Share

KABANATA 14

Simula ng makausap ko si Zara ay naghanap ako ng paraan para makausap ito. Bumili na ako ng mumurahing cellphone na magagamit ko para matawagan siya. 

"Tumigil na ang lolo mo sa paghahanap sa iyo," ani ng nasa kabilang linya.

I'm talking to Zara on the phone and she's updating me on a news about my grandfather's movement.

"We are still not sure kung tumigil na ba talaga siya. Kahit tumigil pa siya ay wala na akong balak bumalik doon, all I need is to take my inheritance then I'll be off the country," sabi ko.

"Are you really sure with your decision? You know, si lolo mo na lang natitira mong pamilya. Paano kung hindi niya ibigay ang mana niya sa iyo?"

"I'm sure of this, Zara. Besides what family? Kahit kailan naman ay hindi ako itinuring ni lolo na pamilya niya. He hates my parents. He is the reason why my parents died so what's the reason to stay with him? And he has no rights to my inheritance, he may have the power but he can't defy the law."

"Then you know what's written in the last and will testament right?" tanong niya.

Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "No, that's what I'm frustrated about. Up until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang laman ng last and will testament ng parents ko. The family lawyer is still not showing up, kaya hindi ko alam kung kailan ko ba makukuha ang mana ko."

I'm sure, may kinalaman nanaman si lolo dito. Maybe may ginawa nanaman siya para lang harangan iyon at para hindi ko makuha ang mana ko.

"You grandfather might know it or he has something to do with the will."

"That's what I'm thinking about," sang-ayon ko.

"Then--"

"Who are you talking with?"

Mabilis na pinatay ko ang tawag at tarantang humarap sa taong nagsalita.

Kinabahan ako ng makitang si Zander iyon at kunot ang noong nakatingin sa akin.

Did he hear our conversation?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama sa aking silid at hinarap siya. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakahalukupkip.

"Wala," sagot ko habang pilit na tinatago ang kaba.

Bumaba ang tingin niya sa cellphone ko kaya napahigpit ang kapit ko doon at tinago sa aking likod.

"I just heard you talking to someone so paanong wala? Are you crazy talking to yourself?"

Napasimangot ako. 

"Ano naman sa'yo kung may kausap ako sa cellphone? Bakit masama bang tawagan ang kaibigan ko?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Then why are you acting so weird?"

"Anong weird pinagsasabi mo diyan?"

Umalis siya sa pagkakasandal sa pintuan at lumapit sa akin. Taranta naman akong lumayo ngunit nasa dulo na ako ng kama kaya wala na akong maaatrasan pa.

Bahagya akong mapatingala ng tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Bakit ba? Lumayo ka nga," reklamo ko habang pilit na nilalayo ang sarili.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa tuwing lumalapit siya sa akin.

"Why? Is my presence bothering you?" he asked.

My forehead creased. "Syempre sinong hindi mapapakali kung bigla ng lang lalapit ng halos unti na lang iyong distansya. Pwede naman tayong mag-usap ng malayo."

Napapikit ako ng ilahad niya ang kanyang kamay at sinandal sa pader na nasa likod ko kaya parang kino-corner na niya ako.

"Are you hiding something?"

Napamulat ako at nagtama ang aming tingin. I looked straight to his eyes.

"At ano namang itatago ko?" tanong ko. Tinatapat ang kanyang tingin at hindi sa kanya nagpatalo sa kabila ng distansya namin. 

Ganun din naman siya kaya nanatili ang lapit namin sa isa't isa.

"There's something on you that feels weird."

"Ano namang weird sa akin?"

Naningkit ang kanyang mata. Walang salita and namutawi sa kanyang bibig at mukhang nasa malalim na iniisip kaya muli akong nagsalita.

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong problema mo sa akin. Bakit ba bigla-bigla ka na lang kasing pumapasok sa kuwarto ko? At isa pa, wala ka rin namang pakialam kung may tinatago ako kasi every person has a secret naman di ba? So?"

Ilang segundo kaming muling nagtitigan bago siya tuluyang lumayo sa akin.

Namulsa siya at pumormal ng tayo. "Oras ng trabaho, huwag kang tatamad-tamad," sabi niya sabay alis ng kuwarto ko.

Napatanga na lang ako sa kanya. Nagngingitngit ako sa inis na hinampas ang unan. 

Sinong tamad? Hindi nga niya ako nakitang nagtratrabaho, halos lahat na ata ng gawain ginawa ko na tapos naabutan lang akong nakaupo tamad na? Ano, hindi pwedeng magpahinga?

"Psh." Tumayo na ako at saka lumabas na ng kuwarto baka mamaya masabihan nanaman ako ng kung ano.

Pagkalabas ko ng mismong bahay ay naabutan ko ang magkakapatid sa bakuran at mukhang walang mga trabaho ang mga loko.

Hindi ko alam kung bukod sa negosyo ng magulang nila ay may mga sarili pa silang negosyo. Hindi rin naman kasi ako nagkainteres na tanungin about sa kanila. 

Muli ay naabutan ko nanaman ang mga katulong na halos nakumpol-kumpol na malapit sa bintana at pasimpleng sumisilip sa magkakapatid habang naglilinis at dahil hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad patungong bintana at saka sila ginulat.

"Wahh!!" Natawa ako ng makita ang nanlalaki nilang mata at gulat na gulat na tumingin sa akin.

"Anong sinisilip niyo diyan? Halos mamuti na iyong mga nililinis niyo dahil sa paulit-ulit niyong punas diyan," natatawang sabi ko.

Mukhang hindi pa sila nakarecover at mas lalo pang napanganga ng malipat ang kanilang tingin na nasa aking likuran.

Hindi na ako nagbalak pang humarap dahil alam ko naman kung sino ang tinitignan nila.

"Hi girls!" bati ni kolokoy. Yeah, I have a lot of nicknames na kay, Matias. 

Halos mapairap na ako sa reaksyon nila Jenna. Hindi na nakabati ang mga ito pabalik at natulala na lang sa lalaki.

 Inakbayan niya ako na mabilis kong siniko kaya napahiwalay din siya sa akin.

"Ouch!" angil niya.

Inirapan ko siya. "Psh. Arte neto pwede ba umalis ka na lang? Kita mong nagtratrabaho kami dito."

"Kahit kailan talaga napakasungit mo, matapos kitang ilibre ng chicken wings."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya at nagsalita. "Aba anong ilibre? Dapat lang ano, binili sa akin iyon ni Zander tapos kakainin mo lang lahat? Bayad mo sa akin iyon."

"Bigay naman ni kuya iyon."

"Na binigay sa akin. Sa akin na at wala ng iba," sabi ko sabay baling kila Jenna na nakatanga sa amin at palipat-lipat lamang ang tingin.

Doon ko lang napagtanto ang pinagusapan namin. Napasapo ako sa aking noo. Mukhang magiging laman ako ng tsismis neto.

Pasimple ko na pang na sinipa si Matias. "Umalis ka na," bulong ko.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

Pinandilatan ko siya at muling sinipa. Napasimangot naman siya at bubulong-bulong na umalis.

Parang bata talaga.

Alanganin akong humarap kila Jenna.

"Sana all nililibre, how to be you po ate Zea," react niya.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Hay naku! Wala iyon! Sige na at maglilinis na din ako," sabi ko sabay alis.

Naglakad ako patungo sa kabilang direksyon ng bahay para tumakas ngunit mukhang makakatakas nga ako sa tsismis pero hindi sa masungit na mayordoma.

As usual, she's always glaring at me. Akmang lalagpasan ko siya ng patigilin niya ako.

Bagot na humarap ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" masungit na tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at tinuro lamang ang kabilang bakuran.

"At anong gagawin mo diyan maglilinis?"

Tumango ako.

"Wala ka ng malilinis diyan dahil nilinis na nila Mia iyan," aniya.

"So anong lilinis ko?"

"Malinis na ang buong parte ng bahay pati bakuran ay malinis na ngunit hindi ang isa," bitin niya sabay tingin sa taas.

Napatingin din ako sa tinignan niya at napagtanto kung anong nais niya ipalinis sa akin.

"No way!" agad kong tanggi.

She smirked, an evil one. "Hindi mo kaya? Sinasabi ko na nga bang wala ka namang silbi dito."

Nagigting ang aking panga sa inis. Pinigil ko ang sariling magalit. 

"Kaya kong gawin lahat ng nais mong ipagawa pero inaasahan mo akong maglinis ng bubong? At saka bakit ako? Dati naman sila manong Ispe ang naglilinis diyan, minsan sila Jenna pa nga."

Dahil nga napapalibutan ng mga puno ang bahay ay kinakailangan din na linisin ang bubong dahil naiipon doon ang mga tuyong dahon at minsan ay mga tangkay pa nga na maaaring bumara sa daluyan ng tubig kapag tuwing umuulan.

"Wala sila manong Ispe ngayon at maraming ginagawa. Ilang linggo na ring hindi nalilinis ang bubong kaya kinakailangan ng linisin. Si Jenna ay may iba ring ginagawa at ngayon na wala kang ginagawa. Ikaw lang ang mauutusan ko dito, huwag mo sabihin hindi mo kaya? Bakit naduduwag ka?" bakas ang boses sa pangiinsulto niya na sumapul sa akin.

My ego kick in. I'm scared of heights pero hindi ko naman makakaya na insultuhin niya ako.

"Fine," sagot ko sabay nilagpasan na siya.

Hinanda ko na ang mga kakailanganin at umakyat na hagdan na nakadisensyo talaga upang makaakyat patungong bubong.

Abot ang aking kaba habang umaakyat sa itaas. Hindi ko na nga tinangkang tumingin sa baba sa takot na mahilo ako at mahulog.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makaapak sa bubong nakadapa lamang ako at hindi magawang tumayo.

Gamit ang walis ay dahan-dahan kong winalis ito hanggang makarating sa dulo kung saan maaari kong ihulog ang mga dahon at matitipon naman sa pinakababa.

Lumipas ang ilang minuto na paunti-unti kong natitipon ang kalat. Tagaktak na rin ang pawis ko sa kaba at init kahit makulimlim naman.

Nang makarating sa dulo ay kinailangan kong lumapit dahil hindi ko maabot ang butas. Nakatihaya na ako at bahagyang nakaupo at dahan-dahang lumapit sa butas. Winalis ko ang mga dahon.

Nang matapos ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako nagtagal pa at maingat na gumapang patungong hagdan. Hawak ang walis ay sinimulan ko na ang humakbang sa hagdan.

Gawa ito sa bakal at medyo nangangalawang na kaya nakakatakot tumapak lalo na kapag tatapak ay tumutunog.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng muli akong makarinig ng crack ng bakal ngunit kung kanina ay mahina ito ngayon ay kakaiba na parang masisira.

Isang malakas na tili ang aking pinakawalan ng masira ang tinutungtungan kong bakal na hagdan at tanging nakasabit na mga kamay ko ang nakakapit. Nabitawan ko na rin ang hawak kong walis.

Napakabilis ng kabog ng aking puso na parang lalabas ito sa aking dibdib. Nanginginig na rin ako sa takot na muling mahulog.

Ang totoo ay abot naman ng aking paa ang sumunod na baitang ngunit sa isiping muli akong mahuhulog ay hindi ko na magawang gumalaw.

"Zea!"

"Jusko po! Zea!"

"Hey, miss tiger! Nag-aala spider-- Ouch! Kuya naman!"

I can hear them pero hindi ko sila magawang lingunin.

"Help!" sigaw ko.

"Tumapak ka sa baitang!" rinig kong sabi ng kung sino.

"I can't--Oh my god! Please help me!" pagmamakaawa ko.

"You can reach the bar! Itapak mo ang paa mo doon!"

"No-No! I don't wanna move, baka masira! Ayaw kong mahulog please someone get me here p-please!" Pumiyok na ang aking boses. Dala ng sobrang takot ay napaluha na ako.

This is the reason why I don't want to go to a higher place. 

"Okay! Don't move Zea, calm down! Pupuntahan ka namin diyan."

Naramdaman kong umuga ang hagdan kaya muli akong napatili.

"No! Huwag kayong umakyat sa hagdan! It's shaking! Don't shake it! Don't move it, please! Please get me a chopper I don't want to move, I don't wanna die," I hysterically uttered.

"Okay hindi na namin gagalawin. We'll go to the room near you."

Napatingin ako sa kuwartong malapit sa akin na may bintana. Malapit nga lang ito sa akin na halos abot kamay ko lamang.

Naghintay ako at napapikit pilit na kinakalma ang sarili. Pagkaraan ng ilang segundo ay narinig kong bumukas na ang bintana. Napadilat ako at tumingin doon.

Doon ay nakita ko si Zander na nakaabang sa akin. Sa puntong iyon ay ang seryoso at madalas na malamig nitong tingin ay napalitan ng ibang emosyon. Hindi ko alam kung pag-aalala ba iyon o takot para sa akin.

"Z-zander," tawag ko na halos bulong na lamang.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Here, abutin mo ang kamay ko."

Takot na umiling ako. "I-I'm scared to move," pag-amin ko.

"Come on, you can do it. You have to do it."

Muli akong umiling. 

"Mahuhulog ako," biglang dumulas ang aking hawak dahilan para mataranta ako. 

"Oh my god! Oh no!" Napakapit ang aking paa sa hagdan na halos niyakap ko na hindi lamang ako malaglag. Muli nanamang rumagasa ang luha sa aking mata.

"I wanna go down Zander, please I don't want to be here," pagmamakaawa ko na.

Sa aking nanlalabong paningin ay muli niyang nilahad ang kanyang kamay. Dahil halos magkadikit lang ang hagdan at bintana ay nahawakan niya ako.

"Come on, hindi kita hahayaang mahulog," pangungumbinsi niya. Hinawakan niya pa ang aking kamay.

It makes me calm down a bit.

"Come on, kung hindi ka kikilos ay lalo kang hindi makakaalis diyan at mahulog pa," sabi niya na kinatakot ko lalo.

"Z-zander!"

"Don't worry Zea, I'll catch you okay? I won't let you fall," sabi niya.

Kahit nanlalabo ang paningin ay tinignan ko ang kanyang mata. Bakas ang kaseryosohan sa mata niya sa kanyang sinabi at siguradong maliligtas nga ako.

Huminga ako ng malalin at pumikit, pilit na kinalma ang sarili. 

Sa muli kong pagdilat ay muling nagtama ang aming tingin. Sa kanyang tingin na parang nagbibigay sa akin ng kasiguraduhan at lakas.

Tumango ako upang ipahiwatig na handa na ako.

"First gently put your feet on the bar stair."

Kahit nag-aalinlangan ay sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ito nagcrack kaya medyo hindi ako natakot.

Nang magawa ko ng makatayo at maalalayan ang sarili ay inalalayan niya ako sa aking kamay.

"Lumapit ka ng unti sa akin, kailangan kitang mahawakan sa katawan. You have to push yourself towards me so I can carry you."

Hindi ko naiwasang mapatingin sa baba kaya muling bumalik ang takot sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa hagdan.

"Look at me Zea," sabi niya ngunit umiling ako at pumikit.

"Don't be scared, honey. Come on, look at me," he said with so much gentleness.

Muli tuloy akong dumilat at tumingin nga sa kanya. 

"That's right, just look at my eyes."

Inalalayan na niya akong lumapit sa kanya samantalang para akong nahahalina sa kanya mga mata. Ni hindi ko namalayan na nabihat na niya ako at parehas kaming bumagsak sa sahig.

Napatulala ako ng ilang segundo at ng magsink in na nasa loob na ako ng silid ay muli nanamang bumigay ang aking damdamin.

I started to cry and hug him. Nakasubsob ako sa kanyang dibdib. Naramdaman ko na lang din ang mga brasong niyang pumalibot sa akin.

I just cry while being in his arm.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monet Balmes
update pls....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status