Mag-log inAng pag-ibig na umpisa pa lang ay matinding sakit na ang dala. Paano kaya patatawarin ng isang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal ang asawang kailanman ay hindi siya pinahalagahan? Si Monica Ramirez ay nanatiling asawa sa Papel. Ang akala niyang perpektong kasal at pagsasama ay isa palang kasinungalingan. Wala siyang kaalam-alam na ang asawang kanyang pinagkakatiwalaan ay matagal na palang may sariling pamilyang binubuhay.
view moreIsang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.
Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.
“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,” malumanay na sabi ng babae sa kabilang linya. Batid ang matinding lungkot sa boses nito. At hindi niya maintindihan kung bakit humihingi ito ng pasensya sa kanya.
“Sige,” sagot ni Monica at mabilis na ibinaba ang tawag. Binuksan niya ang natanggap na mensahe. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng gulat at matinding pagkadismaya. Nanginginig ang mga kamay niya habang pilit na pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.
Ang kaninang hawak niyang babasaging baso ay nahulog sa sahig at nabasag. Ang mga bubog nito ay kumalat kung saan-saan at tumama ang iba sa kanyang paa. Kahit nasugatan na siya at tumutulo pa ang dugo ay parang wala siyang nararamdaman. Namamanhid din ang katawan niya. Naghalo-halo na kasi ang nararamdaman niya, galit, sakit, pagkadismaya at matinding kalungkutan.
Nagsend si Raya ng isang screenshot mula sa isang post sa social media. Pinapakita sa post na nirentahan ni Gabriel ang isang kilalang resort sa Batangas para lang sa birthday ng isang batang lalaki. Nandoon si Gabriel, nandoon si Ericka, ang babaeng anim na taon niyang minahal bago dumating si Monica. Nandoon din ang bata na sinasabing anak nila. Isang kumpletong pamilya na hindi niya maibigay sa asawa. At ang caption ay…“Cheers to another life of our son,” Tiningnan pa niya ang ibang larawan kung saan nakasakay sila sa isang yate, nanunuod ng fireworks at ang pinakamasakit na nakita niya ay ang ngiti ni Gabriel na kahit kailan ay hindi niya nakita kapag magkasama sila.
Ang mga larawan ay punong-puno ng kasiyahan at pagmamahal. Hindi alam ni Monica kung ano ang gagawin. Nablangko ang isip niya dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi siya makapaniwala na kayang magsinungaling ni Gabriel sa kanya. Ang screenshot, ang mga larawan ang dahilan kung bakit lahat ng natitira niyang pagtitiwala at pagmamahal sa asawa ay biglang nawala. Napalitan ito ng matinding pagkadismaya.
Tatlong taon. Tatlong taon ang sinayang niya sa puder ng kanyang asawa.
Sinubukan niyang tawagan si Gabriel.
“ A-answer your phone,” nauutal na bulong niya habang hawak ng mahigpit ang cellphone. Sa wakas ay nagring ito, humugot siya ng malalim na buntong-hininga dahil handa na sana siyang magtanong pero pinatayan naman siya nito ng tawag. Halos manlumo siya dahil sa pag-aabandona sa kanya ng sariling asawa.
Napatingin ulit siya sa kanyang cellphone ng bigla itong magvibrate. Isang mensahe ang nagpop-up sa inbox niya.
“Dont call me, I’m busy.”
Isang mensahe na ang ibig sabihin ay wala siyang pakialam sa kanyang asawa. Hindi maiwasang mapahawak ni Monica sa kanyang sintido dahil sa pagkirot nito, isabay pa ang pananakit ng kanyang dibdib dahil sa labis na emosyon.
“I hate you, Gabriel!” malakas na sigaw ni Monica. Napaupo siya sa sahig. Hinang-hina siya habang umiiyak.
Knock! Knock!
Napatingin si Monica sa pintuan, dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta doon. Binuksan niya ang pintuan. Agad na yumakap sa kanya si Raya.
“Walang-hiyang Gabriel ‘yan! Matapos mong hintayin, nagawa pang magloko!” sigaw ni Raya.
“Tahan na. Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaki na iyon,” malumanay na dugtong niya habang inaalo si Monica.
Maya-maya ay bumitaw si Monica at naupo sa sala.
“Ano man ang maging plano mo ay susuportahan kita, ate,” napangiti si Monica. Kahit paano ay may kakampi siya. Biglang pumasok sa isip niya ang kanyang ina na kakatapos palang operahan sa puso na hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin sa hospital. Hindi siya maaaring mastress kaya hanggat kayang itago ni Monica ang sakit ay gagawin niya.
“Kakausapin ko ang kapatid mo pagbalik niya rito,” walang-ganang sabi ni Monica.
“Sige, ate. Aalis na muna ako. Sinecure ko lang na wala kang gagawing masama sa sarili mo. Malulungkot ako. Please, pakatatag ka,” malungkot na sabi ni Raya at mabilis na lumabas ng bahay.
Nanatili si Monica sa bahay. Sa bahay kung saan nagsimula ang lahat. Kahit saang bahagi siya tumingin ay naaalala niya si Gabriel. Ang pagmamahalan nila na isa palang pagkakamali. Alam naman ng lahat kung gaano kagusto at kamahal ni Monica si Gabriel. Bata pa lang ay gusto na niya ito. Alam niya umpisa pa lang na pinakasalan lang naman siya ni Gabriel dahil sa isang kasunduan, upang lalong makilala ang pamilya at kompanya nila. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila akala ni Monica ay nakuha na niya ang pagmamahal ng asawa pero hindi pa pala. Sakit lang ang nakuha niya dahil sila nga ang magkasama, si Ericka naman ang hinahanap niya. Si Ericka ang totoong mahal niya. At si Monica? Isang panakip butas lang niya.
“It is time to end this,” bulong niya sa sarili. Hindi niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pag-iyak.
Sa isip ni Monica ay gusto na niyang layasan ang asawa pero ang puso niya, hindi ito magawang iwanan. Isang pakiramdam na para bang sinasaksak siya ng paulit-ulit. Masakit para sa kanya ang lahat pero kailangan niyang bumangon at labanan ang sakit dahil may pamilyang umaasa sa kanya.
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.