Share

Kabanata 22

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-04-09 03:41:54

“K-Kuya, k-kanina ka pa ba riyan?" nahihintakutang sambit ni Owen. Takot siya sa panganay niyang kapatid lalo at ayaw na ayaw nitong sinasagot-sagot niya ang kanilang ina.

Umikot ang mga mata ni Kiana. ‘Umurong na naman ang buntot ng duwag.’

“Kararating lang." Napatingin si Jake kay Kiana. "Conservative dress doesn't look good on you.”

"Y-you! H—-"

“Huwag ka nang kumontra, Kiana.Dalawa na kaming nagsasabi ng anak ko." Bumeso si Guadalupe kay Jake nang lumapit ito sa kaniya. “Akala ko hindi ka makakadalo ngayong gabi. What happened?"

“Someone saved me tonight, mama, so here I am. Akala ko ba hindi rin kayo makakapunta ni papa?" kunot-noong turan ni Jake.

“Sa tingin mo ba eh papayag si mama na wala kami ng papa mo? She cancelled our business meeting with the Thompsons." Ipinatong ni Guadalupe ang kaniyang isang kamay sa balikat ni Jake. “Why did you invite this woman, Owen? I want Lia, not her."

Napapikit sa inis si Owen pero agad din siyang nagmulat. "I told you, mama, patay na si Lia.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
anng ganda..humanda kang kiana ka kpal ng mukha mo.isa kpa owen.magsma kyo ni kiana.ty po mis docky.
goodnovel comment avatar
Rose Abanilla
ang ikli ata
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 179

    “Ano ‘yon, Leona? Hindi kita maiintindihan kapag hindi ka nagsalita.” Lumabi si Leona at nag-angat ng tingin. “Kasi po nagluto po ako ng pagkain para po sana sa ating tatlo.” “What? Nagluto ka? Marunong kang magluto?” gulat na tanong ni Kira. Agad niyang sinipat si Leona kung may paso ba ito. “M-Marunong naman po ako. Tinuruan naman po kami sa bahay ampunan.” Inalala ni Kira kung ilang taon na ba si Leona. Apat na taong gulang palang ito kung hindi siya nagkakamali pero bakit tila mature na ito kung kumilos at magsalita? Hindi nga lang tuwid ang pagkakabigkas nito ng mga ilang salita pero kung kumilos ito ay parang sampung taong gulang na o mahigit pa. Matagal nang pinag-iisipang ampunin ni Kira si Leona. Nang mawalang pareho sina Liana at Lia, pakiramdam niya ay napunta sa kaniya ang obligasyon dahil siya lang ang may alam ng buong katotohanan…at lalong lalo na, bilang kabayaran sa nagawa niya kay Lia. Iyon ang mga naging rason niya kaya ngayon ay inampon niya ito. Pero sa nakik

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 178

    Nagising si Kira nang makaramdam siya ng uhaw. Naupo siya habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nang alisin niya ang kumot na nakatakip sa katawan niya ay napasinghap siya nang makita ang sariling hu.bo’t hu.bad. Saka lang niya naalala ang lahat. Nag-flash sa isipan niya ang lahat ng nangyari kagabi. Mula sa pagdating ni Austin, sa pag-amin niya sa buong katotohanan hanggang sa nangyari sa kanila pagkatapos.Tiningnan ni Kira ang kanang gawi niya ngunit hindi na niya nakita si Austin. Nang kapain niya ang bedsheet ay naramdaman niya ang init, mukhang kakaalis lang nito. Napangiti siya. Hindi niya akalaing may mangyayari sa kanilang dalawa.“Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Austin…” marahang sambit ni Kira habang hinahaplos-haplos ang parte kung saan humiga si Austin. Malapad ang ngiti sa labi niya. Tila ba mapupuknat na ang labi niya sa lapad ng pagkakangiti niya. “Napakagandang umaga!” Bumangon si Kira at agad na nagbihis. Baka maabutan siya ni Leona na nakahu.bad. Naka

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 177

    Natigilan si Austin sa naging reaksyon ni Leon. “I'm sorry. You're a man so I think, wala namang mawawala sa'yo kung pagsasamantalahan ka ng kung si–”Hinampas ni Leon ang mesa. “Pu.tang.ina! Collecting pussies isn't my thing! Dahil hindi mo ako binalaan o tinulungan, five years ago, hindi ko na maiibigay ng buo ang sarili ko sa asawa ko. Someone already tasted my body. Someone already robbed my soul! And you’re here telling me you knew I was f.ucking drugged? Ginagago mo ba ako?”Nakaramdam ng guilt si Austin pero wala na siyang magagawa pa. Ilang taon na ang lumipas at narito lang siya dahil may batang involve. “I'm sorry but I think, we need to get to the bottom of this. May operasyon pa ako mamaya. Let’s get straight to the point.” Sarkastikong tumawa si Leon. Napapantastikuhan siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Austin. “So kilala mo ang babaeng naka one night stand ko noon? Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Kailangan ba niya ng pera? Because f.uck, hinding-hindi

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 176

    PAGPASOK nina Leon at Austin sa opisina ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Austin. Hindi pa nakakaupo si Leon ay tumikhim na agad siya para makuha ang atensyon ni Leon.“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Chairman–” “Maupo ka muna. Ayaw ko namang maging bastos at hindi ka ayaing umupo.” Umiling si austin. “Hindi naman po ako magtatagal kaya ‘wag na kayong mag-abala pa. Anyway, nais ko lang magtanong sa iyo tungkol sa nangyari sa iyo, limang taon na ang nakalilipas. Naaalala mo pa ba ang nangyari noon?” Kumunot nag noo ni Leon. “Five years ago? Anong ibig mong sabihin?” “Uulitin ko, naaalala mo pa ba ang nangyari sa iyo limang taon na ang nakakaraan?” mariin ngunit malumanay na tanong ni Austin. Nais malaman ni Austin kung may naaalala ba si Leon sa nangyari. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Leon. “Napakaraming nangyari sa akin, five years ago. Paano ko malalaman kung alin doon ang tinutukoy mo? Isa pa, bakit ka ba interesado tungkol sa buhay ko?” Nagtaka si Leon at kung ano-

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 175

    Kumatok muna si Lia bago niya buksan ang pinto. Kailangan niya munang makasigurong disente ang dalawa bago siya pumasok sa loob ng opisina ni Owen at baka masuka na siya kapag nadatnan niyang naglalampungan na naman ang mga ito. Sapat na sa kaniya ang mga nakita niya kanina sa spy camera. Baka masuka na talaga siya kapag sa personal niya nakita ang live action ng mga ito.“Come in!" sigaw ni Owen.Binuksan ni Lia ang pinto at bumungad sa kaniya ang nakangiting si Kiana. “Good morning, Aunt Ria!” bati ni Kiana na nakaupo sa mahabang sofa.Nakaupo sa swivel chair si Owen. Nakangiti siya at saka kumaway sa tiyahin niya. Mabilis siyang napakagat sa labi niya dahil sa suot ni Ria. Kapit na kapit kasi ang dress nito sa katawan nito, dahilan para lumitaw ang magandang hubog ng katawan nito.“”G-Good morning!” bati pabalik ni Lia. Naglakad siya palapit sa mesa niya upang ilagay ang mga gamit niya.Ramdam ni Lia ang malagkit na mga tingin ni Owen sa kaniya ngunit hindi niya pinansin iyon. Aga

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 174

    Napangiwi si Lia habang pinapanuod ang dalawang naglalampungan sa camera. Mukhang wala siyang mapapala ngayon. At baka kapag nanatili pa siya ay magtukaan na naman ang dalawa. Ayaw niyang makita iyon. She’d rather die than to see them ba.nging. “Kadiri talaga ang dalawang ‘to,” bulong ni Lia. Nagpasyang tumayo si Lia upang umalis na nang biglang tumunog ang pinto ng banyo, hudyat na may pumasok. “Ang feeling talaga ng Lia na ‘yan. Akala mo naman kung sino. Narating lang naman niya ang posisyon dahil sa panlalandi. Baka nga walang alam ‘yan sa business eh at ganda lang ang ambag.” Agad na nakilala ni Lia kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang iba kung hindi si Carol. Kaya imbes na lumabas ay sinara niya ulit pabalik ang pinto at naupong muli. “We have to wait. I am sure, aawayin siya ni Ma’am Kiana at ilalagay siya sa dapat niyang pwesto!” gigil rin na wika ni Honey, kasamahan ni Carol.Binuksan ni Lia ang cell phone niya. Itinodo niya ang volume nito para hindi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status