sabay kaming nagmadaling tumakbo pababa ng hallway. Sa dulo — isang pigil, isang eksena na hindi mo inaasahan: nandoon siya, hawak ni Zahara ang isang lalaki na mukha-mukhang ako.The fuck. Sino ‘to?“Who are you? And why are you exactly like me?” tanong ko, halatang hindi ako makapaniw
Zahara’s Point of ViewA woman in her 30s entered the room.Ngayon ko lang siya nakita."I am here to be a witness. Isa ako sa biktima ng pang-aabuso niya!" she said in a weary tone.I smiled bravely. Mukhang umaayon sa amin ang tadhana."What is your relationship with the detainee?" tanong ko.Kita ang determinasyon sa mata niya."I'm his personal chef. Namatay ang asawa ko dahil sa kanya! He killed him!"Hindi talaga natitinag ang mga halang ang kaluluwa?The judge analyzed the evidences.Matapos ang ilang minuto, he spoke."According to the evidence that the side of the detainee's son, Mr. Felipe Velasquez Congrego, is guilty sa kasong pagpapatay sa mga inosenteng tao. The next hearing will be held. Depends on the complainants."Nakahinga ako ng malalim.The jail guards put the handcuffs on Don Felipe’s hands.Nanlulumong tumingin si Donya Victoria sa asawa niya.I don't know what to say. Masyado akong natutuwa sa nangyari.He deserves to be in jail dahil kinuha niya sa akin Ang b
ARDEN Velasquez POVShit. Damn. Did she hear it?“Amore, it is not what you think,” agad kong paliwanag, halos mabasag ang boses ko sa kaba.Pero tinalikuran niya ako.Mabilis kong hinablot ang braso niya at niyakap, ayaw ko siyang pakawalan.“Sino ang pinatay mo? Si Papa ba?” nanginginig ang tinig niya, pero mas matindi ang kirot sa mga matang puno ng luha.Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya, ang pagkuyom ng kamao niya. Hindi siya basta babae lang—matapang siya. Nakatitig siya nang diretsahan, parang sinusuri ang buong kaluluwa ko.At ang sumunod niyang ginawa—ikinagulat ko.May hawak na siyang kutsilyo. Nakapuwesto iyon sa leeg ko, malamig ang dulo laban sa balat ko.“Yes. I killed him because he raped my mom! But it never changed my mind about marrying you.”Parang bumigat ang hangin sa kwarto. Tahimik at Nakakabingi.Alam kong hindi ako karapat-dapat mahalin nang sobra. I’ve hurt her countless times, pero seryoso ako ngayon. Seryoso ako sa kanya. Noon pa. “So you think,
Spg mature content not suitable for young readers ⚠️📌Zahara’s Point of ViewNagkakagulo sa loob ng mansion nina Tita.Halos hindi ko na marinig ang sariling hininga ko sa ingay ng sigawan, yabag ng paa, at pagkabali ng mga gamit sa loob. Lahat nag-uunahan, lahat takot. Pero wala akong pakialam.All I can do is look for my son!“Caspian!” paulit-ulit kong tawag habang nagmamadali akong lumabas ng mansion. Kinakabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko siya makita kahit saan.Naghiwa-hiwalay kami ng daan dito sa labas. Tila ba bawat sulok ng bakuran ay nilalamon ng dilim at alon ng takot.Hanggang may pumigil sa braso ko.“Popcake! It’s dangerous here, you can’t be here.”That voice. Tumigil ang mundo ko. Hindi ako pwedeng magkamali.Buhay siya?Bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako palapit at niyakap ng mahigpit. Para akong natulala. Ang init ng katawan niya, ang bigat ng braso niya sa balikat ko—lahat totoo.My tears fell from my eyes. Para akong binuhusan ng emosyon.Akala