LOGINBROTHERS CODE: DENIAL I WON’T FALL FOR HER Apat na magkakaibigan. Apat na babae. At isang panuntunang hindi kailanman dapat labagin: I WON’T FALL FOR HER. Para kay Phoenix, si Hailey ay isang babaeng kailangan lamang niyang pakasalan para sa pera. Ang plano niya ay simple—gawin ang lahat upang si Hailey mismo ang sumuko at kumawala sa kanilang pagsasama, habang nakukuha niya ang kayamanang kanyang inaasam. Ngunit isang lihim ang magpapabago sa lahat at maglalagay sa kanilang pagsasama sa pagitan ng katotohanan at isang mapanganib na kasinungalingan. Si Blaze ay napilitang pakasalan si Maggie dahil sa isang pustahan. Kasunduan nila: walang mahuhulog ang loob at kung sino ang unang susuko, siya ang magfa-file ng annulment. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan, nakita niya ang tunay na pagkatao ni Maggie—isang babaeng handang maging mabuting asawa. Hindi niya namalayan na nahulog na pala siya. Nang piliin nilang gawing totoo ang kanilang kasal, isang lihim mula sa nakaraan ang muling sisira sa kanilang mundo, kasunod ang galit, paghihiwalay, at isang trahedyang hindi nila kailanman makakalimutan. Para kay Jace, si Margot ay isang responsibilidad lamang matapos ang isang gabing nagbago sa kanilang buhay. Ngunit minahal siya ni Margot nang buong-buo. Nang isang maling akala ang magtulak sa kanya na gumawa ng desisyong hindi na mababawi, saka lamang mauunawaan ni Jace kung gaano kasakit ang pagkawala ng babaeng tunay na nagmahal sa kanya. Samantala, muling nagtagpo sina Zeus at Yara matapos ang pitong taon. Ang dating perpektong pag-iibigan ay nauwi sa isang mapanganib na kasunduan—walang commitment, walang pag-ibig, at walang ibang babae. Ngunit paano kung ang larong nagsimula sa pagnanasa ay muling magbukas ng pusong matagal nang isinara? Apat na lalaki. Apat na laban. Isang DENIAL. Dahil minsan, ang babaeng pinanumpaan mong hindi mamahalin ang siya palang hindi mo kayang mawala.
View MoreKinapa ko ang kama pero wala na si Brianna. Napatingin ako sa wall clock at nakitang halos alas-tres na nang madaling araw. Bumangon ako para hanapin siya."Bree?" Pero walang sumagot. "Bree?" Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Halos nalibot ko na ang buong bahay pero wala si Brianna. Bumalik ako sa loob para kunin ang cellphone nang makita ko ang sulat sa ilalim ng cellphone. Kinuha ko iyon at agad na binasa.‘Jace, mahal na mahal kita pero hindi tama ang ginagawa natin. Ayokong masira ang pamilya mo kaya ako na ang lalayo. Malayong-malayo para hindi mo ako masundan. Habang nasa paligid lang kita, hindi ko kayang mawala ka. Nagkakasala lang tayo pareho. Patawad pero ayoko na. Binenta ko na rin ang bahay na ito para wala na akong uuwian dito.’Putangina! Bakit siya nagdesisyon ng ganito? Bakit niya ako iniwan? Putangina, may kinalaman ba si Maggie dito?Tinawagan ko ang numero ni Brianna pero cannot be reach na. Kinuha ko ang susi para umuwi dahil wala na akong mapapala dito.Na
"Good Morning," bati ni Margot sa akin habang naghahanda ng almusal."Good morning," bati ko pabalik at hinalikan siya "And good morning, Umami." Sumipa ang anak ko na parang binati ako pabalik. Umupo ako at tinawag si Margot saka pinakandong sabay hawak sa tiyan niya."Kakanta ka naman si daddy, baby," Margot said habang nakaupo sa hita ko."Syempre, daily routine na ‘yon,” I answered. “Good morning, good morning, good morning how are you? Good morning, good morning, I'm fine thank you."Tumawa si Margot at lumakas ang sipa ni Umami. Sa gabi naman ay twinkle-twinkle little star ang kinakanta ko sa kanila bago matulog."Thank you, Jace." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan?""Kasi pinapasaya mo si Umami.""Anak ko siya Margot kaya lagi ko siyang pasasayahin.""At pati na rin ako.""Asawa kita kaya kasama ka."Maayos naman ang pagsasama namin ni Margot. Ginagawa niya lahat ng obligasyon niya sa akin. Kahit malaki na ang tiyan niya ay nababalanse niya ang trabaho niya at obligas
"Congratulations!" "Thank you guys, thank you everyone," hinging pasasalamat ni Margot sa lahat. Sama-sama kaming nakaupo sa iisang lamesa na magkakaibigan. Narito rin si Mommy na busy na nakipag-usap sa mga ka-business niya at sa mga magulang ng mga kaibigan ko lalo na sa daddy ni Dane.Lumapit si Zeus sa akin at pasimpleng bumulong. "Bakit nandito si Brianna?" Tumingin siya sa isang gilid at nakita ko si Bree na tumayo malapit sa CR."Excuse me," paalam ko at hindi na hinintay na may sumagot sa kanila. "Where do you think you're going, sucker?""Wag ka mangialam, Zeus." Sinenyasan ko si Brianna na maglakad na ginawa niya habang nakasunod ako. Nang wala nang mga tao ay hinila ko siya sa gilid."Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na pupuntahan kita bukas ng gabi?""Inimbitahan ako ni Margot." Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "Ano?""Nakilala niya ako na isa sa mga ka-meeting mo, at inimbitahan niya ako kaya ako nandito.""Bakit ka pa pumunta rito? Sinasaktan mo
"Naks, mukha kang tao ngayon, dumbass," Phoenix said."Pero hindi pa rin halata, sucker," segunda ni Zeus."Pagbigyan niyo na at kasal niya ngayon," Dane said.Kasal namin ngayon ni Margot at nasa hotel kaming magkakaibigan para dito mag-ayos bago pumunta ng simbahan. Excited? Siguro oo na rin kasi ikakasal na ako. Pero at the same time ay parang hindi rin. Ewan ang gulo ng utak ko."What are you feeling right now, twat?" Blaze asked kaya napahugot ako ng hininga."Hindi ko alam." Hindi ko naman talaga alam. Wala akong maramdaman na kahit ano. Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ito para tapos na. Na-missed ko na kasi Umami kausap sa tiyan ni Margot dahil three days na rin kaming hindi nagkita. Pamahiin daw sabi ni Mommy.Nagkakausap kami ni Margot sa telepono para kumustahin si Umami. Minsan nilalagay niya sa tiyan niya at kinakausap ko si Umami at kinakantahan. Wag kayong epal, anak ko ‘yon. Kaya kahit anong gawin ay ok lang."Can we talk?" Napatingin ako sa pintuan kung saan na






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.