LOGINBLURB: Knight Del Rio, a hot and succesful businessman with a playboy background. Walang tumatagal na karelasyon at mahilig makipag-one-night stand. Subalit, hindi niya inaasahan na ang isang gabing pinagsaluhan nila ng babaeng nakilala niya sa bar ay magbubunga, kaya pinilit siyang ipakasal dito. Magkaganoon man, hindi napigil si Knight na gawin ang lahat ng gusto niya, kahit pa ng sarili niyang asawa. Nagpatuloy siya sa kung anong buhay mayroon siya noong binata, until he met Czarina Melendez. Isa itong Engineer na nakilala niya sa isang project na ginagawa nila. Hindi niya napigilang mahulog ang loob dito, dahil sa mga katangian nitong simple lang at maabilidad sa buhay. Subalit, maaatim kaya niyang tuluyang mahulog dito kahit pa kasal na siya at may kasintahan na ang babae? Kakayanin niya nga bang lumikha muli ng kasalanan kung ang magdurusa ay ang kaniyang mag-ina?
View MoreHalos isang linggong holiday ang buong hotel ng mga Falcon dito sa Pilipinas dahil doon gaganapin ang kasal nina Knight at Yna. Kahit ang mga tauhan at lahat ng engineers ay pinagbakasyon at inanyayahan ni Knight sa kasal nila ni Yna. Pagkatapos ng isang buwan nila sa Amerika, bumalik sila ng Pilipinas kasama ang mga magulang ng dalaga. Ang kapatid nito ay nag-resign na sa trabaho at tuluyang iniwan ang buhay doon. Bumalik ang mga ito sa bahay ng mga ito, pero bago ang preparation ay pinaluwas na niya sa Maynila ang pamilya ni Yna. Hinayaan niya ang dalaga na mag-decide kung saan ang venue, pati na sa kung anong damit ang susuotin. Gusto niyang ibigay ang best wedding day sa pinakamamahal niya. Ito rin mismo ang pumili sa hotel nina Daniel. Magaling itong pumili ng mga disenyo at talagang mapapahanga ang sino man na pupunta roon. Inimbetahan nila ang lahat para makadalo roon, kahit sina Harold at Faye.Hindi nila sigurado kung pupunta
Pagkatapos mag-propose ni Knight pumasok sila sa loob ng magarang restaurant na iyon.“Congrats, pare! Kung hindi nag-oo si Yna, ito ang gagamitin kong huling alas para pumayag siya.” Nakangiting nagbeso si Daniel sa kaniya habang ang ibang bisita at magulang niya dinala at pina-assist sa mga waiter doon.“Ano na naman iyan, pare?”“Sabi ko, basahin mo ang papeles na ito bago mo pirmahan, hindi ba?”Nakangiting inabot ni Yna ang hawak ni Daniel.“Huwag mong sabihing sa iyo ang restaurant na ito, Daniel.”Umiling ito. “Nope. Sa parents ko. Nandito nga sila ngayon dahil sa mahalagang anunsiyo ng anak-anakan nila. Idagdag mo pang ipinasara nitong kaibigan ko ang buong restaurant!” Tiningnan niya ang katabi. “Knight, nang-abala ka pa! Sayang ang benta nila ngayon,” aniya.Natawa lang ang lalaki.“Don’t worry, pag-uusapan na lang namin iyan. Anyway, congrats sa inyo— at Yna, inaantay ka na ng farm mo!”
Maaliwalas ang mukha ni Yna nang tumingin sa orasan. Napakunot ang noo niya, tama ba orasan niya? Alas-syete na ng umaga ang nakita niya at hindi na siya nakakain ng hapunan. Tumingin siya sa side table. Wala na roon ang mga pagkain at maayos na nakasuot ang mga damit niya, pati ang kumot ay maayos na nakatakip sa katawan niya.Tumayo siya at itinali ang buhok. Hindi na siya naghilamos pati kahit toothbrush dahil excited siyang makita si Knight. Paglabas niya sa kusina, naabutan niyang masayang kumakain ang dad at mom niya.“Where’s Knight, mom?” Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina at kumuha ng isang tinapay.Nakita niya ang pagkunot-noo ng ina niya. “Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kaniya, anak?” nakangiting sagot ng ina niya.“Mom . . . !” nakasimangot niyang sambit.“Nagpaalam sa amin kagabi ng dad mo na bukas or makalawa ang balik niya. Hindi ba nagpaalam sa iyo kagabi? Nagtimpla siya ng gatas mo at siya din naglabas noon, akala k
Ginawa ni Knight ang lahat para magbalik sila sa dati— masaya at walang problema. Araw-araw ay dumadalaw ito sa bahay nila at sari-sari ang dala. Minsan gumigising siyang nakahanda na ang pagkain na ito mismo ang nagluto. Hindi rin nakaligtas sa patingin niya ang mga bulaklak na laging nasa kwarto niya. Si Gibeon ay kasama na rin nito sa panunuyo sa kaniya. Mukhang close na talaga ang dalawa. Ang mommy naman niya ay hindi nawawalan ng ibinibigay niyong mga lutong pagkain, habang alak naman sa kaniyang ama. Nakatitig siya ngayon kay Knight na abala sa kusina nila. Umalis ang ama’t ina niya para mag-grocery. Si Gibeon naman ay may pinuntahan na kaibigan. Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-tres na iyon ng hapon. “Hi, sweetheart! Maupo ka muna dito. I made this . . .” Itinaas nito ang pasta na bagong luto. Nasanay na itong makialam sa kusina nila, na hinayaan naman niya. Natakam siya sa inihain ni Knight, pero nang maamoy niya iyon, bumalikdad
Habang naglalakad si Yna, tinigtigan niya ang bulaklak ng santan sa daliri niya. Napangiti siya dahil sinabayan ni Knight ang kabaliwan niya. Pero lagi siyang na-c-corner ng lalaki at patuloy pa rin sa pagpapahaging sa kaniya. Nakalulusot din ang mga halik nito, na wala siyang magawa dahil gusto ng
Pagpasok pa lang ni Yna sa opisina ng kasintahan, nakita niyang seryoso ang mukha nito at tila hindi mapakali na yumakap sa kaniya.“I’m sorry . . .”Yumakap din siya rito. “Okay na iyon. At saka, kung galit ako hindi ako pupunta dito. Let’s eat,” wika niya at inaayos ang dalang folder sa mesa nito
Nagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana, ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye. May urgent meeting daw silang lahat na empleyado nito. Kinabahan siya dahil huling beses nilang ginawa iyon ay noong biglang nawala ang project nilang hawak, dahil sa malaking
Malaki ang ngiti ni Czarina nang matanaw ang kaibigan mula sa lobby ng hotel. Halata na ang limang buwang tiyan nito, na dahilan para mabilisan itong maikasal. Hindi tuloy niya mapigilang itanong sa isipan kung sino ang napangasawa nito. Limang buwan noong huli silang mag-night out sa isang bar. S
![Doctor Alucard Treasure [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews