LOGINSi Christine Jade Gomez, isang ordinaryong empleyado ng Montevierra Fashion Industry, ay hindi kailanman inakalang isang gabing puno ng pagkakamali ang magdurugtong sa kapalaran nila ni Xian Montevierra, ang kanyang boss. Nagsimula ang lahat sa isang pagpapanggap. Ngunit habang tumatagal, ang kunwaring relasyon ay nauwi sa pag-ibig na hindi nila kayang itanggi. Akala ni Christine, sapat na ang pagmamahalan nila upang matanggap siya ng pamilya ni Xian. Hanggang sa hilingin mismo ng mommy nito na layuan niya ang lalaking pinakamamahal niya. Dahil ayaw niyang maging dahilan upang mamili si Xian sa pagitan niya at ng ina nito, pinili ni Christine na umalis. Ngunit hindi siya umalis nang walang baon. Ginawa niyang motibasyon ang pangmamaliit sa kanya upang bumuo ng sarili niyang fashion empire, isang kompanyang kayang makipagsabayan at higitan ang Montevierra Fashion Industry. Ilang taon ang lumipas, at ang babaeng minsang itinuring na hindi karapat-dapat kay Xian ay nagbalik bilang isang matagumpay na negosyante. Ngunit paano kung sa pagbabalik niya, ang lalaking iniwan niya ay siya pa ring lalaking hindi niya kayang kalimutan? At paano kung ang tagumpay na pinaghirapan niyang makamit ay muling maglapit sa kanila?
View More“Tagay na, Christine!”
Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso.
Okay, kaunti lang.
“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”
“Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.”
Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usapan. Ayokong maging dahilan para masira ang celebration nila, lalo na’t bago pa lang ako.
“Takot mawalan ng trabaho!” sigaw ng isa pa.
Mas lalong lumakas ang tawanan nila.
Napailing na lang ako at pilit na ngumiti. “Hindi naman sa gano’n.”
“E di inom!” sagot ni Ace.
Hindi na ako nakasagot dahil bigla niyang kinuha ang shot glass mula sa kamay ko. Akala ko ibababa lang niya ang laman para bawasan gaya ng hiling ko, pero bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang panga ko at pilit na binuksan ang bibig ko.
“Ace, teka lang—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Ibinuhos niya ang alak sa bibig ko habang ang ilan sa kanila ay nagtawanan at nagsigawan. Napaatras ako nang kaunti, ngunit wala akong nagawa kundi lunukin ang alak na pilit nilang ipinapainom sa akin.
“Ayan! Ang dali lang, di ba?” natatawang sabi ni Ace nang tuluyan niyang binitawan ang mukha ko.
Agad akong napayuko at napaubo. Kumirot ang lalamunan ko dahil sa lakas ng alak at ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Nang makahinga ako nang maayos, napansin kong parang umiikot nang kaunti ang paligid. Hinawakan ko ang gilid ng mesa para hindi ako mawalan ng balanse.
Okay lang. Siguro nabigla lang ang katawan ko.
“Okay ka lang, Christine?” tanong ni Mr. Lopez, ang manager namin.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pag-aalala sa mukha niya. Dahil ayokong gumawa ng eksena, tumango-tango na lang ako.
“Okay lang ako.”
Biglang lumawak ang ngiti niya. Itinaas niya ang sarili niyang chaser at tumingin sa mga kasama namin.
“Kung gano’n, isa pa!”
Nanlaki ang mga mata ko. “Hinde—”
Pero hindi na ako nakatanggi. Muli nilang pinuno ang shot glass at ipinainom sa akin. Sa pagkakataong iyon, mas nahirapan na akong lumaban dahil nagsimula nang bumigat ang katawan ko. Pinagtatawanan nila ako habang paulit-ulit akong pinaiinom, at bawat shot ay lalo lamang nagpapabigat sa ulo ko.
Hindi ko na alam kung ilan ang nainom ko. Isa. Dalawa. Tatlo. O higit pa. Ang alam ko lang, habang tumatagal, lalo akong nahihilo. Pilit kong sinusundan ang mga pinag-uusapan nila, pero nagiging malabo na ang mga boses nila sa pandinig ko.
“Wooo! That’s our girl!” malakas na sigaw ni Mr. Lopez nang muli niyang itaas ang baso.
“Okay, spin the bottle!”
May mga sumigaw at nagtawanan. Nagsimula na silang paikutin ang bote, pero hindi ko na halos maintindihan kung ano ang nangyayari. Nakatingin lang ako sa bote habang umiikot iyon, ngunit ilang segundo pa lamang ay parang nawawala na sa focus ang paningin ko.
Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo. Para akong mahihimatay anumang oras. Kumakapit ako sa upuan habang pilit na nananatiling nakaupo, ngunit kasabay ng hilo ay may kakaibang init na unti-unting kumakalat sa katawan ko.
Napahawak ako sa sarili kong braso.
Ano 'to?
Hindi ako komportable sa init na nararamdaman ko. Parang biglang tumaas ang temperatura ng buong katawan ko, at kahit hindi naman mainit ang silid, pakiramdam ko ay naiinitan ako nang sobra.
Dala lang ba ito ng alak?
Napapikit ako sandali at huminga nang malalim.
O hindi kaya... may inilagay sila sa inumin ko?
Hindi ko na rin maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay gusto kong hubarin ang suot kong damit dahil sa sobrang init. Pinilit kong huwag isipin iyon at sinubukang tumayo, pero nang makaalis ako sa kinauupuan ko, halos mawalan agad ako ng balanse.
Dapat hindi na ako sumama rito.
Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Hindi ko na rin alam kung sino ang unang lumapit sa akin. Ang tanging naaalala ko ay may humawak sa braso ko. Nang subukan kong bawiin iyon, hindi ko nagawang kumawala dahil parang wala na akong sapat na lakas.
“Christine, halika,” narinig kong sabi ni Ace.
“A-anong...”
Hindi ko na naituloy ang tanong ko nang hinila niya ako palayo at itinuloy ang paglalakad. Sinubukan kong tingnan kung saan niya ako dinadala, ngunit patuloy na umiikot ang paningin ko. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko namalayan na nasa isang hallway na kami ng hotel.
Napatingin ako sa mga pintong nadaraanan namin.
“Bakit tayo nandito?” mahina kong tanong.
Hindi siya sumagot. Patuloy lang niya akong hinila hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pintuan. Nang buksan niya iyon, saka ko lamang napagtanto na papasok kami sa isang kwarto. At bago pa ako makapag-isip kung bakit kami naroon, hinila niya ako papasok sa silid ng mismong hotel kung saan kami nagse-celebrate.
“T-teka, Ace…s-saan mo…ba ako…dadalhin?” Parang sadyang napilipit ang dila ko, dahilan para hindi ako makapagsalita nang diretso.
“Basta. Mag-e-enjoy ka rito.”
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin nang na-realize ko kung ano ang balak niya. Bagama’t nahihilo na ako, alam ko pa ang lahat maliban na lang sa nangyari sa spin the bottle kanina.
“Ace, ayoko.” Umiling-iling ako. “Gusto…ko nang umuwi.”
Pinilit kong maglakad palayo, pero natumba lang ako.
“Halika nga dito sabi. Huwag ka nang magpilit, Christine. Matagal na rin akong nagpipigil sa’yo, e. “
“Ang init ng pakiramdam ko,” usal ko.
“Matatanggal ang init mo sa katawan dahil sa gagawin natin, kaya sumama ka na,” aniya. Itinayo niya ako at hinawakan nang mahigpit sa baywang. “I’ll make sure na mag-e-enjoy ka.”
“Ace, ano ba? Sabing…ayoko!”
Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at pinilit kong makawala. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko lalo na’t wala na ako sa huwisyo. Dahil sa pagpupumiglas ko, mas lalo lang akong nahihilo dahil sa masyadong paggalaw.
Naging agresibo na siya. Isinandal niya ako sa pader ng corridor at hinawakan nang mahigpit sa kamay bago niya ako ipako sa pader. Bumaba ang haplos niya sa pang-upo ko. Hinalikan niya ako sa leeg hanggang sa tumaas ito sa pisngi. Hahalikan na sana niya ako sa labi, pero naiwas ko ito.
“Ace, ano ba! Sabing pakawalan mo ako! Tulong!” sigaw ko.
“Huwag ka nang maarte!” Sinampal niya ako, dahilan para mas lalo akong mahilo.
Fuck! Someone, please.
Gusto kong sumigaw pa para may makarinig sa akin, pero mahina pa rin ang boses na lumalabas sa bibig ko.
Muli akong hinalikan ni Ace sa leeg. Hindi na ako makatayo nang maayos dahil sa sobrang hilo. Para akong nasusuka at ang init sa pakiramdam.
At hindi nagtagal, parang biglang dininig ang hiling ko na may tumulong sa akin. Kahit na naikot ang paningin ko, nakita ko ang pagdating ng isang lalaki. Hindi ko na siya namukhaan. Hindi ko na rin namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay.
“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng pinto.“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sina
“Kung gano’n, kilala mo ako?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Nakangiting lumapit siya sa akin. “Of course, Ms. Gomez. You’re my employee. Kilala ko ang lahat ng empleyado ko.”“At hindi mo man lang ako sinabihan?”Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, fine. I admit that I was wrong for not telling you na kilala kita... at ako ang boss mo.” Bahagya siyang yumuko habang nakatingin sa akin. “But it isn’t my fault na nangyari ang nangyari, right?”Tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ba naman kasi ang may kasalanan na ilagay mo ’yung chocolate na ’yon sa tabi ng pagkain na inihanda mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang kakainin ko lang ay ’yung nasa plato at hindi lahat ng nasa table.”“At hindi ko rin kasalanan na nagtulog-tulugan ka, kaya hindi mo nakita kung ano ang tinutukoy ko.”“Mas hindi ko kasalanan na matakot dahil nagising na lang ako na nasa kwarto ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung inabuso ba ang kalasingan ko o hindi.”“Well,
Nagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Nang tuluyan akong magmulat, agad kong napansin ang isang estrangherong lalaki na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako nang mariin habang pinipigilan ang sarili kong mapamura nang malakas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, iiyak, o magpapanggap na hindi nangyari ang lahat.Mabilis akong kumilos, pero maingat akong bumangon para hindi magising ang lalaking natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis nang tahimik bago ko isa-isang kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa. Nang makasiguro akong mahimbing pa rin ang tulog niya, agad akong lumabas ng silid at tuluyang umalis sa hotel nang hindi niya namamalayan.Sumakay agad ako ng taxi at nagpasya akong umuwi sa apartment. Siguro mas mabuting mag-absent muna ako sa trabaho ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang utak ko bago humarap sa mga katrabaho kong siguradong
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi. Habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko, saka ko napansin na hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama.Agad akong kinabahan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis akong humiga ulit at pumikit, nagpapanggap na tulog habang pinipilit kong huwag gumalaw.Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Ilang sandali akong hindi gumalaw hanggang sa naamoy ko ang pabangong suot niya. Mas lalo akong kinabahan nang mapagtanto kong lalaki ang kasama ko.Teka... did I sleep in a man's bed? Shit. Ano bang nangyari sa akin kagabi?“I know you're awake. Eat the food on the table.”Iyon lamang ang sinabi niya bago tumayo.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Sinigurado ko munang wala na siya bago ako tuluyang bumangon. Napahawak ako sa noo ko habang pilit na inaalala ang lahat.Sino nga ba iyon? Si Ace? Kaya ayaw kong uminom, e. Shit talaga.Pero hindi ganoon ang pabango ng manyakis na iyon, gayu






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.