AIRISH "Dalian mong magbihis, Airish, sasayaw ka na," sabi ng katrabaho ko rito sa club. Nagbibihis na 'ko ng pang-sëxy na damit para sa gagawin kong sayaw mamaya. Nang makapagbihis, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng 'di kaaya-ayang damit. Wala akong choice, ito ang trabaho ko. Maya-maya nang ipatugtog na ang malamyang sayaw ay siyang paglabas namin ng dalawa ko pang kasamahan sa entablado, sumasayaw sa harap ng maraming tao. Hindi ko makita kung ano-anong mukha ang nasa club dahil sa ilaw na nakatutok sa 'min. Ganito ang trabaho ko tuwing gabi, sasayaw ng mabagal sa harap ng maraming tao habang nakadamit na halos kita rin ang dibdib ko at binti. May mga naghahagis ng pera sa entablado. Peso, dolyar at sandamakmak ang nilalagay nila sa stage. Habang sumasayaw, nakita ko ang dalawa kong kasamahan na nahuhubad na ng suot nila sa pang-itaas at tinakpan ang dibdib nila ng kanilang braso at kamay. Napapikit na lang ako habang patuloy na sumasayaw bago ako tumaliko
Dernière mise à jour : 2022-12-26 Read More