Mr. Ryder King POVPAG-UWI sa villa, napansin kong panay ang titig ni Gian sa akin. Hindi ako nagtatanong, naiisip ko kasing iniisip niya ang nabanggit sa kaniya ng papa niya nung lasing ito. About siguro sa secret ko, sure ako doon.“Tara kaya sa itaas. Billard tayo,” aya ni Gian.“Gawa pa ba iyon, okay pa?” tanong ko naman. Halos ilang taon ko na ring hindi nalalaro at napupuntahan iyon.“Oo, madalas kong linisin at gamitin. Pero bumili ako ng mga bagong bola, mga nabura na kasi ang number sa tagal ng panahon,” sagot niya, habang nauunang maglakad. Ramdam ko talaga na may something kay Gian. Ewan, pero feeling ko, may problema siya.Pagdating sa billiard area, napangiti ako kasi okay pa nga iyon. Siya ang nag-ayos ng bola. Siya rin ang nag-abot sa akin ng tako.“Lately, nakakaramdam ako ng lungkot,” pag-oopen niya bigla ng topic. Sabi na, e. Matagal ko na siyang kaibigan kaya kilala ko na rin siya.“Tungkol saan? Baka naman may maitulong ako?” Ngayon pa ba? Ngayong marami na akong p
Irina POVAyaw na ata akong papasukin pa sa work nitong si Ravi. Iba rin ang trip, aba, pabor naman sa akin at nakakapagpahinga ako. Inggit tuloy si Shirley, siya ay maagang gumagayak, habang ako, puwedeng humilata pa. Pero hindi ko ginawa, sakto rin kasi na pareho sila ni Haide na aalis. Si Shirley, papasok sa school, habang si Haide naman ay may bibiling gamot ni Tita Shiela at magpapatahi na rin ng pang-P.E uniform niya, dahil malapit na rin talaga ang pasukan nila sa school.Ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Pagluluto ng almusal, pagpapaikot ng mga malilibang na damit sa automatic washing machine at maglinis na rin ng buong bahay. Bago umalis si Shirley, napag-almusal naman na niya si Tita Shiela at pati na rin si mama. Sa ngayon, masama ang pakiramdam ni Tita Shiela, kaya nakahiga lang ito sa kama. Tahimik tuloy akong nakapaglinis at nakapag-ayos ng bahay, habang ang makulit kong bunso na si Shaider ay nakahiga sa sofa, at nakaharap sa pinapanuod niyang cartoon tuwing umaga
Mr. Ryder King POV“V, bumalik ka nga!” masayang salubong ni Gian, pagkakita palang sa akin sa garden ng villa namin dito sa probinsya. Nangako ako, kaya tinupad ko. Ngayong huwebes, nagpasya akong huwag munang pumasok sa trabaho at dito muna maglagi kahit isang araw lang.“Sabi ko naman sa iyo, babalik ako at pagbibigyan kita,” sagot ko, habang inaabot ang tag-iisang paper bag na may lamang bagong damit, sapatos at pantalon.“Ano naman ito?” tanong niya nang tanggapin ang mga paperbag.“Regalo ko sa iyo,” mabilis kong sagot, sabay lapag ng bag sa sofa. Naupo muna ako at nakakangawit din mag-drive papunta rito. Ilang oras din ang biyahe. “Penge ngang kape, inantok ako sa haba ng biyahe,” utos ko sa kaniya.“Ma, penge raw kape si V, nandito siya ulit!” sigaw ni Gian, habang binubutbot na ang mga laman ng paper bag.“Tamad mo, sa iyo ako humingi, inutos mo pa sa iba.”“Kita mong excited ‘yung tao sa regalo, e,” natatawa niyang sagot. Hindi nga halata, sobrang halata. Sinira pa ang paper
Irina POVNagpaalam ako kay Lola Vicky, na hindi ako makakapasok ngayong gabi. Dahil nga sa naging challenge ng mama ni Ravi. Mabuti at okay lang ulit sa kaniya, dahil na rin siguro sa mga personal bodyguard niya ngayon. Kaya kahit wala ako, okay na okay lang.Gabi na nang maihatid ako ni Ravi sa amin. Ang inaasahan ko lang sana ay tahimik na paligid, ‘yung tipong aayain akong mag-dinner nila Shirley at Haide, tapos yayakap bigla si Shaider. Pero pagpasok ko, halos malaglag ang bag ko sa nadatnan ko.Nandoon kasi sa sala at nakaupo ang tatlong magkakapatid na anak ni Lola Vicky, na sina Señorito Cesar, Senyorita Myrna, at Sir Edwin. Talagang dumayo pa ang mga ito sa bahay ko. Siguro, hindi nila ako nakita sa manisyon ng mama nila, kaya rito sa bahay sila pumunta.Kung nandito sila para takutin ako, hindi ako magdadalawang-isip na tawagan si Ravi para magsumbong.Sigurado akong tungkol pa rin sa mana sa ina nila ang pinuntan nila rito.“Magandang gabi po,” magalang kong bati, kahit na
Irina POVTahimik kaming nakaupo ni Ravi sa loob ng sasakyan, pero hindi ko mapigilang mapansin ang ngiti sa mga labi niya habang hawak ang manibela. Ramdam ko talaga ang saya niya. Para bang may liwanag sa mukha niya ngayong gabi, at alam kong may kinalaman ako roon. Napangiti na rin ako sa sarili ko, kasi pakiramdam ko sulit ang lahat ng pagod ko sa kusina kanina. Kahit na, nung una ay na-stress ako kasi hindi ko talaga alam ang dapat gawin, mabuti na lang at gumana ng mabuti ang utak ko kanina.“Grabe, Irina,” ani Ravi, na halos hindi nauubos ang sigla o saya sa boses niya. “Ang saya ng pamilya ko kanina. Nakita mo naman sila, ‘di ba? Panay papuri nila sa mga niluto mo. Sobrang bihira silang ganoon ka-vocal, pero kanina parang lahat sila sabay-sabay na natuwa. Ang galing mo! Salamat sa paglalaan mo ng oras at effort sa pamilya ko.”Hindi ko inaakalang darating ang araw na magiging ganito kami ka-close. Grabe talaga ang plot twist sa buhay-buhay ng mga tao. Pero, bet ko ang plot twi
Irina POVTinulungan ako ng mga kasambahay sa paglatag ng lahat ng putahe sa mahabang dining table. Nung handa na ang lahat, lalong kumabog ang dibdib ko habang nakatitig ako sa lamesa. Naka-ready na roon ang sardinas pasta na Italian inspired, tortang talong with tuna, sarsiadong kamatis with pusit, at menudong manok.Simple lang kung tutuusin, pero para sa akin, taos puso ko itong ginawa at niluto, pinag-effort-an ko ng malala, kaya sana ay magustuhan nila.“Wow,” narinig kong bulong ni Ravi nang umupo siya sa tabi ko. Ngiting-ngiti siya, bagay na tila pinaparamdam niyang chini-cheer ako, siguro ay dahil nararamdaman niyang kinakabahan ako.Isa-isang nagsidatingan ang pamilya niya. Nauna si Papa Vince, bitbit ang reading glasses niya. Kasunod si Mama Mira, naka-bestida at halatang fresh dahil bagong ligo. At siyempre, hindi nagpahuli si Lola Avi, na may suot na shawl at dala pa ang cellphone niya.“Ang bango naman dito,” sabi agad ni Lola Avi, sabay tingin sa akin. “Ikaw ba ang nagl