Share

Chapter 6

" Oh my God, grabe ang layo naman ng bahay ng lalaking ito"

Hindi na kayang maglakad ni Ella. Balak sana niyang tawagin na lang ang lalaki kakapalan na lamang niya ang mukha niya para tanungin ito kung siya ba yung nagligtas sa kanya. Kung siya yun magpapasalamat lang naman siya tapos babalik na siya. Gusto lamang naman niyang makita ito at makilala na din kung pwede.

"Ang tangengot mo Ella Marie" sita nito sa sarili. Bakit nga ba kase hindi niya naisip yun kanina pa. Bakit ba kase sinundan sundan nya eh pwede naman palang ganun sisi ni Ella sa sarili.

"Panganib"

Naramdaman ni Matt ang nakaambang panganib. May paparating na kaaway, hindi para sa kanya kundi panganib para sa dalaga. Mas mabilis maglakad ng triple si Matt at nagtago sa likod ng nawasak na kotse at naghintay doon.

Nagulat si Ella sa biglang pagbilis ng lakad nito at bigla na lang itong nawala sa paningin niya. Nalibang kase siya sa pagmumuni muni kaya nalingat siya.

"Ano nang gagawin niya? Napakadilim ng lugar tanging malamlam na ilaw lamang ng poste sa di kalayuan at natapat siya sa lugar na malayo mula sa poste. Naroon siya sa dilim at mag isa pa  oh God natatakot na sabi ng dalaga"

Na sense ni Matt ang takot na iyon ni Ella. Dinig ng binata ang mabilis na pagtibok ng puso ng dalaga, pero may kailangan siyang kumpirmahin kaya naman sinadya niyang iwan ito at magtago. Pero patuloy na alerto si Matt at ini scan ang lugar. Nag aalab ang kanyang mga mata sa pagaalala at galit.

Sinasaliksik niya ang paligid para sa posibleng pag atake mula sa kanyang mga ka uri. Nakaramdam naman ng matinding takot si Ella. Nagpapanic  na siya dahil wala man lang tao sa kalsada at madilim ang lugar may takot pa naman siya sa dilim. Ewan ba niya kung bakit naman nakalimutan niya iyon . kanina kase ay may ilaw pa naman sa poste eh dito lamang sa dulo ang wala at dead end pa ata. She was alone somewhere. Walang katao tao sa lugar makipot ang daan at mahirap tumakbo.

Ngayon niya pinagsisisihan na hindi muna nagisip ng sampong beses bago sinundana ang lalaki. Wala nga pala siyang kasama at walang dala ng kahit anong armas o pang self defense man lang maliban sa cup noddles at ilang cookies/cupcakes na binili niya. Paano kung may masasamang loob na naman. Kanina she feels safe kase nasa unahan niya lang yung hinihinala niyang hero niya pero ngayon na magisa lang siya sa gitna ng madilim na lugar. Ano ng gagawin niya?

Nanigas siya sa takot at halos hindi makapaniwala na nasa ganun sitwasyun si Ella.Ngayon lang niya matatanggap na sabihan siyang tanga.

Then a black motorcycle suddenly appears from her back. Sakay nito ang tatlong pangit na nilalang. Pangit sila para kay Ella dahil mga mukha ito mga sanggano at kontrabida sa pelikula ni FpJ. Hindi na pinansin ng dalaga ang detalye ng mga mukha nito dahil sa kaba at biglang silakbo ng takot. Bumaba ang dalawang naka angkas sa motor and cometo her closer na nakangisi pa.

"Miss mukhang naliligaw ka" sabi ng lalaking garalgal ang boses. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Sh*t! anak ng pating" nawala sa isip ni Ella na naka short nga lang pala siya ng maiksi at naka hanging blouse pa. Hindi naman sa pagmamalaki pero she looks sexy and alluring sa suot niya pero sa pagkakataong iyon ay halos murahin niya ang sarili at isinusumpa niyang hindi na magsusuot ng ganun. Nabigla si Ella at hindi makapagsalita.

"Baka kailangan mo ng ride miss pwede kitang iangkas at ihatid sa pupuntahan mo" sabi naman ng isa na nakakahilo ang amoy. Amoy alak kase ang hininga nito.Ang kapal pa ng mukha nitong ilapit sa mukha niya. Nabuwisit si Ella takot siya pero buwisit din siya at the same time.

"Hindi ko kailangan ng tulong nyo.My boyfriend is coming here to fetch me" matatag na sabi ni Ella.Takutan lang yan eh sa isip isip ng dalaga.

"Woah! Englisera pala to tol. Bukod pala sa mukhang masarap to pare sosyal pa tiba ako dito" nakakakilabot na sabi ng unang kumausap sa kanya.

"Miss wanna ride.Ihahatid kita sa langit" dagdag pa ng lalaking nakasampa sa motorsiklo.Biglang naginit ang dugo ni Ella kahit takot na ito.

"Mga bastos kayo ah. Kapag dumating na ang boyfriend ko lagot kayo sa kanya" pagpapalakas ng loob ni Ella sa sarili pero sa totoo lang nanginginig na ang tuhod niya.

"Ows, talaga lang miss? tingan lang nating kung matutuwa siya kapag nakita niyang tinitikman ko ang syota niya" sabi ng lalaki sabay ngumising tila si satanas.

Kinilabutan na si Ella. Eto na yung moment na hindi na niya kaya. Tapos yung isa pang lalaki ay umikot at lumapit sa likod niya at hinawakan siya kaya napasigaw si Ella sa takot takot.

Samantala..........

Nagtatago pa rin si Matt pero pinagmamasdan pa rin niya ang babae sa di kalayuan . Kitang kita niya ang pagkabalisa nito at dinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib. Nag aalab ang mga mata nin Matt sa dilim. Nagng mas lalong alerto sa kung anumang uri ng panganib ang naamoy niya kanina.Hanggang sa maamoy niya ang malakas na amoy ng alak at pawis ng mga masasamang loob. lalong nanlisik ang mga mata ni Matt at biglang umayos ng tinding.

Umibis sa pinagtataguan si Matt at umikot sa bahaging likuran ng sasakyan at doon nakita niya ang dalaga kaso ay nakatalikod sa kanya. Nang muling mapagmasdan ang hirsura ng dalaga ay napasuntok ng mahina si Matt sa hood ng sasakyan mabuti na lang at nakontrol niya kaya hindi lumikha ng ingay.

"For god's sake! bakit ba kase kailangan magsuot ng babaeng ito ng sexy top sa ganito ng panahon. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Matt na kahit takot at mukhang pagod ang dalaga kakalakad ay seksi pa rin ito at kaakit akit.

Pero ng maramdaman niya ang paglapit ng panganib. umangil ng pigil si Matt at biglang humaba ang mga kuku. Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata magmula sa tila matang asong gubat nakulay ay naging pula ang kulay ng mga mata ni Matt.

Isang motorsiklo na humihinto sa harap ng dalaga. Sakay ang tatlong lalaki sa hitsura pa lamang ay hindi na gagawa ng kabutihan.  Amoy Ni Matt ang alak sa dugo ng mga ito Kaya alam niyan g mas lalong nasa panganib ang babae. Suminghot singhot pa si Matt kaya nalaman niyang  hindi lamang alak ang dumadaloy sa dugo ng mga ito, may ibang kemikal pa siyang naamoy.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
more update Plsss ganda
goodnovel comment avatar
m_🏹
"The story becomes more entersting,"
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status