The Man I was Never Meant to Love

The Man I was Never Meant to Love

last updateLast Updated : 2025-11-28
By:  mnwritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaki si Kiara sa mundong puno ng bawal, bawal magkamali, bawal lumaban, bawal magmahal nang sarili niyang paraan. Kaya nang ipilit ng mga magulang niya ang arranged marriage niya kay Zoren, ang cold at dutiful heir, wala siyang nagawa kundi sundin ito, kahit na ramdam niyang hindi iyon ang buhay na gusto niya. Pero ang hindi nila alam ang tunay na panganib ay hindi ang lalaking papakasalan niya, kung hindi ang kapatid nito na si Noah, isang rebelde, wild, at mapusok. Lalaking parang unos na biglang pumasok sa tahimik niyang mundo. He is everything she should stay away from, a man who rides too fast, lives too freely, and kisses like sin. Pero siya lang ang nakakita sa Kiara na matagal nang nakakulong. Siya ang nagpakita ng kalayaan, saya, at pagmamahal na hindi kailanman inalok sa kaniya. Hanggang unti-unti, nahulog siya sa lalaking hinding-hindi dapat naging bahagi ng buhay niya. Pero may tinatagong lihim si Noah, isang katotohanang itinago ng pamilya nito para protektahan ang pangalan nila. A secret that proves he was never ment to be in Kiara's world... or in her heart. Kakayanin ba nilang lumaban sa ano mang unos na kanilang mararanasan? Kahit na alam nilang bawal, mali, at madaming tutol dito. He was the man she was never meant to love pero siya rin ang lalaking hindi niya kayang pakawalan.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

KIARA

Habang nakatingala sa kalangitan, doon ko napansin ang malalayang bituwin na nagniningning kasama ng buwan na nagbibigay liwanag sa gabing madilim. Kung iisipin, napakalaya nila, napakalaya silang makita ng lahat ng tao. Napakalaya silang gawin ang mga bagay na gusto nila–malayo sa kakayanan kong gawin ang bagay na gusto ko. 

Minsan naiingit na lang ako sa kalayaan na natatanggap nila, dahil may kalayaan din kaya ako? May kakayahan din ba akong gawin ang gusto kong gawin? Dahil sa pagkakataon na ito, para akong nakatali sa isang tanikala na ang tanging magagawa lamang ay ang sumunod sa utos na sasabihin nila sa akin. 

“Magpapakasal? Kanino naman po?” tanong ko sa kanila. 

“Sa anak nila Helena at Victor Alcantara na si Zoren.” Napapikit na lang ako nang marinig ang sinabi nilang iyon. Doon pa lang alam ko ng talo ako. Doon pa lang ay wala na akong kalayaan. 

“Mom, dad hindi ba sinabi ninyo ako na ang bahala sa buhay ko?” tanong ko sa kanila. 

“And we did,” sagot ni mom. “Ikaw ang namili ng gusto mong kurso, ikaw ang namili ng gusto mo maging. Hinayaan ka namin, pinalaya ka namin. Ngayon na ikaw naman ang magbabalik sa kagustuhan namin.”

“Hinayaan ka namin na gawin ang gusto mo kapalit ng magiging kagustuhan namin,” sambit ni dad. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Doon pa lang ay alam kong wala na. Wala na akong kalayaan pa na gustong makamtam. 

Pinalaya nila ako, pero muling tinali sa tanikala upang muling sundin ang utos nila at sa kagustuhan pa nilang ang hirap gawin. 

“Mom, dad hindi biro ang kasal. Hindi namin mahal ang isa’t isa kaya bakit kami magpapakasal?” tanong ko sa kanila. 

Napahawak na lang si Mom sa kaniyang ulo. “Kiara naiintindihan mo ba? Para ito sa iyo, mayaman ang pamilya ng Alcantara, matutulungan nila tayo sa business natin. Kaya bakit ba ang daming mong sinasabi. Pagmamahal? Sa panahon ngayon hindi ka mapapayaman ng pagmamahal.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Iyon ba talaga ang alam ni mom? Na hindi ka mapapayaman ng pagmamahal? Na hindi ka kayang buhayin ng pagmamahal? 

Dahil ba galing din sila mom sa isang arrange marriage kaya naiisip nila ang mga bagay na ito? 

“Tandaan mo, kami ang nagpaaral, nagpakain, at bumuhay sa ‘yo.” seryosong sabi ni dad. Doon pa lang talo na ako… sinumbat nila sa akin ang buhay na ni minsan ay hindi ko naman hiningi. Gusto na nilang kunin ang utang na loob na ni minsan ay hindi ko naman kinuha. 

Sabi-sabi ng iba na swerte ako sa pamilya ko, na swerte ako sa buhay ko. Pero ang totoo…hindi. Dahil ni minsan ay hindi ko naramdaman na swerte ako. Kung kaya ko lang humindi sa bagay na hinihingi nila ay ginawa ko na. Pero alam kong puno ng panghuhusga at panunumbat ang matatanggap ko. 

Kaya sa araw na nakilala ko na ang mapapangasawa ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nilang mangyari. 

“Hindi ninyo sinama ang isa ninyong anak?” tanong ni dad sa kanila. 

“Huwag mo ng hanapin Santi, pinilit na namin na sumama para sa kapatid niya pero mas pinili ang kaibigan at pangbababae.” reklamo ni tita Helena. 

Naiisip ko lang na buti pa yung isang anak nila ay may kakayahan na makalaya sa kagustuhan nila. Kailan ko kaya magagawa yung gano’ng bagay?

“By the way I bought a penthouse for Zoren and Kiara, pwede na nilang lipatan. I think it’s good idea para magkakilala sila ng lubos.” napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanila. Hindi ko alam na kailangan ng umabot sa ganito. 

“Titira po kami sa iisang bahay?” tanong ko. 

“Kiara.” malalim lang na sabi ni dad dahilan para mapalunok ako. 

“Hindi ba parang mabilis ang pangyayari? You let us na magkasama sa iisang bahay? Hindi pa kaming dalawa. Hindi rin namin kilala ang isa’t isa.” pagsasalita ni Zoren. 

“That’s the point son, kaya kayo titira sa iisang bahay ay para malaman ninyo na ang gusto ninyo sa isa’t isa. Iyon ang time na kikilalanin ninyo ang isa’t isa. Kagaya ng gusto mong mangyari,” wika ni tita Helena sa kaniya. 

“But I want to do it to someone I—”

“Love?” tanong ni tita Helena. 

“You can learn how to love.” 

They are the same, talaga bang matutunan ang magmahal? O kailangan mo lang pilitin ang sarili mo na mahalin ang isang tao dahil iyon ang convenient?

“You don’t get it mom, iba ang tunay na pagmamahal sa tinuro lang na pagmamahal. There’s no happiness with the love that is forced and not true,” mahinahon na sabi ni Zoren. Doon ay napatigil ang lahat dahil sa sinabi niyang iyon. 

Parang may bumabang anghel na siyang dahilan ng katahimikan. “That’s final son,” sambit lang ni tito Victor. “Maybe maayos naman ang naging pag-uusap natin. It’s time to leave marami pa akong aasikasuhin,” wika niya. Tahimik siyang tumayo sa kinauupuan niya at sinundan naman siya ni Tita Helena. 

“Zoren, ikaw na ang maghatid kay Kiara, pupunta muna kami ng office, salamat,” wika ni dad at iniwan kaming dalawa ni Zoren na nakaupo at tahimik lang. 

Matagal din kaming nagpapakiramdaman lang at inaalam kung ano ang susunod na gagawin. “Pwede naman akong mag-grab na lang,” pagbasag ko ng katahimikan. 

“No, baka mapano ka pa.” tumingin siya sa akin at hilaw na ngumiti. “Ako na ang maghahatid sa ‘yo.” 

Buong biyahe namin ay tahimik lang kami. Walang imikan, walang pansinan. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya at iniisip kung ano ang mangyayari matapos nito. 

Pagdating sa bahay namin, tahimik lang akong bumaba sa sasakyan niya. “Thank you,” iyon lang ang sinabi ko at pumasok na sa loob. 

“Wait,” napatigil ako dahil sa pagtawag niya sa akin. “Here look, I’m sorry about what happened earlier. Hindi ko alam na ganon, but hopefully magawan natin ng paraan, kasi I know we’re on the same boat. Ayaw ko rin sa kasalan na ito,” wika niya sa akin. 

Napangiti na lang ako sabay napatango-tango. 

“I’m going to visit the penthouse na sinasabi ni dad. Aayusin ko na yung gamit ko doon and probably better na madala mo na rin yung iyo doon. See you again,” tipid niyang sabi sabay pumasok sa sasakyan at umalis.

Tinignan ko lang siya na makaalis. Napabitaw na lang ako ng isang malalim na hinga. After what happened all night, talagang hindi ko na mapipigilan ang kagustuhan nila sa kasalan na kahit sino sa aming dalawa ay hindi kayang pigilan. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status