Scarlet's POV
"Ma, ako na po r'yan!"Mabilis akong dumalo kay mama nang makitang kinukuha niya ang mga sinampay na damit. Kailangan ko kasing magpakabait ngayon!"Sige! Ingatan mo ang mga puti kun'di ipalalaba ko ulit sa 'yo ang mga 'yan," pambabanta niya na ikinatawa ko."Ma, galit ka na naman? Bati na tayo, please?" Niyakap ko siya. Nagbabakasaling kaya nitong tunawin ang inis niya sa akin.Kaso mabilis niya akong itinulak palayo na parang diring-diri siya. "Kung sa tingin mo madadaan mo ako sa paninipsip mong 'yan. Naku, ibahin mo ako, Scarlet! 'Di mo ako mauuto." Nagmartsa ito sa loob ng bahay at iniwan akong napanguso.Napatingin ako sa mga damit na nakasampay at padabog na kinuha ang mga iyon. "Kainis!" paulit-ulit na singhal ko."What's the matter?"Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Kyrous. Hinarap ko siya at mas humaba ang nguso nang makita ang mukha niya. "Galit pa rin si mama sa akin e. Baka hindi siya pumayag na sumama ako sa inyo sa Maynila," madramang saad ko bago nagpatuloy sa pagkuha ng damit."Hmm." Iyon lang ang narinig ko sa kanya kaya muli ko siyang hinarap."Hindi mo ba ako dadamayan sa lungkot ko?""You should be a good girl so that your relationship with your mother will be better," he suggested.I only sigh and shrugged my shoulder before I walked inside our house to put the clothes that I collected."Do you really wanna go to Manila with your sister?" Kyrous asked while watching me."Oo naman... kasi nar'on ka rin," pahina nang pahina ang boses ko at halos bumulong na ako sa huling sinabi."Kung gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan para makasama ka. Ang sabi ng ate mo, hindi ka naman daw gan'yan kakulit dati. Kaya alam kong kaya mong magpakabait." Tinapik niya ang balikat ko. "Kung gusto mo talaga, kakayanin mo, Scarlet.""Ma, ito na po ang mga damit mo," bungad ko nang pagbuksan ako ni Mama ng pinto. Ipinakita ko ang plantsado at nakatuping mga damit niyang nasa braso ko.Umangat ang kilay nito at kinuha ang mga damit niya mula sa akin. "Anong kailangan mo at nagbabait-baitan ka ngayon?" masungit na tanong niya bago siya pumasok sa kwarto."Gusto ko pong sumama sa inyo sa Manila. Kahit hanggang bakasyon lang, ma.""At bakit gusto mo?" pang-uusisa niya."Kasi naro'n kayo ni ate! Nami-miss ko kayo tuwing wala kayo rito. Sampung buwan akong nagtiis mag-isa rito, ma. Tapos dalawang linggo ko lang kayo makakasama?" puno ng pagtatampong paliwanag ko."Kapag tumino ka hanggang sa araw ng pag-alis namin, sasama ka na."Nanlaki ang mga mata ko at napatili dahil sa sobrang saya. "Sige po, ma! Magpapakabait ako," pangako ko habang malawak ang ngiti."Ate!" tili ko at nagtatatalon sa saya nang maabutan si Ate Serenity nang makababa ako."Anong nangyari, Scarlet? Binalik na ba ni mama ang phone mo?" tanong niya habang may ngiti rin sa labi."Hindi pa." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Pero, pumayag siya na sasama ako sa inyo sa Manila!" Muli akong napatili.Humalakhak si Ate. "Talaga? Mukhang epektibo ang pagpapakabait mo, ah! Mabuti 'yan, Scarlet."Napanguso ako nang maalala ang pabor ni mama. "Oh, bakit ka malungkot?" nag-aalalang tanong ni ate at hinaplos ang pisngi ko."Kailangan ko raw magpakabait hanggang sa pag-alis niyo. Kung hindi, maiiwan ako rito.""Magpakabait ka na kasi, Scarlet. Subukan mong magbago. Para sa 'yo rin naman 'yan," pangungumbinsi ni ate.Napailing naman ako. "Hindi ko alam kung kaya ko pa, ate."Gabi na pero nakatitig lang ako sa TV. Pinipilit na manood kahit 'di ko naman naiintindihan ang mga nangyayari. Hindi na kasi ako masyadong nanonood sa TV simula nang umalis sinaama. Mas gusto kong manood sa You Tube. Pero dahil wala akong kahit anong gadget ngayon, mas lalo akong mababaliw kung hindi ako manonood sa TV dito sa living room.Nang mapanood ang grupo ng mga babaeng sumasayaw ay bigla kong naalala ang plano namin ng mga kaibigan ko."Shit!" Napatakbo ako sa kalendaryong nasa dingding at sinuri ang mga numero rito. "Ano na ba ngayon?" kunot-noong tanong ko."Ate!" Mabilis kong tinungo ang kwarto nina ate at Kyrous. Walang pasabing binuksan ko iyon dahil hindi naman naka-lock. Naabutan ko silang naghahalikan. Si ate ay nakahiga sa kama samantalang si Kyrous ay nakaibabaw kay ate.Napalunok ako nang itulak ni ate si Kyrous at sabay silang napatingin sa akin. "S-sorry. Ituloy niyo lang, ate! Kunwari hindi niyo ako nakita," mabilis na sagot ko, kasimbilis ng pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa hindi inaasahang makita.Kinabuksan ay tanghali na ako nagising. Hindi kasi ako pinatulog ng paghahalikan nina Kyrous. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko kagabi kahit nakapikit na ako para matulog."Scarlet, mabuti naman at nagising ka pa!" bungad ni mama sa akin ang makarating ako sa hapag kainan."Wala naman kasing dahilan para agahan ko ang pag-gising, ma. Wala pa rin akong mapagkakaabalahan," mapait na sagot ko at tinungo ang refrigerator nang makitang walang pagkain sa lamesa."'Yan ang napapala mo sa ka-demonyitahan mo."Umirap lang ako sa kawalan at kumuha ng mansanas para gawing umagahan. "'Wag mong sabihing iyan lang ang kakainin mo, Scarlet."Naririnding tumango na lang ako at hinugasan ang pagkain. Baka kapag nagsalita pa si mama ay hindi ko na mapigilang pagtaasan siya ng boses."Bahala ka sa buhay mo!"Muli ay umirap ako at nagtungo sa living room. Binuksan ko ang TV at humiga sa couch bago kumain habang nanonood ng cartoon."Kay aga aga, nagsasayang ka ng kuryente, Scarlet!" bulyaw sa akin ni mama."Sponge Bob square pants!" sinabayan ko ang pinapanood. "Sponge Bob! Square pants! Tururu rut turut turut—ma!" napahiyaw ako sa inis nang patayin ni mama ang TV."Nagluto ka ng noodles mo roon at kumain ka muna.""Kumakain na nga ako e!" giit ko."E 'di kainin mo 'yan at hindi ka na sasama sa amin sa Maynila." Tinalikuran niya ako pero agad ko siyang hinabol."Ma, magluluto na ako at kakainin!" naiinis na sagot ko at tinungo ang kusina.Inis kong tinapon ang hindi pa nakakalahating mansanas at nagdadabog na kumuha ng noodles at paglutuan."Scarlet, baka may masira ka. Ingatan mo naman," bigla kong narinig ang boses ni Ate Serenity. Hinarap ko siya at nakitang kakagising lang nito. Napuyat ba sila ni Kyrous kagabi?Ipiniling ko ang ulo at umirap sa kanya. "Bakit ngayon ka lang kasi nagising, ate. E 'di sana may pagkain na rito," dahilan ko.Lumapit siya sa akin at tinali ang mahaba at magulong buhok. "Ako na r'yan. Hintayin mo na lang ito na matapos," mahinahonf sagot niya at sinimulan ang pagluluto.Tumalikod ako at akmang aalis na nang maalala ang dapat na itatanong kagabi. "Anong date na pala ngayon?""Ten na yata."Natigilan ako sa sagot ni ate at hinarap siya. "Seryoso?""Oo, ten na ngayon. Bakit?"Nataranta ako at agad na nilapitan siya. "Ate, kailangan naming mag-film ngayon! Pero hindi pa ako nakapag-practice!"Inilagay niya ang noodles sa lutuan at tinakpan iyon bago niya ako hinarap na nakakunot ang noo. "Anong practice? Para saan?""'Yung sayaw, ate! 'Di ba alam mo 'yon?!""Ah 'yong pino-post niyo sa Face Book?"Mabilis akong tumango. "Oo, 'te. Pahiram na ng phone mo. Kailangan kong i-text sina Kate.""Kunin mo sa kwarto ko. Naroon si Kyrous, ipakuha mo na lang."Scarlet's POV"Ladies and gentlemen, as we prepare for landing, I want to take this moment to express my gratitude to all of you. Serving you has been a dream come true, and I want to thank each and every one for making it so special."Pinahid ko ang luhang namuo kaagad sa gilid ng mga mata ko bago pa iyon bumaba sa pisngi ko. Nakakaiyak! Sabi ko sa sarili, maayos kong ide-deliver and speech na 'to pero hindi ko nagawa dahil sa pagiging emosyonal."To my airline family, my remarkable pilots and crew, thank you for giving me the opportunity to see the bigger world. It's been an honor to be part of this team for all these years," emosyonal na dagdag ko.Masaya ang puso ko lalo na ngayon na nalapit na naming makasama ang anak na dinadala ko ngayon. Mas magkakaroon na rin ako ng oras para sa pamilya namin ni Kyrous. Pero nakakalungkot dahil mami-miss ko ang mga kaibigan at pamilyang nabuo ko sa pagiging Flight Attendant. "Before I sign off temporarily, I want to acknowledge my husband an
"Sup, Lorcan?" Nawala ang ngiti ko nang marinig si Cleverio. So, they are together? Okay! "Still there? I'll hung it up." "Yeah." Napalunok ako at nag-isip ng sadabihin. "I'm just checking for Scarlet." "She's cooking sinigang na hipon for our lunch." "Oh!" That made my lips parted. I suddenly missed her dishes. "Anything else?" "None." "Alright, bye Lorcan!" "Tsk!" padabog kong ibinalik ang phone sa bulsa. Lakas mang-asar ng Cleverio na 'yon! Naalala ko tuloy iyong usapan namin kagabi. "Nagkabalikan na kayo ni Serenity?" "Oo?" I'm not sure. We talked casually and call each other with our callsign but haven't talked about the real score of our relationship yet. Alam ko kasing may nagbago. Kahit hindi namin sabihin sa isa't-isa. "Sige, sa akin na si Scarlet." "What?!" Napaayos ako bigla ng upo. "I like Scarlet. I want to take care of her... to take care of them." "Gago, 'wag mo ngang gawing kabit si Scarlet!" "Of course not. Hindi naman ako tulad mo. I will sign the pap
"Just give me one night with your slut and you can have months of my service for free," it was Kael."She's not a slut for fuck's sake! Just leave me, Nikolich!" I said in dismissive tone. Pero matibay pa rin ang gago. Sarap patumbahin! "Alright! I'll kidnapped her then and kill." "What?!" "You know what I can do, Lorcan." I gulp and grasp the pen I'm holding with. Tanginang 'to! Kung hindi lang siya anak ng mafia boss, binugbog ko na siya. "Don't. Wag mong idamay rito si Scarlet," mariing saad ko, ayaw kong magpakita ng takot. "Hmmm, let me think of it. How about we make a bet? Let's play chess and if you win, then that slut is all yours and you can still have my offer. But if not, then let me have her." "What?!" Ano bang meron kay Scarlet at gustong-gusto nitong gagong 'to? "My team already have a suspected address of Serenity Agape's location. I'll guarantee you, Lorcan. You will have her this month and for free if you win in our bet tonight. But if not, I can have the both
Kyrous' POV My life fucks up. Where did it all started? I don't know. Maybe when I met Scarlet? Nah! When I met Serenity? Still no. It's when I tried to play with my older brother's life. "Andi, congrats! You did great in managing the LLH! Still can't believe it's now one of the most luxurius hotels in Asia!" Lahat ay nagsasaya at binabati si Androus. Pagkatapos no'n ay mapapatingin sila sa akin at tatanungin ang achievements ko. Tangina, wala! Kaya ayon, disappointed. Parang mga tanga, akala naman nila buhay nila 'to para makaramdam ng gano'n. Nilagok ko ang baso ng Tequila at muling tumawag ng waiter para lagyan iyon. Being compared with other hurts. But it hurts deeper when your family in blood is more proud of the one who is not blood related as them... to their adopted son. Kung sana lang ay mas maagang nalaman nina mom at dad na may tiyansa pa silang magkaanak, e 'di sana, 'di na nila inampon si Androus. E 'di sana, ako 'yong naunang naka-graduate at nag-manage roon. O 'di
WARNING: SPG"Mommy, let's go na po! Madami na pong fireworks sa labas!" "Okay, baby!" Nagpatangay ako sa hila ng anak. Alas onse pa lang pero ang ingay na. May malakas na tugtog mula sa speaker at videoke, torotot at samut-saring paputok. Naroon na si Kyrous na mabilis ngumiti nang makita ako. "I'm excited for new year!" sigaw niya at nagtorotot kasabay ni Ace. Para siyang bata. E, malapit naman nang mag-kwarenta ang edad. "Happy new year, ate!" bati ko sa kapatid at niyakap ito. Sunod ay ang asawa niya. "Happy new year, Androus!" "Happy new year, Scarlet!" nakangiting bati nila sa akin. Sunod ay yumuko ako kay Erin. Ang hinhin ng itsura niya. Para siyang anghel! "Happy new year, Erin!" Hinalikan ko ang pisngi niya. Napahagikgik naman siya at binati ako. "Ma, happy new year po! Regalo ko pala," bati ko sa ina at ibinigay sa kanya ang pulang sobra. "Salamat, anak! Nag-abala ka pa," aniya at unti-unting binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata niya at inayos pa ang suot na may grado
Scarlet's POV"Let's go na po, mommy and daddy!" excited na anyaya ng anak sa amin. "I want to see lola, tita Seren, tito Andi, Erin and Kuya Ace!" "Yes, baby. But, let's take a family photo first!" ani Kyrous at hinarap sa amin ang phone. Malawak ang ngiti niya nang matapos kaming makuhanan ng litrato. "Daddy, let's do peace sign po with kiss," dagdag ng anak. Itinuro ko kasi iyon sa kanya. Iyong mga pose tuwing nagse-selfie. "Yehey!" pumalakpak ang anak nang gayahin kami ni Kyrous. Nagtipa si Kyrous sa phone. Malamang ipo-post niya iyon sa social media account niya. Simula kasi no'ng ikinasal kami, todo flex siya sa amin online. Ang dami ngang napapa-'sana ol'. Hinayaan ko siya at tumayo para tignan ang sarili sa salamin. I am wearing a mustured yellow off shoulder dress and white pointed heels. My hair was braided and parted in two. Parehas kami ni Cara. Si Kyrous naman, kaparehas lang ng kulay ang suot namin. He's wearing a polo with black patterned print and long sleeves. Sa