The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)

The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)

last updateÚltima atualização : 2026-01-05
Por:  HANIFAHEm andamento
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
5Capítulos
6visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

SYNOPSIS/ BLURB: “Are you still a virgin?” Iyan ang unang tanong na lumabas sa bibig niya nang unang beses kaming magtagpo. Caleb Valderama. Bastos, magaspang ang ugali’t bibig, at higit sa lahat, nasobrahan sa pagkababaero. Siya ang zilyonaryo na nakatakdang pakasalan ng kambal ko, at siya rin ang lalaking magiging mitsa ng kalbaryo ko. Sabi nila, ‘Opposites do attract.’ Pero bakit sa amin, hindi naging applicable iyon? Ako si Lana Monteclaro, kilala bilang ‘shadow twin’ ni Liana Monteclaro. Simple lang ang gusto ko sa buhay, ang makapag-aral ng kolehiyo sa Japan para makamit ko ang pagiging Manga artist. Ngunit para sa pangarap kong iyon, kinailangan kong pumayag sa hininging pabor ng kakambal ko: I pretended as my twin sister to be Caleb’s fiancé for two months.

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

LANA'S POV:

"Are you even listening, Lana? God, you’re so slow!"

Mariin akong napapikit dahil sa nipis ng boses ng kakambal ko. Kapag ganito na siya ay naiinis na siya. Pagdilat ko, nakita ko siyang abala sa pag-iimpake ng mga gamit na gusto niyang dalhin ko sa Cagayan.

Naturingan kaming identical twins, pero  hanggang doon lang talaga. Siya si Liana, ang masasabi kong ‘Golden Child’, maganda at paborito ng mga magulang namin kaya naging spoiled brat.  Samantalang ako, si Lana, ang anino niyang laging nakatago sa library. Walang ibang taong nakakaalam na may nag-e-exist na ako, maliban syempre sa pamilya namin.

"Liana, hindi p'wede ang gusto mong mangyari," mahinahon kong sabi. "Kasunduan ito ng mga magulang natin at ng pamilya Valderama. Isang zillionaire ang gusto mong lokohin, hindi isang simpleng lalaki lang."

"Exactly! No one knows you, Lana. Two months lang naman," iritable niyang sagot habang humaharap sa salamin. "Magpapanggap ka lang naman na ako habang nasa Boracay ako kasama ang boyfriend ko. Pagbalik nina Mom mula London, ako na uli ang haharap sa kanila."

"Paano kung mabuko tayo?"

Huminto siya upang tiingnan ako nang matalim. "Huwag mo ngang pairalin ang pagiging tanga mo! Hindi ka na lugi dito. Isang salita ko lang kay Dad, papayagan ka na niyang mag-Japan para doon na mag-college. You want to be a manga artist, right? Well, this is your only ticket out of this house. Take it or stay here forever as my maid?”

Napalunok ako. She knows that my dream is my only weakness, at ’yun ang ginamit niya sa akin para mapapayag sa gusto niya. "Fine. Just two months."

Dalawang buwan akong magpapanggap bilang siya, habang sinusulit niya ang buong summer kasama ang boyfriend niya. At sa dalawang buwang pagpapanggap na iyon, kailangan ko rin gampanan ang pagiging fiancé ng isang zilyonaryo. Sana lang talaga ay hindi kami mabuko, kasi kapag mangyari ’yun, ako na naman ang sisisihin sa kasalanang hindi naman ako ang gumawa.

Makalipas ang labindalawang oras, lulan na ako ng isang private chopper. Wala akong ginastos sa naging buong byahe ko mula Manila papunta rito sa probinsya ng Cagayan. Lahat nanggaling sa iniwang allowance nina Mommy't Daddy kay Liana.

Habang pinagmamasdan ko ang naglalakihang lupain ng Hacienda Valderama, ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Simula sa araw na ito, sandali kong kakalimutan ang pagiging Lana Monteclaro ko hanggang matapos ang napagkadunduang buwan. Ako na muna ngayon si Liana.

Pagbaba ko sa gitna ng malawak na damuhan, sinalubong ako ng nakakasilaw na sikat ng araw at alikabok. Bago ko pa maibaba ang maleta ko, isang itim na stallion (lalaking kabayo)  ang mabilis na humarurot patungo sa mismong harap ko. Bahagya pa akong napaatras nang akala ko ay babanggain ako ng kung sinumang nakasampa sa kabayo na iyon.

"So, you’re the fiancée..."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakasampa sa kabayo nang magsalita ito. Sa ilang saglit, nakaramdam ako ng kaunting pagkamangha sa kabuuan niya. Para siyang galing sa mga Greek myths dahil sa hubog ng mukha at pangangatawan niya. Matikas ang tindig niya, sun-kissed ang balat niya, at ang mga mata niya ay para bang kayang alamin ang bawat lihim ko sa pamamagitan lang ng pagtitig niya sa akin.

Siya na kaya si Caleb Valderama? Kasi kung oo, mali pala ang akala ni Liana sa kaniya. Ang nasa isip kasi ng isang ’yun ay isang probinsyano na ubod ng pangit at asim ang itsura ng mapapangasawa niya, kaya ganoon na lang ang pag-ayaw niya sa kasunduang ito. Sabi'y hindi niya kayang ipagpalit ang boyfriend niya sa ganoong klaseng lalaki lang.

"Hi... I’m Liana," pagpapanggap kong pakilala sa lalaki, sinusubukang kopyahin ang maarteng tono ng kakambal ko.

Hindi siya bumaba sa kabayo. Nanatili siyang nakatingin sa akin mula sa itaas, puno ng pagdududa ang mga mata. "You look different from your photos. Too... fragile."

"Maybe it's the filter," matapang kong sagot, gaya ng turo ni Liana.

Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi ng lalaki. Yumuko siya nang bahagya, sapat na para maamoy ko ang pinaghalong sandalwood at leather mula sa kanya.

"I have no time for small talk, Miss Monteclaro. I'm Caleb Valderama. My parents want this alliance, but I value quality in my properties," malamig niyang sabi.

"Properties?" Nanliit ang mga mata ko.

"Yes, properties. Before we head to the mansion, I have one question l need to ask." Tiningnan niya ako nang diretso, ni walang kapreno-preno ang pananalita niya. "Are you still a virgin?"

Literal na napaatras ako. Ang init ay mabilis na umakyat sa mukha ko. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng pwedeng itanong ng zilyonaryo na ito, iyon pa talaga?

"What... what did you just ask me?" gulantang kong tanong.

"Virgin ka pa ba?" ulit niya sa wikang Tagalog nang walang emosyon. "I don't like used goods. Lalo na't dadalhin mo ang pangalan ko. Answer me."

Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang pagiging mahiyain na tunay na ako. Lumapit ako sa gilid ng kabayo niya at tiningnan siya nang matalim. "Is that how you greet your future wife? If you're looking for a certificate of purity, maybe you should have married a nun, Mr. Valderama. Or maybe a robot."

Kumislap ang kuryosidad sa kanyang mga mata, pero agad ding napalitan ng dilim. "You have a sharp tongue, Miss Monteclaro. That's good. Mas masarap wasakin ang isang babaeng akala mo ay kung sinong matapang."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang alinlangan niyang pinihit ang kabayo at pinatakbo ito palayo sa kinatatayuan ko. Naiwan akong mag-isa at tulala sa gitna ng malawak na hacienda.

"Hey! My bags!" sigaw ko nang mapagtanto kong hindi man lang siya nag-atubiling dalhin ang mga kagamitan ko, kaso hindi na siya lumingon.

Hinigpitan ko na lang ang hawak sa maleta ko. Nakakainis. Kung akala ng isang ’yun na mababasag niya ako katulad ng sinabi niya, pwes nagkakamali siya! Atsaka ano bang pangwawasak ang sinasabi niya?

Grabe. Unang interaksyon pa lang namin, hindi na maganda ang tingin ko sa kaniya. Pinuri-puri ko pa naman siya kanina sa utak ko. Pwe! Mas masahol pa pala siya sa inakala sa kaniya ni Liana.

“Kalma, Lana. Dalawang buwan mo lang naman titiisin ang isang ’yun. Alalahanin mo ang magiging kapalit nito. Kaya mo ’to!” alo ko sa sarili bago tinahak ang daan papunta sa mansion.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
5 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status