Share

Kabanata 45

NARRATOR

TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina.

"H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila.

"Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam.

"Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.

Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.

'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili.

"Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya.

"Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila.

"S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status