Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)

Marrying the Crippled Billionaire (Barcelona Bastards 4)

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  Georgina LeeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaki si Vesper Galvez sa paniniwalang siya ang dahilan kung bakit matagal na nawalay sa kanilang pamilya ang nakababatang kapatid. Kaya nang sa wakas ay makabalik ito, nangako ang kanilang mga magulang na ibibigay rito ang lahat ng gusto nito bilang kabayaran sa mga taong hindi nila pinagsamahan. But Vesper never expected her sister to want the one person she thought would never betray her—her boyfriend. Hindi lang nito inagaw ang lalaking mahal niya. It also became the reason why Vesper ended up marrying a crippled billionaire, Hakim Atticus Barcelona. She expected a miserable marriage with a husband she barely knew. But instead, she found herself married to a man who was willing to give her everything she had always been deprived of, even the love and affection her own family had never given her. But can Vesper learn to love Hakim when her heart still belongs to another man? And what will happen when she discovers that her seemingly kind and understanding husband is hiding a secret of his own?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

"Anong ibig sabihin nito, Vienna?" Nanginginig ang boses na tanong ni Vesper.

Hawak niya ang ilang larawan kung saan kitang-kita si Vienna na lumabas ng hotel kasama ang kanyang boyfriend na si Claude Valderama.

Pinukol siya ni Vienna ng isang tamad na titig bago sumagot. "What do you think, Ate? Are you that dumb to still ask me what that photos mean?" Sarkastiko nitong sagot.

Nangunot ang kanyang noo kasabay ng ilang beses niyang paglunok para maalis ang bikig sa kanyang lalamunan. Nasanay na siya na kinukuha ni Vienna ang lahat mula sa kanya, from her personal room, her jewelries, her clothes, and even the company.

Subalit hindi niya lubos aakalain na pati ang lalaking mahal niya, aagawin din nito mula sa kanya.

"Vienna naman! Claude is my boyfriend! Paano mo nagawa sa'kin to?" Puno ng pagpipigil niyang bigkas.

Bumangon si Vienna mula sa pagkakahiga sa kama nito at taas noong humarap sa kanya. "Why don't you ask Claude kung bakit nagawa niyang magtaksil sa'yo?"

"I am talking about you, Vienna! I am your sister! Of all people that would betray me, ikaw pa talaga!"

Mas matatanggap pa niya na nagtaksil si Claude sa kanya kasama ang ibang babae. But her sister?

This is beyond absurd!

Huminga ito ng malalim bago umangat ang sulok ng labi nito. "Look Ate Vesper, Claude is a man with needs. And you can't give it to him. Do you really expect him to wait until you're ready to give him that damn vírginity you are so proud of?"

"Kaya ibinigay mo sa kanya ang sarili mo? Dahil may pangangailangan siya?" Hindi makapaniwala niyang bigkas.

Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Vienna. "Yes. You're boring. You can't make him happy like I do."

"Napakasama mo!" Puno ng gigil niyang asik.

Pitong taon na ang nakalilipas mula ng bumalik sa buhay nila si Vienna matapos itong mawala dahil sa kidnapping. At sa loob ng ilang taon na iyon, nagtiis siya sa mga pinaggagawa nito sa kanya.

Subalit ngayon...

Subalit ngayon parang hindi na niya kaya pa...

"Yes I am. What are you going to do about it? Sasaktan mo ako? Go on! Hurt me, Ate. Ipakita mo sa akin kung gaano ka kagalit," nakangisi nitong bigkas at magkailang ulit pa siyang dinuro-duro sa dibdib.

Mariin siyang napapikit. So much that she's mad at her, hindi siya ang tipo ng tao na nananakit ng kapwa.

"Oh, hindi mo kaya? Fine. Ako na ang gagawa," anito ng makita ang reaksyon niya.

At bago paman siya makahuma, malakas na sinampal ni Vienna ang sarili nito. Hindi pa nakuntento ang babae at kinalmot pa nito ang sariling leeg sabay sabunot dito.

"Ano bang ginagawa mo, Vienna?!" Natataranta niyang bigkas at sinubukan itong pigilan.

"What is going on here?!"

Dumagundong ang malakas na boses ng kanilang Daddy Victor sa buong silid ni Vienna. Pareho silang dalawa na natigilan at sabay na napalingon sa may pintuan kung saan nakatayo ang kanilang ama.

Sinipat sila nito ng tingin. At nang makita nito ang posisyon nila, mabilis na lumapit ang lalaki at agad na tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ni Vienna para sana pigilan ang nakababata niyang kapatid sa ginagawa nitong pananakit sa sarili.

Sunod namang pumasok ang kanilang Mommy Daisy saka agad na dinaluhan si Vienna na ngayon ay umiiyak na habang nakayakap sa kanilang ina.

"Bakit mo sinaktan ang kapatid mo, Vesper?!" Galit na tanong ni Victor.

Mariin na umiling si Vesper. "I didn't hurt her, Dad—"

"You didn't? Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang ginawa mo! Sinabunutan mo si Vienna! What the hell is wrong with you? You're already twenty seven years old and you're still picking a fight with your sister like a child!? Can't you just grow up!" Singhal nito.

"Hindi ko nga siya sinaktan?! Bakit ba ayaw mong maniwala sakin!" Sigaw niya pabalik.

Gulat na napatitig sa kanya ang kanyang ama. She's a calm person kaya maging siya ay hindi rin makapaniwala na napagtaasan niya ito ng boses sa unang pagkakataon.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

"You're raising your voice at me?" May diin na bigkas ng kanyang ama.

Mabilis namang kumawal sa pagkakayap si Vienna at agad na humarang sa pagitan nilang dalawa ng kanyang ama.

"Stop it, Dad! Walang kasalanan si Ate! It was me! Claude and I... Claude and I have fallen inlove kaya niya ako nasaktan," umiiyak nitong bigkas.

Naiyukom ni Vesper ang kanyang mga kamay kasabay ng pag-usbong ng galit sa kanyang dibdib. Vienna had been scheming against her ever since she came back pero ngayon niya napagtanto kung gaano ito kasinungaling.

"You hurt your sister just because of man?" Singit ng kanilang Mommy Daisy.

Hindi naman siya makapaniwala habang nakatitig sa ginang. "Just because of a man?" Pag-uulit pa niya. "That man is my boyfriend, Mom. Sinaktan ko man o hindi si Vienna, normal naman siguro na magalit ako lalo na't alam naman ni Vienna na may relasyon kami ni Claude—"

"Enough!" Singhal ni Daisy. "It's just a man, Vesper! Your sister had suffered for years away from us. Labis na hirap ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga dumukot sa kanya dahil naging pabaya kang kapatid! So if giving Claude to her is one of the ways para makabawi ka then you should do it. Stop being petty. Instead, give your sister the consideration she needs dahil hindi naman siya maghihirap kung hindi dahil sayo!"

Mariin siyang napapikit. Everytime she explains and get justice for herself from Vienna's schemes, palaging ipinamumukha sa kanya ng mga magulang niya na kasalanan niya kung bakit nadukot si Vienna noong mga bata pa sila at nawalay sa kanila sa loob ng matagal na panahon.

"I know it's my fault. Pero hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang kasalanan na iyon, Mom? Dad?" Humihikbi niyang tanong.

Isang malamig na titig ang ipinukol ng kanyang Mommy Daisy sa kanya. "For the rest of your life, Vesper nang sa ganun matuto kang maging responsable sa lahat ng bagay. Vienna has already suffered enough. Can't you at least let her have something that makes her happy?"

"Pero Mom—"

"Enough with the drama," putol ng kanyang ama sa sasabihin niya sana. "Since wala ka namang ginawang tama sa bahay na ito magmula ng makabalik ang kapatid mo or even before bago pa siya mawala, it's better for you to just marry nang sa ganun, maalis ka na sa bahay na ito."

"The Barcelonas had offered a marriage alliance with Vienna but since the groom to be is crippled at ayaw ng kapatid mo sa kanya, you'll take her place. The Barcelona family has already been informed. Your marriage to Hakim Atticus Barcelona will proceed…”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status