Share

Kabanata 56

last update Last Updated: 2025-08-25 17:15:48

Irina POV

MADALING ARAW ako umalis sa bahay ni Lola Vicky. Kagabi, sulit naman ang pag-uusap namin. Ang dami niyang sinabi na nagbago sa kaniya simula nang kumuha siya ng mga personal bodyguard. Sabi niya sa akin kagabi, safe na ang pakiramdam niya. Hindi na siya takot pang lapitan ng mga anak niyang may balak na masama sa kaniya. Para sa akin, nakakatuwang pakinggan na ganoon na ang pakiramdam niya ngayon. Kahit tuloy lalabas ako ng bansa bukas, wala na akong iisipin pang ikaka-stress ko.

Habang nakasakay ako tricycle, nakatanggap ako ng message kay Sir Ravi.

“Good morning, Irina! Puyat ka ba? Kung oo, sige, magpahinga ka muna, pero kung may sapat ka namang tulog, samahan mo ako mamayang hapon. Tulungan mo akong mag-impake. Okay lang?”

Napangisi ako. Kagabi sa mansiyon nila, ngayon sa condo naman. Ayaw ata niyang hindi na ako nakikita. Pero, hindi. Baka gusto lang talaga niyang magpatulong sa akin.

“Sure po, message mo lang ako kapag puwede ka na,” reply ko sa kaniya.

Sa bilihan ng p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 84

    Irina POV“Kumusta na nga pala ang Tita Shiela mong masungit sa iyo?” biglang tanong ni Lola Vicky. Nagising kaming dalawa ngayong alas tres ng madaling-araw. Nagutom si Lola Vicky, kaya ginawan ko siya ng mainit na hot choco at saka nilagyan ng biscuit ang isang platito.“Sa tagal kong nawala, hindi ko pa po pala nasasabi sa iyo ang tungkol sa kaniya,” sagot ko, habang nakatingin sa tasa ng hot choco na nasa tapat ko. Mayroon din kasi ako. Gusto ni Lola, kapag kakain siya o nagkakape, dapat mayroon din ako. Dapat may kasabay siya. Kaya kahit ayokong uminom ng hot choco, wala akong magagawa, kailangan ko siyang sabayan.“Bakit, anong nangyari sa kaniya? Mas lumala pa ba ang pagiging maldita?” kilalang-kilala na rin talaga ni lola si tita, palibhasa’t nung mga panahong stress ako sa kaniya, palagi ko itong kinukuwento kay lola. Kaya alam na alam na rin niya kung gaano ito kamaldita sa akin.“Sa ngayon ay kalmado na po ang bahay. Nagkaroon po kasi ng cancer sa atay si Tita Shiela. Tapos

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 83

    Irina POVPinagluto ko ng merienda si Jervie. Nakakahiya naman kasi kung pauuwiin ko lang siya ng ganoon lang. Gumawa ako ng carbonora, request din kasi niya. Pagkatapos, gumawa na rin ako ng hot choco, request din niya.“Ngayong nakilala mo na ako, Irina, nandidiri ka ba dahil dati akong pörnstar?” tanong niya, habang kumakain na kami ng carbonara.“Hindi naman, proud ako sa iyo, dahil ginawa mo iyon o pinasok mo ang ganoong trabaho para sa lola at pamilya mo. At masaya akong malaman na super success ka na ngayon. Anyway, alam ba nila Ravi ang tungkol sa pagiging XXX celebrity mo dati?” tanong ko naman, kaya biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.“Please, Irina, huwag mong sabihin sa kaniya. Walang nakakaalam nito, kundi si lola lang at ang parents ko. Never itong nalaman ng mga pinsan ko. Hindi ko pinaalam dahil nahihiya ako,” pakiusap niya habang seryosong nakatingin sa kaniya.“So, naamin mo na pala sa kanila?”“Naamin?”“Oo, nabasa ko nga sa diary mo, na aamin ka sa kanil

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 82

    Irina POVAlas-kuwatro pa lang ng hapon, pero nasa bahay na ako. Hindi ako sanay, kasi bihira akong makauwi nang ganito ka aga. Pero si Ravi mismo ang naghatid sa akin, siguro dahil ayaw na niyang pahabain pa ‘yung tampuhan namin. Hindi ko na rin inusisa, ang mahalaga, maaga akong nakauwi, at nagkaroon ako ng pagkakataong gawin ang plano ko.Habang papunta ako sa kuwarto para ayusin ang gamit ko, hindi ko maiwasang mag-isip. Kung ngayon ko kakausapin si Jervie, kailangan talagang sigurado akong walang makakakita o makakakilala sa kaniya. Lalo na’t alam kong may binayaran daw na lalaki si Lola Avi para mag-stalk sa akin. Hindi nila puwedeng malaman na pinapapunta ko si Jervie dito sa bahay.Kaya kinuha ko ang cellphone ko at agad nag-message kay Jervie.“Kung pwede ka ngayong hapon, pumunta ka dito sa bahay. Pero kailangan naka-disguise ka. Tubero ang style—overall, cap, mask, kahit tool bag para mas kapani-paniwala. May nagbabantay kasi sa akin, baka mahuli ka. Baka makilala ka”Hindi

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 81

    Irina POVPagbalik namin sa opisina ni Ravi, tahimik kaming dalawa mula pag-alis sa coffee shop.Umupo siya sa swivel chair niya, nakaharap sa laptop, at ako naman ay diretso sa desk ko sa gilid, kung saan nakalatag ang ilang folders, minutes of meeting, at updated calendar schedule niya.Dapat masanay na ako sa katahimikan. Tama, ganito naman kami dati, kaya sanay na talaga ako. Secretary naman talaga ako, hindi ba? Parte ng trabaho ko ang mag-check ng emails, gumawa ng reminders, i-update ang planner ni Ravi tungkol sa mga paparating na board meetings at conference calls. Pero ngayong may tampuhan kami, mas ramdam ko ‘yung bawat pag-click ng mouse ko, bawat pagtunog ng ballpen ko habang nagsusulat ng notes.Kanina pa rin siya hindi umiimik. Minsan lang siyang magsalita para magtanong ng tungkol sa isang schedule, pero pagkatapos noon, balik na naman siya sa tahimik.Ako naman, nagsisimula nang mainis sa sarili ko. Hindi ko rin kasi masabi sa kaniya ang tungkol sa diary na iyon. Huwa

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 80

    Irina POVNo choice talaga ako nung araw na ‘yon. Kahit anong pilit kong sabihin kay Ravi na kaya ko naman mag-isa, hindi siya pumayag. Sabi niya, hindi ako puwedeng umalis nang hindi siya kasama. Kaya heto ako ngayon, kasama siya, habang naglalakad papasok sa isang coffee shop na pagmi-meet-up-an namin ni Jervie.Ang totoo, medyo kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung paano magre-react si Jervie kapag makita niyang kasama ko ang pinsan niya. Pero wala na akong nagawa. Ayaw niya akong pakawalan, tapos gusto ko nang makausap si Jervie.Pagbukas pa lang ng pinto, nakita ko agad si Jervie sa isang table sa sulok. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt, may hawak na cellphone na parang may tina-type. Nang mag-angat siya ng tingin at makita kaming papalapit, bigla siyang napatigil. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.“Ah, Irina…” bumaling siya kay Ravi, saka bumalik ng tingin sa akin. “Bakit… bakit kasama siya?”Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Kaya natural na lang akong nag-kibi

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 79

    Irina POVNasa oras ng trabaho ako ng mga oras na iyon, nasa loob ako ng opisina ni Ravi, nakaupo sa tabi ng desk niya habang tinitignan ang monitor at inaasikaso ang schedule ng mga meetings niya para sa araw na iyon. Katatapos lang ng isa niyang conference call kaya abala pa ako sa pag-aayos ng minutes at reminders para sa susunod. Kahit na sanay na ako sa dami ng inaasikaso, minsan napapailing pa rin ako kung gaano kasiksik ang kalendaryo nitong boss ko.Tahimik ang buong opisina, ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliri ko na mabilis na pumipindot sa keyboard, habang si Ravi naman ay seryosong nagbabasa ng report na galing sa finance team. Ganito lang naman palagi ang routine naming dalawa dito. Nabago lang talaga ngayon, kasi gusto niya, may table na rin ako rito sa office niya, talagang magkasama na kami dito, hindi na sa kabilang office pa.Nabasag ang katahimikan nang mag-ring ang phone ko. Agad na tumingin si Ravi sa akin habang nakakunot ang noo.“Sino ‘yon?” ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status