MAKALIPAS ang pitong taon...
“Mag-iingat ka rito, mahal na prinsipe!” paalala ng isang lalaki na nakasuot ng itim na balabal at nakalabas naman ang sungay nito. Isang demonyo ang nagbigay paalala sa kaniyang pinaglilingkurang prinsipe.
“Huwag mong iparating sa lahat na rito ako nagpunta.” Ang boses nito ay mahahalintulad sa isang umuusok na yelo. Napakalamig at nakakapangilabot.
“Kung iyon po ang iyong utos ay masusunod po. Maaasahan mo ako sa bagay na iyan.” Nakayuko ito bilang paggalang sa maharlikang kaharap.
Pagkatapak nito sa lupa ay siya namang pagsara ng lagusan papunta sa kaharian nila. Ang Underworld.
Hindi niya maiwasang mapapikit sa temperaturang inaasam-asam n’ya sa loob ng pitong taong pagkakulong sa kanilang kaharian.
Agad na lumitaw ang isang mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang kaniyang asawa... pati ang kaniyang pagmamahal dito.
Pagkabukas ng kaniyang itim na itim na mga mata ay bumungad sa kaniyang harapan ang dati nilang bahay. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang hindi kaaya-aya nitong tanawin.
Naalala n’ya pang napakalinis, napakaganda, at napakaayos nito noon... noong mga panahong kasama niya pa ang asawa. Mga panahong narito pa siya sa mortal world. Mga panahong naging parte na lang ng kaniyang alaala—isang masaya at napakasakit na alaala.
Sa makalipas na pitong taon ng kaniyang pamamalagi sa kanilang kaharian, ang Underworld ay hndi niya pa rin maalis sa kaniyang isip ang mukha ng kaniyang pinakamamahal na asawa na si Allyce. Tila nakarecord na sa kaniyang isipan ang kanilang mga sandaling magkakasama—masasayang mga sandali. Ang nakakabighaning tinig nito ay tila isang magandang musika sa kaniyang pandinig na hanggang ngayon ay naririnig niya pa na tinatawag siyang ‘mahal’.
“Mahal ko.” Mapait siyang ngumiti bago ginamit ang kaniyang kapangyarihan upang ibalik sa dating ayos ang kanilang bahay.
Mabuti pa ang bahay nila ay maibabalik pa sa dati nitong ayos. Paano naman ang kanilang relasiyon? Ibabaon na lang ba ang lahat sa limot?
Napabuntong-hininga si Demon. Magpahanggang ngayon ay sinisisi niya ang lahat kung bakit naging isang demonyo pa siya!
Sa loob ng pitong taon, Wala siyang ginawa kundi magsanay at magsanay kung paano pamahalaan ang kanilang kaharian at paano pa mas gumaling. Ayaw niya sa pagiging demonyo, ni lunas ay wala siyang nakuhang impormasiyon.
Sa loob ng tatlong siglo at pitong taon nang kaniyang buhay ay lumaki siya bilang isang masamang prinsipe kung kaya ay naging paborito siya ng kaniyang ama. Mas lalo pa siya nitong pinagmamalaki nang malamang siya ang may taglay ng masamang kapangyarihan. Wala siyang inisip noon kundi mamuhay sa kasamaan dahil iyon ang kanilang kultura, kagawiian, at humuhubog sa kanilang pagkatao.
Kahit sa mga hindi mabilang na kaniyang napatay at pinatay ay hindi pa rin niya masasabing masaya siya sa kaniyang ginagawa subalit hindi rin naman siya nakakaramdam ng awa o konsensiya man lang kahit katiting.
Nang dumating si Allyce sa kaniyang buhay ay roon nagbago ang kaniyang pananaw. Doon niya napagtanto na hindi tama—na masama ang kanilang ginagawa. Akala n’ya nasa tamang landas siya dahil iyon nga ang kanilang prinsipiyo. Pumatay nang pumatay upang maligtas. Kung hindi sila papatay, sila naman ang papatayin.
Ang iniingatan niyang magandang pangalan at pagkakakilanlan ay isa pa lang kahiya-hiya. Napapaisip siya kung bakit nga naging ganito sila? May dahilan ang lahat ng mga nangyayari subalit walang sagot. Nanatili itong misteryo para sa kaniya. Walang nakasulat sa kanilang itim na libro... o baka inalis ang ilang bahagi upang itago ang katotohanan.
•••
“Hey!”
Napalingon si Allyce sa bukana ng pinto at bumungad sa kaniyang paningin ang kaniyang amo, ang CEO ng kompaniyang pinagtatrabahuan niya bilang isang sekretarya.
Naroon na nakatayo si Stephan, ang CEO ng Stephan Corp. Nakasandal sa pintuan habang nakangiti kay Allyce. Agad namang tumayo si Allyce at yumuko.
“Magandang hapon po sa inyo, Mr. Stephan!” masaya niyang bati sa napakabait niyang amo.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na huwag ka ng maging pormal kapag tayo lang dalawa?” Nanatili itong nakangiti sa kaniya at naglakad papasok sa secretary office.
“Kahit na sir, nasa kompanya tayo kaya nararapat kitang igalang at maging pormal.”
“Wala namang makakarinig, e.” Lumingon sa paligid si Stephan upang tignan kung may kasama ba silang dalawa ng sekretarya. “Tayo lang namang dalawa kaya huwag mo na akong tawaging mr.”
“Ikaw bahala, Stephan.” Hindi na nagpumilit pa si Allyce rito.
Kilala niya ang binata at napaka-makulit nito kaya pumayag siya sa nais nitong tawigin ito sa pangalan lang.
“Anong kailangan mo?” diretsahang tanong ni Allyce sa kaniyang amo.
Napahawak naman sa puso si Stephan at nagkunwaring nasasaktan siya. “Masiyado ka namang pranka!” natatawang wika nito. “Nakalimutan mo bang may dinner date tayo ngayong gabi?”
“Oh!” Sa tuno at sa makikitang ekspresiyon sa mukha ni Allyce, mahahalatang nakalimutan niya nga ito. “Pasensiya ka na Stephan. Maaari bang sa susunod na araw na lang? Ang dami ko pang kailangang tatapusin dito”
Napabuntong hininga si Stephan at napatingin sa nakangusong si Allyce. Napalunok siya nang makita ng kaniyang dalawang mata ang nakakaakit at mapupulang labi ni Allyce. Napailing na lang siya upang ma-control ang kaniyang sarili na halikan ito.
“Hindi mo naman gugustuhing pagsalitaan ako nang masama rito sa kompaniya, hindi ba?”
“Oo naman! Ayokong pagsalitaan ka nila. Ipapatanggal ko talaga, tignan mo!”
“Ikaw talaga!” Napatawa si Allyce sa kalokohan ng kaniyang amo.
Naging isang nakakabighaning musika sa pandinig ni Stephan ang tawa ni Allyce. “Kung gayon, hayaan mo akong ihatid kita mamaya pauwi at sunduin natin si Darkien.”
“Naku! Magiging malaking abala iyon para sa—”
“Hindi. Hindi. Maliit na bagay lang iyan at hindi ko iniisip na magiging abala kayo sa sa’kin. Anak ko rin naman si Darkien at mahal kita. Walang abala sa ganoon.”
“Okay! Ikaw bahala. Tatapusin ko muna ito.”
“Take your time, mahal ko.”
Nanigas si Allyce nang marinig ang sinabi ni Stephan sa kaniya. Agad namang naglaro sa kaniyang isip ang hindi niya makakalimutang nakaraan. Isa lang ang pinayagan niyang tawagin siyang ‘mahal o mahal ko’ at iyon ay ang kaniyang asawa... ang asawa niyang isang demonyo.
Lumipas ang pitong taon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kaniyang asawa na si Demon. Kahit na sabihing kinasusuklaman niya ito dahil sa pagiging demonyo nito at sa mga gabundok nitong pinatay na mga tao ay hindi pa rin niya maiiwasang maalis sa kaniyang puso ang pagmamahal niya rito.
Masasabi bang taksil siya sa sinumpaan nila ni Demon noong kinasal sila at sa kanilang pagsasama bilang asawa kung mayroon na siyang iba ngayon? Siguro nga isang taksil nga siya. Isang sagradong ritwal ang kasalang nangyari subalit... isang demonyo ang kaniyang asawa. Masasabi pa rin bang sagrado iyon? Kung gayon ay nasa impyerno na ito at pinapamunuan ang kaniyang sinasakupang mga demonyo?
Paulit-ulit na napabuga ng hangin si Allyce. Gusto niyang magsisi sa nagawang maling kasalanan sa pagpapakasal sa isang demonyo subalit iba ang sinisigaw ng kaniyang puso. Tila tama ang lahat, tanging ang kaniyang isip lang ang kumukontra sa lahat. Dahil ba isa siyang relihiyosang babae? O baka hindi niya lang tanggap na isang demonyo ang napakasalan niya.
“Tapos ka na riyan, Allyce?”
Napabalik sa reyalidad si Allyce nang marinig ang boses ni Steohan na ngayo’y kararating lang mula sa opisina nito. Sinipat ni Allyce ang orasan na nakasabit sa dingding na nasa harapan niya. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Tatlong oras na pala ang lumipas simula nang iwan siya nito kanina.
“Pagod na ako. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.” Halata sa kaniyang boses ang pagod.
“Tulad nang sinabi ko kanina. Ihahatid ko kayo ni Darkien pauwi.”
Tumango lang si Allyce at agad na binitbit ang kaniyang handbag.
“Paalam, sir, ma’am. Ingat kayo pauwi!” Puro ganiyan ang maririnig sa mga employer na kanilang madadaanan.
May iilang mga kababaihan ang pekeng ngumingiti kay Allyce. Naiinggit ang mga ito sa kaniya lalo na’t alam nilang nag-de-date ang dalawa. Si Stephan ay ang masugid na manliligaw ni Allyce. Siya ang tumulong sa kaniya noong nahimatay siya sa daan at laking pasasalamat niya sa binata sa daming kabutihan nitong pinapakita sa kaniya dahilan ng kaniyang pagpayag sa pangliligaw niya rito.
“Ako na rito!” gulat na wika ni Allyce nang yuyukod na sana si Stephan para abutin ang seatbelt ng kotse.
“So... tungkol sa dinner date natin?” panimula ni Stephan.
“Huwag na muna ngayon, Stephan. Pagod ako. Nais kong magpahinga muna,” exhausted na tugon ni Allyce sa amo.
Nanatiling walang imik ang binata at nasa daan ang kaniyang paningin. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Kahit na tinanggihan ni Allyce ang kaniyang paanyaya sa dinner date nila ngayong gabi, tinanggap naman nito ang pag-bulontaryo niyang ihatid siya at ang anak nito pauwi.
Pagkalabas ni Allyce sa kotse ni Stephan ay agad namang tumakbo papunta sa kaniyang kinaroroonan si Darkien, isang anim na taong gulang na batang lalaki. Anak niya—anak nila ni Demon, ang kaniyang demonyong asawa.
“Mommy!” Masayang niyakap siya nito at gano’n din ang kaniyang ginawa. “Miss na miss kita, mommy!”
Naluluha pa ang mga munting mata ng bata. Napatulala saglit si Allyce. Katulad na katulad talaga ng kaniyang anak ang asawa niya, mapa-ugali, kilos, at pati na rin sa pisikal na anyo. Kamukhang-kamukha nito ang asawa.
Paano nga ba siya maka-move on sa asawa kung palagi niyang nakikita ang bunga ng kanilang pagmamahalan? Ang siyang nagpapahiwatig na hindi niya kayang palitan si Demon sa kaniyang puso. Isa nga bang biyaya ang pagkakaroon ng anak sa demonyo? Sa prinsipe ng mga demonyo pa? Ilang beses niyang hinahagip kahit sa kadulu-duluhan ng kaniyang puso kung nagsisisi ba siya, pero wala siyang maramdamang pagsisisi. Ang anak niya na lang ang tanging pinanghahawakan niya ngayon.
“Hello po, tito Stephan!” magiliw na wika ng kaniyang anak sa amo.
Agad namang kinarga nito si Darkien. Maaaring mapagkakamalang mag-ama ang dalawa lalo na’t may kunting pagkakahawig ang mga ito. Tinuturing tunay na anak ni Stephan ang bata at siya na ang tumayong ama nito sumula pa noong sanggol pa lang si Darkien.
Hindi maiwasan ni Allyce na mapangiti. Kung hindi pa nangyari iyon ay baka kasama pa nilang mag-ina si Demon. May angking kagwapuhan si Stephan at masasabing mas lamang siya kay Demon dahil mas bata itong tignan subalit hindi nito mapapantayan ang kakaibang appeal ni Demon lalo na sa kaniyang puso, hindi nito mapapantayan ang asawa. Mahalaga man si Stephan sa kaniya subalit hindi niya magawang mahalin ito. Mabuti na lang ay mapagkumbaba ang kaniyang manliligaw sa loob ng anim na taong pangliligaw nito sa kaniya ay hindi siya nito pinipilit.
Sa kabilang banda, may isang taong nagngingit-ngit habang nakatanaw sa kaniyang asawa na ngayon ay may kasamang ibang lalaki at may anak pa ito.
Hindi niya mapaliwanag ang matinding sakit na nararamdaman niya sa oras na ito. Kitang-kita niya ang saya ng tatlo habang karga-karga ng lalaki ang isang anim o limang taong gulang na batang lalaki. Habang si Allyce naman na kaniyang asawa ay masayang pinagmamasdan nito ang kaniyang mag-ama.
Gusto niyang pumatay, mag-wild, at sirain ang lahat ng mga makikita niya ngayon subalit nanatili siyang kino-control ang sarili.
“Tayo na, baby.” Nais na ni Allyce na makauwi na.
Iba ang pakiramdam niya ngayon na tila ba ay may nakatingin sa kaniya—may matang nakamasid sa kaniya. Unang beses siyang nakaramdam ngayon na siyang nagbigay kilabot sa kaniyang pagkatao kahit wala siyang alam kung bakit. Akmang papasok na siya sa loob ng kotse ay nahagip ng kaniyang mata ang isang napaka-pamilyar na pigura ng isang lalaki. Nakatayo ito sa lilim ng punong mangga.
Napapikit siya nang maaninagan sa hindi kalayuan ang isang lalaki. Agad na tumibok ang kaniyang puso sa kaniyang nakita.
“Mommy?”
Napalingon siya sa kaniyang anak na ngayon ay nakaupo na sa backseat. Ibinalik niya ang kaniyang paningin sa huling pagkakataon subalit wala siyang nakita kundi mga puno lamang.
Napapa-iling siya at napaisip siyang isa lang iyong hallucination. ‘Dahil siguro iyo sa pagod ko kaya iba-iba na ang na-i-imagine kong makikita.’
At mabilis siyang lumasok sa loob ng kotse, sa front seat.
‘Demon.’ Napaisip siya, hindi niya mapagkakailang nakita niya ito ng mga ilang segundo lamang.
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da