Kabanata 110“Hindi man lang niya ako hinabol? Hindi man lang siya sumunod dito?” may himutok na sambit ni Lia habang nakaupo sa malambot niyang kama. Nakapako ang mga mata niya sa pinto. Hinihintay na bumukas iyon. “Talaga bang wala siyang balak na puntahan ako rito?"Nahiga na lang si Lia sa kama dahil sa sobrang inis. Pinaghahampas niya ang kama at saka inimagine ang mukha ni Leon kanina. “Ako dapat ang galit eh. Bakit parang siya pa ang may ganang magalit ngayon? Hindi ko naman kasi hiniling sa kaniya na protektahan niya ako to that extent. Talagang nakipagbugbugan pa siya kay Austin. Paano kung napuruhan siya sa mga delikadong parte ng katawan? Padalos-dalos siya masyado. Hindi niya naman lubusang kilala ang kinakalaban niya. Oo at pulis siya. Eh ano naman? Hindi niya alam na black belter si Austin. Aside from that, Austin is a former underboss. Hindi ba siya natatakot na baka balikan siya ng mob na kinabibilangan dati ni Austin?”Nagpapadyak si Lia. "Bakit ba ako concern kay Leo
“Lia…”Biglang bumalik sa wisyo si Lia nang tawagin siya ni Leon. Hindi niya alam kung bakit naalala na naman niya ang nangyaring away kanina sa restaurant ng best friend niyang si Austin at ng kaniyang contracted husband. Mabuti na lamang at dumating ang kaniyang papa at si Kira. Naawat ng mga ito ang dalawa."I'm sorry. I became too occupied,” ani Lia sabay baba ng sasakyan. Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya ni Leon ng pinto."Are you mad?” Leon asked."No. Why would I be? Do I have the right to be mad at you?” Lia replied sarcastically.“What?” Mabilis na umikot sa sasakyan si Leon at agad na hinabol si Lia. Papasok na kasi ito ng gate. "Lia…"“What?" pasigaw na sambit ni Lia. Maging siya ay nagulat sa kaniyang biglaang pagsigaw.“Wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ka makakapasok sa bahay natin dahil nasa akin ang susi ng gate." Pagkasabi noon ay dire-diretso na si Leon patungo sa may gate. Naiinis siya kay Lia dahil sa inaasal nito. ‘Bakit ba siya nagkakagan'on? D
“Lia… alam kong ikaw ‘yan. Maiintindihan naman kita, eh. Kaya sana sabihin mo na sa akin ang totoo at tigilan mo na ang kagaguhang ito. Tutulungan naman kita, eh! Kaya sana umamin ka na! Ikaw si Lia Reed, hindi si Ria Collins!” mahina ngunit mariing wika ni Austin. Pilit pa rin niyang tinatatak sa isipan ng babaeng kaharap niya ang totoong pagkatao nito. “Ikaw ang best friend ko, Lia. Nasasaktan ako sa ginawa mong pagpapanggap. Alam mo bang halos bumagsak na ang katawan ni Tito Liam? Tutulong naman ako, Lia! Sabihin mo lang kung ano ang problema mo. Maawa ka sa amin. Napakasakit para sa amin ang biglaang pagkawala mo.” Biglang nabasag ang boses niya.“Stop! I told you to stop because I am not, Lia!” nanghihinang wika ni Lia. Halos maubos na ang lakas niya sa pagpupumiglas makawala lang sa pagkakahawak ni Austin sa kaniya. Napapikit siya at napadasal. “Sana dumating si Leon… Sana mailigtas niya ako at mailayo sa kamay ni Austin. Kagaya nang parati niyang ginagawa. Hindi p’wedeng mabuk
Patungo na sana sa mansyon ni Donya Rehina ang mag-asawa pero dahil sa nangyari ay kinailangan nilang umuwi. Nagdumi kasi ang damit ni Leon dahil sa naging away nila ni Austin kanina. Higit sa lahat, sugatan at puto gasgas din ang mukha at katawan nito. Paano pa sila aattend ng party kung gano’n ang hitsura ng bagong upong chairman.Hindi maiwasang magsungit ni Lia sa tuwing maaalala niya ang nangyaring kaguluhan sa restaurant kanina.**Flasback**“Lia!” anas ni Austin! Bigla na lang siyang naglakad papalapit kay Lia, dahilan upang mapaatras ito. Sa bawat hakbang niya papalapit dito ay siya namang paghakbang nito paurong, palayo sa kaniya. Nang tumama ang likod ni Lia sa pader ay biglang nanlamig ang buong katawan niya dahil sa kaba. Hindi niya inaasahang magtatagpo sila ni Austin sa pagkakataong iyon.Sinubukang hawakan ni Austin ang mukha ni Lia ngunit mabilis na tinapik ni Lia ang kamay nito. “What do you think you’re doing, sir?” kunot-noong wika niya.“Sir?” naguguluhang wika ni
Habang nagmamaneho pauwi si Leon ay napansin niyang tahimik lang ang asawa niyang si Lia. Kumunot ang noo niya nang makitang tila yata malalim ang iniisip nito. ‘What is she thinking? Iniisip ba niya ang nangyari kanina? Nag-alala ba siya sa lalaking ‘yon?’ that thought is driving him mad. Hindi niya alam bakit pero hindi niya gustong may ibang lalaking iniisip ang asawa niya. Tumikhim siya at pasimpleng nagtanong, “are you okay, wifey?” Tumingin si Lia sa kaniya, her eyes are glittering with sadness and pain. “No. I’m not okay. Paano ako magiging okay, Leon? Masakit para sa akin makitang nagdudusa at nagluluksa ang mga taong malapit sa buhay ko. Masakit makita sa mga mata nila na nangungulila sila sa ‘kin.” Agad nanubig ang mga mata ni Lia. “Nasasaktan akong nahihirapan si papa, si Kira at… si Austin.” Hindi niya maipaliwanang kung bakit gano’n na lamang kabigat ang pakiramdam niya ngayon. Siguro ay marahil sa nangyaring komosyon kanina, noong pinipilit siyang umamin ni Aus
Ilang saglit pa ay nagpasya na si Lia na umalis at bumalik sa sasakyan. Kung saan naabutan niya si Leon na naghihintay sa kaniya sa loob. Nang binuksan niya ang pinto ng kotse ay nagtama ang mata nilang dalawa at napangiti si Lia. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi. Napangiti si Leon nang makitang maaliwalas ang ekspresyon ni Lia at halatang nasa maayos na mood ito. “So…” sambit ni Leon at tiningnan si Lia na pasakay na sa passengear seat. Nang maayos na naikabit ni Lia ang seatbelt ay lumingon siya kay Leon at matamis na nginitian ang asawa niya. “You should’ve seen it yourself, Leon," napapantastikuhang wika ni Lia nang alalahanin ang ekspresyon nina Owen at Kiana sa nangyari. Ngumiti si Leon. “Mukhang maganda nga ang nangyari at hindi mo maalis ang ngiti sa labi mo, ah.” Napahagikgik si Lia. Giliw na giliw naman si Leon sa ekspresyon ng asawa. Nang kumalma si Lia ay muli siyang bumaling kay Leon. “Hah!” bumuga pa siya ng hangin bago mag-umpisang magkwento. “Alam mo ba