공유

Chapter 3: Her Driver

작가: AVA NAH
last update 최신 업데이트: 2024-06-03 17:47:11

“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?”

Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin.

“Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot.

“Okay. Bye!” aniya. 

Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho.

“Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus.

Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito.

“Balita ko kay Laura, anak, ngayong gabi ang party niyo?”

“Yes, Mom.” Tamad na naupo siya sa upuan sa may kusina nila.

“O, ano pang hinihintay mo? Maligo ka na at tatawagan ko ang salon para magpadala ngayon—”

“Mom, wala naman akong ka-date kaya hindi naman kailangan ng magarbo. Lipstick and powder are fine.”

“No! Anak kita kaya hindi ka pwedeng pumunta ng party na ganon lang ang ayos. Actually, papunta na sila kaya magpahinga ka na sa silid mo pagkatapos maligo. Tatawagin na lang kita mamaya kapag dumating na sila. Alright?”

“No need na nga, Mom. Hindi naman kasi si Astin ang ka-date ko.” Kita niyang natigilan ang ina.

“A-anak, alam mo namang hindi ka gusto ni Astin. Kaya bakit mo pa pinipilit ang sarili mo sa kanya?”

“Why not, Mom? Hindi naman siya gusto ni Laura, a. Kaya wala siyang aasahan.”

Umiling ang ina. “Ewan ko anak kung nakikita mo pero may spark si Laura at Astin. Malay mo, magising na lang si Laura na nagkakagusto na kay Astin.”

Napahilot si Asia sa noon. “Anak niyo ako, Mom. Hello?”

“Asia, anak. Kung magmahal ang mga Hernandez, isa lang. Kaya hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo sa kanya. Yes, minahal ako noon ni Kent, pero hindi gaya ng kay Kendra. True love ang meron sila. At ang nakikita ko sa mga mata ni Astin? Gaya nang nakita ko kay Kent noon. Kaya kung ako sa ‘yo, ibaling mo na lang sa iba, anak, habang maaga pa.”

Sa narinig, tumayo si Asia at iniwan ang ina. Hanggang ngayon, nasasaktan siya para sa ina kapag naalala ang kuwento nito at ng ama ni Astin. Pero hindi niya magawang magalit sa ina ni Astin, dahil kung nagkatuluyan ang dalawa, wala siya ngayon. Wala rin ang Kuya niya na mahal na mahal siya. At hindi niya rin sana Daddy niya si Jaylord— ang ama na tinuturing siyang prinsesa nito. Pero meron kasi sa part ng puso niya na parang sinasabing baka sa kanilang generation, matuloy na ang naudlot noon.

Hindi na kumontra si Asia, inayusan siya ng mga taga-salon na pinatawag ng ina. Masasabi niyang ina nga talaga niya ito, gandang-ganda na naman sa kanya. 

Saktong tumayo siya nang may bumusina sa labas. Agad na nilabas iyon ng kasambahay nila. Ini-expect niya ang mga kaibigan na iyon. 

Napalis ang ngiti niya matapos ang dalawang shot ng photographer na pinatawag din ng ina nang mapagsino ang kasama ng kasambahay nila. Si Callen Dominic Moore lang naman.

“A-anong ginagawa mo rito?” Hindi niya pinahalata ang inis dahil nasa tabi niya ang ina.

Imbes na sagutin si Asia, matagal na tinitigan siya ni Callen. Hinagod din nito ang kabuohan niya. Ewan niya kung nakikita ng mga naroon kung paano siya tingnan ng binata.

“Callen,” mahinang tawag niya na ikinabalik nito sa kanila.

“O-oh. H-hi.” Dumiretso si Callen sa ina para bumati at magmano. “Good evening po, Mrs. Del Franco.”

Nakangiting nakipagbeso ang ina dito. “Tita na lang, Callen. Masyado ka namang pormal.”

“S-sige po, Tita na lang po.” Tumingin sa kanya si Callen at ngumiti. “Nauna na sila Laura at Andrea kasama si Astin. Kaya ako na lang ang pinapunta ni Laura.”

Napataas ang kilay niya pero kanang bahagi para hindi makita ng ina.

“Okay.” Tumalikod siya at kinuha ang handbag. “Bye, Mom.”

“Good luck, anak.” 

“Thanks, Mom.”

Sinabayan siya nito hanggang sa labas. Si Callen naman, sumunod na lang din.

“Mag-ingat sa pagmamaneho, hijo.”

“I will, Tita.” Kumaway pa ito bago pumunta sa kabilang side para pagbuksan si Asia ng pintuan. Pero hindi doon lumapit ang dalaga kung hindi sa likod.

Napangiwi si Callen nang makitang binuksan na ni Asia ang pintuan sa likuran. Pabagsak din nitong sinara iyon kaya napalapit ang ina nito at kumatok sa pintuan.

“Anak,” anito.

“Napalakas lang po, Mom. Sorry,” anito sa ina.

Pailing-iling na bumaling si Darlene kay Callen.

“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Callen.”

“It’s okay, Tita, sanay na ho ako,” nakangiting sagot ni Callen. “So.” Minuwestra pa ni Callen ang kamay sa sasakyan. Tumango naman ang ginang sa kanya kaya pumasok siya sa driver’s seat.

Pagkasara na pagkasara ng pintuan ng sasakyan ay nagsalita si Asia.

“Bakit ka naman pumayag na sunduin ako, huh? May mga bodyguard naman ako na pwedeng maghatid sa akin sa call,” anito kay Callen.

“Oh. I thought ayaw mong magpahatid sa kanila dahil hindi ka naman kamo anak ng Presidente.”

Nanliit ang mata ni Asia. “Paano mo naman nalaman ‘yan? Si Laura ba nagsabi, huh?”

Tumingin si Callen rear view ng salamin. “Kailangan ko bang ipaalala sa ‘yo na nandoon ako nang sabihin mo ‘yan sa mga bodyguards mo?”

Saglit na natigilan ang dalaga at pilit na inalala. Nang mahanap sa isipan niya ay kinibutan na lang niya ito ng labi. Pero nainis siya bigla dahil sumilay ang magandang ngiti sa labi nito. Tinuon na lang niya ang atensyon sa labas.

At sa loob ng ilang minutong biyahe, nagmukhang driver si Callen ni Asia. Pero balewala sa binata, ang mahalaga, napagsilbihan niya ang dalaga hanggang sa pagbaba nito. Siniguro niyang mabilis ang kilos niya para pagbuksan ito ng pintuan.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Che Che
ang tyaga ni Callen Sayo Asia
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   End (with teaser)

    KAKAPIKIT lang ni Asia nang maramdaman ang kamay sa kanyang tiyan. Saglit na humaplos si Callen doon at kinausap ang ipinagbubuntis niya, pagkuwa’y umakyat papunta sa dibdib niya. Nagmulat siya para tingnan ang asawa na noo’y alanganin ang ngiti sa kanya.“Hindi makatulog?” aniya sa asawa.Nahihiyang tumango ang asawang si Callen.“Bakit?” nagtatakang tanong niya rito.“I can’t sleep, corazon.” “Yeah. Sabi mo nga.” Nakataas ang kilay niya. May idea na siya kung bakit nito sinabi iyon, base iyon sa mga haplos at pisil nito.“P-pwede ka ba?” Kasunod niyon an pagpisil nito sa kanyang dunggot na ikinakagat niya ng labi.“Seriously, corazoncito?”“Please?” Damn! Wala bang kapaguran ang asawa? Late na nga silang makalabas ng silid kaninang umaga. Naiintindihan niya dahil nasa honeymoon stage sila, pero hindi ba sobra na? Pero kasalanan niya ito, ilang taon ba naman niyang tinikis ito dahil sa pagpapaniwala sa mga nakikita at naririnig. Kaya naiintindihan niya ito kung gaano ito kasabik sa

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   Chapter 47: The Wedding

    BINILISAN ni Asia ang pagligo ng mga oras na iyon. Excited siya dahil ngayong araw na ang pinakahihintay niya— ang pag-iisang dibdib nila. This time, sa simbahan at sa harap ng Diyos at ng mga mahal niya, pati na sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.Saktong nagtatali siya ng roba niya nang marinig ang boses ng Mommy niya sa labas.“Ready ka na ba, anak?” “Yes, mom!”“Good! Naka-set up na sila sa guest room! Ikaw na lang ang hinihintay.”Sa guestroom nila siya aayusan. Dahil medyo makaluma ang Daddy niya, kailangang umuwi siya sa bahay nila. May bagong na-acquire naman si Callen at iyon nga ang tintirhan nila, still, ayaw pumayag ng Daddy niya doon siya matulog ng dalawang araw. Gusto raw siya nitong makasama rin bago talaga tuluyang siyang ipaubaya sa asawa. Sa pagkakataong ito, hahayaan na silang dalawa nito at hindi na makikialam. Maliban lang kapag kritikal na.“Alright, mom!”Mayamaya ay nawala na ito sa labas ng pintuan niya kaya nagmadali na siya sa pag-aayos ng roba. May

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   Chapter 46: Pregnant

    “OH, CALLEN…” ungol ni Asia nang tuluyang maramdaman ang kahabaan nito sa loob niya.Sa una, nahirapan itong mag-penetrate sa loob niya dahil siguro sa tagal na hindi siya nito naangkin.“Tell me if you’re not comfortable, corazon. Alright?”“Just proceed, corazoncito. I missed this— I mean, you. Corazoncito, no need to stop just to check in with me! Damn it!” pagalit niya.“Sorry. Nag-aalala lang ako— ouch!” daing nito nang tampalin niya ang pang-upo nito. Pero ngumiti din ito kapagkuwan. Siniil na lang siya nito nang halik at muling umulos sa ibabaw niya. Sabay silang napapaungol ng pangalan nila mayamaya dahil sa bilis nito. Para na rin silang hinahabol ng mga sandaling iyon. Dala na marahil ng matagal na walang contact sa isa’t-isa. Hindi man magawang sulitin ni Callen ang mga sandaling iyon dahil sa iniindang sugat, sobrang saya pa rin ang nararamdaman nito dahil sa magandang nangyari sa kanilang mag-asawa. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Callen ay mas lalong lumuwag ang di

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   Chapter 45: Mature content

    “IKAW na babaita ka! Marami kang utang sa amzin!” Ngiti lang ang sinagot ni Asia sa kaibigang si Laura.“Yes! Super dami. Bakit hindi naman alam ito, huh?” Si Andrea. Si Lexxie at Dixxie, nakikinig lang sa kanila. Biglang nag-video call si Laura, tapos naki-join din ang tatlo. Pero ang dalawang iyan ang maraming katanungan. “Pagbalik ko na lang nga.” Kumamot pa siya sa batok niya. “Ang haba kaya ng kwento ko. Hindi ito matatapos ng 30 minutes lang. Okay?”“Promise ‘yan, huh?” Si Andrea ulit.“Opo.”“Good.”Pailing-iling na lang siya matapos na ibaba na ang telepono. Alam naman niyang alam na ng mga ito, pero siyempre, gusto pa rin marinig mula sa kanya. Napaangat siya nang tingin nang matanaw si Callen. Mukhang papunta ito sa gawi niya. Nakaupo siya noon sa gilid ng infinity pool.“Umalis na sila,” anunsyo nito.Nagpaalam si Ian at Leone kanina sa kanya. May pupuntahan daw ang mga ito at si Callen daw ang bantay niya ngayon. Actually, marami namang bantay sa kanya. Puno ba naman ng

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   Chapter 44: Funny

    “BAKIT hindi mo dinala sa ospital si Callen? May saksak siya, a. Hindi mo ba nakita?”Nilingon siya ni Ian, may hawak ito sa kabilang kamay nito na phone. Napalabi siya nang mapagtantong naistorbo niya ito.“I did. Siya lang ang matigas ang ulo. Excited siyang kumustahin ka. So, sino ang sisisihin mo? Ako o ikaw?” May ngiti sa labi nito kaya alam niyang nang-aasar ito.“Ian,”“I’m serious. Malayo naman daw at kaya niya kaya. Pero nagpatawag na ako ng doktor. Are we good?”“Good.” Sabay talikod dito.“Concern ka pa rin sa kanya.” Nilingon ni Asia ang kaibigan. “Of course! I think nangyari ‘yon sa kanya dahil sa akin. May konsensya naman yata ako!”“Ow. ‘Yon lang ba?”“Ian!”“Alright! Wala na akong sinabi.” Nakaingos na tinalikuran niya ito.Late na pero wala pa rin si Leone kaya tinawagan niya ito. Hindi pa raw ito makakabalik dahil may inaasikaso pa ito. Pero may schedule na ng balik niya ayon rito kaya ihahabol nito ang mga gamit niya. Hindi na siya pwedeng magtagal dito dahil ayaw

  • Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)   Chapter 43: Uncomfortable

    Chapter 43KAPA ang tiyan nang magmulat si Asia. Gutom na ang nararamdaman niya malamang. Natigilan siya nang may mapagtanto.Where is she?Wala siya sa silid niya! Umalis sila kahapon nila Amara para puntahan ang kapatid nito! At nakita niya si… Biglang nawala ang gutom na nararamdaman niya nang maalala ang nangyari. Napalitan iyon nang takot kaya napasiksik siya sa kinaroroonan.Ilang minuto pa siyang ganoon bago muling kumalma. Napagtanto niyang wala na sa paligid si Francis at nasa malayo siya. Kaya nga nakatulog siya rito.Hirap na tumayo siya dahil sa posisyon niya.Lumapit siya sa pintuan para buksan iyon pero nakasara. Inilinga niya ang paningin. Nasa isang kainan pala siya. Pero bakit hindi pa rin nagbubukas? Ilang oras na ba siya rito?Napaatras si Asia nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ng liwanag. Napatakip pa siya ng mata dahil nasisilaw siya. Dinig niya ang sigaw ng matandang babae kaya nilapitan niya ito. Hindi naman niya maintindihan ang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status