"What... why... I mean anong kailangan mo sa akin?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa lalaking madilim ang anyo habang mahigpit na hawak ang braso ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero parang bakal ang kamay nito.Formal na formal ang suot nito na tila papasok pa lang sa opisina pero salubong na salubong na agad ang mga kilay. Ang ipinagtataka ko lang bakit siya nandito at parang galit sa akin? Paano niya nalaman kung nasaan ako? Sinundan ba niya ako? Bakit?"Mr. Rivas, let me go.""Let us talk."Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. May dapat ba kaming pag-usapan? "Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na. May lakad pa ako, IMPORTANTE. Hindi po ako pwede today, sa ibang araw na lang," saad ko habang ipinagdidiinan ang salitang importante.Totoo namang importante ang lakad ko dahil kailangan kong maghanap ng trabaho. Isa pa pwede naman na niyang sabihin ngayon ang gusto niyang sabihin bakit kailangang sumama pa ako?Lalong dumilim ang mukha nito dahil sa si
Kumunot ang noo ko bago sinalubong ang mata niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."Rule number one, huwag aaminin. Magmamaang maangan na lang muna ako baka makalusot. Ganoon ang laging ginagawa ko kapag may kasalanan ako at nahuhuli ni mama, sana nga lang effective sa kaniya. Gumalaw ang gilid ng labi nito. Kulang na lang maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Malapit na ngang magtama ang mga ilong namin. Naamoy ko na rin ang hininga niya, in fairness ang bango, amoy mint ito. Hindi ba uso sa kanya ang salitang space? Bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin ng husto?Hindi naman ako bingi maririnig ko naman ang sasabihin niya kahit hindi siya dumikit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha.Humugot ako ng malalim na hininga bago siya itinulak palayo sa akin pero hindi man lang ito natinag bagkos hinawakan pa niya ang kamay ko na nakatuon sa dibd*b niya upang bigyang espasyo ang pagitan naming dalawa.Pinigilan kung hindi mahigit
"Antalia, can you go to Manang Rita first, I just need to talk with your nanny," nakangiting saad ni Alejandro bago ibinaba ang anak mula sa pagkakabuhat. Magalang na tumango lang ang anak nito sa kanya bago tumingin sa akin. "Don't change your mind, you already said yes," anito bago itinapat ang dalawang daliri sa mata niya at itinuro sa akin na parang sinasabing I am watching you bago ito tuluyang lumabas. I just made face with her pero bigla akong napaseryoso nang mapansin ko na nakatingin sa akin ang ama nito. "Can you please sit again, Ms. Sebastian? We will talk about your job," wika nito habang seryosong nakatingin sa akin. His one hand is gesturing me to sit on the chair in front of his table. Umupo naman ako bago ito umupo sa swivel chair nito. "Your job is simple. You just need to accompany my daughter when I am at work. She's already in grade 2, and you don't need to come with her to school, but you can come with Ferdinand every time he sends and fetches her. I actuall
"Is it true? Is it real? As in?" Iyan agad ang bungad sa akin ni Kelsy. Basta na lang ito pumasok sa kwarto ko ng walang kaabog-abog.I rolled my eyes because of her asking me as if I did something she can't believe."What?" tamad na tanong ko habang nakasandal sa hamba ng pinto ng bathroom ko.Kalalabas ko lang ng bathroom at kasalukuyan kong tinutuyo ng maliit na tuwalya ang buhok. Matapos namin mag-usap ni Sir Alejandro, yes sir. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin siya ng ganoon dahil magiging amo ko na siya. Ihinatid ako ni Ferdinand sa condo ni Kelvin. Kinuha ko lang ang bag na dala ko ng lumuwas ako ng Maynila at umuwi na agad ng San Isidro. Tenext ko na lang si Kelvin para magpaalam, sanay naman na ito na para akong kabute na susulpot bigla at biglang uuwi kaya hindi ko na siya hinintay pa.Nang makarating ako ng bahay ay ang unang bungad ni mama ay kumusta ang lakad ko. That's why I told her that I got a job and I need to move out in two days. Nagtungo agad ako
Linggo ng hapon ay nagdesisyon na akong lumuwas ng Maynila para bukas ng umaga ay sa condo na lang ako ni Kelvin susunduin ni Ferdinand gaya ng napag-usapan. Magco-commute na lang sana ako pero tinawagan ni mama si Kelvin para sunduin ako at dahil Linggo at wala itong pasok ay mabilis naman itong sumunod."Mag-iingat ka doon. Huwag magpapalipas ng gutom. Saka lakasan mo alarm mo nang magising ka kaagad, tulog mantika ka pa naman. Baka palagi kang late sa trabaho kapag nagkataon. Habaan mo ang pasensya mo sa trabaho, tandaan mo mahirap magtrabaho na may hindi ka kasundo," sunod-sunod na paalala ni mama habang hawak ang dalawa kong kamay."Ma, she's old enough," ani ni Kelvin habang nagsasakay ng mga gamit ko. "Alam ko, pero this is her first time na magtrabaho at malayo sa amin ng matagal. Saka alam mo naman edad lang tumatanda dito sa ate mo," sagot ni mama na ikina-ismid ko. Akala ko pa naman concern siya sa akin kaya puro siya paalala. Iyon pala batang paslit pa ang tingin sa akin
"Ano bang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko sa kanila nang magsimula nang umandar ang kotse. Pero tila walang balak sumagot sa akin dahil parehong tikm ang bibig ng mag-ama. Ano ito basta na lang nila ako isasama kung saan nila gusto? Hindi maari." Sir, care to explain?" baling ko kay Alejandro na abala sa pagmamaneho."This kid wants to see you. I just drive her because she keeps on bugging me," sagot nito pero nasa pagmamaneho pa rin ang atensyon.Inirapan ko siya mula sa rearview mirror, wala akong pakialam kahit makita pa niya ang ginawa ko. Hindi naman ako aware na sunod-sunuran siya sa anak niya."Anong kailangan mo sa akin? Masyado ka bang excited na makita ako?" nakangising tanong ko kay Antalia na abala sa paglalaro sa tablet na hawak nito."Don't flatter yourself too much. I was just bored so I used you as an excuse to go out," sagot nito pero sa nilalaro pa rin nakatutok ang mata."Sinungaling ka. Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong makita. Mula ng magkita tayo daig
Matapos kung mabayaran lahat ay lumapit sa akin ang mag-ama.Ibinalik ko kay Alejandro ang card niya ang at resibo ng mga pinamili nila. Kumunot ang noo nito nang tingnan ang resibo. “I gave you my card to pay for everything, including your groceries,” saad nito habang nakatingin sa cart na may lamang mga nakapaper bag na mga pinamili namin. “I have my own money. I bought grocery for my brother and you are not my sugardaddy to pay for it,” sagot ko. “Do you want me?” Namula ang mukha ko ng marealize kung ano ang ibig sabihin nito pero agad kong hinimig ang sarili ko. Mauubusan ako ng dugo kapag ito ang kausap ko. “No thanks, you are not my type,” maarteng saad ko bago nagsimulang itulak ang cart para iwasan ito. Akala ko ba masungit ito base na rin sa mga larawang nakikita ko sa internet. Bakit ngayon parang sobramg layo nito mula sa mga nababasa kong article sa kanya. May dual personality ba ito? Mabilis namang kinuha na naman ni Alejandro ang push cart na tulak ko at siya na
Monday hindi pa sumisikat ang araw pero gising na ako. ALas cinco y medya pa lang. Maaga akong gumising. Hindi dahil excited ako kundi dahil balak kong mag-almusal muna bago umalis. Mabuti na lang at nag-grocery ako kahapon kaya may mga pwede akong lutuin ngayon. Si Kelvin kasi hindi naman talaga sa hindi siya maalam magluto, tamad lang siya mag-grocery. Mabilis akong bumangon at naghilamos bago nagtungo sa kusina. Napangiti ako nang buksan ko ang ref. Hindi na puro tubig lang ang nakikita ko. Kumuha ako ng tatlong dalawang itlog at tocino. Nagsaig na rin ako bago nagsimulang mag-prito. Gumawa rin ako ng soup para naman hindi puro prito lang ang ulam sa agahan. After thirty minutes ay tapos na ako, naihanda ko na rin ang mesa, nakapagtimpla na rin ako ng dalawang kape para sa amin ng magaling kong kapatid. Nagtungo ako sa sala para gisingin si Kelvin dahil nga nandito ako sa sofa bed ulit siya natulog pero wala na ito roon kaya nagtungo ako sa kwarto. Maaring nasa bathroom na ito