首頁 / Romance / Denial Series: I Won't Fall For Her / PROLOGUE (PHOENIX & HAILEY)

分享

PROLOGUE (PHOENIX & HAILEY)

作者: Red Auza
last update publish date: 2026-09-16 00:47:09

=PHOENIX'S DECEPTRESS WIFE=

Sinipa ng batang si Phoenix ang manika ng batang si Hailey dahilan para matanggal ang ulo nito. Napatingin na lang siya sa batang lalaki na nakangiti sa kanya habang siya ay naiiyak dahil sa nangyari sa manika niya. Ibinalik niya ang tingin sa pinakamamahal na manika na ngayon ay sira na. Pinakaiingatan niya iyon dahil iyon ang unang regalong natanggap niya mula sa kaniyang Lolo Alejandro, ngunit wala siyang magawa kundi tingnan na lamang ang pagtalsik ng ulo nito.

“Ano? Papalag ka?” may galit na tanong ni Phoenix sa kaniya habang pinanlalakihan siya ng mata.

Umiling siya dahil hindi niya magawang makipag-away dito. Kahit yata anong gawin nito sa kanya ay hindi niya magawang magalit dito. Kita niya ang malapad nitong ngiti na may kasamang pang-aasar sa kaniya.

“Magsusumbong ka na naman kay Grandpa!” singhal nito sa kaniya.

“Hindi naman ako magsusumbong,” sagot niya saka dinampot ang ulo ng manika kasabay ng muling pagsipa ng lalaki. Dahil nasabay ito sa pagdampot ni Hailey ay kamay niya ang nasipa ni Phoenix.

“Aray!” impit niyang daing dahil sa sakit. Masyadong sensitibo ang kaniyang balat lalo pa at bata pa lang siya kaya mabilis siyang masaktan. Pakiramdam niya ay hinampas ito ng malakas na kahoy. Agad itong namula pero hindi niya pinansin.

“Iiyak na ’yan! Kawawang bata . . . walang kakampi kasi ulila.” 

Walang nagawa si Hailey kundi ang umiyak habang si Phoenix ay sumasayaw paikot sa kaniya habang kumanta. Hindi niya alam bakit galit na galit sa kaniya ang lalaki. Magkaibigan naman sila dati pero bigla na lang itong nagbago sa kaniya. Pinaparatangan pa siya nitong mang-aagaw at papansin.

“Ulila! Ampon! Iiyak na ’yan!” paulit-ulit nitong kanta habang panay ang ikot sa kaniya.

“Phoenix!” 

Isang baritonong boses ang narinig nila kaya sabay silang napahinto. Agad na nagpunas ng luha si Hailey at pati si Phoenix ay napatigil. Kahit sino ang makarinig sa boses na iyon ng kanilang lolo ay automatikong kakabahan. Maging siya ay natatakot dahil baka pareho silang pagalitan.

“Inaaway mo na naman si Hailey?” Halos dumagundong ang boses nito sa buong garden.

“Hindi po, Grandpa.”

“Lolo, naglalaro lang po kami ni Phoenix,” pagtatanggol niya sa batang lalaki.

“Don’t cover him up, Hailey. Alam ko ang ugali ng batang ito.” Yumuko si Hailey at hindi na sumagot dahil natakot na agad siya. “And you, young boy, go inside and we will talk.” 

“Tss, panget mong kalaro. Masyadong iyakin,” bulong nito saka naglakad papasok.

“Lolo, huwag n’yo na po pagalitan si Phoenix. Wala naman po siyang kasalanan, eh.” 

Don Alejandro sighed and tapped Hailey’s head. “Napakabait mo talagang bata, Hailey. Huwag kang mag-alala. This opening of school year ay ipapadala ko na si Phoenix sa ibang bansa. Doon na siya magtatapos ng elementarya hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Uuwi na lang siya rito para magbakasyon.”

Agad siyang nalungkot nang marinig iyon. May nagsasabi sa kaniyang pigilan niya ang kaniyang lolo pero alam niyang hindi siya pakikinggan nito.

“Po? Pero—”

“Wala siyang maidudulot na mabuti sa ’yo, Hailey. Aawayin at aawayin ka lang ng apo ko dahil naiinggit siya sa ’yo kahit kung tutuusin ay wala naman siyang dapat ikainggit.”

“Lolo, hindi ko na po ba makikita si Phoenix?”

“You will. As I said, uuwi pa rin sila rito para magbakasyon. Sige na at kakausapin ko lang ang batang iyon. At huwag mo na siyang pagtakpan dahil nakita ko ang nangyari.” 

Nang umalis ang kaniyang lolo ay nalungkot siya bigla. Hindi na niya makikita si Phoenix dahil aalis na ito. Alam niyang mami-miss niya ang lalaki. Ang kaniyang first friend na naging first enemy. 

Higit sa lahat, ang kaniyang first crush.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   THIRTEEN

    Kinapa ko ang kama pero wala na si Brianna. Napatingin ako sa wall clock at nakitang halos alas-tres na nang madaling araw. Bumangon ako para hanapin siya."Bree?" Pero walang sumagot. "Bree?" Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Halos nalibot ko na ang buong bahay pero wala si Brianna. Bumalik ako sa loob para kunin ang cellphone nang makita ko ang sulat sa ilalim ng cellphone. Kinuha ko iyon at agad na binasa.‘Jace, mahal na mahal kita pero hindi tama ang ginagawa natin. Ayokong masira ang pamilya mo kaya ako na ang lalayo. Malayong-malayo para hindi mo ako masundan. Habang nasa paligid lang kita, hindi ko kayang mawala ka. Nagkakasala lang tayo pareho. Patawad pero ayoko na. Binenta ko na rin ang bahay na ito para wala na akong uuwian dito.’Putangina! Bakit siya nagdesisyon ng ganito? Bakit niya ako iniwan? Putangina, may kinalaman ba si Maggie dito?Tinawagan ko ang numero ni Brianna pero cannot be reach na. Kinuha ko ang susi para umuwi dahil wala na akong mapapala dito.Na

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   TWELVE

    "Good Morning," bati ni Margot sa akin habang naghahanda ng almusal."Good morning," bati ko pabalik at hinalikan siya "And good morning, Umami." Sumipa ang anak ko na parang binati ako pabalik. Umupo ako at tinawag si Margot saka pinakandong sabay hawak sa tiyan niya."Kakanta ka naman si daddy, baby," Margot said habang nakaupo sa hita ko."Syempre, daily routine na ‘yon,” I answered. “Good morning, good morning, good morning how are you? Good morning, good morning, I'm fine thank you."Tumawa si Margot at lumakas ang sipa ni Umami. Sa gabi naman ay twinkle-twinkle little star ang kinakanta ko sa kanila bago matulog."Thank you, Jace." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan?""Kasi pinapasaya mo si Umami.""Anak ko siya Margot kaya lagi ko siyang pasasayahin.""At pati na rin ako.""Asawa kita kaya kasama ka."Maayos naman ang pagsasama namin ni Margot. Ginagawa niya lahat ng obligasyon niya sa akin. Kahit malaki na ang tiyan niya ay nababalanse niya ang trabaho niya at obligas

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   ELEVEN

    "Congratulations!" "Thank you guys, thank you everyone," hinging pasasalamat ni Margot sa lahat. Sama-sama kaming nakaupo sa iisang lamesa na magkakaibigan. Narito rin si Mommy na busy na nakipag-usap sa mga ka-business niya at sa mga magulang ng mga kaibigan ko lalo na sa daddy ni Dane.Lumapit si Zeus sa akin at pasimpleng bumulong. "Bakit nandito si Brianna?" Tumingin siya sa isang gilid at nakita ko si Bree na tumayo malapit sa CR."Excuse me," paalam ko at hindi na hinintay na may sumagot sa kanila. "Where do you think you're going, sucker?""Wag ka mangialam, Zeus." Sinenyasan ko si Brianna na maglakad na ginawa niya habang nakasunod ako. Nang wala nang mga tao ay hinila ko siya sa gilid."Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na pupuntahan kita bukas ng gabi?""Inimbitahan ako ni Margot." Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "Ano?""Nakilala niya ako na isa sa mga ka-meeting mo, at inimbitahan niya ako kaya ako nandito.""Bakit ka pa pumunta rito? Sinasaktan mo

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   TEN

    "Naks, mukha kang tao ngayon, dumbass," Phoenix said."Pero hindi pa rin halata, sucker," segunda ni Zeus."Pagbigyan niyo na at kasal niya ngayon," Dane said.Kasal namin ngayon ni Margot at nasa hotel kaming magkakaibigan para dito mag-ayos bago pumunta ng simbahan. Excited? Siguro oo na rin kasi ikakasal na ako. Pero at the same time ay parang hindi rin. Ewan ang gulo ng utak ko."What are you feeling right now, twat?" Blaze asked kaya napahugot ako ng hininga."Hindi ko alam." Hindi ko naman talaga alam. Wala akong maramdaman na kahit ano. Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ito para tapos na. Na-missed ko na kasi Umami kausap sa tiyan ni Margot dahil three days na rin kaming hindi nagkita. Pamahiin daw sabi ni Mommy.Nagkakausap kami ni Margot sa telepono para kumustahin si Umami. Minsan nilalagay niya sa tiyan niya at kinakausap ko si Umami at kinakantahan. Wag kayong epal, anak ko ‘yon. Kaya kahit anong gawin ay ok lang."Can we talk?" Napatingin ako sa pintuan kung saan na

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   NINE

    "Excited ka na ba sa nalalapit mong kasal, sucker?" I looked at Zeus, pati na rin ang dalawa na mukhang naka-abang din sa sagot ko."Ewan." Yumuko na ako para pumirma ng papeles matapos sumagot."Anong ewan? Three days na lang kasal mo na ewan lang ang sagot mo, sucker?""Kailangan ko pa ba ipaalala ang sagot sa tanong mo, Zeus?""Na hindi mo mahal si Margot dahil si Brianna ang gusto mo, dumbass?""Exactly, Phoenix.""Kung isumbong kaya kita sa asawa ko, Jace?""Manahimik ka, Blaze. Mana ka na rin sa asawa mong baliw.""At least totoo. Hindi kagaya ng iba riyan, feelings na lang pinipeke pa, idiot.""Tapos ka na, Blaze. Pwede ka na lumabas.""Bakit, opisina mo? Conference room 'to oi." Confirmed talaga na nahawa na si Blaze sa asawa niya na magiging hipag ko. Nalahian pa ako ng baliw. Sana si Umami hindi maging kagaya ng tiyahin niya."Pero hindi nga, sucker, excited ka na ba sa kasal mo?" Bakit ba trip na trip ako ng isang 'to?"Ba't mo ba pinakikialam ang feelings ko, Zeus? May p

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   EIGHT

    "Jace, which color do you prefer for the cake?" Tiningnan ko ang limang cake na walang pinagkaiba ang kulay. "Ano’ng pagkakaiba ng kulay ng mga ‘yan, Margot?""This is crimson, candy, scarlet, ruby, and rose.""Margot, these are all red.""Jace, sinabi ko na ang pagkakaiba.""I see them all as red. No difference.""Just choose,""Choose the one that same as your lipstick.""It's chili red, not in the choices.""Kahit ano na.""Jace…""Tss, this." Turo ko sa hindi ko alam kung ano ‘to. Basta red siya para sa akin."My boyfriend wants the ruby.""Ok po, Ma'am." Bakit ba ang komplikado ng choices ng mga babae sa mga bagay-bagay? Masyadong mabusisi pero iisa lang naman halos kung titingnan.Dahil sa paparating na kasal ay naging busy kami. Though si Margot ang nag-aayos ay tinatanong niya pa rin ako sa mga gusto ko. Ayoko rin siya ma-stress dahil buntis siya kaya kahit paano ay tinutulungan ko siya. Ayokong lumabas ang anak kong mukhang laging pagod dahil pinaglihi siya ng nanay niya sa

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status