INICIAR SESIÓNTinanggap ni Bella ang trabahong yaya sa isang bilyonaryong may malamig na puso,ngunit di niya inaasahang ang batang tahimik niyang aalagaan ang magbubunyag ng isang lihim na kayang magpabago sa buhay nilang lahat.
Ver más“Ikaw na naman?!”Napatingin ako sa aquarium nang marinig ko ang tila pamilyar na boses na kanina ko pa naririnig sa isip ko.Napailing ako.Pagod lang ako. Gutom. At malamang, sobra na ang stress ko sa unang araw ko sa mansiyong ito.Kaya sa halip na patulan ang sarili kong imahinasyon, kumuha ako ng pagkain para sa isda at naglagay ng dalawang takal sa aquarium.“Ayan. Dalawang takal. Sana naman tumahimik na ang lahat dito.”Napahinto ako.Bakit ko ba sinabi iyon? Isda lang naman ang kausap ko.Tiningnan ko si Bubbles. Abala na ito sa pagkain at wala nang anumang tunog na nagmumula sa kaniya.Sinubukan kong maghintay. Baka may marinig na naman ako.Wala.“Hay, salamat,” bulong ko sa sarili ko.Baka nga guni-guni lang ang lahat. Baka sa sobrang pagod ko, pati mga hayop sa mansiyong ito ay naiisip kong nagsasalita.Kung ganoon, kailangan ko talagang matulog nang maayos.Napatingin ako kay Alex. Nakaupo pa rin siya sa kama, tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Nang mapansin niyang nak
Hinawakan ko si Alex sa kamay at dahan-dahan siyang inihatid sa silid niya.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa batang ito. Kanina lang, para siyang maliit na demonyong handang manggulo ng buong mansion. Pero nang makita ko siyang nakatayo sa sulok habang pinapagalitan ako ng sarili niyang ama, parang biglang nawala ang lahat ng kalokohan sa mukha niya.Para siyang batang sanay na masisi kahit hindi pa alam ang buong pangyayari.Pagdating namin sa silid niya, pinaupo ko siya sa gilid ng kama.“Alam mo, Alex, sa sobrang dami ng nangyari ngayon, ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain nang maayos.”Tumingin siya sa akin.“Parang kung anu-ano na ang naririnig ko dahil sa gutom. Pasensya ka na, ha?”Ngumiti ako nang pilit habang inaayos ang magulong buhok niya.“Gusto mo bang kumain tayo?”Bago pa siya makasagot sa pamamagitan ng pagtango o pag-iling, may narinig akong boses mula sa likuran.“Master, ano pong nangyari? Inabot ka ba ni Bossing?”Napali
Hindi pa man ako nakakapag-ikot nang maayos sa mansion, pakiramdam ko ay may malaking kalokohang naghihintay sa akin.At hindi ako nagkamali.Habang naglalakad ako sa pasilyo, may narinig akong dalawang babaeng nag-uusap malapit sa kusina.“Magkano tayaan natin?” tanong ng isa.“Isang araw lang. Sigurado akong hindi aabot ng bukas ’yan,” sagot ng kasama niya.Napahinto ako.Ako ba ang pinag-uusapan nila?“Dalawang araw ang ibibigay ko. Mukhang matapang siya, pero hindi pa niya nakikilala nang husto si Young Master Alex.”“Ang dali mong magtiwala. Labindalawang yaya na ang umalis. Ano sa tingin mo ang ikinatatangi niya?”“Wala. Gusto ko lang manalo.”Napailing ako. Hindi man nila sabihin ang pangalan ko, malinaw kung sino ang tinutukoy nila.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.“May pustahan pala rito?” biglang tanong ni Gustavo mula sa likuran nila.Halos mapatalon ang dalawang babae.“G-Ginoong Gustavo! Wala po kaming ginagawa!”“Talaga? Akala ko ba may pustahan kayo kung ga
Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa tapat ng mansion, may nakita na akong babaeng nagmamadaling lumabas ng gate.Lukot-lukot ang damit niya, magulo ang buhok, at ang pinakanakakatawa sa lahat—iisa lang ang suot niyang tsinelas. Hawak niya ang bag sa isang kamay habang galit na nakaturo sa malaking aso sa likod niya.“Hindi ako bayad para maging yaya, tagalinis, bantay ng aso, at taga-alaga ng pusa! Tao ako! Tao!”Napahinto ako sa pag-aayos ng bag ko.Lumapit ang babae sa gate at sinipat ako mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba ang kapalit ko?”“Kung ako po, mukhang oo.”Napahawak siya sa dibdib na para bang nakatanggap ng masamang balita. “Anak, tumakbo ka na. Huwag ka nang pumasok!”“Bakit po?”“Dahil ang aso rito, magnanakaw ng tsinelas! Ang pusa, parang reyna kung umasta! At ang batang aalagaan mo…” Napalingon siya sa mansion. “Tahimik. Sobrang tahimik. Minsan mas nakakatakot pa ang katahimikan kaysa sigaw.”Mula sa may hagdan, tumahol ang malaking aso. May hawak itong tsin


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.