LOGINWARNING: [R18] STORY WITH EXPLICIT CONTENT Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
View More"ALIS na po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya saeskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sakaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi paman siya nakakalayo nang makarinig siya nang malalakas na yabag ng isang taongtumatakbo at alam niyang patungo iyon sa direksyon niya. Nang marinig niyangtinawag nito ang kaniyang pangalan ay agad na sumikdo ang kaba sa kaniyang dibdib.Noon wala sa loob na lumingon si Mia, kasabay ang isang nahihiyang ngiti na pumunitsa kaniyang mga labi."Erik" ang nahihiya niyang sabi nang umagapay sa paglalakad niya ang kaniyangkaklase."Pwede bang sumabay?" tanong nitong bahagya pang hiningal dahil sa ginawa nitongpagtakbo.Tumawa siya ng mahina saka tumango. "Oo naman, walang problema," aniyang hindina kumibo pagkatapos.Habang magkasabay silang naglalakad ay nanat
"NAY, may good newS ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita naabala sa pagdidilig ng mga tanimn nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyangkinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklasemo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.Nagsalubong ang magagandang kilay ni Mia. "Kaklase? Sino pong kaklase?" takaniyang tanong."Iyong batang gwapo? Anak ni Fidel at ni Aurora?" sagot ng kaniyang ina.Noon naunawaan ni Mia ng lubusan ang ibig sabihin ng kaniyang ina.At kasabay niyonay ang mabilis na paghangod ng isang nakakakilig na damdamin na hindi niyanagawang pigilan dahil sa magandang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi."Ah, si Erik po ba ang sinasabi ninyo?" kahit alam na niyang iyon ang tinutukoy ngkaniyang Nanay Rosita ay minabuti parin niyang sabihin iyon."0o," anitong ibinalik na ang hose saka siya sinabayan sa patungo sa teresa ng bahay."na
KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinała. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng wallking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outtit niya ay hindi na siya nagprotesta pa. "Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya. Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito. Natawa siya ng mahina. "Ano ka ba, isang kanto lang ang layo ng mga bahay natin, maglalakad nalang alko," aniya rito saka umakmang bababa na ng ko tse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "Eh, hindi ba naiwan mo sa bahay iyong bigas at itlog na ma alat na dala mo kanina? Puntahan nalang kita dito, tapos magdadala narin ako ng mainit na pandesal at liver spread. Sagot mo ang kape ah?" si Erik sa kaniya. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klase ng damdamin ang humaplos sa puso niya
SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyangpaupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rinito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng butteredcookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya naang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglangnakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa."Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapinako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rinnaman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyangsinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakita












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.