Share

Kabanata 171

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-22 17:25:10

Napangiti si Leon. "Ngayon, hindi na lang ako ang nag-iisang may amber eyes sa buong Riverdale. Oo nga pala, si Jett." Muli ay tinawagan ni Leon si Jett. Ilang saglit pa ay sumagot naman itong agad.

“Jett Jamison...”

“Oy Tama! Ano ba ‘yong bagong mission ko? Excited na akong marinig.” Nais pa sanang magsalita ni Jett sa kabilang linya nang bigla siyang sinuway ni Arya. Masyado kasing napalakas ang boses niya kaya nagising ang anak nilang si Arison.

Napatawa si Leon nang marinig niyang sinesermonan ni Arya ang kaibigan niyang si Jett. Nang mawala na ang boses ni Arya ay saka lamang siya muling nagsalita. “May nadiskubre ako nitong nakaraang araw at kailangan ko rin ang tulong mo. This time, I want you to hire a trusted investigator na kahit anong mangyari ay mananatili siyang tapat sa trabaho niya. Mukha kasing kailangan mo na munang bumawi sa mag-ina mo. Masyado ka nang nag eenjoy sa ginagawa mo. I also heard that your business is thriving too kahit madalas ay wala ka sa kumpanya niyo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Menzie Postrado
more update Po sana
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 172

    Hindi akalain ni Austin na si Leon ang agad ang bubungad sa kaniya pagdating niya sa Head Office ng Ashton Group of Companies. Medyo kinakabahan pa siyang humarap dito lalo na at hindi naging maganda ang first impression nila sa isa't-isa dahil lang sa napagkamalan niyang si Lia si Ria Collins. Nag-iisip pa lamang siya ng mga sasabihin niya nang bigla niyang narinig ang boses nito.“What are you doing here?” malamig na tanong ni Leon. Tumikhim si Austin. “Maaari po ba kitang makausap, Chairman Leon?”‘At tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin? Pagbibigyan ko ba ang isang ito? Baka sirain niya lang ang araw ko. Mali. Nasira na pala niya ang araw ko dahil pagkakita ko pa lang sa pagmumukha niya ay kumulo na agad ang dugo ko,’ sigaw ng isip ni Leon. Ikinunot niya ang noo niya. “I am a busy man. You're wasting my time,” Leon said in a serious tone. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Austin pagkatapos ay tumikhim siya. “You're on my way. Get your as.s out of here." Naglakad n

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 171

    Napangiti si Leon. "Ngayon, hindi na lang ako ang nag-iisang may amber eyes sa buong Riverdale. Oo nga pala, si Jett." Muli ay tinawagan ni Leon si Jett. Ilang saglit pa ay sumagot naman itong agad.“Jett Jamison...”“Oy Tama! Ano ba ‘yong bagong mission ko? Excited na akong marinig.” Nais pa sanang magsalita ni Jett sa kabilang linya nang bigla siyang sinuway ni Arya. Masyado kasing napalakas ang boses niya kaya nagising ang anak nilang si Arison.Napatawa si Leon nang marinig niyang sinesermonan ni Arya ang kaibigan niyang si Jett. Nang mawala na ang boses ni Arya ay saka lamang siya muling nagsalita. “May nadiskubre ako nitong nakaraang araw at kailangan ko rin ang tulong mo. This time, I want you to hire a trusted investigator na kahit anong mangyari ay mananatili siyang tapat sa trabaho niya. Mukha kasing kailangan mo na munang bumawi sa mag-ina mo. Masyado ka nang nag eenjoy sa ginagawa mo. I also heard that your business is thriving too kahit madalas ay wala ka sa kumpanya niyo

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 170

    Naunang dumating si Leon sa building. Drinop niya si Lia, may di kalayuan sa work place nila. Hiniling din kasi nito na dapat at hindi sila magkasabay na dadating sa kumpanya dahil ayaw pa nitong malaman ng lahat na mag-asawa sila.Simula nang malaman ni Leon na buhay pa ang anak ni Lia ay medyo nag-iba na ang pakikitungo niya rito. Hindi naman niya intensyong maging cold dito. Hindi niya lang din mapigilang masaktan at matakot dahil buhay pa pala ang kaisa-isang bagay na magbibigay ng ugnayan kina Lia at Owen. “Good morning, sir!” bati ng guwardiya kay Leon. Tinanguan ni Leon ang guwardiya. Bigla namang tumunog ang cell phone niya mula sa bulsa. Kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ni Jett sa caller ID. Agad niyang swi-nipe ang screen upang sagutin ang tawag ng kaibigan.“Hello,” bungad ni Leon. “Napatawag ka?”“Tamahome, tungkol ‘to sa inutos mo sa akin noong nakaraan,” anas ni Jett sa kabilang linya. Natahimik si Leon sa sinabi ni Jett. Ngayon pa lang niya pinaparecover

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 169

    Tumungga si Austin ng alak bago sumagot kay Kira. “Hindi ko alam. Siguro magagalit siya sa‘yo pero sa huli ay baka maintindihan ka rin niya. Mahal ka ni Lia, Kira. Ikaw ang kapatid na hiniling niya ngunit iba ang binigay sa kaniya ng tadhana. Kahit ano pa sigurong pagkakamali mo, papatawarin ka pa rin niya. Gano’n ka niya kamahal at gano'n siya kabuti.” Mapaklang ngumiti si Kira. “Pero wala, eh. Wala na si Lia. At habang-buhay kong dadalhin ang sikretong ito. Balak ko na ring ilibing sa limot dahil alam kong hindi magiging mabuting ama si Owen kay Leona. Baka masaktan lang ng kupàl na ‘yon ang bata sa huli. Sobrang sakit na ang dinulot ko kay Lia noong inilayo namin si Leona sa kaniya at pinalabas na patay na ang anak niya. Tandang-tanda ko pa kung paano siya humagulgol ng iyak. Hindi pa siya makapaniwala na ang batang hinintay niya ng siyam na buwan ay wala na. Kamuntikan pa nga akong bumigay at sabihin na lang sa kaniya ang katotohanan pero pinigilan ako ni tita. Pinangakuan niya a

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 168

    “Here’s your food and drinks,” anunsyo ni Kira nang makabalik siya sa salas at nilapag ang pagkain ni Leona. “Kumain ka muna baby, ha.” “Kira,” tawag ni Austin. “Aalis na ako.” “T-Teka!” Pigil ni Kira nang tumayo na si Austin. “‘Wag ka munang umalis, Austin. Samahan mo muna kami, please? Saka dito ka na kumain. Wala akong kasamang kumain dahil nauna nang kumain si Leona.” Bumuntong hininga si Austin. “Sige pero uuwi rin ako mamaya.” “Oo, samahan mo lang muna kami ng bata. Isa pa ay hindi pa tayo tapos mag-usap, hindi ba?” Wala nang nagawa pa si Austin kung hindi ang manatili kasama si Kira at ang bata. Magkasama silang tatlong nanood ng telebisyon. Kung sinumang makakakita sa kanila ay iisiping isa silang buong pamilya. “Kira.”Nilingon ni Kira si Austin. “Yes?” “Mukhang inaantok na ang bata.” Tinuro ni Austin si Leona na pumipikit-pikit na. “Patutulugin ko muna ang bata. Kaya mag-stay ka muna, Austin. Magluluto ako ng hapunan.” Umalis si Kira at Leona sa salas.Naiwang mag-i

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 167

    Wala sa sariling binuksan ni Austin ang pinto at naglakad papasok sa unit ni Kira. Natigilan siya saglit nang makita niya ang batang nakaupo sa mahabang sofa. Nagtama ang mga mata nila ni Leona at sa isa pang pagkakataon ay nasilayan niya ang buong mukha nito. Kahit saang anggulo ay wala siyang makitang pagkakahawig ng bata kay Owen. May pagkakahawig ang bata kay Lia pero sa paningin niya ay mas may pagkakahawig ito sa bagong chairman ng Ashton group. ‘Si Owen ba talaga ang ama ng anak ni Lia? O baka ibang bata itong nasa harapan namin? Pero hindi, eh. Kahawig siya ni Lia ng kaunti pero mas kahawig nito ang chairman. Para siyang girl version ni Mr. Ashton. Ni isang parte ng mukha ni Owen ay walang nakuha ang bata. Kaya paano magiging anak ito ni Owen?’ sambit ni Austin sa kaniyang isipan.Mas lumapit pa si Austin kay Leona at mas pinagmasdan pa ito.“Austin, don't say anything. Tayong dalawa ang mag-usap—”Hinila ni Austin papalayo si Kira para hindi marinig ng bata ang pag-uusapan n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status